Maikling Kuwento

Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 39

MAIKLING

KUWENTO

Inihanda ni: Jaren Eumague


Maikling Kuwento – ay di
nangangahulugang lamang ng
kuwentong maikli. Ang maikling
kuwento ay isang kathang pampanitikan
na may sariling kaanyuan at
kakanyahan.
Pangunahing Layunin ng Maikling
Kuwento
- Lumibang sa pamamagitan ng isang
makapangyarihang paglalahad ng
isang maselang pangyayari sa
buhay ng bayani ng kuwento.
Dapat tandaan sa Maikling
Kuwento
a. Ang panimula’y dapat
makatawag ng pansin
b. Ang pamukaw-siglang
pangyayari’y dapat dumating
nang maaga.
c. Ang galaw ay dapat maging mabilis, ang
mga sunod-sunod na kasukdula’y dapat
magtaglay ng ibayo’t ibayong bisa; ang
balangkas ay dapat magpakilala ng isang
maingat na pagkakayari.
d. Ang wakas ay di dapat dumating agad
pagkatapos ng kakalasan ng buhol o
kalutasan ng suliranin.
Manunulat ng Maikling Kuwento
a. Si Edgar Allan Poe ang kauna-unahang
manunulat na nagpapakilala na ang maikling
kuwento ay isang tunay na sining. Sa
pagkakalagda niya ng mga alituntuning dapat
sundin ng sinumang naghahangad na sumulat
ng maikling kuwento siya’y tinaguriang “Ama ng
Maikling Kuwento” ng kanyang mga tagahanga.
b. Si Bret Hart ang unang nagpasok ng
“katutubong kulay” sa pagsulat ng maikling
kuwento
c. Si O. Henry ang unang gumamit ng di sukat
akalaing wakas.
d. Si Anton Chekoy ang naghawan ng landas para
sa isang paghihimagsik na dating Pamamaraan ng
pagsulat ng maikling kuwento na sinundan naman
nina Sherwood Anderson, Theodore Dreiser, atb.
Mga Uri ng Maikling Kuwento

1. Salaysay (Tale) – ito’y isang kaanyuan ng


maikling kuwento na walang isang
katangiang nangingibabaw. Masaklaw
datapwa’t hindi nagmamalabis; ang mga
bahagi ay timbang na timbang ang
pagsasalaysay ay maluwag; hindi nag-
aapura.
Halimbawa:
Rip Van Winkle ni Irving
(Waring wala pang ganyang uri
ng kuwento sa Panitikang
Pilipino)
2. Kuwento ng Madulang Pangyayari (Story
of Dramatic Incident) – Dito, ang pangyayari
ay totoong kapuna puna at makabuluhan, at
nagbubunga ng isang bigla at kakaibang
pagbabago sa kapalaran ng mga taong
nasangkot.
Halimbawa:
Mir-i-nisa ni Jose Garcia Villa
Bahay na Bato ni A.B. L Rosales
3. Kuwento ng Pakikipagsapalarang
Maromansa (Story of Romantic Adventure) -
Sa ganitong kuwento ang ating pagkawili ay
nasusubaybayan sa pamamagitan ng kawil-kawil
na mga pangyayaring nag-uulat ng
pakikipagsapalaran ng bayani ng kuwento.
Halimbawa:
Legend of the Three Beautiful Princesses ni
Irving
Sir De Maletroits Door ni Stevenson
4. Kuwento ng Pag-ibig (Love Story) -
Dito, ang pag-ibig ang nangingibabaw na
katangiang pumupukaw ng ating
pagkawili. Ang galaw ay mabilis, halos
walang tagpuan, halos walang
paglalarawan.
Halimbawa:
The Gift of the Magi ni O. Henry
Ako’y Mayroong Isang ni Deo A. Rosario
5. Kuwento ng Kababalaghan (Story of the
Supernatural) – Ang parang paniniwala natin sa
mga bagay na nasasalungat sa sinasabi ng bait at
ng karanasan ay siyang tinatawagan ng ganitong
uri ng kuwento.
Halimbawa:
Legend of the Moor’s Legacy ni Irving
The Haunted and the Haunters ni Bulwer-Lytton
Paniningil ng Alila ni Salvador Barros
6. Kuwento ng Katatakutan (Horror Story) –
Ang damdamin, sa halip ng kilos, ang siyang
gumaganyak ng pagkawili sa ganitong uri ng
kuwento. Dito’y lalong matutupad ang simulain
ng “kaisahan ng bisa.”
Halimbawa:
The Pit and the Pendulum at A Descent into the
Maelstrom ni Poe
Pusa sa Aking Hapag ni Jesus A. Arceo
7. Kuwento ng Katatawanan (Humorous
Story)
- Matanda at kilalang-kilala na ang uring ito ng
kuwento. Sa pagkakayari, ito’y lalong malapit
sa salaysay kaysa maikling kuwento. Ang
galaw ng Pangyayari sa gantong kuwento ay
mahinay at may mangilan-ngilang paglihis sa
balangkas.
Halimbawa:
My Double and How Undid Me ni E.E. Hale
8. Kuwento ng Katutubong Kulay (Story of Local
Color)
- Ang binibigyang diin ng mga sumusulat ng ganitong
uri ng kuwento ay ang tagpuan. Ang kapaligiran ng
isang pook ay ang siyang binibigyang-diin ng
sumusulat.
Halimbawa:
Dahuyu ng Kalikasan ni Cesar Francisco
Suyuan sa Tubigan ni Macario G. Pineda
9. Apologo (Apologue) – ito’y isang uri kuwento na
ang layunin ay higit sa lumibang lamang ito’y isang
pangangaral na ang kinakasangkapan ay ang kuwento.
Halimbawa:
The Man Without a Country ni E.E. Hale
Kabayanihang Ipinagbibili ni Fausto Galauran
Ang Beterano ni Lazaro Francisco
10. Kuwento ng Talino (Story of Ingenuity)
- Ang pang-akit ng ganitong kuwento ay wala
sa tauhan ni sa tagpuan kundi sa mahusay na
pagkakabuo ng balangkas.
Halimbawa:
Ang Kuwento ng Paniktik ni Edgar Allan Poe
The Murders In The Rue Morgue ni Hauthorne
The Gold-Bug ni Poe
The Lady or the Tiger? ni Stockson
Mapait na Katotohanan ni Purificacion Areta
11. Kuwento ng Pagkatao/Tauhan
(Character Sketch)
- Dito, binibigyang diin ay ang tauhan.
Halimbawa:
Cree Queery and Mysy Drolly ni Barrie
Si Ingkong Gaton at ang kanyang kalakian
ni Serafin Guinigundo
12. Kuwentong Sikolohiko (Psychological
Story)
- Ito marahil ang pinakamahirap sulatin sa
lahat ng uri ng maikling kuwento. Ang mga
tauhan inilalahad o inilalarawan sa atin sa
kanilang pagkilos at paggawa. Sa kuwentong
Sikolohiko ang mga tauhan ay inilalarawan sa
atin sa kanilang pag-iisip.
Halimbawa:
Markhein ni Stevenson
The Bottled Door ni Edith Wharton
May Landas ang mga Bituin ni Macario G.
Pineda
Dugo at Utak ni Cornelio S. Arceo
Kayarian ng Maikling Kuwento
• Maaaring magsalaysay ng tuloy-tuloy ang
maikling kuwento ng isang pangyayari hango sa
tunay na buhay.
• May isa o ilang tauhan lamang.
• Sumasaklaw ng Maikling Panahon.
• May isang kasukdulan.
• Nag-iiwan ng kakintalan o impresyon sa isip ng
mambabasa.
Tema ng Maikling Kuwento
• Ang tema ang pangkalahatang kaisipang nais
palutangin ng may akda sa isang maikling
kuwento at ang kaisipang ito ay binibigyan ng
layang makintal sa isipan ng mga mambabasa.
Maaaring maging tema ang mga sumusunod:
- Palagay sa mga naganap na Pangyayari sa
lipunan.
- Obserbasyon ng may-akda tungkol sa pag-uugali
ng tao
- Paniniwala sa isang katotohanan o
pilosopiyang tinatanggap ng tao sa
buong daigdig sa lahat ng panahon o
ang dahilan ng pagkakasulat ng may-
akda.
Mga Elemento ng Maikling Kuwento
1. Tauhan – ang nagbibigay buhay sa kuwento.
2. Tagpuan – lugar kung saan ginaganap ang
kuwento.
3. Panimula – Dito nakasalalay ang kawilihan ng
mga mambabasa. Dito rin kadalasang
pinapakilala ang iba sa mga tauhan ng
kuwento.
4. Suliranin – Problemang haharapin ng tauhan.
5. Saglit na kasiglahan – Naglalahad ng
panandaliang pagtatago ng mga tauhang
masasangkot sa suliranin.
6. Tunggalian – May apat na uri:
• Tao laban sa tao, tao laban sa sarili, tao laban sa
lipunan, tao laban sa kapaligiran o kalikasan.
7. Kasukdulan – Makakamtan ng pangunahing
tauhan ang katuparan o kasawian ng kanyang
ipinaglalaban.
8. Kakalasan – tulay sa wakas.
9. Wakas – ito ang resolusyon ang
kahihinatnan ng kuwento
10. Paksang Diwa – pinakakaluluwa ng
maikling kuwento.
11. Kaisipan – mensahe ng kuwento.
Banghay – pagkakasunod-sunod ng mga
pangyayari.
Mga Bahagi ng Maikling Kuwento
1. Simula – binubuo ng tauhan,
tagpuan at suliranin.
2. Gitna – binubuo ng saglit na
kasiglahan, tunggalian, at
kasukdulan.
3. Wakas – binubuo ng kakalasan at
katapusan.
Gayunpaman, may mga kuwento na hindi
laging winawakasan sa pamamagitan ng
dalawang huling nabanggit na mga sangkap
kung minsan, hinahayaan ng may akda na
mabitin ang wakas ng kuwento para hayaan
ang mambabasa na humatol o magpasya
kung ano sa palagay nito ang maaaring
kahinatnan ng kuwento.

You might also like