Unang at Ikalawang Bahagi Prelim at Midterm
Unang at Ikalawang Bahagi Prelim at Midterm
Unang at Ikalawang Bahagi Prelim at Midterm
MGA FINE
AGHAM
PROBLEMA ARTS
SA DAIGDIG
MATEMATIKA HEALTH
EDUCATION
DISIPLINARYO MULTIDISIPLINARYO
INTERDISIPLINARYO TRANSDISIPLINARYO
Ang INTERDISIPLINARYO ay pagsasama ng dalawang
akademikong disiplina sa isang aktibidad. (Halimbawa
ay ang paggawa ng isang interdisiplinaryong
pananaliksik.)
Ito ay paggawa ng bagong ideolohiya sa pamamagitan ng
crossing boundaries. Ito ay maiuugnay sa isang
interdisiplina o interdisciplinary field.
Ang INTERDISIPLINARYO ay kasama ang mga
mananaliksik, mag-aaral at mga guro na layunin na
magkaroon ng pag-uugnay sa iba’t ibang pananaw sa
akademik, propesyon at teknolohiya tungo sa isang
ispisipikong perspektibo para sa isang hangarin.
Ang multidisiplinaryo ay pag-aaral
mula sa iba’t ibang disiplina o
multiple discipline;
Ito ay pagsilip sa ibang pananaw
panlabas upang higit na maunawaan
ang kompleks ng isang sitwasyon.
Ang paggawa ng istratehiyang pananaliksik
na pumapasok sa iba’t ibang larang o
disiplina para sa holistikong pananaw;
Isang pananaw sa isang larangan na nabuo
sa pamamagitan ng ibang disiplina na
muling ginagamit sa ibang disiplina.
(Halimbawa ay ethnograpiya na orihinal sa
antropolohiya na nagagamit na rin sa ibang
larang.)
Interdisiplinaryo ;
Magamit ang wikang Filipino
sa iba’t ibang larangan at sa
pananaliksik ;
Maituro ang Filipino bilang
hiwalay na Asignatura ;
Kasanayan sa paggamit ng iba’t ibang
tradisyonal at modernong midya na
makabuluhan sa kontekstong Pilipino sa
iba’t ibang antas at larangan;
Praktikal na kursong nagpapalawak at
nagpapalalim sa kontekstwalisadong
komunikasyon sa wikang Filipino ng mga
mamamayang Pilipino sa kani-kanilang
mga komunidad.
KOMFIL (Kontektstwalisadong
Komunikasyon sa Filipino);
FILDIS (Filipino sa Iba't Ibang Disiplina);
DALUMATFIL (Dalumat ng/sa Filipino);
SOSLIT (Sosyedad at Literatura/
Panitikang Panlipunan) at;
SINESOS (SineSosyedad/Pelikulang
Panlipunan).
Ang FILDIS ay isang praktikal na kursong
nagpapalawak at nagpapalalim sa kasanayan sa
malalim at mapanuring pagbasa, pagsulat, at
pananaliksik sa wikang Filipino sa iba’t ibang
larangan, sa konteksto ng kontemporaryong
sitwasyon at mga pangangailangan ng bansa at
ng mga mamamayang Pilipino. Nakatuon ang
kursong ito sa makrong kasanayan pagbasa at
pagsulat.
Gamit ang mga makabuluhang interdisiplinaryong
pananaliksik sa wikang Filipino, bilang lunsaran ng
pagsasagawa ng pananaliksik na ito (mula sa
pangangalap ng datos at pagsulat ng borador ng
pananaliksik hanggang sa publikasyon at/o
presentasyon nito) na nakaugat sa mga suliranin at
realidad ng mga komunidad ng mga mamamayan sa
bansa at maging sa komunidad ng mga Pilipino sa iba
pang bansa. Saklaw rin ng kursong ito ang paglinang
sa kasanayang pagsasalita, partikular sa presentasyon
ng interdisiplinaryong pananaliksik sa iba’t ibang
porma at venue.”
Filipino Bilang Larangan at Filipino sa
Iba’t Ibang Larangan
(Pokus nito ang pasaklaw na pagtalakay
sa naabot na at sa possible pang
direksyon o ekspansyon ng unique na
diskurso sa Filipino bilang larangan at
sa Filipino sa iba’t ibang larangan)
Filipino sa Humanidades, Agham Panlipunan at Iba
Pang Kaugnay na Larangan
(Pokus nito ang pagbasa ng piling tekstong Filipino sa
Humanidades, Agham Panlipunan at iba pang kaugnay
na larangan, bilang lunsaran ng paglinang sa kasanayan
sa pagsulat ng pananaliksik sa Filipino sa iba’t ibang
larangan. Ang lahat ng estudyante – kahit ang mga NON-
HUSOCOM ang kurso – ay kailangang masanay na
makipagdiskurso sa Filipino sa Humanidades, Agham
Panlipunan at iba pang kaugnay na larangan, alinsunod
na rin sa layunin ng kompleto o holistikong General
Education/GE.)
Filipino sa Siyensya, Teknolohiya, Inhenyeriya,
Matematika At Iba Pang Kaugnay na Larangan
(Pokus nito ang pagbasa ng piling tekstong Filipino sa
Siyensya, Teknolohiya, Inhenyeriya, Matematika at iba
pang kaugnay na larangan, bilang lunsaran ng paglinang
sa kasanayan sa pagsulat ng pananaliksik sa Filipino sa
iba’t ibang larangan. Ang lahat ng estudyante – kahit ang
mga HUSOCOM ang kurso – ay kailangang masanay na
makipagdiskurso sa Filipino sa Siyensya, Teknolohiya,
Inhenyeriya, Matematika at iba pang kaugnay na
larangan, alinsunod na rin sa layunin ng kompleto o
holistikong General Education/GE.)
ARALIN 2:
Filipino Bilang Wikang
Pambansa; Filipino bilang
Wika ng Bayan
Kasaysayan ng Pag-unlad
ng Wikang Pambansa
Ang Wikang Pambansa ay ang wikang
pagkakakilanlan ng mamamayan ng isang
bansa. Ang Pilipinas bilang isang
multilinggwal na bansa ay nararapat na
may wikang magsisilbing bigkis na
magbubuklod sa isang lahi. Ang Filipino
bilang Wikang Pambansa ay maraming
pinagdaanan upang maabot ang
katawagang ito.
Ano ang
pagkakatulad
ng ID sa wika? Wika
Ang kasaysayan nang pagkakaroon ng
Wikang Pambansa sa Pilipinas ay dumaan sa
ilang mga pagbabago - ang Pilipino na
nagmula sa Tagalog na pagkaraa’y naging
Filipino.
Kasalukuyang gumagamit ng 87 na iba’t
ibang wika.
Kabilang sa mga pangunahing wika ay
Tagalog, Cebuano, Ilocano, Pampanga, Bicol,
Pangasinan, Hiligaynon, Waray at Maranao.
Nang dumating ang mga Kastila sa ating
bansa, hinangad nilang mapalaganap ang
Kristiyanismo, kaya’t minabuti ng mga
prayle na mag-aral ng iba’t ibang wikain sa
Pilipinas sa halip na ituro ang kanilang wika
sa mga katutubo.
Sa ganitong paraan, nakapag-ambag sa wika
ang mga mananakop ng Kastila dahil sa
pagkakasulat nila ng aklat gramatika ng
iba’t ibang wikain sa Pilipinas.
Nang panahon ng himagsikan ng sumibol sa
mga manghihimagsik na Pilipino laban sa
mga Kastila. Kaya nga’t pinili nila ang
Tagalog na siyang wikang tagalog sa
panahon ng propaganda - mga sanaysay,
tula, kuwento, liham at mga talumpati na
punung-puno sa damdaming bayan.
Nang dumating ang mga Amerikano, biglang
naunsyami ang mithiin ng mga Pilipino ng
itakda ng pamahalaan na ang wikang Ingles
ang gawing opisyal na wikang panturo sa mga
paaralan. Ipinagbawal ang paggamit ng
bernakular sa paaralan at sa tanggapan nito. Ito
ang dahilan kung bakit simula noong
pananakop ng mga Amerikano hanggang bago
sumiklab ang pangalawang digmaang
pandaigdigan , hindi umunlad ang ating wika.
Ang ating mga lider na makabayan tulad nina
Lope K. Santos, Cecilio Lopez, Teodoro Kalaw
at iba pa ay nagtatag ng kilusan nakung saan
sila ay naging masigasig sa pagkakaroon ng
Wikang Pambansa. Nagharap ng panukula si
Manuel Gillego na gawing Wikang Pambansa at
Wikang Opisyal ang Tagalog subalit patuloy pa
ring namayani ang wikang Ingles.
Nang itatag ang Komonwelt, nagkaroon ng malaking
hakbang tungo sa pagkakaroon ng isang wikang
pambansa. Ito ay utang natin sa naging Pangulong
Manuel L. Quezon, ang tinaguriang "Ama ng Wikang
Pambansa."
Noong 1934, isang Kombensyong Konstitusyonal ang
binuo ng Pamahalaang Komonwelt upang
maisakatuparan ang pangarap ni Quezon. At upang
ipaalala ang kahalagahan ng wika, isang probisyon
tungkol sa Wika ang isinama sa ating Saligang Batas.
Ito’y napapaloob sa Artikulo XIV, Seksyon 3 ng
Konstitusyon noong Pebrero 8, 1935.
“Ang Pambansang Kapulungan ay
magsasagawa ng mga hakbangin tungo sa
paglinang at paggamit ng pambansang
wikang batay sa isa sa umiiral na
katutubong mga wika. Samantalang hindi
pa itintadhana ng batas ng Ingles at
Kastila ay patuloy na mga Wikang
Opisyal.”
Naitatag ang Surian ng Wikang Pambansa, binuo ng
mga kinatawang nagmula sa mahahalagang mga
rehiyon sa Pilipinas bilang mga kasapi. Pagkatapos ng
puspusang pag-aaral ng iba’t ibang wika sa Pilipinas,
ipinasya ng Surian na Tagalog ang siyang dapat
pagbatayan ng Wikang Pambansa pagkat ito’y
nagtataglay ng nalinang nang panitikan at wikang
sinasalita ng nakahihigit ng dami ng mga Pilipino.
Kaya, noong Disyembre 30, 1937, inihayag ni
Pangulong Quezon na ang Wikang Pambansa ng
Pilipinas ay Tagalog.
Nobyembre 1936- Inaprobahan ng Kongreso ang Batas
Komonwelt Bilang 184 na lumikha ng Surian ng Wikang
Pambansa na naatasang gumawa ng pag-aaral ng mga
katutubong wika at pumili ng isa na magiging batayan ng
Wikang Pambansa.
Disyembre 30, 1937 - Sa pamamagitan ng Kautusang
Tagapagpaganap Blg. 134 ng Pangulong Quezon, ang Wikang
Pambansa ay ibabatay sa Tagalog.
Abril 1, 1940 - Ipinalabas ang Kautusang Tagapagpaganap na
nagtadhana ng paglilimbag ng isang balarila at isang
diksyunaryo sa Wikang Pambansa. Ipinahayag pa ring ituturo
ang Wikang Pambansa sa mga paaralan sa buong Pilipinas na
nagsimula noong Hunyo 19, 1940.
Hunyo 7, 1940 - Pinagtibay ng Batas-Komonwelt Blg. 570
na nagtadhana na simula sa Hulyo 4, 1946. Ang Wikang
Pambansa ay isa sa mga opisyal na wika ng bansa.
Marso 26, 1954 - Nagpalabas ng isang kautusan ang
Pangulong Ramon Magsaysay sa taunang pagdiriwang ng
Linggo ng Wikang Pambansa mula sa Marso 29 - Abril 4.
Subalit ang petsa ng pagdiriwang ay inilipat sa Agosto 13-
19 tuwing taon.
Agosto 12, 1959- Tinawag na Pilipino ang Wikang Pambansa
ng lagdaan ni Kalihim Jose Romero ng Kagawaran ng
Edukasyon ang Kautusang Blg 7. Ayon sa kautusang ito,
kaylaman at tutukuyin ang pambansang wika ay Pilipino
ang gagamitin.
Oktubre 24,1967- Nilagdaan ni Pangulong Marcos ang isang
kautusang nagtatadhana na ang lahat ng mga gusali at mga
tanggapan ng pamahalaan ay panganlan sa Pilipino.
Marso, 1968 - Ipinalabas ni Kalihim Tagapagpaganap,
Rafael Salas, ang isang kautusan na ang lahat ng
pamuhatan ng liham ng mga kagawaran, tanggapan at
mga sangay nito ay maisulat sa Pilipino.
3. Siguraduhing kapani-paniwala
4. Nagdudulot ng saya
5. Napapanahon
6. Nakapagpapakita ng mabuting
kaasalan at gawi.