Aralain 1 Grade 8

Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 10

PANITIKAN SA PANAHON NG

MGA KATUTUBO
Ang mga katutubong panitikan ay napapailalim sa
kategoryang tinatawag na Matandang Panahon.
Nagsimula ang panahong ito noong unang
pagdating ng mga Negrito o Aeta hanggang sa
taong 1521. Ang katutubong panitikan ay
tumatalakay sa paraan ng pamumuhay ng mga
sinaunang Pilipino. Ito’y punung-puno ng
matatandang kaaralang nagsisilbing gabay ng mga
tao noong panahong iyon. Nasasalamin dito ang
kanilang magagandang kaugalian, paniniwala at
prinsipyo. May kaugnayan din ito sa simple at
karaniwan nilang pang-araw-araw na pamumuhay.
Karamihan sa panitikang ito’y yaong mga
pasalindila gaya ng mga bulong, tugmang-
bayan, bugtong, epiko, salawikain, sawikain,
kasabihan, awiting-bayan na anyong patula,
mga kuwentong bayan, alamat at mito, na
anyong tuluyan at mga katutubong sayaw at
ritwal ng babaylan bilang pinakaunang anyo
ng dula sa bansa.
May mga panitikan ding naisulat sa mga
piraso ng kawayan, matitibay na kahoy at
makikinis na bato. Ngunit ilan lamang ang
natagpuan ng mga arkeologo sapagkat batay
sa kasaysayan, pinasunog at pinasira ito ng
mga prayle nang dumating sila sa bansa sa
paniniwalang ang mga ito ay gawa ng
demonyo.
MGA KARUNUNGANG-BAYAN

*SALAWIKAIN

*SAWIKAIN O PATAMBIS
(IDYOMATIC EXPRESSION)

*KASABIHAN
SALAWIKAIN
Ang salawikain ay isa sa mga katutubong tula
na lumaganap sa Pilipinas bago pa dumating ang
mga mananakop na banyaga. Taglay nito ang
malalalim na pahiwatig o maaaring sabihing
maligoy na paraan ng pagsasabi. Kung ang
bugtong ay may iisang sagot, napansin ng mga
kritikong sina Bienvenido Lumbera at Virgilio S.
Almario na ang karunungang bayan na ito ay
nagtataglay ng maraming sagot o pakahulugan.
Ayon kay Angeles S. Santos may isang libo at isang
salawikain at kasabihan. Ang salawikain ay mga
pangungusap na hitik sa mga gintong aral. Ito ay
binubuo ng taludturang may sukat at tugma.
Sandigan ito araw ng mga matatanda sa
magandang pagpapalaki ng tao.

Halimbawa:
“Nasa Diyos ang awa, nasa tao ang gawa.”
SAWIKAIN
Ang sawikain o patambis (idiomatic expression) ay
salita o grupo ng mga salitang patalinghaga ang
gamit. Ito ay nagbibigay ng di-tuwirang kahulugan.
Karaniwang ginagamit sa araw-araw na
nagbibigay ng di-tiyakang kahulugan ng salitang
isinasaad nito.

Halimbawa:
Itaga mo sa bato
na ang ibig sabihin ay tandaan.
KASABIHAN
Ang kasabihan ay bahagi na ng kulturang Pilipino. Ito
ay ipinasa sa atin ng ating mga ninuno.
Nagbibigay ito ng paalala at mabuting aral sa
atin. Ang kasabihan ay mga aral sa buhay na
isinusulat sa paraang ginagamit sa pang-araw-
araw na usapan.

Marami tayong mga kasabihan sa buhay. Ito’y


mapatungkol sa pamilya, pera, negosyo, pag-ibig,
at kung saan-saan pa.
Ang anyo nito ay pwedeng tuwirang kasabihan, o
tipong pag-iisipin ka o magsasaliksik kung anong
ibig sabihin. Siguro sa lahat ng mga kasabihan sa
talambuhay natin, iisa lamang ang laging hindi
binibigyang-pansin o kaya ay binabale wala
nalang at ito ay: “kung wala kang sasabihing
maganda ay manahimik ka nalang

You might also like