Pagbasa

Download as ppt, pdf, or txt
Download as ppt, pdf, or txt
You are on page 1of 48

A.

Nailalahad at naipaliliwanag ang


kahulugan ng pagbasa
B.Naiisa-isa ang kahalagahan nito
C.Natutukoy ang iba’t ibang uri ng
pagbasa ayon sa layunin
Makrong Kasanayan sa Pagbasa
Kahulugan at Kahalagahan ng
Pagbasa
Ang pagbasa ay interpretasyon
ng mga nakalimbag na simbolo
ng kaisipan. Pagpapakahulugan ito
ng mga nakatitik na sagisag
ng mga kaisipan.
Ang pagbasa ay pagtanggap ng mga
mensahe sa pamamagitan
ng pagtugon ng damdamin at
kaisipan sa mga titik at simbolong
nakalimbag sa pahina.
Ang pagbabasa ay susi sa malawak
na karunungan natipon ng daigdig
sa mahabang panahon.
Ang pagbasa ay humuhubog
ng pag-iisip.
Sa mataas na lebel ay layuning
maitaas ang antas ng pag-iisip,
pagiging kritikal at mapanuri.
Ayon kina Curry at
Palmunen(2007) nababago ang
paraan ng pagbasa sa kolehiyo.
Hindi lamang nakatuon sa mga
detalye kundi paano nagiging
makatotohanan ang isang
impormasyon.
Ayon kay Arrogante, ang pagbabasa
ay nakapagpapalawak ng pananaw
at paniniwala sa buhay,
nakapagpapatatag sa tao na
harapin ang mga di-inaasahang
suliranin sa buhay.
Ang pagbasa ay nakapagpapataas
ng uri ng panlasa sa mga
babasahin.

Ayon kay Thorndike, ang


pagbasa ay hindi pagbibigay
tanong lamang sa mga salitang
binabasa kundi pangangatwiran at
pag-iisip.
Ayon kay Toze, ang pagbasa ay
nagbibigay ng impormasyon na
nagiging daan sa kabatiran at
karunungan. Ito’y isang aliwan,
kasiyahan, pakikipagsapalaran,
paglutas sa mga suliranin at
nakapagdudulot ng iba’t ibang
karanasan sa buhay.
Kahulugan ng pagbasa ayon sa
IRA(International Reading
Association)
Ang pagbasa-ay pagkuha
ng kahulugan mula sa mga
nakatalang titik o simbolo na
nangangailangan ng mga
sumusunod:
 Ang paglinang at pananatili
ng kawilihan sa pagbasa.
 Paggamit ng estratehiya upang
makuha ang kahulugan
ng teksto.
 Sapat na kaalaman o prior
knowledge at bokabularyo na
tutulong sa pag-unawa
ng teksto.
 Ang kakayahan sa matatas na
pagbasa.
 Istilong gagamitin upang
maunawaan ang mga salitang di
pamilyar.
 Kakayahang umunawa sa mga
nakatalang salita batay sa tunog
o pagbigkas nito.
Ayon kay Frank Smith(1997) ang
pagbabasa ay pagtatanong sa
nakatalang teksto at ang pag-
unawa sa teksto ay pagsagot sa
iyong mga tanong.
KAHALAGAHAN NG PAGBASA
 Nadadagdagan ang mga kaalaman
(stock knowledge) sa lahat ng larangan.
 Napayayaman ang kaisipan at
napalalawak ang talasalitaan.
 Nakararating sa pook na hindi pa
nararating o hindi na mararating at
maglalakbay sa panahon sa
pamamagitan ng pagbabasa.
 Maaring nahuhubog ang kaisipan at
paninindigan batay sa mga nababasang
akda.
 Nakapagbibigay ng mga mahahalagang
impormasyon na kakailanganin sa pag-
aaral, sa pamilya at sa pangglobal na
kaalaman gaya ng mga
dokyumentadong kaalaman.
 Ang pagbabasa ay maaaring
makatulong sa mabibigat na suliranin
at nakagagaan ng damdamin
 Dahil sa mga kaalaman, ideya, kaisipan
at pilosopiya sa nakuha o napulot sa
pagbabasa.
 Nagbibigay ng inspirasyon at nakikita
ang iba’t ibang antas ng buhay at anyo
ng daigdig.
MGA DAHILAN NG PAGBABASA
NG TAO:
may nagbabasa upang kumuha
ng dagdag kaalaman o
karunungan
may nagbabasa dahil gusto
niyang malaman ang nangyayari
sa paligid, ayaw niyang mapag-
iwanan ng takbo ng panahon.
may nagbabasa upang maaliw o
malibang , mabawasan ang
pagkainip at pagkabagot na
nararamdaman
Layunin sa Maunlad na Pagbasa
Mapabuti ang pag-unawa at bilis sa
pagbasa
Maihanda ang mga tiyak na
kagamitan sa masaklaw at
masidhing pagbasa
Makilala ang mga paksang pinag-
aaralan upang matamo ang
impormaasyon hinggil sa iba’t
ibang larangan tulad ng sining,
agham at mga bagay na
pangkatauhan o humanities.
Magamit ang pagbasa sa
pagpapabuti ng mga kasanayan sa
pakikinig, pagsasalita at pagsulat
Matamo ang pagsasarili sa pag-
aaral at magkaroon ng mabisang
pag-uugali sa pag-aaral sa tahanan,
paaralan at aklatan.
Mapadalisay ang mga kasanayan sa
kritikal na pag-iisip sa
pamamagitan ng pagtataya at
pagpapahalaga sa mga binabasa.
 Makamtan ang kasiyahan at katuwaan
na dulot ng pagbabasa.
 Magkaroon ng kalinawan ang pag-
iisip tungkol sa mga bagay na di-
malinaw sa kaalaman gaya ng
paniniwala o sa sakit at sa batas.
 Magkaroon ng katatagan at
kapayapaan sa buhay dahil sa
kaalaman sa iba’t ibang larangan.
 Magkaroon ng pagbabago o paniniwala
sa kaugalian at mga desisyon dahil sa
pagbabago ng panahon at makabagong
impormasyong nababasa.
 Magkaroon ng bukas na isipan at
tanggapin ang mga bagay na magaan sa
isipan t kalooban.
MGA URI NG PAGBASA
 Ang pagbasa ay mauuri ayon sa paraan
at layunin
A. Mga uri ng pagbasa ayon sa
pamamaraan
 Mabilisang pagbasa –
(skimming) ang pinakamabilis na
pagbasa na nakakaya ng isang tao.
Nagtuturo ito sa mambabasa upang
malaman ang pangkalahatang
pananaw na matatagpuan sa mga
aklat at iba pang nakalaimbag na
babasahin. Tinatawag din itong
pinaraanang pagbasa at pinakamabilis
na paraan ng pagbasa. (hal. Pagtingin
sa pamagat ng balita, pagsulyap sa
nilalaman na aklat o pagtingin sa mga
listahan ng mga pamagat ng aklat sa
silid-aklatan)
Ginagamit ang paraang ito sa
pamamagitan ng mga sumusunod:
Pagtingin at pagbasa nang
mabilisan sa kabuuang nilalaman
ng isang aklat
pagtingin at pagbasa
ng mahahalagang datos na
kailangan sa pananaliksik (key
word)
pagkuha sa pangkalahatang
impresyon sa nilalaman
Pahapyaw na Pagbasa -
(scanning) tumutukoy sa
paghahanap ng isang tiyak na
impormasyon sa isang pahina. Ito
ang uri ng pagbasa na hindi
hinahangad na makuha ang
kaisipan ng sumulat dahil sa
mahalaga rito’y makita ang
hinahanap sa madali at mabilis na
paraan.
Tulad ng paghahanap ng telepono
sa direktoryo, paghahanap ng
trabaho, mga paupahang
establisemento (buy & sell),
pagtingin sa resulta ng mga
eksamen , numerong nanalo sa
swipstiks, lotto, pangalan ng tao
atbp.
Pagsusuring Pagbasa –
(Analytical reading) nakasalalay sa
mga materyales ang gawaing
pagsusuri sa pagbasa. Ginagamit
dito ang matalino at malalim na
pag-iisip. Nahahasa rito ang
kahusayan ng mag-aaral sa
pamamagitan ng kanyang
mapanuring pag-iisip.
MGA HAKBANG:
1. Ang pamagat ng aklat na
binibigyang suring-basa, ang may
akda, ang naglathala, pook, taon at
bilang nang pahina ng aklat.
2. Ang mga mahahalagang kaisipan ng
aklat.
a. Ang uri ng aklat na binibigyan ng
suring-basa
b. mga mahahalagang bahagi ng aklat
c. mahalagang kaisipan sa aklat(1)
d. panatilihing ginagamit na
nakatutulong sa mambabasa
e. pagbibigay ng puna sa aklat na
kailangan maipaliwanag
f. Pagbibigay pansin sa nilalaman at
paraan ng pagkakasulat ng aklat(2)
g. salitang ginamit ay nasa panahon(3)
 matapat at tiyak
 ipaliwanag ang pagpapahalaga sa aklat
kung nararapat ang aklat
 ang kapasyahan ay kailangang ibatay
lamang sa sadyang pamantayan
Pamumunang Pagbasa (Critical
reading)
Dapat na matiyak ng mambabasa
na naunawaan ang buong
nilalaman ng akda. Sa pamumuna
hindi lamang ang nilalaman
ng akda ang binibigyan ng pansin.
 Kasama rito ang pagpuna mula sa
pamagat, simula, katawan (nilalaman)
at wakas ng akda. Binibigyan din ng
pansin o puna ang istruktura ng mga
pangungusap, ang mga ginamit na
salita o istilo sa pagsulat ng may-akda.
Tinitingnan din ang kalakasan at
kahinaan ng paksa at may-akda.
 Tahimik na Pagbasa (silent
reading) mata lamang ang
gumagalaw sa uri ng pagbasang ito,
walang puwang dito ang paggamit
ng bibig kaya walang tunog ng
salita ang nalilikha ng bumabasa
ng teksto.
 Pasalitang pagbasa (oral
reading) pagbasa ito sa teksto na
inaangkupan ng wastong pagbigkas
sa mga salita at sapat na lakas
ng tinig upang sapat na marinig at
maunawaan ng mga tagapakinig.
Masinsinang Pagbasa
– hindi ito “undertime pressure” na
pagbasa. Binibigyan dito ng guro
ang mga mag-aaral ng sapat na
panahon upang maisa-isang
basahin at mapagtuunan ng pansin
ang mga salitang bumubuo sa
teksto.
 Pagpapabasa sa mag-aaral sa
bahay ng isang teksto at sa
pamamagitan ng kanyang nabasa
ay ipalahad ang buod, aral at
pananaw sa kanyang binasang
aklat. Madadagdagan ang kanyang
kaalaman sa pamamagitan
ng ganitong pamamaraan.
Ayon sa layunin
Pagbasang nakapagtuturo –
nagbabasa ang isang tao dahil
mayroon siyang nais malaman o
marating. Kailangan natin ang
layuning ito upang maragdagan
ngbago ang ating dating
kaalaman.
Kasiya-siya ito dahil napapaunlad
nito ang bawat larangan na ating
tinatahak
Pagbasang paglilibang - ang
pagbabasa ay mainam gawing
libangan dahil nakapagpapataas
ng isip at diwa ng tao. Ito ang
pagkain ng ating isipan at may
kaligayahang naidudulot sa ating
buhay.
Mahalagang Kasanayan sa
Pagbasa
Pagkilala sa mga salita (word
perception)
 Kakayahang umunawa sa
iba’t ibang kahulugan ng salita,
pagpapantig, pagbabaybay at
pagbigkas.
Pag-unawa (comprehension)
Kakayahan sa pag-unawa mula sa
payak hanggang sa mas mabigat at
masalimuot na bahagi ng akda.
Pagpapahalagang Literari (literary
appreciation)
may kakayahang umunawa at
pagkagiliw sa pagpapahalaga ng
mga tradisyunal, makabago at
napapanahong isyu.
Pananaliksik at pandiksyunaryong
kasanayan (Research & dictionary
skills)
May kakayahan sa paghahanap o
pagsisisyasat sa mga bagay at
kaalamang di-makita o matagpuan
ANTAS NG PAGBASA (GRAY)
1.PERSEPSYON O PAGKILALA- Ito ang
kakayahang makilala ang mga
simbulong ginagamit o nakalimbag
gaya ng mga letra, salita, pangungusap
at bantas, o wikang ginamit.
2. KOMPEREHENSYON O PAG-
UNAWA- Ang mambabasa ay
nauunawaan ang mensahe na inihatid
ng simbulo na ginamit.
3. APLIKASYON O REAKSYON-
Nagkakaroon ng wastong pag-unawa,
paggamit at pagpapahalaga sa mga
mensahe na ibinibigay ng may-akda.
4. INTEGRASYON- Nagkakaroon ng
kakayahan na makilala ang mga dapat
at di-dapat at isama sa bago at dati
nang kaalaman. Napag-uugnay ng
tagabasa ang dating kaalaman at
karanasan sa bagong kaalaman.
ANTAS NG PAGBASA(Arogante)
1. BATAYANG ANTAS o panimulang
pagbasa (sino, ano, kailan at saan)
2. INSPEKSYUNAL NA ANTAS(anu-ano
ang bahagi,anong uri)
3. MAPANURI O ANALITIKAL NA ANTAS
4. SINTOPIKAL NA ANTAS
(makapaghambing, makapamuna,
makapagpahalaga)

You might also like