Filipino SHS Pananaliksik Q4 Week 1

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 11

1

Aralin
Ang Pagpili ng Paksa para sa

1 Sulating Pananaliksik

Mga Inaasahan

Ang araling ito ay magbibigay sa iyo ng kaalaman tungkol sa Sulating


Pananaliksik. Ituturo sa iyo ang tamang paraan sa pagpili ng paksa upang
matiyak ang tagumpay sa pagbuo ng sulatin.

Inaasahan na sa pagtatapos ng aralin ay malilinang sa iyo ang kasanayang ito:

 Nasusuri ang ilang halimbawang pananaliksik sa Filipino batay sa layunin,


gamit, metodo, at etika sa pananaliksik (F11PB-IVab-100)

Sasagutan mo ang mga Gawain at pagsasanay sa nakalaang saguitang


papel.

Alam kong gusto mo nang magsimula sa panibagong aralin pero sagutin mo


muna ang unang pagsubok upang malaman mo ang iyong iskema tungkol sa
araling ito.

Paunang Pagsubok

Piliin ang LETRA ng pinakatamang sagot. Ilagay ang sagot sa sagutang papel.
1. Ang mga sumusunod ay dapat na isaalang-alang sa pagpili ng paksa MALIBAN sa:
A. kakayahang pinansyal C. husay ng tagapayo
B. interes at hilig D. time frame
2. Mahalaga ang limitasyon ng paksa upang maiwasan ang:
A. pagod at gastos
B. pagkukumpara ng gawa sa iba
C. maraming lugar na pupuntahan
D. paggamit ng social media
3. Sa pagsisimula ng pananaliksik, ito ang pinakamahalagang salik na dapat
isaalang-alang.
A. pagpili ng paksa C. pondo para sa pananaliksik
B. availability ng datos D. hilig at interes ng manunulat
4. Ang mga ito ay maaaring paghanguan ng paksa MALIBAN sa:
A. sarili C. mga pangyayari sa paligid
B. social media D. nabasa sa mga talaarawan
5. Alin ang HINDI kasama sa mga katanungang maaaring itanong sa sarili sa pagpili
ng paksa?

Modyul sa Senior High School Filipino


Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik
Ikaapat na Markahan: Unang Linggo
2

A. Interesado ba ako sa paksang ito? Ako ba ay mawiwili habang nagsasaliksik


ukol dito?
B. Masyado bang kumplikado ang napili kong paksa? O baka naman sobra itong
limitado?
C. Matatapos ko ba ang paksa sa time frame na ibinigay ng aking guro?
D. Matatagpuan ba sa hatirang pangmadla ang paksa ko?

Bago tayo magpatuloy, sikapin mong masagutan ang pagsasanay na ito


bilang pagsisimula ng aralin.

Balik-Tanaw

Ayusin ang mga ginulong salita upang makabuo ng konsepto tungkol sa


tamang pagpili ng paksa. Paalala: Magkakaugnay ang mga mabubuong konsepto
sa bawat kahon.

_____________
A. _____________
_____________
___
B. dadaanan _____________
_____________
_____________
_____________
___
C. _____________
_____________
___
_____________
_____________
D.
_____________
___

Pagpapakilala ng Aralin

Sa modyul na ito, babasahin mo ang kahulugan ng Sulating Pananaliksik at


aalamin ang ukol sa pinakamahalagang bahagi nito: ang pagpili ng paksa. Ituturo sa
iyo ang mga dapat tandaan upang makapili ng makabuluhang paksa at pagkatapos ay
magsusuri ka sa mga halimbawa ng paksang pampananaliksik batay sa mga
pamantayang matututunan mo.

Ano ang Sulating Pananaliksik?


Ngayong ikaw ay nasa Senior High School na at malapit nang tumuntong sa
kolehiyo, mahalagang mahasa ang kakayahang manaliksik. Ano nga ba ang ikinaiba
nito sa simpleng sulatin na binubuo mo noong ikaw ay nasa Junior High pa lang? Ang

Modyul sa Senior High School Filipino


Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik
Ikaapat na Markahan: Unang Linggo
3

sulating pananaliksik ay ang malalimang pagtalakay sa isang tiyak at naiibang paksa.


Hindi lamang ito simpleng pagsasama-sama ng mga datos na nakalap kundi taglay rin
nito ang obhektibong interpretasyon ng manunulat mula sa mga nakuha niyang datos
sa primarya at sekundaryang hanguan.
Ayon kina Constantino at Zafra (2010) ang pananaliksik ay isang matalinong
pagsisiyasat at pagsusuri ng mga ideya, konsepto, tao, bagay o isyu na nais bigyang-
linaw, nais patunayan o pasubalian.
Ang resulta ng pananaliksik ay maaaring maghatid ng bagong konsepto at
teorya, o maaari rin namang pasinungalingan ang mga umiiral nang impormasyon at
magbigay ng rekomendasyon para palawigin pa ang pagtuklas dito. Isa pa sa ikinaiba
nito mula sa simpleng sulatin ay ang paghahanda ng metodo upang ito ay maisagawa
at ang pangangailangan ng implementasyon upang matasa ang kabisaan nito.
Sa pagsisimula ng sulating pananaliksik, ang una at mahalagang hakbang ay
ang pagpili ng paksa.
Ang Pagpili ng Paksa sa Isang Pananaliksik
Ang pagpili ng paksa ay unang hakbang
sa mahabang proseso na iyong dadaanan
ngunit kung ang gabay ay iyong tatandaan
Tagumpay sa pagsulat, tiyak na makakamtan
Sa akademiya, ang pagbuo ng pananaliksik ay isang pangangailangang gusto
mang iwasan ng mga mag-aaral ay hindi maaari. Tunay naman kasing mahirap na
gawain ito, ngunit sa tamang patnubay at kung isasabuhay ang kasabihang “kung
kayang isipin ay kayang gawin”, posible ang pagbuo ng isang makabuluhang
pananaliksik- ito man ay tesis o pamanahong papel, madali na sa kasalukuyan ang
pagsisimula nito lalo at laganap na ang makabagong teknolohiya na nagpapagaan sa
mga gawaing kaakibat nito.
Ang unang mahalagang hakbang ay ang pagpili ng paksa -- ito ay ang
pangkalahatan o sentral na ideyang tinatalakay sa sulating pananaliksik. Dito
nakasalalay ang ikatatagumpay ng sulatin. Mahabang panahon ang igugugol sa
pangangalap ng datos kaya naman nararapat lang na pag-isipang mabuti ang pipiliing
paksa bago magkaroon ng pinal na desisyon.
Mapanghamon ang bahaging ito. May mga pagkakataong upang mapadali ang
pananaliksik, pinipili na lamang ng manunulat ang palasak at mga paksang lagi nang
nakikita sa paligid o kaya naman ay mga paksang napag-aralan na rin ng iba. Sa
puntong ito ay dapat alalahaning kaya ka bumuo ng pananaliksik ay upang
magbahagi sa iba ng bagong kaalaman at maging kapaki-pakinabang din ito sa
kanila.
Bakit kailangang maging maingat at mapanuri sa pagpili ng paksa? Dahil nga
gaya ng nabanggit sa itaas, hindi birong panahon ang gugugulin mo rito, kung
magkamali ka sa paksa pa lamang ay masasayang na ang oras, pagod at gastos kung
mauuwi lamang sa wala ang gawain. Sa usaping ito, mahalagang-mahalaga ang papel
ng gurong tagapayo para sa pagsisimula, maging sa pagtatapos ng iyong pananaliksik.
Minsan, sila na ang nagbibigay ng paksa ngunit kadalasang nasa pasya pa rin ng
manunulat kung aling paksa ang sa palagay niya ay pinakaangkop sa kaniyang
interes, kakayahan, talino at pagkatao.
Upang gabayan kang makabuo ng paksang nakaayon sa mga natalakay sa itaas,
narito ang mga posible mong paghanguan:
 Internet at Social Media: sa dami ng gumagamit ng hatirang ito ay posibleng
makakuha ng bagong paksang maaaring talakayin dahil moderno, napapanahon,
makabago at halos lahat ng impormasyon ay naibabahagi rito;
 Telebisyon: bagamat hindi na makabago, mas marami pa rin ang may access sa
uri ng midyang ito, laganap ang mga balita rito, mga talk shows, mga programang

Modyul sa Senior High School Filipino


Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik
Ikaapat na Markahan: Unang Linggo
4

kuwentuhan at chikahan kaya maaaring isa sa mga paksa ng usapan ay


makapukaw ng iyong hilig o interes;
 Mga Babasahin: kung napapanahon ang target mong paksain, mainam na
paghanguan ang mga diyaryo at magasin. Laging bago ang iniaalok ng mga
babasahing ito dahil nakabase ito sa kasalukuyang balita at kaganapan sa paligid
na maaaring katatapos lamang;
 Mga Pangyayari sa Paligid: kung hindi naidokumento ng mga diyaryo at magasin
ang isang pangyayari, posible na ikaw mismo ang nakatunghay nito, kung gayon
ay maging mapanuri at maaaring mula rito ay makabuo ka ng paksa;
 Sa Sarili: may mga bagay na curious ka at gustong-gusto mong malaman ang
sagot, maaari mong gawing batayan ito dahil tiyak na interesanteng paksa ang
mabubuo mo sapagkat hindi lamang isip ang mailalagay mo rito kundi pati na ang
iyong puso at damdamin, tiyak na hahantong ito sa isang matagumpay na
pananaliksik.
Sakaling nakapagpasiya ka na kung saan ka hahango ng paksa, maaari mo nang
sundin ang mga sumusunod na patnubay:

MGA HAKBANG SA PAGPILI NG PAKSA

1. Alamin ang layunin ng susulatin: mahalagang nakaangkla ang bubuoing papel sa


layuning ibibigay ng guro. Halimbawa, ang layunin ay maipamalas ang kasanayan
sa pananaliksik sa Filipino – mag-iisip ka ng paksang tutugma rito dahil may
dahilan ang guro kung bakit ito ang pinili niyang kasanayan.
2. Magtala ng mga paksang pagpipilian mo: maaari na siguro ang mula tatlo
hanggang limang paksang ililista – ito ay upang maiwasang panghinaan ka agad
ng loob sakaling hindi pumasa ang unang paksa. Paano kung lahat ng paksang
nailista ay hindi nasang-ayunan? Laging may nakahandang paksa ang mga guro
para sa kaniyang mga mag-aaral kaya maaari kang sumangguni sa kaniya.
3. Magtala na agad ng maraming ideya sa paksang napupusuan mo: kung
napagpasiyahan mo na at ng iyong tagapayo ang paksa, maaari ka ng gumawa ng
burador ng mga dati mo nang alam tungkol dito. Sa pananaliksik mo na lamang
ma-vavalidate ang kawastuan ng mga ito.
4. Limitahan ang iyong paksa: maaaring sa una ay malawak ang paksang napusuan,
pag-iisipan mo ngayong mabuti kung ano ang nais mong ipokus sa paksang napili
mo – halimbawa, Ang Implementasyon ng K-12 Program, lilimitahan mo ito at
maaaring gawing: Ang Epekto ng Implementasyon ng K-12 Program, kung
nalalawakan ka pa rin dito ay maaari mo pang limitahan sa: Ang Epekto ng K-12
Program sa mga Magulang.
Narito ang iba pang halimbawa ng paglilimita sa paksa:

Malawak o
Nilimitahang Paksa Lalo Pang Nilimitahang Paksa
Pangkalahatang Paksa
Mga Dahilan ng Labis at Mga Dahilan ng Labis at Madalas
Labis at Madalas na Madalas ng Pagpupuyat ng Pagpupuyat ng mga Mag-aaral
Pagpupuyat ng mga ng mga Mag-aaral at ang sa Ikasampung Baitang ng M.B.
Mag-aaral Epekto nito sa Kanilang Asistio Sr. High School at ang
Pag-aaral Epekto nito sa Kanilang Pag-aaral

Opinyon ng Kabataan sa Opinyon ng Kabataang Nasa


Opinyon sa mga Taong
mga Taong may Tattoo Edad 13-19 sa mga Taong may
may Tattoo sa Katawan
sa Katawan Tattoo sa Katawan

Modyul sa Senior High School Filipino


Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik
Ikaapat na Markahan: Unang Linggo
5

Ang Epekto sa Ang Epekto sa Ekonomiya ng


Ang Pandemyang
Ekonomiya ng mga taga-Metro Manila ng
Covid-19
Pandemyang Covid-19 Pandemyang Covid-19

5. Alamin na ang time frame para sa bubuoing sulatin, bawat bahagi ng pananaliksik
ay may nakatakdang oras. Kapag isinaalang-alang mo ito ay matatantiya mo na
agad kung angkop ba ang napiling paksa para sa haba o ikli ng panahon na
ibibigay ng tagapayo.
Kung gagawin nating simple ang pagpapaliwanag ng mga nabanggit sa itaas,
maaari rin namang itanong mo ang mga ito sa iyong sarili:
 Interesado ba ako sa paksang ito? Ako ba ay mawiwili habang nagsasaliksik ukol
dito?
 Napapanahon ba ang paksang ito? Angkop ba ito para sa lebel ng mga kaklase ko?
Magiging kapaki-pakinabang din ba ito sa kanila?
 Masyado bang kumplikado ang napili kong paksa? O baka naman sobra itong
limitado?
 Matatapos ko ba ang paksa sa time frame na ibinigay ng aking guro?
 May paghahanguan ba ako ng datos para sa aking paksa? Marami na kayang
naisulat na babasahin ukol dito?
Kung positibo ang sagot mo sa mga tanong na ito, maaaring ito na nga ang paksang
nababagay sa iyo.
Gayunman, nais mo pa ring makatiyak? Narito ang iba pang paalala para hindi ka
magkamali sa pinal mong kapasyahan sa pagpili ng paksa:
 Piliin mo ang paksang marami ka nang dating alam o iskema: maaari kasing alam
mo na agad kung saan ka kukuha ng datos, sino ang iyong kakapanayamin, saan
ka pupunta upang kumuha ng kakailanganin at iba pa.
 Isaalang-alang mo agad ang pagiging unique ng paksa mo: sa ganito ay maiiwasan
ang pagkukumpara ng pananaliksik mo sa iba, gayundin, hindi ka mahihirapan sa
paghango ng kagamitan dahil kung marami kayong gumagawa ng parehong paksa
ay tiyak na mag-uunahan kayo sa mga ito gaya ng aklat o maging ng taong inyong
kakapanayamin.
 Bago mo pa man piliin ang iyong paksa, dapat na nasigurado mo na ang resources
mo, hindi mo maaaring pagbatayan lang ang aklatan at internet, lalo at sa
panahon ngayon ang mga kaalaman sa isang iglap ay nababago, kailangan mong
maging maingat sa bahaging ito.
 Ang gastusin ay isa pa rin sa mga salik na dapat mong isaalang-alang.
Napakaganda nga ng iyong paksa pero kung maambisyon namang masyado ang
mga paghahanguan nito ay baka mabigo ka sa iyong inaasahan.
 Higit sa lahat, tiyakin mo na ang paksang napili ay aprubado ng iyong gurong
tagapayo, maaari ka nang makakuha agad sa kaniya ng tips at mga paalala kung
sa simula pa lang ay magkatuwang na kayo sa unang hakbang ng pagbuo mo ng
iyong papel. Tandaan mo rin na kung sakaling nagbago ang isip mo sa paksa,
kailangan mo itong ipaalam agad sa kaniya para hindi ka magahol sa panahon.

Nawa’y naging malinaw na sa iyo ang paraan ng pagpili ng paksa para sa iyong
pananaliksik, kung gayon ay maaari ka nang magsimulang bumuo ng pananaliksik.

Mga Gawain

Modyul sa Senior High School Filipino


Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik
Ikaapat na Markahan: Unang Linggo
6

Gawain 1.1: Pagsusuri sa Paksang Pampananaliksik:


A. Sa unang hanay nakasulat ang mga pangkalahatang paksa, limitahan mo
ito sa ikalawang hanay at lalo pang paliitin o limitahan sa ikatlong kolum,
batay sa mga pamantayang nakuha mo mula sa binasa. Gamiting batayan
ang nasa kahon sa ibaba:

Pangkalahatang Paksa Nilimitahang Paksa Lalo pang Nilimitahang Paksa

1. Labis na Pagkahumaling
ng Kabataan sa mga Online
Games
2. Persepsyon ng mga Tao sa
Online Selling
3. Ang mga Makabagong
Platforms sa Pagtuturo
4. Mungkahing Pagbabalik
ng GMRC sa Paaralan
5. Pagtanggap ng Lipunan sa
mga Kasapi ng LGBTQ+

Mga Puntos Nilimitahang Paksa Lalo pang Nilimitahang Paksa

3 Nakapagsulat ng pamagat na may tiyak na Nakapagsulat ng pamagat na may


kategorya/spesipikasyong nadagdag DALAWANG bagong kategorya/spesipikasyon

2 Nakapagsulat ng pamagat na may bagong Nakapagsulat ng pamagat na may isang


kategorya/spesipikasyong nadagdag kategorya/spesipikasyong nadagdag

1 Simpleng nakapagsulat lamang ng pamagat Simpleng nakapagsulat lamang ng pamagat

Gawain 1.2: Pagsagot sa mga Tanong


Sagutin ang mga katanungang batay sa mga kaalamang nakuha at naunawaan
mula sa binasang paksa.

1. Talakayin ang maaaring gawin ng isang mananaliksik sakaling hindi niya


mapagpasiyahan kung saan hahango ng paksang kaniyang tatalakayin.

2. Bakit kailangang limitahan ang paksang napili?

3. Ipaliwanag ang dahilan kung bakit mahalagang pumili ng paksang naiiba sa paksa
ng mga kamag-aral o kaibigan.

4. Sa palagay mo, bakit pinakamahalagang bahagi ang pagpili ng paksa sa bubuoin


mong pananaliksik?

5. Maglahad ng kahalagahan ng makabagong pananaliksik sa mga kabataang gaya mo.

Tandaan

Modyul sa Senior High School Filipino


Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik
Ikaapat na Markahan: Unang Linggo
7

Matapos mong pag-aralan ang tungkol sa mga paraan sa pagpili ng


paksa, narito ang mahahalagang kaalamang dapat na isaalang-alang.
1. Ang sulating pampananaliksik ay kaiba sa simpleng sulating pormal sa Junior
High, ito ay may malalimang pagtalakay at nangangailangang ng obhektibong
interpretassyon ng mananaliksik na dumaan sa masusing pag-aaral at may maka-
agham na basehan.
2. Sa pagpili ng paksa, ang mga sumusunod na susing salita ang dapat mong
alalahanin:

* layunin ng * paglilimita ng * time frame * kakayahang * kapakibangan


sulatin paksa pinansyal ng paksa sa iba
* paglilista ng * pagbuo ng * interes at hilig * uniqueness ng * kaalaman sa
maraming paksa burador ng ideya paksa paksang napili

3. Mas magiging magaan ang pananaliksik kapag nilimitahan ang paksang


tatalakayin dahil mas nagiging tiyak ang pupuntahan, hahanapan ng datos at
guguguling salapi
4. Mahalaga ang paggamit ng internet dahil maraming impormasyon ang makukuha
rito, ngunit mahalagang matiyak na maayos, tama, kompleto at beripikado ang mga
ito lalo kung galing sa mga open web dahil sa kawalang - kasiguraduhan ng mga ito.
5. Ang gurong tagapayo ay dapat na palagiang sinasangguni sa mga pagbabago lalo na
sa bahagi pa lamang ng pagpili ng paksa sapagkat siya ang katuwang bago, habang at
sa pagtatapos ng pananaliksik.

Pag-alam sa mga Natutuhan

Pagsulat ng Sariling Paksang Pampananaliksik


Magbigay ng tatlong paksa na nais mong pag-aralan kung sakaling ito ay requirement
bago mo matapos ang kursong ito sa Pananaliksik. Gamiting batayan ang mga napag-
aralan at ang rubriks na nasa loob ng kahon sa ibaba:

Rubriks para sa Pagbuo ng Paksang Pampananaliksik


Pamantayan 4 3 2 1
Isinaalang- Nasundan ang Nasundan ang Nasundan ang Walang
alang na lima sa mga tatlo sa mga isa sa mga pamantayang
pamantayan

Modyul sa Senior High School Filipino


Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik
Ikaapat na Markahan: Unang Linggo
8

sa pagbuo ng pamantayan pamantayan pamantayan nasundan


paksa
Limitasyon ng Sobrang tiyak Tiyak ang Medyo tiyak Hindi tiyak
paksa ang paksang paksang ang paksang ang paksang
tatalakayin tatalakayin tatalakayin tatalakayin
Badyet para sa Hindi Hindi gaanong Medyo Sobrang
paksa magastos ang magastos ang magastos ang magastos ang
paksa paksa paksa paksa
Lebel- Madali lamang Madali-dali Medyo Mahirap ang
pangkaisipan ang paksa lang ang paksa mahirap ang paksa
ng paksa paksa

Pangwakas na Pagsusulit

Suriin kung TAMA o MALI ang isinasaad ng bawat pangungusap. Isulat ang
sagot sa patlang.

1. Mainam ang paksang limitado ang nalalaman ng isang manunulat upang may
dahilan siya para manaliksik.
2. Mahirap pumili ng paksang napapanahon dahil may hangganan ang hanguan
nito.
3. Ang sulating pananaliksik ay katumbas ng mga sulatin sa Filipino ng Junior
High.
4. Isinaaalang-alang sa pagpili ng paksa ang interes ng manunulat kahit ito ay
taliwas sa time frame ng tagapayo.
5. Ang telebisyon ay mainam na hanguan ng paksa dahil sa mga programang
nakapaloob dito.
6. Ang unang mahalagang hakbang sa pananaliksik ay ang pagpili ng paksa.
7. Sa pagpili ng paksa, mahalaga ang papel ng gurong tagapayo.
8. Mas mabisa ang paksang naiiba at walang katulad sa ibang mananaliksik
upang walang kasabayan sa pagkalap ng datos.
9. Halos lahat ng datos ay makikita sa social media kaya ito ay mainam din na
hanguan ng paksa.
10. Ang pagpili ng paksa sa pananaliksik ay nakabatay rin sa budget ng
mananaliksik.

Pagninilay

ISPIN-A-WIL: Maaaring iba-iba ang kasuotan ninyo ngayon habang sumasagot


sa modyul. Mag-spin-a-wheel tayo pero hindi ko na papagalawin. Kung ano ang
kulay ng suot mo ngayon ay yaon ang gawaing iaatas ko sa iyo batay sa mga
kulay ng wheel sa ibaba. Halimbawa ay rosas ang nangingibabaw na kulay sa suot
mo ngayon, kung ano ang nakalagay sa rosas ay iyon ang gagawin mo. Oooppss..
bawal magpalit ng damit.:

Modyul sa Senior High School Filipino


Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik
Ikaapat na Markahan: Unang Linggo
9

Rubriks sa Pagwawasto: Bibigyan ka ng sumusunod na puntos:


Mga katangian ng sagot : 5 – taglay ang tatlong pamantayan
A. May kaugnayan sa PAKSA ang sagot. 3 – dalawang pamantayan lamang
B. Malinis at maayos ang awtput. 1 – isang pamantayan lamang
C. Makabuluhan ang nabuong kaisipan.

Mahusay! Binabati kita sa mahusay mong pagsasagawa ng mga gawain


sa modyul. Sakali man at mayroon kang hindi naunawaan, nakahanda ang
iyong guro para sagutin ang iyong mga katanungan. Huwag mahihiyang
magtanong 😊

Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik


Ang Pagpili ng Paksa para sa Sulating Pananaliksi

SAGUTANG PAPEL
Ikaapat na Markahan- Unang Linggo
Pangalan: ___________________________________ Guro: ______________
Baitang at Seksyon: __________________________ Petsa: _____________
Paunang Pagsubok: Balik-tanaw:
1

Modyul sa Senior High School Filipino


Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik
Ikaapat na Markahan: Unang Linggo
10

Gawain 1.1
Lalo pang Nilimitahang
Pangkalahatang Paksa Nilimitahang Paksa Paksa

1. Labis na Pagkahumaling
ng Kabataan sa mga Online
Games

2. Persepsyon ng mga Tao sa


Online Selling

3. Ang mga Makabagong


Platforms sa Pagtuturo

4. Mungkahing Pagbabalik
ng GMRC sa Paaralan

5. Pagtanggap ng Lipunan sa
mga Kasapi ng LGBTQ+

Gawain 1.2
1.

2.

3.

4.

5.

Pag-alam sa Natutuhan: Pagsulat ng Sariling Paksang Pampananaliksik

Modyul sa Senior High School Filipino


Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik
Ikaapat na Markahan: Unang Linggo
11

Pangwakas na Pagsusulit:
1 6

2 7

3 8

4 9

5 10

Pagninilay: (Ilagay sa hiwalay na papel)

Modyul sa Senior High School Filipino


Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik
Ikaapat na Markahan: Unang Linggo

You might also like