Panulaang Filipino

Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 21

T PANULAANG

U FILIPINO
L
A
MULA SA TAONG 1990
HANGGANG
SA
KASALUKUYAN
Sa kasalukuyan, sinasalin
ang mga panitikan hindi lamang
sa mga pahayagan, magazine at
aklat, hindi lamang sa anyo ng
pelikula, palabas pantelebisyon o
kaya’y programang panradyo;
kundi sa pamamagitan din ng hi-
technology – ang Internet. Dahil
sa internet nagkaroon ng
blogging, video clipping at audio
airing na patuloy na bumubuhay
sa panitikan hindi lang ng Filipino
kundi ng ibang lahi mandin.
Patuloy na dumarami ang mga
manunulat na Pilipino sa iba’t ibang anyo
at uri ng panitikan gamit ang iba’t ibang
media dahil sa mga inumpisahang kurso
sa mga universidad at kolehiyo at
pangangasiwa ng gobyerno ng mga
pagsasanay sa mga kinakikitaang husay na
mga mamamayan. Ngunit ang kasiglahan
ng panitikan ay hindi magiging buo kung
aasahan lamang ang pagdami at pag-
usbong ng mga manunulat; kailangan din
ang pagpapahalaga at pagmamalasakit
ng mga mambabasa na katuwang sa
pagtaguyod ng panitikan ng lahi.
MULA 1990 HANGGANG
SA KASALUKUYAN:
MGA TANYAG NA
Si Virgilio S. Almario ay isa
sa mga nangungunang makata,
iskolar, at kritiko sa bansa, bukod
sa pagiging mahusay na
propesor, tagasalin, pabliser,
editor, leksikograpo, at
tagapamahalang pangkultura.
Dahil sa mga naiambag niyá sa
iba’t ibang larangan ng sining at
kulturang Filipino, lalo na sa
larangan ng panitikan, kinilála
Virgilio S. Almario siyáng Pambansang Alagad ng
makata, iskolar, at kritiko sa bansa, Sining para sa Panitikan noong
Pambansang Alagad ng Sining para sa Panitikan 2003.
Pag-ibig
(Pebrero 13, 1996)

Muntik na nating lusawin ang isa’t isa


Nang tayo’y nagkita:
Na nasabit sa sanga ng ating hininga,
Nalusaw ang ating Lunes-Biyernes,
Nalusaw ang madidilim na hardin ng ating panaginip,

At walang natira
Ngayong gabi, unang nalusaw ang ating damit
Nalusaw ang mata’t hintuturo ng ating magulang,
Pinagtawanan pa natin habang nalulusaw
Ang lahat ng ating ipagtapat na kasalanan,
At nalusaw kasabay ng musika ang dingding ng silid.
Ang nangyari yata, nilusaw natin ang mga ilaw
At nilusaw ang kabuuang anino’t bigat ng buong
mundo
Bago tayo nalusaw,
Tila dalawang hugis-pusong tsokolate,
Nalusaw sa sarili nating init
“Diktador”
ni Rio Alma
Tulad ng iba, nakauwi lamang siya nang
mamatay.
Sa libo-libong pumila
Upang silipin ang kanyang bangkay sa plasa
Marami ang usisero;
Ngunit may matatandang
Hindi kasi makalimot sa nakamihasnan;
May mga tagalalawigang
Nais makita ang hindi nila nakita kailanman;
May mga kabataang
Nangangarap ikompara siya sa kanyang retrato
Sa libro noong ideklara ang 20 taong
diktadurang militar;
At may mga beteranong
Nagsusuri kung siya nga ang laman ng kabaong
Upang tiyaking hindi siya makababalik
kailanman.
Si Federico Espino Licsi Jr. ay
isang Pilipino manunulat ng
wikang Ingles, isinilang sa Pasig,
isinasaalang-alang din ang pinaka-
masagana ang ani manunulat sa
Tagalog.
Nagwagi ng makailang ulit sa
Carlos Palanca Memorial Awards
for Literature sa pagsulat ng mga
tulang gigising sa kamalayang
Pilipino, itinanghal na Makata ng
FEDERICO LICSI JR. Taon ng 1996 si Licsi. Siya’y may
akda ng pitong antolohya ng mga
manunulat
tulang sa Filipino, Ingles at Kastila
LARAWAN NG ISANG ULILA
Pusong makopa. Tadyang na kawayan.
Mga matang walang alipato ni alitaptap.
Marak na pisnging may dusing ng maghapon.
Naunsiyaming bibig na humihigop ng labnaw.
Butuhang kamay na nagdidildil ng alat.
Iluwag nang itanong kung sino siya.
Sapat nang sabihing siya’y isang musmos
Na kinamatayan ng sinapupunang pinagmulan
At ng magsasakang sa kanya’y nagpunla
Sa sinapupunang yaon. Huwag, huwag
Nang ita kung sino siya. Ang dapat
Isipi’y kung paanong mabubudburan ng kutitap
Aug kanyang mga maiungkuting balintataw,
Kung paano madaramtan ng ginhawa
Ang nag-usling tadyang na kawayan,
Kung paano mapalulukso sa tuwa
Ang nababansot na pusong makopa,
Kung paano magiging ligat ang Iabnaw,
Kung paano magiging linamnam ang alat
Na kanyang hinihigop at dinidili
Sa isang madilim na sulok ng kahirapan.
Pag naisip mo ito at naisagawa,
Saka mo na itanong ang kanyang pangalan.
“Hangga’t may isang magbabasa, hindi
ako titigil sa pagsusulat.”

Isa siyang kilalang manunulat


na nakapagpublish na ng sarili niyang
aklat. Nakapagtapos sa PUP-Manila.
Nagsimula siyang makilala sa mga Love
Story on Video (LSOV) na ipinaskil niya
sa Youtube. Mas lalo pang nakilala si
Marcelo Santos III dahil sa kanyang
mga tweets sa Twitter na kinagigiliwan,
kinapupulutan ng aral at nagging
inspirasyon ng mga netizens.
MARCELO SANTOS III Ang isa sa mga sikat niyang
manunulat akda ay ang “Para sa Hopeless
Romantic”
Kasalanan Ko
Tula ni Marcelo Santos III

Ginawa ko naman ang lahat


Pero bakit kulang pa rin?
Nagmahal naman ako nang
tapat
Pero bakit niloko mo pa rin?

Siguro noong nagpaulan ng


katangahan,
Nasalo ko yata ang lahat.
Kasalanan ko pa yatang
Minahal kita agad.
Isang makata, scriptwriter, at
manunulat si Jerry Gracio. Ang wika ng
pagsusulat niya ay makabagbag
damdamin at madaling basahin. Tila
nakikipagkwentuhan ka sa isang
kaibigan—uri ng kaibigan na nais mong
saluhin ang lahat ng salitang kanyang
binibitawan. Walang tapon maski isang
salita.
Isa sa mga sinulat ni Jerry Gracio
ay ang Waray Hiunong Sa Gugma o
Walang Tungkol sa Pag-ibig, mga tula
ito na orihinal na isinulat sa Waray at
JERRY GRACIO isinalin sa Filipino. Ang kanyang bagong
Manunulat, makata akdang Bagay Tayo at Hindi Bagay ay
kwentong tungkol sa pag-ibig na walang
pinipiling kasarian.
PUYAT
Tula ni Jerry B Gracio
Dagling Awit ni Joel Costa Malabanan

Walang túlog ang lungsod sa sunod-


Sunod na pagtimbuwang
Ng mga katawan—
Lahat tinamnan ng bala.
Umaalingawngaw ang putok
Ngunit hindi nagigising
Ang mga tao—
Lahat ay túlog-mantika.
Bumabalong ang palahaw,
Sa estero’t pusalian, nagdurugo
Ang mga bambang, habang
Naglalaway tayo sa unan.
Kinabukasan, mag-iinat tayo,
Mag-aalmusal, mababalitaang
May patay na naman—
Tuloy lang ang búhay.
Ang lungsod lámang: hindi
Makatúlog nang kung ilang buwan,
Adik na dapat itokhang—
Manlalaban ang lungsod,
Papatay.
Nagtapos si Eros Atalia sa Philippine
Normal University noong 1996 sa kursong
Bachelor of Secondary Education Major in
Filipino at tumanggap ng Balagtas Award.
Nagwagi ang kanyang tulang Maririing Tusok ng
Kalawanging Karayom sa Nagngangalit na Ugat
ng unang gatinmpala sa Pambansang Patimpalak
sa Pagsulat ng Tula ng Padaylipi Ink. noong 1995.
Kinilala ng Komisyon sa Wikang Filipino, Talaang
Ginto ang kanyang tulang Maglaba ay ‘Di Biro
bilang ikalawang gantimpalang banggit noong
2004.
Sa taon ding iyon, nagwagi siya ng
ikatlong gantimpala para sa Gawad Collantes sa
sanaysay na may pamagat na Ang Politika ng
EROS ATALIA Wikang Pambansa: Mula sa Iba’t Ibang Pagsipat
Guro, manunulat at Paglapat. Ilan sa mga kilalang sulatin ni Eros
Atalia ay Ligo na U, Lapit na Me, Tatlong Gabi,
Tatlong Araw, ‘Wag Lang ‘Di Makaraos at Ang
Ikatlong Anti-Kristo.
Isang manunulat ng tula at
piksyon, nakatanggap ng parangal
ni Edgar Calabia Samar sa Palanca
Awards dahil sa koleksyon ng
kanyang mga tula at nobela. Ang
kanyang librong Pag-aabang sa
Kundiman: Isang Talambuhay ay
napasama sa nominasyon para sa
National Book Award. Ginawaran si
Edgar sa kanyang kwentong
pambata na Uuwi na ang Nanay
Kong si Adarna kung saan binigyang
EDGAR CALABIA SAMAR buhay sa isang dula at naipalabas
Manunulat, guro sa Cultural Center of the Philippines
na napabilang sa Virgin Labfest
noong July 2008.
SA PANGKALAHATAN, ANG
ATING ASIGNATURA NGAYON AY
AKMA LAMANG UPANG IHASA
TAYO BILANG ISA SA MGA
NAGPAPAKADALUBHASA SA
WIKANG FILIPINO.
PAHALAGAHAN ANG
PANULAANG FILIPINO AT ANG
BUONG PANITIKANG FILIPINO.
https://www.tagaloglang.com/tula-larawan-ng-isang-
ulila/
https://www.insidemanila,com.ph
https://www.slideshare.net/jessamarieamparado/mg
a-kritikong-pilipino-at-dayuhan
https://www.scribd.com/doc/269251587/Talambuhay

You might also like