Nasyonalismo
Nasyonalismo
Nasyonalismo
NASYONALISMO AT PAGLAYA
NG MGA BANSA SA TIMOG AT
KANLURANG ASYA
Aralin 2.1
ALAMIN
Masaya bang isipin na ngayon ay maaari at
malaya na nating nagagawa ng may responsibilidad
ang mga bgay na dapat nating gawin? Salamat sa
kalayaang naibigay sa atin ng ating mga lider na
marubdob ang diwa ng nasyonalismo. Nabatid mo sa
ating nakaraang aralin ang naging karanasan ng mga
bansa sa Timog at Kanlurang Asya sa ilalim ng
kolonyalista at imperyalistang mga Kanluranin. Sa
pagkakataon namang ito, ay pag – aarlan mo ang
naging reaksiyon ng mga Asyano sa mga patakarang
Ipinatupad ng mga dayuhan sa mga bansa sa Timog at
Kanlurang Asya. Ang kanilang pagpapakita ng
nasyonalismo na nakatuon laban sa mga Kanluranin.
Marahila naitatanong mo sa iyong sarili, “Ano ang
nasyonalismo? Paano tumugon ang ating mga kapwa
Asyano sa Timog at Kanlurang Asya sa pananakop ng
mga Kanluraning Bansa? Naapektuhan ba ang mga tao
at paglaya ng mga bansa sa Timog at Kanlurang Asya
ang pagpapakita ng nasyonalismo?” Maipaliliwanag ag
kasagutan sa mga katanungang ito, sa susunod mong
gawain.
Gawain 1:
Mag – usap Tayo
Gawain 1:
Mag – usap Tayo
Pangkatang Talakayan – Magbibigay ang
guro sa mga mag-aaral ng isang sitwasyon
gaya sa ibaba. Hayaang pag-usapan ng bawat
pangkat ng mag-aaral ang kanilang kasagutan
sa mga katanungan na may kaugnayan sa
sitwasyon sa loob ng 15 minuto. Isulat ang
mga kasagutan sa mga dialogue box na nasa
ibaba. Mag - uulat sa klase ang bawat napiling
lider ng pangkat.
Gawain 1:
Mag – usap Tayo
Sitwasyon: Nagdaos ng Athletic Meet
sa inyong dibisyon. Isa sa mga
makikipagkumpetensiya ay ang inyong
paaralan. Hindi ka kabilang sa mga
manlalaro ng inyong paaralan. Bilang isa
sa mga mag-aaral, paano mo
maipapakita ang iyong pagsuporta sa
iyong paaralan.
Pamprosesong mga Tanong
1. Ano-ano ang iyong gagawin upang
maipakita ang pagmamalasakit sa iyong
paaralan at sa inyong mga manlalaro?
Pamprosesong mga Tanong
1. Ano-ano ang iyong gagawin upang
maipakita ang pagmamalasakit sa iyong
paaralan at sa inyong mga manlalaro?
2. Bakit kailangan mong suportahan at
tulungan ang paaralan at mga manlalaro sa
magaganap na Athletic Meet?
Pamprosesong mga Tanong
1.Ano-ano ang iyong gagawin upang maipakita ang
pagmamalasakit sa iyong paaralan at sa inyong mga
manlalaro?
2.Bakit kailangan mong suportahan at tulungan ang
paaralan at mga manlalaro sa magaganap na Athletic
Meet?
3.Paano nahahawig ang ipinakita mong suporta at
pagmamahal sa inyong mga manlalaro sa
pagmamahal at pagmamasalakit sa isang kababayan
at sa mismong bayan?
Pamprosesong mga Tanong
4. Ano ang kahulugan ng nasyonalismo?
Paano nakatulong ang damdaming ito sa
paglaya ng mga bansa sa Asya sa kamay ng
mga mananakop na Kanluranin?
Pamprosesong mga Tanong
4.Ano ang kahulugan ng nasyonalismo?
Paano nakatulong ang damdaming ito sa
paglaya ng mga bansa sa Asya sa kamay ng
mga mananakop na Kanluranin?
5.Anu – anong ebidensya ng nasyonalismo
ang nalalaman mo? Ipaliwanag.
Pamprosesong mga Tanong
4.Ano ang kahulugan ng nasyonalismo? Paano
nakatulong ang damdaming ito sa paglaya ng mga
bansa sa Asya sa kamay ng mga mananakop na
Kanluranin?
5.Anu – anong ebidensya ng nasyonalismo ang
nalalaman mo? Ipaliwanag.
6.Anong konsepto may kaugnayan sa mga
pagpapahalagang naipakita mo sa pagsasagawa ng
iyong mga hakbang sa pagtulong sa iyong paaralan
at kapwa mag – aaral?
Gawain 2:
Picture! Picture!
Gawain 2:
Picture! Picture!
Siguradong matapos mong mabuo ang
konseptong nasyonalismo ay nais mo pang
maragdagan ang iyong kaalaman ukol dito.
Bago natin ipagpatuloy ang pagtalakay ukol sa
nasyonalismo ay maaari mong suriin ang
collage sa ibaba.
Pamprosesong mga Tanong
1. Ano ang mensaheng nais ipahiwatig ng larawan?
2.Mula sa larawan, ano ang mga pamamaraang
ginawa ng mga kilalang lider upang maipakita ang
pagmamahal sa kanilang bansa sa Timog at
Kanlurang Asya?
3.Paano nakaapekto ang pag-usbong ng
nasyonalismo sa mga bansa sa Timog at Kanlurang
Asya noon at sa kasalukuyan?
Gawain 3:
Concept Cluster Ko
Gawain 3:
Concept Cluster Ko!
PANUTO: Ilagay mo ang mga kaalamang
sa palagay mo ay may kaugnayan sa
Nasyonalismo sa kahon na may nakalagay na
Initial Answer, ang 3 kahong natitira ay iyo
lamang masasagot sa susunod nating gawain.
Binabati kita, sa maganda mong pagkakakulay
sa iyong Concept Cluster.
PAUNLARIN
Gawain 4:
Pagsusuri ng Teksto
NASYONALISMO SA ASYA
Ang pananakop, pagpapasailalim sa
kapangyarihan at pagsasamantala ng mga
bansang Kanluranin sa mga bansang Asyano,
ang nagbigay - daan sa pag-usbong ng
nasyonalismo sa Asya.
NASYONALISMO SA ASYA
Ang nasyonalismo ay damdaming
makabayan na maipakikita sa matinding
pagmamahal at pagpapahalaga sa Inang-
bayan,ayon sa aklat na SEDP Kabihasnang
Asyano. Ang nasyonalismo sa Asya ay may
ibat ibang anyo tulad ng defensive nationalism
o mapagtanggol na nasyonalismo gaya ng
ipinakita ng bansang Pilipinas at aggressive
nationalism o mapusok na nasyonalismo na
minsang ginawa ng bansang Hapon.
NASYONALISMO SA ASYA
Ang pangunahing manipestasyon ng
nasyonalismo ay pagkakaisa, makikita sa
pagtutulungan, pagkakabuklod sa iisang
kultura, saloobin at hangarin. Maituturing ding
manipestasyon ng nasyonalismo ang
pagmamahal, pagtangkilik sa sariling mga
produkto, ideya at kultura ng sariling bayan.
NASYONALISMO SA ASYA
Naipapakita rin ang nasyonalismo sa
pagiging makatwiran at makatarungan. Ang
kahandaang magtanggol at mamatay ng isang
tao para sa bayan ay maituturing na
pinakamahalagang manipestasyon ng
nasyonalismo.
NASYONALISMO SA ASYA
Dahil sa hangarin ng mga Asyano na
wakasan ang panghihimasok ng mga
Kanluraning bansa sa kanilang kinamulatang
pamumuhay at makamtan ang kalayaan,
maraming makabayang samahan ang naitatag
sa Asya. Ang mga samahang ito ay
pinangunahan ng mga kabataang nakapag
-aral. Tunghayan natin ang nasyonalismong
ipinakita sa Timog at Kanlurang Asya.
PAG-USBONG NG
NASYONALISMO SA
TIMOG ASYA
Nasyonalismo sa India
NASYONALISMO SA INDIA
Ang pananakop ng mga Ingles sa India,
ang nagbigay-daan upang magising ang diwa
ng nasyonalismo dito. May ibat- iba mang wika
at relihiyon ang mga Indian ay kumilos at
nagkaisa upang umunlad at makabuo ng isang
malayang bansa.
NASYONALISMO SA INDIA
Si Mohandas Gandhi ang nangunang
lider nasyonalista sa India, ang nagpakita ng
mapayapang paraan sa paghingi ng kalayaan.
NASYONALISMO SA INDIA
FEMALE INFANTICIDE - pagpatay sa
mga batang babae upang hindi maging
suliranin at pabigat sa mga magulang
pagdating ng panahon na ito’y mag-asawa.
NASYONALISMO SA INDIA
SUTTEE - ang pagpapatiwakal ng mga
byudang babae at pagsama sa libing ng
namatay na asawa.
NASYONALISMO SA INDIA
REBELYONG SEPOY - ito ang pag-aalsa
ng mga Sepoy o sundalong Indian sa mga
Ingles bilang pagtutol sa pagtatangi ng lahi o
racial discrimination.
NASYONALISMO SA INDIA
AMRITSAR MASSACRE - maraming
mamamayang Indian ang namatay sa isang
selebrasyon dahil sa pamamaril ng mga
sundalong Ingles. Sa kaganapang ito ay
namatay ang may 400 katao at mayroong
1200 na mga nasugatan.
NASYONALISMO SA INDIA
Nagkaroon naman ng hiwalay na pagkilos ang
mga Indian dahil sa kanilang magkakaibang
pananampalataya. Naitatag ang ALL INDIAN
NATIONAL CONGRESS sa panig ng mga Hindu na
ang layunin ay matamo ang kalayaan ng India.
Naitatag naman ang All Indian Muslim League
noong 1906. Pinangunahan ito ni Ali Jinnah na kung
saan ang interes ng mga Muslim ang binigyang-
pansin. Layunin ng mga kasapi nito na magkaroon ng
hiwalay na estado para sa mga Muslim.
MOHAMMED ALI JINNAH
NASYONALISMO SA INDIA
Nanguna si Mohandas Gandhi sa layuning matamo ang
kalayaan ng India. Isang Hindu na nakapag-aral. Nakilala siya
sa kanyang matahimik at mapayapang paraan o non violence
means ng pakikipaglaban para sa kalayaan ng India.
Naniniwala siya sa Ahimsa at Satyagraha. Hinimok din ni
Gandhi ang pagboykot ng mga Indian sa lahat ng produkto ng
mga Ingles at sa lahat ng may kaugnayan sa mga Ingles.
Sinimulan rin ni Gandhi ang Civil disobedience o hindi
pagsunod sa pamahalaan. Dahil sa pamumuno sa mga
protesta naranasan ni Gandhi ang mahuli at maipakulong.
NASYONALISMO SA INDIA
Nanguna si Mohandas Gandhi sa layuning matamo ang
kalayaan ng India. Isang Hindu na nakapag-aral. Nakilala siya
sa kanyang matahimik at mapayapang paraan o non violence
means ng pakikipaglaban para sa kalayaan ng India.
Naniniwala siya sa Ahimsa at Satyagraha. Hinimok din ni
Gandhi ang pagboykot ng mga Indian sa lahat ng produkto ng
mga Ingles at sa lahat ng may kaugnayan sa mga Ingles.
Sinimulan rin ni Gandhi ang Civil disobedience o hindi
pagsunod sa pamahalaan. Dahil sa pamumuno sa mga
protesta naranasan ni Gandhi ang mahuli at maipakulong.
NASYONALISMO SA INDIA
Naideklara ang kalayaan ng India noong
Agosto 15, 1947, lumaya ito sa kamay ng mga
Ingles at pinamunuan ni Jawaharlal Nehru,
kaalinsabay nito ang pagsilang ng bansang
Pakistan na nabigyan din ng kalayaan sa ilalim
naman ng pamumuno ni Mohammed Ali
Jinnah.
NASYONALISMO SA
KANLURANG ASYA
NASYONALISMO SA
KANLURANG ASYA
Ang nasyonalismo sa Kanlurang Asya ay hindi
katulad ng nasyonalismong naipakita ng mga bansa
sa Timog Asya. Hindi agad naipakita ng mga bansa
sa Kanlurang Asya ang nasyonalismo dahil
karamihan sa mga bansa dito ay hawak ng dating
malakas at matatag na imperyong Ottoman, bago
pa man masakop ng mga Kanluraning bansa noong
1918.
NASYONALISMO SA
KANLURANG ASYA
Matapos bumagsak ang imperyong OttomanM
masakop at mapasailalim sa mga Kanluraning
bansa, naipatupad sa mga bansa sa Kanlurang Asya
ang sistemang mandato. Nagsumikap ang mga
bansa sa Kanlurang Asya na unti-unting makamtan
ang kalayaan mula sa Imperyong Ottoman at mga
Kanluraning bansa. Ang nasyonalismo sa Kanlurang
Asya ay pinasimulan ng mga Arabo, Iranians at mga
Turko bago pa man ang Unang Digmaang
Pandaigdig.
NASYONALISMO SA
KANLURANG ASYA
Ang Kuwait ang isa sa mga bansa na
unang lumaya sa Kanlurang Asya noong 1759.
NASYONALISMO SA
KANLURANG ASYA
Natamo naman ng Lebanon ang kanyang
kalayaan mula sa imperyong Ottoman noong
1770, at noong 1926 ito ay naging ganap na
republika sa ilalim ng mandato ng bansang
France
NASYONALISMO SA
KANLURANG ASYA
Isa ang bansang Turkey, na humingi ng
kalayaan sa pamumuno ni Mustafa Kemal na
nagsulong sa pagkakaroon ng isang republika.
Sa pamamagitan ng Kasunduang Lausanne
noong 1923 naisilang ang Republika ng
Turkey.
NASYONALISMO SA
KANLURANG ASYA
Taong 1926 din ipinahayag ni Abdul ang
sarili bilang hari ng Al Hijaz, matapos niyang
malipol ang lahat ng teritoryo ay pinangalanan
niya itong Saudi Arabia.
NASYONALISMO SA
KANLURANG ASYA
Ang Iraq naman ay naging protektado ng
England noong 1932.
NASYONALISMO SA
KANLURANG ASYA
HOLOCAUST - ito ang sistematiko at
malawakang pagpatay ng mga Nazi German
sa mga Jew o Israelite.
NASYONALISMO SA
KANLURANG ASYA
SISTEMANG MANDATO - nangangahulugan
ito na ang isang bansa na naghahanda upang maging
isang malaya at nagsasariling bansa ay ipapasailalim
muna sa patnubay ng isang bansang Europeo.
NASYONALISMO SA
KANLURANG ASYA
Zionism - Ang pag-uwi sa lupain ng
Palestine ng mga Jew mula sa iba’t ibang
panig ng daigdig.
Gawain 5:
Data Retrieval Chart
Gawain 5:
Data Retrieval Chart
Lagyan ng tamang impormasyon ang
bawat kolumn ng Data Retrieval Chart.
Gawain 5:
Data Retrieval Chart
Pag – usbong ng Nasyonalismo sa Timog at Kanlurang Asya
Pamprosesong mga Tanong
1. Ipaliwanag ang kahulugan ng
nasyonalismo?
Pamprosesong mga Tanong
1. Ipaliwanag ang kahulugan ng nasyonalismo?
2.Ano-ano ang dahilan sa pagpapakita ng
nasyonalismo ng mga bansa sa Timog at Kanlurang
Asya?
Pamprosesong mga Tanong
1.Ipaliwanag ang kahulugan ng
nasyonalismo?
2.Ano-ano ang dahilan sa pagpapakita ng
nasyonalismo ng mga bansa sa Timog at
Kanlurang Asya?
3.Alin sa mga naging tugon ng mga bansa sa
Timog at Kanlurang Asya ang naging mabisa
sa pagpapakita ng nasyonalismo at
pagkakamit ng kalayaan? Ipaliwanag.
Pamprosesong mga Tanong
4. Ano-ano ang anyo at manipestasyon ng
nasyonalismo sa Timog at Kanlurang Asya?
Pamprosesong mga Tanong
4.Ano-ano ang anyo at manipestasyon ng
nasyonalismo sa Timog at Kanlurang Asya?
5.Nakabuti ba o hindi sa pamumuhay ng mga
tao at bansa sa Timog at Kanlurang Asya ang
pagpapakita ng damdaming nasyonalismo?
Patunayan.
Gawain 6:
Reaksyon Mo,
Kailangan Ko!
Gawain 6:
Reaksyon Mo, Kailangan Ko!
Sumulat ng isang maikling sanaysay sa
pahayag ni Mahatma Gandhi. Isulat ang iyong
reaksiyon sa loob ng isang simbolong iyong
maiguguhit para kay Gandhi. Ang rubric sa
pagsulat ng sanaysay ay ilalahad sa inyo ng
inyong guro.
“Mas malakas ang puwersa ng
walang kaharasang lumalaban, malaya
sa poot at walang armas na kailangan,”
Gawain 7:
Pagsusuri ng Teksto
MGA PAMAMARAANG GINAMIT
SA TIMOG AT KANLURANG ASYA
SA PAGTATAMO NG KALAYAAN
MULA SA KOLONYALISMONG
KILUSANG NASYONALISTA
Mga Nasyonalista
sa Timog at
Kanlurang Asya
Sa pagpapakita ng nasyonalismo sa mga
bansa sa Timog at Kanlurang Asya, nakilala
ang mga lider nasyonalista na nagsilbing
inspirasyon ng mga Asyano sa kanilang
pamumuhay. Kilalanin natin ang mga nasabing
lider nasyonalista.
MOHANDAS
KARAMCHAD GANDHI
MOHANDAS KARAMCHAD GANDHI
• Isang Hindu na nakapag-aral sa
isang pamantasan sa England.
• Nakapagtrabaho sa South Africa.
• Siya ang namuno upang ipaglaban
ang hinaing ng mga Indian laban
sa mga mananakop na Ingles.
• inspirasyon ng marami dahil sa
kaniyang katangi-tanging tahimik
na pamamaraan ng pagtutol upang
matamo ng India ang kalayaan
MOHANDAS KARAMCHAD GANDHI
• Nakilala siya bilang Mahatma o
“Dakilang Kaluluwa”.
• Tinuruan niya ang mga
mamamayan na humingi ng
kalayaan na hindi gagamit ng
karahasan, dahil naniniwala si
Gandhi sa Ahimsa (lakas ng
kaluluwa) at Satyagraha sa
pakikipaglaban.
MOHANDAS KARAMCHAD GANDHI
• Hindi rin niya sinang-ayunan ang
pagtatangi sa untouchables at sati
na para sa mga kababaihan.
• Ipinakilala rin ni Gandhi ang
paraang civil disobedience kung
saan ay hinikayat niya ang mga
Indian na gumawa ng pagboykot o
hindi pagbili sa mga kalakal o
produktong Ingles lalo na ang
telang negosyo ng mga ito.
MOHANDAS KARAMCHAD GANDHI
• Isinagawa rin niya ang pag -aayuno
o hunger strike upang makuha ang
atensiyon ng mga Ingles at upang
mabigyan ng agarang pansin ang
kanilang kahilingang lumaya.
• Labas masok man sa piitan ay
hindi pa rin siya natakot.
MOHANDAS KARAMCHAD GANDHI
• Sa halip ay nagpatuloy pa rin si
Gandhi sa kaniyang mapayapang
pakikibaka hanggang sa makamit
ng mga Indian ang kanilang
kalayaan.
MOHANDAS KARAMCHAD GANDHI
• Nakamit ng India ang kanilang
kalayaan noong Agosto 15, 1947
sa pamumuno ni Jawaharlal Nehru.
MOHANDAS KARAMCHAD GANDHI
• Nabaril at napatay si Gandhi noong
Enero 30, 1948 na hindi
nagtagumpay sa kanyang adhikain
na mapagkasundo ang mga Hindu
at Muslim.
MOHAMED
ALI JINNAH
MOHAMED ALI JINNAH
• Nakilala siya bilang “Ama ng
Pakistan”, isang abogado at
pandaigdigang lider.
• Ipinanganak noong Disyembre 25,
1876, sa Karachi, Pakistan.
• Ang kaniyang mga magulang ay
sina Jinnahbha Poonja at Mithibai.
• Panganay na anak sa pitong
magkakapatid.
MOHAMED ALI JINNAH
• Nakapag-aral sa Pamantasan ng
Bombay, Lincoln Inn, Christian
Missionary Society High School, Sind
Madrassa Gohal Das Tej Primary
School at Sindh Madrasatul-Islam.
• Naganyak ng kaibigan ng kaniyang
ama na isang dayuhan tulad ni Sir
Frederick Leigh Craft na mag-aral sa
London.
• Kabilang si Ali Jinnah sa Khoja Muslim
sect.
• Siya ay nakapag asawa sa edad na 15
taong gulang.
MOHAMED ALI JINNAH
• namuno sa Muslim League noong
1905. Layunin ng samahan ang
magkaroon ng hiwalay na estado para
sa mga Muslim.
• Namuno siya upang ang Pakistan ay
lumaya mula sa India.
• Noong Agosto 14, 1947 nang
ipinagkaloob ang kalayaan ng
Pakistan.
• Si Mohamed Ali Jinnah ang itinanghal
na kauna - unahang gobernador
heneral ng Pakistan.
MOHAMED ALI JINNAH
• Namatay si Mohamed Ali Jinnah
noong Setyembre 11, 1948.
MUSTAFA KEMAL
ATATURK
MUSTAFA KEMAL ATATURK
• Siya ay isinilang sa Salonika,
bahagi ng imperyong Ottoman
noon, ngayon ay Saloniki, Greece.
• Ang kaniyang mga magulang ay
sina Ali Riza Efendi at Zubeyde
Hanim
• Sinasabing nagmula sa pamilya ng
mga Nomads sa Konya, Turkey.
MUSTAFA KEMAL ATATURK
• Nakapag-aral ng elementarya sa
Semsi Efendi School.
• Nag-aral sa Monastir High School
noong taong 1899.
• Taong 1905 nang matapos ng pag-
aaral sa Ottoman Military College
si Mustafa, at naging ganap na
isang sundalo.
MUSTAFA KEMAL ATATURK
• Naging Kapitan ng Ottoman Army
at nagsilbi sa 5th Army sa
Damascus na ngayon ay Syria
hanggang noong 1907.
• Isa si Mustafa na hindi pumayag sa
kasunduan ng Italy at France
noong matapos ang kanilang
digmaan noong 1911 hanggang
1912, na hatiin ang Imperyong
Ottoman.
MUSTAFA KEMAL ATATURK
• Siya ang naging susi sa isang
pagkilos na naganap noong
Disyembre 1911 sa Battle of
Tobruk, na kung saan ay may 200
Turko at Arabong militar lamang
ang lumaban sa 2000 Italyanong
naitaboy at 200 na nahuli at
napatay, bagamat nagtagumpay pa
rin ang mga Italyano
MUSTAFA KEMAL ATATURK
• Si Mustafa Kemal ang nagbigay- daan
sa pagtatamo ng kalayaan ng Turkey
sa kabila na ito ay binalak paghati-
hatian ng mga Kanluraning bansa
tulad ng France, Britain, Greece at
Armenia.
MUSTAFA KEMAL ATATURK
• Siya ang tumawag ng halalang
pambansa at hiwalay na parlliamento
na siya ang nagsilbing tagapagsalita
(speaker).
• Ito ang Grand National Assembly ng
Turkey.
• Ito ang nagbigay daan upang ang mga
Turkong militar ay mapakilos na hingin
ang kalayaan ng bansang Turkey.
MUSTAFA KEMAL ATATURK
• Noong Hulyo 24, 1923, Ang Grand
National Assembly kasama ang
mga Kanluranin ay lumagda sa
isang kasunduan na tinawag na
Treaty of Luasanne na kumikilala
ng kalayaan ng Turkey.
• ang unang nahalal na pinuno ng
Bagong Republika.
• Tinawag siyang Ataturk na
nangangahulugang Ama ng mga
Turko.
AYATOLLAH ROUHOLLAH
MOUSARI KHOMEINI
AYATOLLAH ROUHOLLAH
MOUSARI KHOMEINI
• isinilang noong Setyembre 24,
1902, lumaki sa pangangalaga ng
kaniyang ina at tiyahin, matapos
mamatay ang kaniyang ama sa
kamay ng mga bandido.
• Nang mamatay ang kaniyang ina
siya ay naiwan sa pangangalaga at
pagsusubaybay ng kaniyang
nakatatandang kapatid.
AYATOLLAH ROUHOLLAH
MOUSARI KHOMEINI
• Noong 1962 nagsimula si Ayatollah
na maging aktibo sa larangan ng
politika.
• Kasama siya sa mga pagkilos at
pagbatikos sa mga karahasang
isinasagawa ng kanilang Shah sa
mga mamamayan at ang tahasang
pagpanig at pangangalaga nito sa
interes ng mga dayuhan tulad ng
Estados Unidos.
AYATOLLAH ROUHOLLAH
MOUSARI KHOMEINI
• Si Ayatollah rin ay gumawa ng
makasaysayang pagtatalumpati
noong Hunyo 3, 1963 laban sa
patuloy na pagkiling ng Shah ng
Iran sa mga makadayuhang
pakikialam at pagsuporta nito sa
Israel.
AYATOLLAH ROUHOLLAH
MOUSARI KHOMEINI
• Sa pamamagitan ng gawaing ito
ay naaresto at nakulong si
Ayalollah na umani ng malawakang
pagsuporta ng mga mamamayan
na naging sanhi ng kaguluhan sa
bansa.
AYATOLLAH ROUHOLLAH
MOUSARI KHOMEINI
• Naranasan din ni Ayatollah ang
maipatapon sa ibang bansa tulad
ng Turkey at Iraq noong
Nobyembre 1964, dahil sa
pagsusulat at pangangaral laban
sa pamunuang mayroon ang
kaniyang bansa.
AYATOLLAH ROUHOLLAH
MOUSARI KHOMEINI
• Pagkatapos mabuwag ang
pamahalaan ng Iran sa
pamamagitan ng Rebolusyong
Islamic (Islamic Revolution) noong
1979 at mapatalsik ang Shah
muling bumalik si Ayatollah sa Iran
na muling tinanggap ng mga
mamamayan.
AYATOLLAH ROUHOLLAH
MOUSARI KHOMEINI
• Noong Pebrero 1989, siya ay
nagpalabas ng isang Fatwa sa
estasyon ng Tehran Radio na
nagbibigay ng parusang
kamatayan laban sa isang
manunulat na Ingles na si Salman
Rushdie at sa kaniyang
tagapagpalimbag ng aklat na may
titulong Satanic Verses.
AYATOLLAH ROUHOLLAH
MOUSARI KHOMEINI
• Namatay si Ayatollah noong Hunyo
3, 1989 sa gulang na 70 taon.
• Kinikila siya bilang isa sa mga
malupit na lider ng ika-20 siglo.
IBN SAUD
IBN SAUD
• Si Ibn Saud ang kauna-unahang
hari ng Saudi Arabia.
• Isinilang noong Nobyembre
24,1880 sa Riyadh, anak ni Abdul
Rahman Bin Faisal.
• Ang kaniyang pamilya ay kabilang
sa mga pinunong tradisyunal ng
kilusang wahhabi ng Islam (ultra
orthodox).
IBN SAUD
• Minsang nakulong sa Kuwait ang
kaniyang pamilya.
• Taong 1902 nang muling
mapasakamay nila ang Riyadh,
samantalang taong 1912 naman
nang masakop niya ang Najd at
dito ay bumuo ng pangkat ng mga
bihasang sundalo.
IBN SAUD
• Matapos ang Unang Digmaang
Pandaigdig, sinikap ng mga Ingles na
mapalapit sa kaniya, ngunit di ito
nagtagumpay sa halip ay pinaboran
ang kaniyang katunggali na si Husayn
Ibn Ali ng Hejaz.
• Taong 1924-1925 napabagsak ni Ibn
Saud si Husayn at iprinoklama ang
kaniyang sarili bilang hari ng Hejaz at
Nejd.
IBN SAUD
• Pagkatapos matipon ang halos
kabuuan ng Tangway Arabia taong
1932 binigyan ni Ibn Saud ang
kaniyang kaharian ng bagong
pangalan bilang Saudi Arabia.
IBN SAUD
• Nagtagumpay siya na mahimok ang
mga Nomadikong tribo o pangkat-
etniko na mapaayos ang kanilang
pamumuhay at iwasan na ang gawain
ng panggugulo at paghihiganti.
• Sa kaniya ring pamumuno ay nawala
ang mga nakawan at pangingikil na
nangyayari sa mga dumadalo ng
pilgrimage sa Mecca at Medina.
IBN SAUD
• Si Haring Ibn Saud ang nagbigay ng
pahintulot sa isang kompanya ng
Estados Unidos noong 1936 at 1939
upang magkaroon ng oil concession
sa Saudi Arabia.
• Pinatunayan ng bansa na ang mina ng
langis ang pinakamayaman sa daigdig
na nakatulong upang ito ay
magkaroon ng pambansang pag-
unlad.
IBN SAUD
• Noong Ikalawang Digmaang
Pandaigdig si Haring Ibn Saud ay
nanatiling neutral ngunit di rin
naiwasan na siya ay minsang
pumabor sa mga Allies.
• Hindi siya seryosong nakialam sa
Digmaang Arab Israel noong 1948.
• Pinalitan siya ng kaniyang panganay
na anak na si Prince Saud.
Tunay na maraming lider Asyano sa Timog at
Kanlurang Asya ang nagpamalas ng pagiging
makabayan, nagpunyagi at nagtagumpay na matamo
ang inaasam na kalayaan ng kani-kanilang
mamamayan at bansa.
Gawain 8:
Map Sikat
Gawain 8:
Map Sikat
Sa tulong ng mapa na kasunod ng mga
larawan ay muli mong kilalanin ang mga
pinunong Nasyonalista sa Timog at Kanlurang
Asya sa pamamagitan ng pagtatapat ng
kanilang larawan sa bansang kanilang
pinagmulan.
MOHANDAS GANDHI
AYATOLLAH KHOMEINI
MUSTAFA KEMAL ATATURK
MOHAMED ALI JINNAH
IBN SAUD
MAPA NG TIMOG AT
KANLURANG ASYA
Pamprosesong mga Tanong
1. Sino sa mga naging pinunong nasyonalista sa
Timog at Kanlurang Asya ang nais mong tularan?
Bakit?
Pamprosesong mga Tanong
1.Sino sa mga naging pinunong nasyonalista sa
Timog at Kanlurang Asya ang nais mong tularan?
Bakit?
2.Anong gawain ng isang karaniwang mamamayan
na katulad mo sa kasalukuyan, ang maaaring
magpamalas ng pagmamahal sa bansa ? Ipaliwanag
ang iyong sagot.
Pamprosesong mga Tanong
1.Sino sa mga naging pinunong nasyonalista sa
Timog at Kanlurang Asya ang nais mong tularan?
Bakit?
2.Anong gawain ng isang karaniwang mamamayan
na katulad mo sa kasalukuyan, ang maaaring
magpamalas ng pagmamahal sa bansa ? Ipaliwanag
ang iyong sagot.
3.Sino sa mga lider sa Timog at Kanlurang Asya sa
kasalukuyan ang kakikitaan natin ng pagiging
makabayan sa kabila ng mga naranasang kaguluhan
sa kanilang bansa? Bakit?
EPEKTO NG MGA
DIGMAANG PANDAIGDIG
SA PAG – ANGAT NG MGA
MALAWAKANG KILUSANG
NASYONALISTA
Gawain 9:
Digma, Pic!
Gawain 9:
Digma, Pic!
Suriin ang kasunod na collage at sagutin
ang mga tanong kaugnay nito.
Pamprosesong mga Tanong
1. Ano ang mensaheng nais ipahiwatig ng collage?
Pamprosesong mga Tanong
1. Ano ang mensaheng nais ipahiwatig ng collage?
2.Mula sa collage, ano-ano ang naging kaganapan
sa bansa ng Timog at Kanlurang Asya bago at
matapos ang Una at Ikalawang Digmaang
Pandaigdig?
Pamprosesong mga Tanong
1. Ano ang mensaheng nais ipahiwatig ng collage?
2.Mula sa collage, ano-ano ang naging kaganapan
sa bansa ng Timog at Kanlurang Asya bago at
matapos ang Una at Ikalawang Digmaang
Pandaigdig?
3.Paano nakaapekto ang nasabing mga digmaan sa
pagtatamo ng kalayaan ng mga bansa sa Timog at
Kanlurang Asya?
Gawain 10:
Pagsusuri ng Teksto
Ang pagpapakita ng nasyonalismo ng
mga lider nasyonalista sa mga bansa sa Timog
at Kanlurang Asya upang matamo ng mga
Asyano ang kanilang kalayaan sa kamay ng
mga imperyalisyalistang bansa ay mas
nasubok ng maganap ang Una at Ikalawang
Digmaang Pandaigdig. Isang mahalagang
kaganapan sa Asya ang mga nabanggit na
digmaan dahil sa malaking epekto nito sa
pamumuhay ng mga Asyano.
Unang Digmaang
Pandaigdig
(1914-1918)
Unang Digmaang Pandaigdig
(1914-1918)
Ang pagsiklab ng Una at Ikalawang Digmaang
Pandaigdig, ang higit na nag-udyok sa mga Asyano na
magkaroon ng mga pagbabago at higit na magpunyagi sa
pangunguna ng mga lider Asyano nito na matamo ang
minimithing kalayaan para sa mga bansa lalo na sa Timog at
Kanlurang Asya. Tunghayan natin sa araling ito ang mga
tunay na kaganapan ukol dito.
Unang Digmaang Pandaigdig
(1914-1918)
• Noong Agosto 1914 nang sumiklab ang Unang Digmaang
Pandaigdig. Dahil sa pag-aalyansa ng mga bansang
Europeo at ang pag-uunahan sa teritoryo upang
maisakatuparan ang kani-kanilang interes. Ang alyansa ng
Germany, Austria at Hungary ay tinawag na Central Powers,
samantalang ang mga Allies naman ay binubuo ng France,
England at Russia.
Unang Digmaang Pandaigdig
(1914-1918)
Isang mahalagang pangyayari at dahilan din sa
pagsiklab ng nasabing digmaan ang pagkamatay ni Archduke
Francis Ferdinand ng Austria.
Unang Digmaang Pandaigdig
(1914-1918)
Nakasentro man sa Europa ang digmaan, nakaapekto
rin ito sa Asya. Tulad sa India na ang nasyonalismo at
pangkalayaang kilusan ay nagkaisa at tumulong sa panig ng
mga Allies. Sa pamamagitan ng pagpapadala ng mga Indian
sa labanan sa ilalim ng mga opisyal na Ingles. Kaalinsabay
nito ay pagkakaisa rin ng mga kilusang Muslim at Hindu na
pansamantalang isinantabi ang di - pagkakasundo dahil
kapwa silang naghangad na mabigyan ng karapatang
mamahala sa sarili. Pinangunahan ni Gandhi ang kilusan sa
pamamagitan ng pamamaraang payapa ayon sa satyagraha
(non- violence).
Unang Digmaang Pandaigdig
(1914-1918)
Sa pamamagitan ng bansang Iran, ang Rusya at
Britanya ay nagsagawa ng pag - atake sa Ottoman Empire na
kung saan ay nakipag-alyado sa Germany. Sa kabila nito, ang
Iran ay walang pinapanigan. Ang digmaang ito ay nagdulot ng
malawakang pagkasira ng mga pamayanan, ari-arian,
pagpatay ng maraming Iranian at nagdulot ng pagkagutom.
Ang kawalan ng pagkilos ng pamahalaang Iran sa
pagkakataong ito, ay nagbigay - daan sa malawakang pag
-aalsa at pagkilos na humihingi ng kalayaan para sa Hilagang
Iran noong 1915-1921.
Unang Digmaang Pandaigdig
(1914-1918)
Taong 1919 , hiniling ng Britanya sa Punong Ministro
ng Iran na lumagda sa isang kasunduang magbibigay ng
malawak na kapangyarihan sa pagkontrol ng ekonomiya,
politika, pangmilitar sa bansang Iran na magbibigay - daan sa
pagiging ganap na protektadong bansa ng Britanya. Ang
pangyayaring ito, ang nagbigay-daan upang magalit ang mga
pangkat ng nasyonalista sa Iran. Sa pamamagitan ng
pagbatikos sa kasunduang ito sa mga pahayagan at pag-aalsa
ay napigilan ang nasabing kasunduan noong 1926.
Unang Digmaang Pandaigdig
(1914-1918)
Natalo sa digmaan ang Central Powers sa Versailles,
France kasunod ng isang kasunduan na tinawag na Treaty of
Versailles na naghuhudyat sa pormal na pagtatapos ng
digmaan.
Unang Digmaang Pandaigdig
(1914-1918)
Isa sa mga epekto ng
Unang Digmaang Pandaigdig ay
ang pagpasok ng mga
Kanluraning bansa sa Kanlurang
Asya dahil sa pagbasak ng
imperyong Ottoman.
Natuklasan ang langis sa
Kanlurang Asya noong 1914,
dahilan upang mas maging
interesado ang mga Kanluraning
bansa dito at magtatag ng
sistemang mandato.
Unang Digmaang Pandaigdig
(1914-1918)
Ibinigay sa bansang
France ang mandato para sa
Syria at Lebanon, napasakamay
naman ng mga Ingles ang
mandato para sa Palestina. Ang
mga lokal na pamamahala sa
mga bansang ito ay nanatili
ngunit pinamahalaan ng mga
dayuhan ang aspetong pang
-ekonomiya.
Unang Digmaang Pandaigdig
(1914-1918)
Nanantiling malaya ang
ibang bansa sa Kanlurang Asya
ngunit di pa rin nakaligtas sa
kontrol ng mga Kanluraning
bansa.
Isang halimbawa nito ay
ang pamumuno ni Haring Ibn
Saud sa Saudi Arabia, habang
lahat ng kompanyang naglilinang
ng langis ay pag-aari naman ng
mga dayuhan.
Unang Digmaang Pandaigdig
(1914-1918)
Ipinalabas ang Balfour
Declaration noong 1917 ng mga
Ingles na kung saan nakasaad
dito na ang Palestina ay
bubuksan sa mga Jew o Israelite
upang maging kanilang tahanan
(homeland).
Ito ang naging dahilan
upang magkaroon ng di -
pagkakaunawaan ang mga
Muslim at Jew na nagsimulang
magsiballik sa Kanlurang Asya
mula sa Europa.
Unang Digmaang Pandaigdig
(1914-1918)
Pagkatapos ng Unang Digmaang Pandaigdig ay
lumakas sa bansang India ang kilusang Nasyonalismo na
naging daan upang magkaisa ang pangkat ng Hindu at
Muslim. Nagkaroon sa bansang India ng malawakang
demonstrasyon, boykot at di pagsunod sa mga kautusan ng
Ingles, dahilan upang bigyan ang bansang India ng
autonomiya.
Ikalawang Digmaang
Pandaigdig
Ikalawang Digmaang Pandaigdig
Nagsimula sa Europa ang
Ikalawang Digmaang Pandaigdig
noong Setyembre 1939.
Taong 1942, isang
kasunduan ang pinangunahan ng
Estados Unidos ang Tehran
Conference na nagsasaad na
kapwa lilisanin ng Rusya at
Britanya ang bansang Iran upang
makapagsarili at maging malaya.
Ikalawang Digmaang Pandaigdig
Mayo 1946 nang sinimulang
alisin ng Rusya ang kaniyang mga
tropa sa Iran na hindi naman
tuluyang naisakatuparan bagkus ay
nagdulot pa ito ng Azerbaijan Crisis.
Itinuturing ito na unang di-
pagkakaunawaan na dininig ng
Security Council ng United Nations.
Ito ang nagbigay - daan sa Cold War
na kinasangkutan ng Estados
Unidos at kaniyang mga kaalyado,
kontra naman sa Rusya kasama rin
ang kaniyang kaalyadong bansa.
Ikalawang Digmaang Pandaigdig
Isa rin ang bansang India na
kolonya noon ng Inglatera ang
naapektuhan matapos ang digmaan
dahil minsan na rin niyang binigyan
ng suporta ang Inglatera sa
pakikidigmang ginawa nito.
Si Gandhi at ang kaniyang
mga kasamahan ay nagprotesta
tungkol dito dahil ayaw nila ng
digmaan.
Ikalawang Digmaang Pandaigdig
Sa pagtatapos ng digmaan
lalong sumidhi ang laban ng mga
taga - India para sa kalayaan ngunit
naging daan ito upang muling hindi
magkaisa ang mga Indian.
Sa paglaya ng India noong
1947, ito ay nahati sa dalawang
pangkat ang Hindu at Muslim. Ang
India para sa mga Hindu at Pakistan
para sa mga Muslim.
Ikalawang Digmaang Pandaigdig
Sa panig naman ng bansang
Israel, nangako ng kalayaan ang
Britanya sa mandatong lupain ng
mga Hudyo at Arabo. Kapwa umasa
ang dalawang pangkat na
magkaroon ng teritoryo. Maraming
Hudyo na nagmula sa iba’t ibang
bahagi ng Europa matapos ang
digmaan ang nagpunta sa Palestina
na itinuturing nilang lupang kanilang
pinagmulan.
Ikalawang Digmaang Pandaigdig
Hinangad ng mga Hudyo na
magkaroon ng sariling lupa sa
Palestina na maaari nilang matawag
na bansa. Tinutulan ito ng mga
Arabong nag - aangkin ng kabuuang
Palestina sa dahilang napakaraming
taon na itong naging tahanan ng
kapwa nila Arabo.
Ikalawang Digmaang Pandaigdig
Simula nang suportahan ng
Britanya ang Israel para sa
pagtatatag ng sariling estado hindi
na ito napayapa dahil para sa mga
Muslim ang pagsuportang ito ay
nangangahulugang hadlang sa
pagtatatag naman ng isang
malayang lupain ng mga Arabo.
Ikalawang Digmaang Pandaigdig
Maituturing na
pinakamahalagang pangyayaring
naganap sa Asya, pagtatapos ng
Ikalawang Digmaang Pandaigdig
ang inaasahang pagkakamit ng
kalayaan ng mga bansa sa Asya sa
Timog at Kanlurang Asya.
Gawain 11:
Concept Map Ko!
Gawain 11:
Concept Map Ko!
Lagyan ng wastong kaalaman ang
sumusunod na bahagi ng concept map at tree
diagram. Gawin ito sa isang malinis na papel o
kwaderno.
Gawain 11:
Concept Map Ko!
Timog Asya Kanlurang Asya
Mga kaganapan
sa Timog at
Kanlurang Asya.
Bago at
pagkatapos
maganap ang
Una at
Ikalawang
Digmaang
Pandaigdig
Gawain 12:
Tree Diagram
Gawain 12:
Tree Diagram
Lagyan ng wastong impormasyon ang
sumusunod na bahagi ng Tree Diagram. Maari
mong kulayan ang Tree Diagram upang
maging kaakit-akit. Gawin ito sa malinis na
papel o kuwaderno.
Pamprosesong mga Tanong
1. Ano-ano ang mga nangyari sa Timog at Kanlurang
Asya bago at matapos ang Una at Ikalawang
Digmaang Pandaigdig?
Pamprosesong mga Tanong
1.Ano-ano ang mga nangyari sa Timog at Kanlurang
Asya bago at matapos ang Una at Ikalawang
Digmaang Pandaigdig?
2.Paano nakaapekto ang nasabing mga digmaan sa
mga tao at bansa ng Timog at Kanlurang Asya noon
at sa kasalukuyan?
Pamprosesong mga Tanong
1.Ano-ano ang mga nangyari sa Timog at Kanlurang
Asya bago at matapos ang Una at Ikalawang
Digmaang Pandaigdig?
2.Paano nakaapekto ang nasabing mga digmaan sa
mga tao at bansa ng Timog at Kanlurang Asya noon
at sa kasalukuyan?
3.Sa nangyayaring mga kaguluhan sa mga bansa sa
Timog at Kanlurang Asya sa kasalukuyan, nanaisin
mo bang maulit pa ang isang digmaang pandaigdig?
Bakit?
UNAWAIN
Gawain 13:
Napapanahong Balita:
Pakibasa Mo Nga!
Gawain 13:
Napapanahong Balita: Pakibasa Mo Nga!
NATO approves Turkey’s request to provide
missile defense amid Syria chemical
weapons fear London, December 5 (ANI)
NATO has approved deploying Patriot
anti missile batteries along Turkey’s border
with Syria.
The decision came after a meeting of
NATO foreign ministers in Brussels, and amid
growing fears that Syria could use chemical
weapons.
Gawain 13:
Napapanahong Balita: Pakibasa Mo Nga!
NATO’s Secretary General Anders Fogh
Rasmussen laid the ministers had unanimously
expressed grave concern’s about the use of
chemical weapons.
Speaking after the meeting, Rasmussen
told reporters that the foreign ministers had
unanimously expressed grave concerns about
the reports, saying” Any such action would be
completely unacceptable and a clear breach of
international law”.
Gawain 13:
Napapanahong Balita: Pakibasa Mo Nga!
According to the BBC, the meeting of the
28 member Western Military Alliances, foreign
ministers in Brussels followed a request from
Turkey to boost its defenses along the border.
In a statement, NATO said it had agreed
to augment Turkey’s air defense capabilities in
order to defend the population and territory of
Turkey and to contribute to the de-escalation of
the crisis along the alliances border.
Gawain 13:
Napapanahong Balita: Pakibasa Mo Nga!
NATO’s deployment of Patriot surface to
air missile batteries to south eastern Turkey is
essentially a gesture of re assurance to
Ankara, the report said.
Turkey feeling threatened by the growing
crisis in Syria, stray Syrian artillery shells have
already come across the border on several
occasions, the report added.
Gawain 13:
Napapanahong Balita: Pakibasa Mo Nga!
According to the report Patriot is highly
capable against both advanced aircraft and
ballistic missiles. But NATO will underline that
this is to be seen as a defensive deployment
only.
Syria is believed to hold chemical
weapons including mustard gas and sarin, a
highly toxic nerves agent at dozens of sites
around the country, the report added.
Copyright@2010-2015 WKDC Media Solutions, All Rights Reserved.
Pamprosesong mga Tanong
1. Anu – anong bansa ang pinag – usapan sa balita?
2. Bakit pinag – uusapan sa kasalukuyan ang
nabanggit na mga sa Kanlurang Asya?
3. Maituturing bang pagpapakita ng nasyonalismo sa
kasalukuyan ang naging hakbang ng Turkey sa
paghingi ng tulong sa North Atlantic Treaty
Organization (NATO) bilang kasapi? Bakit?
Gawain 14:
Opinyon Mo,
Kailangan Ko
Gawain 14:
Opinyon Mo, Kailangan Ko
Lagyan ng tsek (/) ang iyong sagot sa
kasunod na tanong. Isulat mo ang iyong
paliwanag sa loob ng kahon. (Maaaring
isagawa ito sa pamamagitan ng pangkatang
gawain).
Gawain 14:
Opinyon Mo, Kailangan Ko
Sumasang-ayon ka ba sa naging
hakbang ng Turkey sa kasalukuyan sa
paghingi nito ng tulong mula sa NATO (North
Atlantic Treaty Organization) na maglagay ng
Patriot upang magkaroon ng proteksiyon sa
kanilang hangganan ng bansang Syria na
sinasabing may chemical weapon?
Gawain 14:
Opinyon Mo, Kailangan Ko
OO HINDI
Gawain 15:
Manood – Suri
(Film /Video
/Documentary Review)
Gawain 15:
Manood – suri
(Film /Video /Documentary Review)
Manood nang may pagsusuri tungkol sa
isang pelikula, video, dokumentaryo na
nagpapakita ng nasyonalismong Asyano.
Sagutin sa isang malinis na papel ang mga
kasunod na tanong para sa isang malayang
talakayan.
(Mga mungkahing pelikula, video o
dokumentaryo Mahatma Gandhi, Pearl Harbor
at Arab-Israeli Conflict.)
Pamprosesong mga Tanong
1. Ano ang mensaheng nais iparating ng pelikula,
video o dokumentaryo?
Pamprosesong mga Tanong
1. Ano ang mensaheng nais iparating ng pelikula,
video o dokumentaryo?
2. Paano ipinakita ng mga Asyano sa Timog at
Kanlurang Asya ang kanilang pagtugon sa
imperyalismo at kolonyalismong Kanluranin?
Pamprosesong mga Tanong
1. Ano ang mensaheng nais iparating ng pelikula,
video o dokumentaryo?
2. Paano ipinakita ng mga Asyano sa Timog at
Kanlurang Asya ang kanilang pagtugon sa
imperyalismo at kolonyalismong Kanluranin?
3. Nakabuti ba o hindi sa pamumuhay ng mga
Asyano sa Timog at Kanlurang Asya ang kanilang
pagpapakita ng nasyonalismo? Patunayan.
Gawain 16:
Positibo o Negatibo
Gawain 16:
Positibo o Negatibo
Lagyan ng krus ( + ) ang pahayag na
iyong sinasang-ayunan at eks ( x ) ang hindi
mo naman sinasang- ayunan.
Gawain 16:
Positibo o Negatibo
1)Nasyonalismo ang naging pangunahing tugon ng mga
Asyano sa pananakop ng mga Kanluranin.
2)Dahil sa Ikalawang Digmaang Pandaigdig, nagsibalik
ang mga Jews sa Kanlurang Asya.
3)Pagkatapos ng Unang Digmaang Pandaigdig
ipinatupad ng mga Kanluranin ang sistemang mandato sa
Kanlurang Asya,
4)Ang patakarang Divide and Rule ng mga Ingles ang
nagbigay-daan sa pagkakaisa ng mga Indian.
5)Relihiyon ang naging pangunahing batayan sa
pagpapakita ng nasyonalismo ng mga Indian.
Gawain 17:
Reflection Log
Gawain 17:
Reflection Log
Pangalan:
Petsa:
Taon at Seksyon:
Reflection Log
Ang nasyonalismo ay nakakabuti dahil
Gawain 17:
Reflection Log
Ipinagmamalaki ko ang aking pagiging
Asyano dahil sa natatanging mga nagawa ng
mga kilalang nasyonalista sa Timog at
Kanlurang Asya na nagpapatunay na ang
Asyanong katulad ko ay
ISABUHAY
Gawain 18:
Mag – usap Tayo
Gawain 18:
Iguhit, Poster Mo!
Sa bahaging ito ng yunit, maaari kang
gumuhit ng isang poster na nagpapakita ng
pagiging makabayan at lalagyan ng kapsyon
ng pangako ng pagsasakatuparan nito sa:
Tahanan
Pamayanan/ Barangay
Paaralan
Gawain 18:
Iguhit, Poster Mo!
Bibigyang- pansin din ang katangiang dapat
taglayin ng isang poster sa pagmamarka sa
pamamagitan ng isang review sheet na naglalaman
ng sumusunod na katangian:
Ebidensya ng kakayahang maglapat ng
kaalaman sa bagong sitwasyon 12345
Malinis at Maayos ang pagkakaguhit at
pagkakakulay 12345
Malikhain at may malakas na pang- akit 12345
Epekto sa nagwawasto 12345
Aralin 2.2
KAUGNAYAN NG IBA’T
IBANG IDEOLOHIYA SA
MGA MALAWAKANG
KILUSANG NASYONALISTA
ALAMIN
Gawain 1:
Word Web
Gawain 1:
Word Web
Sa pamamagitan ng sumusunod na
diagram, isulat ang mga salitang kaugnay sa
salitang ideolohiya.
Gawain 1:
Word Web
Mula sa nailagay o naisulat na mga
kaugnay na salita sa ideyolohiya, bumuo ng
isang konsepto na tumutukoy dito.
Ang ideyolohiya ay tumutukoy sa
Gawain 2:
Ating Alamin
Gawain 2:
Ating Alamin
Bilang isang pangkat, ilagay sa
sumusunod na concept map kung ano sa
inyong palagay ang naging kaugnayan ng iba’t
ibang ideolohiya sa mga malawakang kilusang
nasyonalista at kung paano ang mga ito ay
nakatulong sa paglaya ng mga bansa sa
Timog at Kanlurang Asya.
Pamprosesong mga Tanong
1. Ano-ano ang mga ideolohiyang nalinang sa mga
bansa sa Timog at Kanlurang Asya? Ipaliwanag ang
mahalagang katangian ng nabanggit na mga
ideolohiya.
Pamprosesong mga Tanong
1.Ano-ano ang mga ideolohiyang nalinang sa mga
bansa sa Timog at Kanlurang Asya? Ipaliwanag ang
mahalagang katangian ng nabanggit na mga
ideolohiya.
2.Nakaapekto ba ang mga ito sa pagkakaroon ng
mga kilusang nasyonalista?
Pamprosesong mga Tanong
3.
Gawain 2:
Ating Alamin
Pagkatapos na magawa ang inyong
concept map, ang bawat pangkat ay
magbabahagi ng nabuo ninyong mga kaisipan
sa klase.
PAUNLARIN
Gawain 3:
Teksto…
Iyong Suriin
Gawain 3:
Teksto… Iyong Suriin
Sa bahaging ito, suriin ang sumusunod
na teksto at alamin kung ang nabuo at
ibinahagi ninyong mga kaisipan at ang
nilalaman ng teksto ay nagkakatugma.
Gawain 3:
Teksto… Iyong Suriin
Iba’t ibang Ideolohiya at ang mga
Malawakang Kilusang Nasyonalista sa
Timog at Kanlurang Asya
Bakit iba’t ibang ideolohiya ang sinusunod
ng mga bansa? Paano ang mga ideolohiyang
ito ay nakatulong o nakaapekto sa
pagkakaroon ng mga Kilusang Nasyonalista?
Paano ang mga ito ay nagsilbing instrumento
sa paglaya ng mga bansa?
Gawain 3:
Teksto… Iyong Suriin
Ang mataas na uri ng pagpapahalaga at
mga kasagutan sa mga suliranin at
pangangailangan ng mga mamamayan ay
ipinahahayag ng mga ideolohiya. Naaayon din
ang mga ito sa kultura at kasaysayan ng
bansa. Ang ideolohiya ay nahahati sa
dalawang pangunahing kategorya – ang
ideolohiyang pang-ekonomiya at ideolohiyang
pampolitika.
Gawain 3:
Teksto… Iyong Suriin
Ang ideolohiyang pang-ekonomiya ay nakatuon
sa mga patakarang pangkabuhayan ng bansa at
paraan ng paghahati ng kayamanan nito sa mga
mamamayan. Samantala, ang ideolohiyang
pampolitika ay nakapokus sa paraan ng pamumuno
at sa paraan ng pagpapatupad ng mga mamamayan.
Nauugnay ang politikal na ideolohiya sa mga kilusan
para sa panlipunang pagbabago. Hinihikayat nito ang
mga tao na kumilos ayon sa ninanais nilang mga
pagbabagong kaayusan.
Gawain 3:
Teksto… Iyong Suriin
Sa pangkalahatan iba’t ibang ideolohiya ang
nabuo sa Asya. Ito ay ang Demokrasya, Sosyalismo,
Komunismo at Pasismo. Pag-aralan natin ang piling
kaso ng mga bansa sa Timog at Kanlurang Asya.
Timog Asya
India at Pakistan
Sa Timog at Kanlurang Asya, higit na naging
malaki ang impluwensiya ng demokrasya sa mga
kilusang nasyonalista. Sa India, sa ilalim ng
pananakop ng mga British, maraming Indian ang
naging aktibo sa muling pagbuhay ng kaisipan at
tradisyong Hindu. Hindi matanggap ng mga Indian
ang pagbalewala at pag-alis sa kanilang mga
nakagisnang kultura.
India at Pakistan
Hinimok ni Swarmi Dayanand Saraswati, isang
nasyonalista, ang muling pagbasa ng mga Veda
upang maging batayan ng pang-araw-araw na
pamumuhay ng mga Indian. Hinangad din ng mga
Indian ang pagkakaroon ng konstitusyon na
magbibigay sa kanila ng mas malaki at malawak na
pagkakataong makalahok sa pamamahala sa bansa.
Naging mabagal ang pagkakaloob ng mga British sa
mga hinihinging pagbabago ang nagtulak sa mga
Indian upang maglunsad at magpalaganap ng isang
kilusang rebolusyonaryo.
India at Pakistan
Pinangunahan ni Bal Gangadhar Tilak ang
tinawag na militanteng nasyonalismo. Nagsagawa
sila ng marahas na pagkilos laban sa mga British
mula 1905 hanggang 1914.
India at Pakistan
Samantala, may mga Indian naman na
nagpamalas ng moderatong nasyonalismo sa
pamumuno ni Mohandas Gandhi. Siya ay naging
pangulo ng All India National Congress na naitatag
noong 1885.
India at Pakistan
Noong 1935, nagbigay ang Great Britain sa India ng
isang bagong konstitusyon na nagkaloob ng isang lehislatibong
bikameral at pederal, sanggunian ng mga estado at ng
kapulungan. Tinanggihan ito ng mga Indian at Muslim. Para sa
mga Muslim, kung mga Hindu ang mas magkakaroon ng
control sa India, mapipinsala ang kanilang kultura at relihiyon.
Upang mabigyang - proteksiyon ang kanilang mga karapatan
at kapakanan, itinatag ang Muslim League noong 1906. Ito ay
sa pangunguna ni Muhammad Ali Jinnah. Naging masigla ito
sa kanilang mga gawain. Hiniling niya noong 1947 ang isang
hiwalay na bansang Muslim. Ito ay nagbigay- daan sa pagbuo
ng bansang Pakistan na naihayag ang kasarinlan kasabay ng
India noong Agosto 14, 1947.
Sri Lanka at
Maliliit na Estado sa Timog Asya
Pinamunuan ng Great Britain ang Sri-Lanka at buong
sub-kontinente ng India sa loob ng isa’t kalahating
dantaon(1796-1947).
Noong 1915, itinatag nila ang Ceylon National Congress
na unang partidong pulitikal. Namuno ito upang ipaglaban ang
kasarinlan ng bansa.
Pagkaraan ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig,
pinamunuan ni Don Stephen Senanayake, ang itinuturing na
“Ama ng Kasarinlang Sri-Lanka, ang pakikipaglaban para sa
kasarinlan.
Sila ay sinuportahan ng lahat ng pangkat- etniko.
Noong Pebrero 4, 1948, ipinahayag ang kasarinlan ng bansa.
Sri Lanka at
Maliliit na Estado sa Timog Asya
Samantala, sa Nepal, noong 1990, naganap ang
mapayapang Rebolusyong People Power. Nagsilbing
inspirasyon nila ang katulad na EDSA Rebolusyon sa Pilipinas
noong 1986.
Noong Disyembre 24, 2007, ipinahayag ng Nepalese
Constituent Assembly na lalansagin ang monarkiya sa 2008
pagkatapos ng eleksyon sa Asemblea.
Noong Mayo 28, 2008, idineklara ang Nepal bilang
isang Federal Democratic Republic.
Kanlurang Asya
Israel
Natagpuan ng mga Hudyo ang kalayaan at
oportunidad sa pamamagitan ng United States.
Naging instrumental ang pamahalaan ng US sa
pagtulong sa mga Hudyo.
Israel
Sa pagtatapos ng ika-19 na dantaon, sumibol
ang mga pagkilos upang ang mga Hudyo ay
makabalik sa kanilang lupain. Itinatag ang Kilusang
Zionismo sa Basel, Switzerland noong 1897 ni
Theodor Herzl (1860-1904), isang Austro-Hungarian.
Nagsimula ang kilusan sa pagbabalik ng mga Hudyo
sa kanilang “lupaing pangako.” Libo-libong
migranteng Hudyo ang pumunta sa Palestine at doon
ay muling nanirahan.
Israel
Ikinagalit ito ng mga Palestiniang Arab. Kaya
noong 1921, inayos ng mga British ang usapin
tungkol dito na nagdulot ng paghahati sa Palestine.
Nagkaroon ito ng dalawang estado – isa para sa mga
Hudyo at ang isa ay para sa mga Arab. Ipinangako sa
bawat isa ang kani-kanilang kasarinlan. Subalit ang
bawat isa ay hindi nasiyahan. Ang panahon ng
partisyong ito (1920-1948) ay nagging puno ng
madudugong labanan sa pagitan ng mga Hudyo at
Arab.
Israel
Ang kasukdulan ng mapait na nakaraan ng mga
Hudyo ay ang ginawang pagpatay sa milyon-milyong
mga Hudyo na nasa Europa noong panahon ng
Ikalawang Digmaang Pandaigdig (1939-1944).
Isinagawa ito ng Nazi Germany sa pamumuno ni
Adolf Hitler. Ang pangyayaring ito ay tinawag na
“Holocaust,” na naging rallying point ng mga Hudyo at
ng kanilang mga tagasuporta.
Israel
Inihayag ang malayang nasyon ng Israel sa Tel
- Aviv noong Mayo 14,1948. Tinawag itong Republika
ng Israel at ang naging unang Punong Ministro ay si
David Ben-Gurion.
Iraq
DAYANAND
SARASWATI
MAHATMA
GANDHI
LARAWAN TIMOG ASYA
MUHAMMED ALI
JINNAH
LARAWAN KANLURANG ASYA
THEODOR HERZL
FAISAL
LARAWAN KANLURANG ASYA
IBN SAUD
MUHAMMAD IBN
ABDUL WAHAB
Pamprosesong mga Tanong
1. Ano ang pagkakaiba ng mga ideolohiyang
isinulong mga kilalang pinuno?
Pamprosesong mga Tanong
1. Ano ang pagkakaiba ng mga ideolohiyang
isinulong mga kilalang pinuno?
2. Naging epektibo ba ang mga kilusang
nasyonalismo na itinatag ng kilalang mga
personalidad? Sa paanong paraan?
Pamprosesong mga Tanong
1. Ano ang pagkakaiba ng mga ideolohiyang
isinulong mga kilalang pinuno?
2. Naging epektibo ba ang mga kilusang
nasyonalismo na itinatag ng kilalang mga
personalidad? Sa paanong paraan?
3. Paanong ang nasyonalismo ay nakapagdulot ng
transpormasyon sa kanilang bansa?
Gawain 6:
Fact o Opinion
Gawain 6:
Fact o Opinion
Isulat sa iyong worksheet kung ang
sumusunod na mga pahayag ay Fact o
Opinion at isulat ang iyong dahilan kung bakit
ito ang iyong sagot.
Gawain 6:
Fact o Opinion
1. Ang ideolohiya ay lipon ng mga kaisipang
pinaniniwalaan at pinanghahawakan ng
maraming tao na kumikilos ayon sa mga ideya,
simulain, prinsipyo o paniniwala na
napapaloob dito.
Gawain 6:
Fact o Opinion
2. Ang ideolohiyang pampolitika ay nakasentro
sa paraan ng mga mamamayan.
Gawain 6:
Fact o Opinion
3. Ang ideolohiyang pang-ekonomiya ay
nakasentro sa mga patakarang
pangkabuhayan ng bansa at paraan ng
paghahati ng kayamanan nito sa mga
mamamayan
Gawain 6:
Fact o Opinion
4. Sinasabing paraan ng pamumuhay ang
demokrasya at maaaring ipahayag sa iba't
ibang anyo tulad ng aspetong politikal,
pangkabuhayan at panlipunan.
Gawain 6:
Fact o Opinion
5. Naniniwala ang mga sosyalista sa mga
pagpapahalagang pagkakapantay – pantay,
panlipunang katarungan, pagtutulungan, pag-
unlad, kalayaan at kaligayahan.
Gawain 6:
Fact o Opinion
6. Sinasabing sa ilalim ng komunismo, puno ng
kasaganaan ang isang lipunan, walang uri ang
mga tao, mga batas at walang pamimilit.
UNAWAIN
Gawain 7:
Lesson Closure
Gawain 7:
Lesson Closure
Kumpletuhin ang sumusunod na pahayag
Sa araw na ito ay natutunan ko na:
Ang pinakamahalagang ideya na
nakaapekto sa akin ay
Ito ay mahalaga sapagkat
Sa Kabuuan, napagtanto ko na
Pamprosesong mga Tanong
1. Sinu-sino sa kasalukuyang panahon ang mga
kilalang personalidad na naging instrumento sa
pagbabago sa kanilang bansa? Paano nila
pinamunuan o naimpluwensiyahan ang mga kilusang
nagsulong ng pagbabago?
Pamprosesong mga Tanong
1.Sinu-sino sa kasalukuyang panahon ang mga
kilalang personalidad na naging instrumento sa
pagbabago sa kanilang bansa? Paano nila
pinamunuan o naimpluwensiyahan ang mga kilusang
nagsulong ng pagbabago?
2.Paano ang mga nabanggit ay nakatulong sa
pagkakaroon ng pagbabago sa kanilang bansa?
Pamprosesong mga Tanong
1.Sinu-sino sa kasalukuyang panahon ang mga
kilalang personalidad na naging instrumento sa
pagbabago sa kanilang bansa? Paano nila
pinamunuan o naimpluwensiyahan ang mga kilusang
nagsulong ng pagbabago?
2.Paano ang mga nabanggit ay nakatulong sa
pagkakaroon ng pagbabago sa kanilang bansa?
3.Ilahad ang kanilang mga nagawa para sa kanilang
bansa.
ISABUHAY
Gawain 8:
Picture Collage
Gawain 8:
Picture Collage
Sa kasalukuyang panahon, magsaliksik
ng limang personalidad sa Timog at Kanlurang
Asya na naging instrumento sa kanilang
pagbabago. Humanap ng kanilang larawan at
ang kanilang mga inilunsad na gawaing naging
instrumento sa pagbabago at ipakita ito sa
pamamagitan ng isang picture collage. Ito ay
kinakailangang magpakita ng sumusunod na
mga kraytirya:
Gawain 8:
Picture Collage
KRAYTIRYA PUNTOS
Nilalaman 10 puntos
Organisasyon ng 5 puntos
mga Ideya
Pagkamalikhain 5 puntos
Pamprosesong mga Tanong
1. Ano ang patunay na nakapagdulot ng mga
pagbabago dahil sa mga ginawa ng mga
personalidad na nabanggit sa Gawain 6?
Mga Sanggunian
ASYA: Pagkakaisa sa Gitna ng
Pagkakakilanlan, Learner’s Module pp.
222 – 253
DOWNLOAD LINK
http://www.slideshare.net/jaredram55
E-mail: [email protected]
All is well, all is well, all is well
May the odds be ever in your favor
Good vibes =)
Hakuna matata
THANK
YOU VERY
MUCH!
Prepared by:
JARED RAM A. JUEZAN
Teacher I, AP 8
December 6, 2014