Untitled

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 3

ARALING PANLIPUNAN 9

AP9-Qrt4- Week3

Pangalan: ___________________Grade & Section: ______Guro: ________________

ARALIN 3: SEKTOR NG INDUSTRIYA

Most Essential Learning Competency: Nabibigyang-halaga ang mga gampanin ng sektor ng


industriya at mga patakarang pang- ekonomiyang nakatutulong dito (AP9MSP- IVe-11).

Inaasahan: Sa araling ito, ating tatalakayin ang sektor ng industriya. Ano nga ba ang papel ng
industriya upang makamtan natin ang maayos na pamumuhay?
Matapos ang aralin na ito inaasahan na ang mga mag-aaral ay:

1. Nasusuri ang bahaging ginagampanan ng sektor ng industriya tungo sa isang masiglang


ekonomiya;
2. Nailalarawan ang bawat sub-sektor ng industriya; at
3. Nabibigyang-halaga ang mga ginagampanan ng sektor ng industriya sa paglago ng ekonomiya.

Gawain 1. PRIMARYA – SEKONDARYA HALA!


Tingnan at pag-aralan ang bawat larawan. Iugnay ang larawan sa kanan at sa kaliwa.

Pamprosesong Tanong:
1. Mula sa mga larawan, ano ang iyong mabubuong hinuha?
2. Paano nabuo ang mga produktong papel, sardinas at furniture o muwebles? Ipaliwanag.
3. Anong sekondaryang sektor ng ekonomiya nakapaloob ang transpormasyon ng mga produkto?

Pagpapakilala sa Aralin:

ANG SEKTOR NG INDUSTRIYA


Ang Pilipinas ay itinuturing na isang maunlad na ekonomiya. Malaking hamon sa bansa ang
mga pagbabagong dulot ng kompetisyon sa industriya. Kaakibat ng mga hamong ito ang pagtugon
sa suliranin upang mas maging maunlad ang bansa. Ang sektor ng industriya ay itinuturing na isa
sa malaking potensyal sa paglago ng ekonomiya. Ang pangunahing layunin nito ay makapagproseso
ng hilaw na materyales upang makabuo ng isa pang produkto. Kadalasan ang hilaw na produktong
ito ay nagmumula sa sektor ng agrikultura na nagbibigay daan naman sa paglikha ng mga trabaho
sa mga tao.

https://www.slideshare.net/DProphetAyado/unit-4-49374706
Ipinakikita sa Talahanayan 1 na pangatlo lamang ang industriya sa nakakapagbigay ng lakas
paggawa sa mga mamamayan. Ito ay nangangahulugang kinakailangan pa ng ibayong pagtutok ang
sektor ng industriya upang mas maging malakas ang pakikipagkumpitensiya nito. Ang sektor ng
industriya ay lumilikha ng produkto at serbisyo. Sa paglikha ng mga ito, ito rin ay makapagbibigay
ng mataas na kita sa ekonomiya at makapagbibigay ng maayos na trabaho sa mga mamamayan. Ang
mataas na suplay ng produkto sa loob at labas ng bansa ay nakapagbibigay ng dolyar sa bansa.

Ang sektor ng industriya ay nahahati sa sumusunod na sekondaryang sektor:

Pagmimina
Ito ay tumutukoy sa pagpoproseso ng metal, di-metal, at enerhiyang mineral upang gawing
tapos na produkto. Ang mga halimbawa nito ay mga alahas na gawa sa ginto o maaaring kabahagi
ng isang yaring kalakal (turnilyo sa kotse). Ayon sa US Geological Survey, number one ang Pilipinas
na producer ng nickel na kadalasang ginagamit sa mga materyales sa paggawa ng bahay at sasakyan.

Pagmamanupaktura
Ito ay tumutukoy sa pagbabago o transpormasyon ng mga materyal sa pamamagitan ng mga
makina upang makabuo ng bagong produkto. Karaniwan sa mga halimbawa nito ay tumutugon sa
pang araw-araw na mga pangangailangan tulad ng pagkain, sapatos, kasuotan, inumin etc.
Ang mga gawain tulad ng pagpapatayo ng mga gusali, istruktura ay saklaw ng konstruksyon.
Kabilang din dito ang mga land improvements tulad ng tulay, kalsada, at mga pampublikong
serbisyo na bahagi naman ng tungkulin ng pamahalaan. Samantala, ang pagmimintina ng mga
imprastruktura upang maihatid ang nararapat na serbisyo sa bawat mamamayan ay bahagi rin ng
serbisyong ito.

Utilities
Ang mga utilities ng sektor ng industriya ay ang mga sumusunod:
1. Gas- Ito ay kadalasang ginagamit sa pagpapatakbo ng iba’t- ibang uri ng sasakyan. Malaki ang
epekto ng pagtaas at pagbaba nito sa ekonomiya ng isang bansa.
2. Kuryente- Ang pinakamahalagang uri ng utilities na tumutugon sa pang araw-araw na
pangangailangan ng tao. Sa Pilipinas, ang NAPOCOR (National Power Corporation) ang lumilikha at
nagsusuplay ng malaking bahagdan ng elektrisidad.
3. Tubig- Ito ay nagbibigay ng enerhiya sa mga tao upang makapagtrabaho ng maayos.

Pigura 1. GDP annual growth rates by sector, Philippines 2003-2015 (Source of data: PSA, 2018)

Makikita sa Pigura 1 na papataas ang GD ng bansa. Ito ay sumasalamin sa pagganda ng


ekonomiya. Sa pagtaas nito, mas higit na maraming Pilipino ang mabibigyan ng trabaho at mas
mararamdaman ang pagbuti ng ekonomiya.
Sa pangkalahatan, napakahalagang bahagi sa pagsulong ng ekonomiya ang sektor ng
industriya. Ang pagganda ng daloy ng industriya ay maaaring magbigay daan sa pagyakap sa
modernisasyon. Sa gayon, maaasahan na ang potensyal na pagbuti ng ekonomiya ay susi upang
guminhawa ang pamumuhay ng mga mamamayan.
Gawain 7: VENN DIAGRAM
Malalim ang ugnayan ng mga sektor ng agrikultura at industriya. Kinakailangan ang dalawa
upang higit na mapabuti ang katatagan bilang mga sandigan ng ekonomiya. Mula sa binasang
teksto, punan ang Venn Diagram ng mga hinihinging impormasyon.

Pamprosesong Tanong:
1. Ano ang bahaging ginagampanan ng industriya? agrikultura?
2. Paano nagiging mahalaga ang bawat isa sa pagtugon sa mga pangangailangan ng tao? bansa?
3.Sa mga gampanin ng bawat isa, paano ka makatutulong sa pag-unlad ng sektor ng industriya?

PAGNINILAY

Gawain 10: KNOWLEDGE POWER!


Basahin ang hinalaw na teksto. Suriin ang mga ideya at ang nakapaloob na paniniwala sa sumulat.
Gamitin ang mga pamprosesong tanong sa pagtalakay ng gawain.

Pamprosesong Tanong:

1. Ano ang nilalaman ng hinalaw na teksto?


2. Anong damdamin ang mararamdaman mula sa sumulat?
3. Ano ang naging kongklusyon ng sumulat? Bakit iyon ang naging pangwakas niya?

You might also like