Thirdgradingsecondweekekonomiks 131027083116 Phpapp01

Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 33

Ikatlong markahan Ikalawang Linggo

GROSS NATIONAL PRODUCT


Ang anumang bansa sa daigdig ay naghahangad na
marating at matamo ang pag-unlad ng ekonomya.
Ang kaunlaran ng isang ekonomya ay makikita sa
tinatawag na economic performance ng bansa.
Ito ang batayan kung nagagampanan ng pamahalaan
at ng iba pang sektor ang kani-kanilang gawain at
tungkulin.

Sa pagsukat ng economic performance ng bansa ay


ginagamit ang mga economic indicators.

Ito ang mga instrumento upang ilahad ang anumang


pag-unlad na narating ng isang ekonomya.
Dito nakapaloob ang katuturan ng pagtutuos ng GNP,
Pambansang Kita, Per Capita Income, CPI,
Implasyon, GDP at iba pa.

Ang mga indicator na ito ang naglalarawan ng


kalagayan ng isang bansa.
Economic Indicators
GNP GDP

PCI

CPI

Pag-unlad ng Ekonomya

NI

Kabuuang Pambansang Produkto


(Gross National Product o GNP

Ang GNP ay itinuturing na pinakamahalagang bagay


na isinasaalang-alang sa usapin na may kinalaman sa
pag-unlad ng bansa.
Sa GNP nalalaman ang pangkalahatang produksyon
ng bansa. Sa pamamagitan nito, pinagsasama-sama
ang lahat ng produkto at serbisyo na ginawa ng mga
mamamayan ng isang bansa.

Alam natin na napakaraming produkto ang nililikha


sa bansa na may kanya-kanyang panukat tulad ng
kilos, salop, yarda, metro, dosena, galon at iba pa.
At upang masukat ang pangkalahatang produksyon ng
bansa, hindi na gumagamit ng anumang panukat sa
produkto, bagkus ang presyo o halaga ng mga
nagawang produkto na lamang ang pinagsama-sama.
Ang halagang ito ay iyong tinatawag na market
value.

Ibig sabihin ang anumang produkto at serbisyo na


walang halaga ay hindi naisasama sa pagkuha ng
GNP.
Ang mga produktong handa na para ikonsumo o
iyong tinatawag na final goods ang isinasama sa
pagkukwenta ng GNP.
Ito ay mga produktong hindi na kailangang iproseso
upang maging yaring produkto.
Isang halimbawa ay ang hilaw na materyal tulad ng
tubo ng isang intermediate goods ipoproseso pa
upang maging asukal.

Kaya ang halaga ng tubo ay hindi binibilang kundi


ang halaga lamang ng asukal ang kinukwenta upang
iwasan ang double counting sa GNP.
Kapag nagkaroon ng double counting ang GNP ay
masyadong lalaki.
Sa maikling salita, ang GNP ay tumutukoy sa
kabuuang halaga ng mga produkto at serbisyong
nagawa ng isang bansa sa loob ng isang taon.
Kasama sa GNP ng isang bansa ang produksyon ng
kanilang mamamayan sa loob at labas man ng bansa.

Halimbawa sa ating bansa, ang mga kinikita ng ating


mga OFWs na nasa ibat ibang bansa ay kasama sa
ating GNP at lahat ng ito ay kinukwenta sa loob ng
isang taon.
1. Pagkakaiba ng GNP at GDP (Gross Domestic
Product)
Kung ang GNP ay sumusukat sa kabuuang
produksyon na nagawa ng mga mamamayan ng isang
bansa na nagbubuhat sa loob at labas ng bansa, ang
GDP ay tumutukoy sa mga produkto at serbisyo na
ginawa sa loob ng bansa, maging ito ay produksyon
ng isang dayuhan.

Lahat ng produksyon sa loob ng ating bansa ay


kabilang sa ating GDP. Masusuri natin na may mga
elemento na isinasama sa GDP at hindi sa GNP.
Isang halimbawa ay ang kinikita ng mga Pilipino na
nagtatrabaho sa ibang bansa, ang halaga ng kanilang
kinikita ay kabilang sa ating GNP ngunit hindi
kasama sa GDP dahil ang kita ay di nagmula sa loob
ng bansa.
Samantalang ang kita na tinatanggap ng mga dayuhan
na nagtatrabaho at namumuhunan sa ating bansa ay
kasama sa GDP at hindi kabilang sa ating GNP.

Sa kabuuan, ang anumang produkto at serbisyo na


nilikha ng mga Pilipino sa loob ng bansa ay parehong
isinasama sa GNP at GDP.
Sa ating bansa, madalas na mas mataas ang GDP
kaysa sa GNP. Ang ganitong kalagayan ay bunga ng
pagkakaroon ng mas malaking produksyon at kita ng
mga dayuhan na nasa loob ng bansa kaysa sa kinikita
ng mga Pilipino na namumuhunan at nagtatrabaho sa
labas ng bansa.
Kapag ibinawas ang kita ng mga Pilipino na nasa
ibang bansa sa kita ng mga dayuhan na nasa loob ng
ating bansa, makukuha ang tinatawag na net factor
income from abroad (NFIFA)

Ang bawat bansa ay may target na bilang na produksyon


na naaayon sa kanilang kapasidad. Ang kabuuang
produksyon na tinatantya ayon sa kakayahan ng mga
salik na nabanggit ay tinatawag na Potential GNP ng
bansa.
Ito ang hahangarin na matamo sa loob ng isang taon. At
sa bawat pagtatapos ng taon, sinusukat ng isang bansa
ang produksyong nagawa. Ito naman ang tinatawag na
Actual GNP.
Ito ang nagsisilbing barometro upang alamin kung
naging makabuluhan at epektibo ang pamahalaan sa
lubusang paggamit ng mga likas na yaman, makinarya at
manggagawa upang matamo ang Potential GNP.

At kung higit na malaki ang halaga ng kita ng mga


salik na dayuhan kaysa sa mga mamamayang Pilipino
sa labas ng bansa, ang NFIFA ay may negatibong
resulta na siyang dahilan ng ating GNP, kumpara sa
ating GDP.
2. Potential at Actual GNP
Ang bilang ng manggagawa, ilang oras nagtatrabaho
ang mga ito, mga makinarya at teknolohya na
ginagamit at ang mga likas na yaman ng bansa ay
ginagawang batayan sa pagtantya ng kabuuang
produksyon ng isang ekonomya.

Kapag ibinawas ang Actual GNP sa Potential GNP,


nakukuha ang GNP gap.
Positive gap ang makukuha kapag mas malaki ang
Potential GNP kaysa sa Actual GNP na naglalarawan
ng hindi lubos na pinakinabangan at nalinang ang
mga salik ng poduksyon na siyang dahilan kung bakit
walang full produksyon sa isang ekonomya
3. Nominal at Real GNP
Ang GNP ay sinusukat sa pamamagitan ng market
value o halaga ng mga produkto at serbisyo sa
pamilihan.

Nangangahulugan na ang presyo ang batayan sa


pagsukat ng GNP.
Mapapansin sa taan na ang GNP ay ipinahayag sa
dalawang paraan; una, ang GNP at current prices o
ang tinatawag na Nominal GNP.
Ito ang kabuuuang produksyon ng bansa na nababatay
sa pangkasalukuyang presyo sa pamilihan .
At ang pangalawa, ay ang GNP at constant prices na
kilala rin sa tawag na Real GNP. Ang halaga ng
produksyon ng bansa ay ibinabatay sa presyo ng mga
nakalipas na taon.

Ito ang tinatawag na base year na itinatakda


NEDA na laging nasa 100.
Talahanayan Blg. 1
Indicator
GNP at current prices (bilyong piso)
GNP at constant prices (1995)

4th Quarter
2000

2001

1,000.9

1,100.7

279.6

289.9

% ng paglago
Nominal GNP

9.97

Real GNP

3.68

ng

Makikita sa talahanayan na higit na mataas ang


Nominal GNP kaysa sa Real GNP sapagkat sa ating
bansa, palaging tumataas ang presyo sa bawat taon.
Kaya kahit sa porsyento ng paglago ay mas mataas pa
rin ang Nominal GNP bunga pa rin ng pagtaas ng
presyo samantalang ang paglalago ng Real GNP ay
dulot ng paglaki ng produksyon kahit ang presyo ay
batay sa nakaraang taon o base year na nasa taong
1985.
Ang pagkuha ng growth rate o paglago ay ayon sa
pormulang:

Growth Rate: GNP ng kasalukuyang taon- GNP nakalipas na taon X 100


GNP nakalipas na taon

Halimbawa: GNP 2001 GNP 2000 x 100


GNP 2000
= 1,007.7 1,000.9 x 100
1,000.9
= 99.8 x 100
1,000.9
= 0.09971026 x 100
= 9.97

Ang kabuuang produksyon ng ekonomya ay


mababatid sa pamamagitan ng pagkwenta o pagsukat
ng GNP. At ito ay maipakita sa ibat ibang paraan.
Mga Paraan ng Pagsukat ng Gross National Product
1. Factor Income Approach
Ang bawat salik ng produksyon ay may tinatanggap
na kabayaran na nagsisilbing kita ng bawat salik.
Kapag ang mga ito ay pinagsama-sama, nakukuha ang
pambansang kita o national income ng bansa. Ang
pag-alam ng pambansang kita ay mahalagang sangkap
sa pagtukoy ng GNP sa paraang ito.

Ang mga kabilang sa national income (NI) ay ang


mga sumusunod:
a. Kabayaran o kita ng mga Empleado at
Manggagawa (KEM)
Lahat ng benepisyo, komisyon, allowance tulad ng
COLA, PERA, Clothing at Transportation Allowance,
mga nonmonetary benefits at ang mga sahod o bayad
na naaayon sa kontrata ng mga manggagawa at
sweldo ng mga empleado na tinatanggap sa takdang
araw ay kabilang sa kompensasyon ng empleado at
manggagawa.

b. Kita ng Entreprenyur at ng mga Ari-arian (KEA)


Kabayaran na tinatanggap ng mga tao na hindi
matatawag na sahod o sweldo. Ito ang kita ng isang
entreprenyur bilang salik ng produksyon. Dito rin
nabibilang ang mga dibidendo na kabayaran sa ariarian.
c. Kita ng Kompanya o Korporasyon (KK)
Anumang kita na tinanggap ng isang korporasyon at
pondo na inilalaan upang palawakin ang negosyo.

d. Kita ng Pamahalaan (KP


Lahat ng kita na tinatanggap ng pamahalaan tulad ng
buwis, mga kinita ng mga korporasyon na pag-aari ng
gobyerno at mga interes sa pagpapautang ng
pamahalaan. Kapag pinagsama-sama ang lahat ng ito
ay makukuha ang pambansang kita.
NI = KEM + KEA + KK + KP
Halimbawa: ang KEM = P110M, KEA = P50M, KK =
P15M at KP = P22M
Ang NI ay 110 + 50 + 15 + 22 = P197M at upang
masukat ang GNP, dapat isama ang ibang gastos sa
paglikha ng produkto at serbisyo tulad ng:

(1) Capital Consumption Allowances (CCA)


O iyong tinatawag na depresasyong pondo na
inilalaan para sa pagbili ng bagong makina at gusali
kung ang mga ito ay unti-unting nasisira at naluluma.
(2) Indirect Business Taxes (IBT)
Di tuwirang buwis na ipinapataw sa mga produkto at
serbisyo na nilikha matapos ibawas ang anumang
subsidy na ibinibigay ng pamahalaan.
Sa kabuuan, ang GNP ay masusukat sa pamamagitan
ng NI + IBT + CCA = GNP.

Kung ang NI ay P197M, IBT = P5M at CCA = P12M,


ang GNP ay nagkakahalaga ng P214M.
(2) Final Expenditure Approach
Ang mga sektor ng ekonomya tulad ng sambahayan,
pamahalaan, kompanya at panlabas (dayuhan) ay may
kani-kanilang mga pinagkakagastusan na mahalaga sa
pagtantya ng GNP ng bansa.
a. Gastusin ng Pamahalaan (G)
Ang paggastos ng gobyerno para sa pagbabayad ng mga
empleado ng pamahalaan tulad ng manggagamot, nars,
guro, kawani, senador, kongresista, mga hukom at
hanggang sa may pinakamataas na katungkulan sa
gobyerno;

paggastos ng mga imprastraktura tulad ng tulay,


kalsada, gusali at iba pa; ang gastos sa bawat
paglalakbay ng pangulo ng bansa at marami pang iba
ay kabilang sa gastusin ng gobyerno.
b. Gastusin ng Personal na Sektor (P)
Ito ang mga pinagkakagastusan ng sambahayan mula
sa pagkain, damit, tirahan, hanggang sa mga luho ng
katawan tulad ng alahas, appliances at marami pang
iba.

c. Gastusin ng Kompanya (K)


Ang pagkonsumo ngmga negosyante sa mga fixed
capital tulad ng makinarya, gusali at mga kagamitang
pang-opisina, mga stock o changes in stocks, mga
imbentaryo at mga binibiling lupa at bahay bilang
earning assets ay kabilang dito.
d. Gastusin sa Panlabas na Sektor o Export (X)
Dito nakapaloob ang pagluluwas o export ng mga
produkto sa ibang bansa at ang pag-aangkat o import
(M) ng mga produkto m ula sa ibang bansa.

Upang malaman ang gastusin sa panlabas na sektor,


ibinawas ang gastos sa export at gastos sa import,
positibo kapag mas malaki ang export kaysa sa import
at negatibo kapag mas malaki ang import kaysa sa
export.
e. Net Factor Income from Abroad (NFIFA)
Ito ang nagpapakita ng diperensya ng kita ng Pilipino
sa ibang bansa bilang salik ng produksyon at ng kita
ng mga dayuhang salik ng produksyon dito sa loob ng
bansa. Positibo pag mas malaki ang kinita ng mga
Pilipino sa ibang bansa ngunit negatibo pag mas
malaki ang kita ng mga dayuhan.

f. Statistical Discrepancy (SD)


Ito ay ang pagkakaroon ng labis o kulang sa pagsukat
ng GNP. Ang nasabing kaklangan o kalabisan ay hindi
malaman kung saan dapat isama kaya ito ay
nagsisilbing discrepancy sa pagkwenta.
Kapag ang lahat ng nasabing gastos ng bawat sektor
ay pinagsama-sama, makukuha ang GNP. Ang
pormula sa pagkuha ng GNP ay:
GNP = G + P + K + (X M) + NFIFA + SD

3. Industrial Origin Approach


Tinatawag din itong Value Added Approach kung saan
kinukwenta ang lahat ng naiaambag ng bawat industriya
sa ating bansa. Ag anumang kontribusyon sa pagbuo at
paglikha ng mga produkto at serbisyo ng bawat sektor ay
siyang kumakatawan sa halaga ng produkto at kapag
pinagsama-samang lahat ang halaga ng mga produkto,
makukuha ang kabuuang produksyon sa loob ng bansa o
GDP.
Sa pagsukat ng GNP sa paraang ito, kailangan munang
alamin ang GDP at saka idagdag ang net factor income
from abroad. Kapag tinantya ang dagdag na halaga ng
salik na ginamit ng mga sektor ay nakukuha ang
tinatawag na Gross national Product.

Halimbawa:
P = P120M

X = P27M

G = P30M

NFIFA = P-5M

K = P59M

SD = P3M

M = P20M
At sa paggamit ng pormula ng GNP, makukuha ang
halagang P214M.

Sa pagbuo ng produkto o serbisyo, ito ay dumadaan sa


ibat ibang proseso kung saan nakapaloob ang tatlong
mahalagang sektor o industriya.
Halimbawa, sa palay o bigas, ito ay nagmula sa sektor ng
agrikultura, kailangan itong iproseso o gilingin upang
maipagbili. Ang paggiling ay gagawin ng sektor ng
industriya at bago ito makarating ng pamilihan, kailangan
ang serbisyo ng transportasyon.
Sa bawat sektor na dinaanan nito ay may idinadagdag na
halaga na siyang pinagbabatayan ng halaga o presyo ng
produkto sa pamilihan. Halimbawa, kapag pinagsama ang
lahat ng dagdag na halaga ng agrikultura, industriya, at
serbisyo sa kabuuang produksyon ng bansa sa ganitong
halaga.

Agrikulutra:
Industriya:
Serbisyo:

P81M
P85M
P53M

GNP =

P219M

Kapag idinagdag ang


NFIFA
GNP =

P-5M
P214M

Mapupuna na kahit na anong paraan ang gamitin sa


pagsukat ng GNP, ang kabuuan ay magkakapareho.
Kapansin-pansin din na ang GDP ay nagkakaroon ng
pagkakataon na tumaas kaysa sa GNP.

Limitasyon sa Pagsukat ng GNP


Ang GNP ay hindi sapat na batayan ng pag-unlad ng
ekonomya ng bansa. Minsan, ang paglalabas ng ulat
ng GNP ay may pandaraya upang mapaniwala ang
ibang bansa na ang ating GNP ay tumataas. Kahit
sabihin ng pamahalaan na lumago nang 5% ang
GNP, hindi naman ito nararamdaman ng maraming
bilang ng pangkaraniwang mamamayan. Ang GNP
ay tumataas ngunit ang pamumuhay ng maraming
mamamayan ay patuloy na naghihirap.

Sa pagtantya ng GNP, hindi naisamang lahat ang kabuuang


halaga ng produkto at serbiso sa bansa. May mga produkto
o serbisyo na nalilikha na hindi nakikwenta dahil ang mga
ito ay hindi ipinagbabayad ng buwis, mga negosyo na
walang rekord sa ating pamahalaan o sa ibang ahensya
nito. Ito ang tinatawag na underground economy, kung
saan milyun-milyong mamamayan sa ating bansa ang nasa
ilalim nito. Karamihan sa mga ito ay kumikita ng mas
malaki kaysa sa mga ligal na negosyante at manggagawa.
Ang ilan sa mga gawain na kabilang sa underground
economy ay ang sidewalk vendor, maliliit na tindahan at
pagawaan, mga ilegal na gawain ng ilang tao at iba pa. ito
ang nagsisilbing limitasyon sa pagtantya ng GNP.

You might also like