Florante at Laura Lesson Plan

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

BANGHAY ARALIN SA FILIPINO BAITANG 8

I. LAYUNIN
a. Natutukoy ang mga pahiwatig na nakapaloob sa bawat saknong
b. Nabibigyang-kahulugan ang mga matatalinghagang pahayag o ang mga tayutay na
ginamit sa saknong .
c. Nailalahad ang sariling pananaw patungkol sa mga pangyayari noon at sa pangyayari sa
kasalukuyan.
d. Naipaghahambing ang mga pangyayari noon sa pangyayari ngayon.

II. PAKSANG-ARALIN
Panitikan: Aralin 4. Pamamayani ng Karahasan Saknong 11-20 ng Florante at Laura.
Kagamitan: Kagamitang biswal

III. PAMAMARAAN
A. ARAW-ARAW NA GAWAIN
1. Panalangin
2. Panimulang Pagbati
3. Pagsisiyasat ng Kapaligiran
4. Pagtatala ng liban
5. Pagbabalik-aral

B. PAGANYAK (MOTIBASYON)
Pagsagot sa mga katanungan ng guro.

C. PAGLINANG NG TALASALITAAN
Ibigay ang Kahulugan ng mga sumusunod na salita.

1. tinangis-tangis- iniyak-iyak 6. linggatong-ligalig/agam-agam


2. iwinawagaysay- iwinawasiwas 7. lilo- taksil
3. sawi- bigo 8. iniluluklok-inuupo
4. hapo- pagod 9. sinisikangan- sinasarhan/hinahadlangan
5. lugami- aba/hirap 10. lumiyag- nagmahal

D. PAGTALAKAY SA PAKSA
Pagbasa ng masining sa Akda.
Pag-unawa sa Nilalaman ng Akda sa pamamagitan ng mga gabay na tanong.

E. PAGLALAHAT
Pagbubuod ng mga mag-aaral sa kanilang natutunan

F. PAGLALAPAT
Pagsagot sa katanungan.

1. Kapag ikaw ay may problema o nawalan ng pag-asa sa buhay, ano ang iyong
gagawin?
2. Dapat ka bang maghangad ng kapangyarihan? Pangatwiranan.
3. Sa palagay ninyo, bakit lalong lumulubha ang paglaganap ng karahasan sa ating
bansa? Kanino natin ito dapat isisi?
4. Bilang isang mag-aaral, paano ka makatutulong para magkaroon ng katahimikan
ang bansa?

IV. EBALWASYON
Suriin ang mga saknong at tukuyin ang mga tayutay na ginamit.
1. Saknong 11- Taludtod blg. 2
“Gubat na Palasyo ng masidhing harpyas”
2. Saknong 12- Taludtod blg. 2
“Ang dalawang mata’y bukal ang kaparis”
3. Saknong 13- Taludtod blg. 1
“Mahiganteng langit! Bangis mo’y nasaan?”
4. Saknong 17- Taludtod blg. 1-2
“Kaliluha’t sama ang ulo’y nagtayo
At ang kabaita’y kimi’t nakayuko”
5. Saknong 19- Taludtod blg. 1-2
“O taksil na pita sa yama’t mataas
O, hangad sa puring hanging lumiliyag!”

V. TAKDANG-ARALIN
Pangkat 1-Tingnan sa mapa kung nasaan ang Albanya. Iguhit ito.
Pangkat 2-Magbigay ng mahahalagang impormasyon tungkol sa Albanya
Pangkat 3-Sinu-sino sa mga naging pinuno sa ating bansa pati na rin sa ibang bansa na
ang makapangyarihan ay ginamit sa kasamaan. Iulat ito sa klase.
Pangkat 4- Gumawa ng dalangin na ang ating mga pinuno ay patnubayan ng Panginoon
at maging mabuting pinuno ng Bansa.

You might also like