Download as PPTX, PDF, TXT or read online from Scribd
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 53
PANITIKAN
ANO ANG PANITIKAN?
Ang salitang Tagalog na “panitikan” ay galing sa unlaping PANG- at sa salitang ugat ng TITIK (letra) at dinaragdagan ng hulaping -an Ponciano Pineda Ang panitikan ay katipunan ng magaganda, mararangal, masisining at madamdaming kaisipang nagpapahayag ng mga karanasan at lunggati ng isang lahi. Maria Ramos Ang panitikan ay lakas na nagpapakilos sa alinmang uri ng lipunan Simplicio Bisa Ang panitikan ay salamin ng lahi Pineda Ang panitikan ay nasusulat na natala sa pinakamabuting kaisipan at damdamin Hon. Azarias Ang panitikan ay pagpapahayag ng mga damdamin ng tao hinggil sa mga bagay-bagay sa daigdig, sa pamumuhay, sa lipunan, at pamahalaan at sa ugnayan ng kaluluwa sa Bathalang Lumikha Paz N. Nicasio at Federico Sebastian Ang panitikan ay kabuuan ng mga karanasan ng isang bansa, mga kaugalian, paniniwala, pamahiin, kaisipan at pangarap ng isang lahi na ipinapahayag sa mga piling salita sa isang maganda at masining na paraan, nakasulat man o hindi. Teresita P. Capili Ang panitikan ay lakas na nag-uugnay sa damdamin ng mga tao upang maikita ang katwiran at katarungan Lydia Fer Gonzales Ang panitikan ay pagpapahayag na kinapapalooban ng katotohanan at pagpapahayag sa paraang nagpaparanas sa bumabasa ng kaisipan at damdamin ng manunulat at sa paraang abot-kaya ng mangangatha o manunulat Jose A. Arrogante (1983) Ang panitikan ay talaan ng buhay BAKIT DAPAT MAG-ARAL NG PANITIKAN? 1. Upang makilala natin ag ating sarili bilang mga Pilipino at matalos ang ating minanang yaman ng isip at angking talino ng ating mga pinanggalingang lahi 2. Tulad ng ibang lahi sa daigdig, dapat nating mabatid na tayo’y dakila at marangal sa tradisyong siya nating ginawang sandigan ng pagkakabuo ng ibang kulturang akarating sa ating bansa 3. Upang matanto natin ang ating mga kakulangan sa pagsulat ng panitikan at makapagsanay na ito’y matuwid at mabago 4. Upang makilala at magamit ang ating mga kakayahahan sa pagsulat at magsikap na ito’y malinang at mapaunlad 5. Higit sa lahat, bilang mga Pilipinong nagmamahal sa sariling kultura ay kailangang maipamalas ang pagmamalasakit sa ating sariling panitikan Mga Elementong Lumilikha sa Akdang Pampanitikan 1. Kapaligiran 2. Karanasan 3. Salik na Panlipunan at Pampanitiikan 4. Salik na Panrelihiyon 5. Edukasyon KALAGAYANG NAKAPANGYAYARI sa PANITIKAN 1.Klima 2.Hanapbuhay 3.Pook o tinitirhan 4.Lipunan at Politika 5.Edukasyon at Pananampalataya MGA URI NG PANITIKAN PASALINDILA ang anyo ng panitikang ang paglilipat ay naisasagaw sa pamamagitan ng dila o PASALINSULAT bibig. Naisatitik ang ating mga Alamat, mito, awiting sinaunang panitikan nang bayan, salawikain, matutuhan ng mga bugtong at palaisipan katutubo ang paraan ng pagsulat. PASALINTRONIKO Ang ating mga titik na nalilimbag ng mga simpleng makinilya ay napalitan ng mga sopistikadong kompyuter. Pangkalahata ng Uri ng Panitikan TULUYAN O PROSA Uri ng panitikang nasusulat nang papangungusap Wala itong sukat at wala ring tugma NOBELA Uri ng pangungusap na binubuo ng mga kawil na mga pangyayari Nahahati ito sa kabanata, sumasakop sa mahabang panahon ang daloy ng kuwento at maraming tauhang gumaganap Pangunahing layunin nito ang maghain ng mga katotohanan, may basihan o kaya’y kathang isip na maaaring maganap sa katotohanan Halimbawa: “Banaag at Sikat” ni Lope K. Santos MAIKLING KUWENTO Layunin nito na magsalaysay ng mahahalagang pangyayaring tungkol sa pangunahing tauhan Nag-iiwan ng isang kakikintalan Halimbawa: “Pagbabalik” ni Genoveva Matute Kuwentong Bayan Mga akdang nagpasalin-salin sa bibig ng mga mamamayan ANEKDOTA Mga likhang-isip lamang ng mga manunulat Layunin: Makapagbigay-aral sa mambabasa Maaring ito’y isangkuwento ng mga hayop o bata Ang Gamugamo at Ang munting Ilawan” Parabula Mga talihaga mula sa bibliya, mismong sa bibig ni Hesus nagmula Layunin nitong makapagbigay-aral sa mambabasa o nakikinig Halimbawa: “ Ang matandang mayaman at si Lazaro” Parabula ng Ang Alibughang Anak.docx (Lukas 15:11-32) Parabula ng Mabuting Samaritano (Lukas 10:27-37) Parabula ng Mayaman at si Lazaro (Lukas 16:19-31) ALAMAT Salaysaying hubad sa katotohanan. Tungkol sa pinagmulan ng bagay ang karaniwang paksa rito Alamat ng Ampalaya.docx PABULA
Mga salaysaying din itong
hubad sa katotohanan ngunit ang layuni’y gisingin ang isipan ng mga bata sa mga pangyayaring makahuhubog ng kanilang ugali at pagkilos. Natutungkol sa mga hayop ang kuwentong ito. Sanaysay Pagpapahayag ng kuru-kuro o opinion ng may akda tungkol sa isang suliranin o pangyayari. Ang pinakamahusay na halimbawa nito’y bahagi ng Editoryal ng isang pahayagan Talambuhay Ito’y tala ng kasaysayan ng buhay ng isang tao. Maaari ito’y pang-iba o pansarili BALITA Ito’y isang paglalahad ng mga pang-araw-araw na pangyayari sa lipunan, pamahalaan, mga industriya at agham, mga sakuna, at iba pang paksang nagaganap sa buong bansa o maging sa ibayong dagat Talumpati Ito’y pagpapahayag na binibigkas sa harap ng mga tagapakinig. Layunin nito ay humikayat, magbigay ng impormasyon, mangatwiran, magpaliwanag, at magbigay ng opinion o paniniwala Mga akdang Patula TULA Ang tula ay : Kaisipang naglalarawan ng kagandahan, ng kariktan na natitipon sa isang kaisipan upang maangkin ang karapatang matawag na tula – Julian Cruz Balmaceda “kagandahan, diwa, katas, at larawan at kabuuang tonong kariktang makikita sa silong ng alinmang langit” – Inigo Ed. Regalado “ ang pagtula’y panggagagad at ito’y lubhang kahawig ng sining ng pagguhit, paglilok, at pagtatanghal “ – Fernando Monleon mula kay Lord Macaulay Uri ng Akdang Patula 1. Tulang Pasalaysay – naglalarawan ng mahahalagang tagpo o pangyayari sa buhay a.Epiko – nagsasalaysay ng mga kabayanihang halos hindi mapaniwalaan pagkat nauukol sa kababalaghan halimbawa: Indarapatra at Sulayman b. Awit at Korido – mga paksang hango sa pagkamaginoo at pakikipagsapalaran, at ang mga tauhan ay mga hari at reyna, prinsesa at prinsipe. Awit- may sukat na (12) pantig at inaawit ng mabagal sa saliw ng gitara at bandurya Korido- may sukat na walong (8) pantig at binibigkas sa kumpas ng martsa. k. Elehiya – nagpapahayag ng damdamin o guni-guni tungkol sa kamatayan o kaya’y tula ng pananangis lalo na sa paggunita ng isang yumao d. Dalit – awit ng pumupuri sa Diyos at nagtataglay ng kaunting pilosopiya sa buhay e. Pastoral – ito’y may layuning maglarawan ng tunay na buhay sa bukid g. Oda- nagpapahayag ng isang papuri, panaghoy o iba pang masisiglang damdamin; walng tiyak na bilang ng pantig o tiyak na bilan ng taludtod sa isang saknong Tulang Dula o Pantanghalan a. Komedya- isang gawa na ang sangkap ay piling-pili at ang pangunahing tauhan ay may layong pukawin ang kawilihan ng manonood b. Melodrama- malungkot ngunit nagiging kasiya-siya ang katapusan para sa pangunahng tauhan sa dula c. Trahedya- angkop ang uring ito ng dula sa mga tunggaliang nagwawakas sa pagkasawi opagkawasak ng pangunahing tauhan d. Parsa- isnag uri ng dula na ang layunin ay magpasiya sa pamamagitan ng kawing-kawing na mga pangyayaring nakakatawa e. Saynete- paksa : karaniwang pag-uuglai ng tao o pook Tulang Patnigan – isang uri ng pagtatalong patula na ginagamitan ng pangangatwiran at matalas na pag-iisip 1.Karagatan - 2.Duplo 3.Balagtasan Karagatan – tulang ginagamit sa mga laro. Kadalasan itong ginaganap sa namatayan o may lamay at may matandang tutula ukol sa paksa ng laro. BANAL NA KASULATAN Holy Scriptures Griyego (biblion, biblos - aklat Mula sa Palestina at Gresya Naging batayan ng sangkakristyanuhan Lumang Tipan-39 Bagong Tipan- 27 KORAN Pinaka- bibliya ng mga Mohamedan Galing sa Arabia MAHABHARATA India Kasaysayan ng dating Indo at ng kanilang pananampalataya EL CID COMPEADOR Espanya Nagpapahayag ng katangiang panlahi ng mga kastila at ng kanilang mga alamat at kasaysayang pambansa noong unang panahon AWIT NI ROLANDO Kinapapalooban ng Roncesvalles at Doce Pares ng Pransia Nagsasalaysay ng gintong panahon ng kakristiyanuhan at ng dating makulay na kasaysayan ng mga Pranses AKLAT NG MGA ARAW Confucio Naging batayan ng pananampalata ya, kagalingan at karunungan ng mga Intsik SANLIBO’T ISANG GABI Arabia at Persya Nagsasaad ng pampamahalaan, panlipunan at pangkabuhayan, panrelihiyon ng mga Silangan CANTERBURY TALES Chaucer ng Inglatera Naglalarawan ng pananampalataya at pag-uugali ng mga Ingles noong unang panahon UNCLE TOM’S CABIN Harriet Beecher Stowe ng Estados Unidos Karumal-dumal na kalagayan ng mga alipin at naging batayan ng simulain ng demokrasya Divina Comedia Aklat ng mga Patay Iliad at Odyssey 300px-Ph_regions_and_provinces.png