Komposisyon - Unang Markahan IV

Download as doc, pdf, or txt
Download as doc, pdf, or txt
You are on page 1of 10

BANGHAY-ARALIN SA PAGTUTURO NG FILIPINO 4

SA PAGSULAT NG KOMPOSISYON
UNANG MARKAHAN – IKAWALONG LINGGO

I. PAKSA/MGA KASANAYAN/MGA KAGAMITAN

Paksa : Liham Pangangalakal


Pamagat ng Teksto : Liham Pag-aaplay
Mga Kagamitan : Teyp, Tsart

II. MGA INAASAHANG BUNGA (BAWAT ARAW)

A. Nakapagbibigay-reaksyon sa isang tiyak na modelo.

B. Nakikilala ang iba’t ibang uri ng Liham-Pangangalakal.

C. Nakasusulat ng mga tiyak na halimabAwa ng Liham-Pangangalakal.

D. Nailalapat nang angkop ang mga tiyak na elemento sa pagsulat.

E. Nabibigyang-halaga ang mga tiyak na sangkap sa pagsulat tuald ng :

• wastong baybay

• wastong gamit ng bantas

• kawastuhan ng nilalaman

• kawastuhang gramatikal

III. PROSESO NG PAGKAKATUTO

UNANG ARAW

A. Panimulang Gawain :

1. Pagganyak : Pagpaparinig ng guro ng isinateyp na anunsyo na


may kinalaman sa paghahanap ng trabaho.

115
“Isang magandang balita para sa ating tagapakinig. Ang Jollibee Food
Chain – Bacoor Branch ay nangangailangan ng sampung (10) Service
Crew, na may 18-22 taong gulang. Sa mga interesado, makipagkita o
sumulat lamang kay G. Trauno Hakutab sa address na Jollibee-SM
Bacoor Branch, Aguinaldo Hi-way, Bacoor Cavite. At ito si Billy para sa
News Ngayon dito lang sa WRR 101.9 For Life…!”

• Anong kaisipan ang nakapaloob sa napakinggang balita/anunsiyo?

• Anu-anong mga impormasyon ang inilahad?

• Anong uri ng liham ang dapat isagawa kaugnay ng inilahad na


anunsyo? Bakit?

2. Paglalahad : Pagbibigay-input ng guro tungkol sa Liham Pag-


aaplay.

B. Pangkatang Gawain : Ang bawat pangkat ay bubuo ng Liham Pag-


aaplay buhat sa anunsyo. Isulat ito sa Manila Paper.

Pangkat 1 Pangkat 4
Paggawa ng Paggawa ng
pamuhatan, mapitagang
patunguhan,at
patunguhan atbating pangwakas, lagda.
bating panimula
panimula.

Pangkat 5
Pangkat 2 Pagbubuo ng
Paggawa ng isinagawa ng bawat
katawan ng liham pangkat.

Pangkat 6
Pangkat 3 Pagbibigay
Paggawa ng reaksyon sa
katawan ng liham ginawa ng bawat
pangkat

C. Pag-uulat ng bawat pangkat sa nabuo.

116
D. Pagkuha ng feedback mula sa klase.

1. Wasto ba ang ginawa?

2. Ano ang inyong napuna?

E. Pagbibigay ng guro ng feedback sa mga nabuo ng bawat pangkat.

1. Kagandahan

2. Kahinaan

3. Pagpapaunlad

PAGTALAKAY SA ARALIN
IKALAWANG ARAW

A. Mga Panimulang Gawain

Pagganyak : Pagkakaroon ng Dugtungang Pagkukuwento ng mga


mag-aaral sa nakaraang talakayan sa paggawa ng
liham.

B. Pagpapabasa sa mga tiyak na halimbawa.

1. Liham-Pag-aaplay
Teksto tingnan
2. Liham-Pahintulot sa huling pahina

3. Liham-Pagtatanong (xerox)

C. Pangkatang Gawain : Pag-uulat ng bawat pangkat.

Pangkat 1 at 2 : Ano ang isinasaad ng unang liham? Anu-ano ang


mga impormasyong nakapaloob dito?

Pangkat 3 at 4 : Tungkol saan ang ikalawang liham? Anu-ano ang


mahahalagang—Ano?

Pangkat 5 at 6 : Ano naman ang isinasaad sa ikatlong liham? Isa-


isahin ang mahalagang impormasyong
nakasaad dito.

D. Pagbabahaginan ng bawat pangkat.

117
E. Pagpapalalim ng kaalaman batay sa tiyak na impormasyon

Basahin Mo

Mula sa mga halimbawang liham na binasa sa itaas, makikilala mo ang


tatlong halimbawa ng Liham-Pangangalakal. Ito ang Liham-Pag-aaplay, Liham-
Paghingi ng Pahintulot at Liham-Pagtatanong.

Isa-isahin nating kilalanin ang mga katangian ng bawat liham.

1. Liham-Pag-aaplay. Makikita sa ganitong uri ng liham ang intensyon ng


sumulat na makapasok sa trabaho. Nararapat na maging malinaw ito sa liham.
Binabanggit din dito ang angking kakayahan at katangian ng pag-aaplay. Ang
ganitong uri ng liham ay sinasamahan ng kumpletong bio-data at ng iba pang
dokumentong hinihingi ng kumpanya para sa isang aplikante.

Sa pagsulat ng ganitong uri ng liham, kailangan ang maging magalang.


Sa liham ay maaaring makilala ang katauhan ng nag-aaplay.

2. Liham-Pahintulot. Ang intensyon ng ganitong uri ng liham ay


magpahayag ng isang tiyak na kahilingan. Nakasaad dito nang malinaw kung
ano ang hinihiling at kung bakit ito hinihiling. Kailangan ding banggitin ang
posibleng maging bunga kung ipagkakaloob ng sinulatan ang kahilingan ng
sumulat.

3. Liham-Pagtatanong (Paglilinaw). Ang ganitong uri ng liham ay may


intensyong maglinaw ng mga tiyak na impormasyon mula sa mga
eksperto. Bahagi ng paglilinaw na gagawin ang paghingi ng mga
kaukulang dokumento na maaaring makatulong sa ikalilinaw ng
isyung tinatanong. Kailangan din na ang susulatan ng ganitong uri
ng liham ay ang mga angkop na tanggapan o pinuno nito.

F. Pasalitang pagsusuri. Pagpapagawa ng reaksyon sa tatlong


halimbawa ng Liham Pangangalakal.

G. Pagpapalahad ng buod sa tulong ng Cue Card o Susing Salita.

Tiyak na kahilingan Angking Kakayahan


Posibleng maging At
bunga Katangian

Tiyak na impormasyon
Paglilinaw

• Anu- anong uri ng liham ang tinutukoy? Bakit?

118
H. Takdang Aralin : Gumupit ng isang anunsyo tungkol sa
pangangailangan ng trabaho.

PAGSULAT
IKATLONG ARAW

A. Mga Panimulang Gawain

1. Pag-uugnay ng nakaraang aralin sa pamamagitan ng interbyu.

2. Pagsusuri ng mga impormasyon batay sa ginupit na anunsyo.

a. Anong trabaho ang kailangan?

b. Saan dapat na mag-aplay?

c. Sino ang nararapat na mag-aplay?

d. Kanino dapat mag-aplay?

e. Anu-ano ang dapat na ipadala maliban sa Liham Pag-aaplay?

B. Pagpapasulat sa mga mag-aaral ng Liham Pangangalakal


(burador) batay sa mga sumusunod na gabay :

1. Gamitin mong sanggunian ang mga impormasyon mula sa


anunsyong napili.

2. Alalahanin ang sumusunod na basikong pamantayan sa


pagsulat :

a. Huwag kang susulat nang palimbag.

b. Sumulat nang malinaw at maayos.

c. Gumamit ng malaking letra at wastong bantas kung


kailangan.

C. Pagpapapili ng isang kaklase para ipasuri ang isinulat batay sa


mga gabay :

1. Nakasunod ba sa mga gabay

2. Liham Pangangalakal ba ang isinulat?

119
3. Nakasunod ba sa pamantayan sa pagsulat?

D. Pagpapabasa ng ilang isinulat ng mga mag-aaral.

E. Pagbibigay ng guro ng feedback sa ilang narinig na gawa ng mga


mag-aaral.

PAGSUSURI
IKAAPAT NA ARAW

A. Panimulang Gawain : Pagpupuno ng mahahalagang impormasyon


ang isang bio-data.

Bio-data

Pangalan :

Tirahan :

Kapanganakan :

Gulang :

Pangalan ng Ina : Hanapbuhay :

Pangalan ng Ama : Hanapbuhay :

Taas :

Bigat :

Kulay ng Buhok :

Kulay na mata :

Mga Paaralang Pinagtapusan

Elementarya :

Sekondarya :

Mga Tanging Kakayahan :

120
• Ano ang kahalagahan ng impormasyong itinala sa bio-data at
kaugnayan nito sa Liham Pag-aaplay.

B. Pagpapabasa ng isang Liham Pangangalakal.

C. Paghahambing sa binasang hulwaran sa isinuIat na liham.

Pagsasagawa ng personal na ebalwasyon.

• Tama ba?

• Mali ba?

D. Pagsusuri/pagwawasto sa mga sumusunod:

(Papipiliin ng kapareha ang bawat mag-aaral).

1. Wastong baybay.

2. Wastong bantas.

3. Kawastuhan sa nilalaman.

4. Kawastuhan sa gramatikal.

E. Pagpapaulat ng kinalabasan ng parehang pagsusuri.

MULING PAGSULAT

IKALIMANG ARAW

A. Panimulang Gawain : Pagpapakita ng isa pang halimbawa at


pagsusuri nito.

B. Pagbibigay ng reaksyon sa binasang liham.

C. Muling pagsulat ng iniwastong sulatin.

D. Pagpapabasa ng ilang sulating isinulat ng mag-aaral.

• Nadalian ba? Bakit?

• Nahirapan ba? Bakit?

121
E. Pagpapahalaga sa isang tanging gawa ng mag-aaral at ilalahad
ang dahilan kung bakit ito natatangi.

HALIMBAWA 1

September 3, 1998

G. Arsenio L. Cruz
Personnel Officer
LJF Publishing House
234 Sampaguita St., Mandaluyong City

Mahal na G. Cruz:

Ito po ay bilang pagpapahayag ko ngt interes na maging kawani ng


inyong kompanya bilang isa Executive Assistant. Batid ko po na tinataglay
ko ang mga hinahanap ng inyong kompanya para sa nabanggit na
posisyon. Kung bibigyan po ng pagkakataon, maipakikita ko sa inyo ang
aking dedikasyon at kakayahan.

Kalakip po nito ang aking bio-data at ang mga mahahalagang


dokumentong hinihingi ng inyong tanggapan.

Umaasa po ako na bibigyan ninyo ng atensyon ang liham kong ito.

Nagpapasalamat,

Mariano Santos
Aplikante

122
HALIMBAWA 2

September 3, 1998

Dr. Dolores S. Abad


Puno, Sangay ng dukasyong Sekundarya
Pambansang Punong Rehiyon
Kagawaran ng Kultura at Isports
Misamis St., Quezon City

Mahal na Dr. Abad:

Ako po ay kasalukuyang kumukuha ng Bachelor of Science in Education


sa Philippine Normal University. Bahagi po ng aming kurso ang pag-aanalisa sa
kasalukuyang kurikulum pansekundarya. Sanhi po nito, hinihingi ko po ang
inyong kapahintulutang magamit ang inyong aklatan upang makapanaliksik.
Kasama ko po sa gawain ang tatlo ko pang mga kamag-aral.

Kung kami po ay inyong mapapahintulutan, natitiyak po naming marami


kaming bagay na matututuhan at mapupulot sa inyong aklatan tungkol sa
paksang aming sasaliksikin.

Ako po sampu ng aking mga kasama ay umaasang bibigyan ninyo ng


atensyon ang liham na ito.

Lubos na Gumagalang at Nagpapasalamat,

Arturo S. Cabuhat

123
HALIMBAWA 3

September 3, 1998

Dr. Dolores S. Abad


Puno, Sangay ng Edukasyong Sekundarya
Pambansang Punong Rehiyon
Kagawaran ng Edukasyon Kultura at Isports
Misamis St., Quezon City

Mahal na Dr. Abad:

Sa kasalukuyan po ay kumukuha ako ng Bachelor of Science in Education


sa Philippine Normal University. Ako po ay nagpapakadalubhasa sa Filipino.
Bahagi po ng aking pag-aaral ay ang pagtuklas sa mga naging epekto ng
patakarang bilingGwal sa pagtuturo ng Filipino sa hayskul. Sanhi po nito, nais ko
po sanang magkaroon ng kabatiran kung ako ay may mga talang makukuha sa
inyong tanggapan tungkol sa nabanggit na paksa. Nais ko rin po sanang mabatid
kung mayroon na pong kaukulang batas na ipinatutupad tungkol dito.

Batid ko po na kayo ay lubhang abala sa inyong gawain subalit ang inyo


pong kasagutan sa aking mga tanong ay makapagbibigay sa akin ng mga sapat
na impormasyong kailangan sa aking pag-aaral. Sana po ay huwag ninyo akong
bibiguin.

Umaasa at nagpapasalamat,

Arturo S. Cabuhat

124

You might also like