Pagsali Sa Kooperatiba NG Kababaihan Tungo Sa Ganap Na Pagsasakapangyarihan?

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 42

Lapuz|1

University of the Philippines Manila


College of Arts and Sciences
Department of Social Sciences

Pagsali sa Kooperatiba ng Kababaihan Tungo sa Ganap na


Pagsasakapangyarihan?

Research Report
Isang rekisito sa PolSci198: Special Problems in Political Science
Second Semester, A.Y. 2012-2013

Ipinasa ni:
Joyce S. Lapuz
2009-50587
WBYDX

Ipinasa kay:
Prof. Clarinda Berja

Marso 22, 2013


Lapuz|2

Balangkas ng Nilalaman
Abstract ………………………………………….3

I. Panimula ………………………………………….4

A. Pangunahing Katanungan ………………………………………….5

B. Mga Ispesipikong Katanungan ………………………………………….5

II. Rebyu ng Kaugnay na Literatura ...………………………………………..6

III. Balangkas ng Pag-aanalisa …………………………………………13

IV. Pamamaraan ng Pananaliksik …………………………………………16

A. Disenyo ng Pananaliksik …………………………………………16

B. Pag-aanalisa ng Datos …………………………………………20

C. Profile ng Respondents …………………………………………21

D. Limitasyon .........................................................21

V. Etika ………………………………………....22

VI. Resulta …………………………………………24

VII. Diskusyon …………………………………………32

VIII. Konklusyon …………………………………………35

IX. Batis ………………………..………………..37

X. Apediks …………………………………………39

A. Apendiks A. ………………………………………....39

B. Apendiks B. …………………………………………40

C. Apendiks C …………………………………………41

D. Apendiks D …………………………………………42
Lapuz|3

Abstract

Sa pananaliksik na ito, kinilala na ang subordinasyon na nararanasan ng mga


kababaihan sa ating lipunan ay hindi lamang dahil sa kanilang kasarian (o dahil sila ay
mga babae) kundi dahil na rin sa kinsasadlakan nilang kahirapan. Ang sektor ng
kooperatiba na tumutugon sa isyu ng kahirapan sa pamamagitan ng pagbibigay-trabaho
sa mga mamayan partikular na sa mga kababaihan ay sinasabing nakapagdudulot din
ng pagsasakapangyarihan. Kaya naging layunin ng pananaliksik na ito na bumuo ng
sistematikong pag-aaral na tumatalakay sa proseso ng pagsasakapangyarihan ng
kababaihan sa kanilang pagsali sa kooperatiba at sa ilalim ng kung anong mga
kondisyon ito nagaganap. Upang makamit ang layunin ng pag-aaral ay nagsagawa ang
mananaliksik ng isang KII at dalawang FGD sa dalawang magkaibang women’s only
cooperative. Sa pagsusuri ng datos ay ginamit ng mananaliksik ang gender and
development approach ni Srilatha Batliwala na may tatlong antas: (1) integrative
approach, (2) economic approach at (3) consciousness-raising and collective action.
Lumabas sa isinagawang pag-aaral na ang antas ng pagsasakapangyarihan na
nararanasan ng bawat babae sa loob ng kooperatiba ay nagkakaiba-iba. Higit pa rito,
natuklasan na ang pagsasakapangyarihang naranasan ng mga kababaihan sa kanilang
pagsali sa mga kooperatiba ay hindi nagdulot sa pagbabago sa kanilang kamalayan,
hindi ito nagdulot sa pagbabago ng status quo ukol sa gender roles sa loob ng pamilya,
sa loob ng komunidad o maging sa lipunan.

Hindi layunin ng pag-aaral na ito na i-discredit ang mga women’s only


cooperatives sa naitutulong nito sa mga kababaihan. Sinasabi ng pag-aaral na ito na
hindi lamang dapat makulong ang mga kolektibong entidad na ito sa mga superpisyal
na porma ng pagsasakapangyarihan ngunit dapat ay maging susi ang mga ito tungo sa
ganap na pagsasakapangyarihan sa mga kababaihan. Dapat kilalanin mismo ng mga
kababaihan ang pagkakaroon ng hindi patas na tingin sa mga kababaihan at
kalalakihan sa lipunan at mula rito ay magkaroon sila ng inityatibo na baguhin ito.
Kailangan din na suportahan ang mga kababaihan na mapahusay ang kanilang mga
kapasidad na magsuri, mag-organisa at magpakilos tungo sa positibong pagbabago.
Lapuz|4

Hindi lang dapat nakatali sa usapin ng pera o kita ang pagbuo at pagsali sa mga
women’s only cooperatives ngunit dapat ay mayroon din ang mga kooperatibang ito ng
sosyo-politikong adhikain bilang kolektibong entidad na isulong ang karapatan ng mga
kababaihan at baguhin ang nakasanayang mga gawi at paniniwalang umiiral sa isang
patriarkal na lipunan.

I. Panimula

Sa tala ng National Statistics Coordination Board (NSCB) noong 2012, 7


bahagdan ng populasyon ng Pilipinas ang walang trabaho. Ito ang pinakamataas na
bahagdan sa lahat ng bansa sa Timog-Silangang Asya. Ang kawalan ng hanapbuhay
na ito ay nagdudulot naman ng kahirapan. Noong 2009, sa tala ulit ng NSCB, 26.5
bahagdan ng buong populasyon ng Pilipinas ang mahirap o mahigit sa dalawampung
milyong Pilipino ang nakakararanas ng kahirapan. Ang magkatambal na problemang ito
ay tinutugunan ng sektor ng kooperatiba.

Bilang mga boluntaryong organisasyon, ang mga kooperatiba sa bansa ay


lumilikha ng mga pagkakakitaan, hanapbuhay at iba pang mga serbisyo, depende sa
kung anong uri ng kooperatiba ito, sa mga miyembro nito. Bukod sa indibidwal na
antas, malaki ang naiaambag ng mga kooperatiba sa pambansang kaunlaran sa
pamamagitan ng paglikha ng mga trabaho para sa mga walang hanapbuhay, mapabuti
ang distribusyon ng kita ng mamamayan sa bansa, at lumikha ng fair maket practices
dahil na rin sa kumpetitibong merkadong naidudulot ng mga ito (Van Steenwyk, 1987).
Ngunit bukod pa rito, ang kooperatibismo ay nagdulot din ng positibong epekto sa
hanay ng mga kababaihan, lalo na sa aspeto ng pagsasakapangyarihan.

Sa kabila ng mga pag-aaral na nagpapatunay ng mga positibong handog para sa


mga kababihan ng pagsali dito, walang sistematikong pag-aaral na nagsasalarawan ng
proseso ng pagsasakapangyarihan at sa ilalim ng mga anong kondisyon ito nagaganap.
Sa partikular na pag-aaral na ito sinuri ang mga iba’t ibang salik na nakakaaapekto sa
antas ng pagsasakapangyarihan na nararanasan ng mga kababaihan sa kanilang
pagsali sa kooperatiba. Naipakita sa pag-aaral na ito na hindi pareho-pareho ang antas
Lapuz|5

ng pagsasakapangyarihan na naranasan ng mga kababaihang miyembro ng


kooperatiba.

Bukod pa rito, kongkretong tinukoy ang mga pagbabagong naranasan at


naramdaman ng mga kababaihan sa kanilang pagsali sa kooperatiba. At panghuli,
tinukoy kung ganap nga bang pagsasakapangyarihan para sa mga kababaihan ang
naidudulot ng pagsali at pakikilahok sa kooperatiba.

Ang pag-aaral na ito ay nahahati sa pitong bahagi. Sa Rebyu ng mga Kaugnay


na Literatura tatalakayin ang mga konseptong nakapaloob sa pag-aaral at mga
naunang pananaliksik na may kaparehong paksa. Samantala, ilalahad sa Balangkas ng
Pag-aanalisa ang uri ng lente ng pag-aanalisa o pagsusuri na ginamit sa pag-aaral. Sa
ikatlong bahagi - Pamamaraan ng Pananaliksik – isasalarawan ang paraan ng
pangangalap ng datos at kung paano ito sinuri upang masagot ang pangunahing
katanungan ng pag-aaral. Ginawa naman ang lahat ng porma ng pananaliksik na
isinasaisip ang etika na nakapaloob sa sumunod na bahagi. Sa ikalimang bahagi ay
inilarawan ang naging resulta ng pag-aaral at sa sumunod na bahagi ay inilahad ang
pagkakaugnay ng mga empirikal na resulta sa mga konseptong tinalakay sa naunang
mga bahagi. At panghuli ay ang paglalagom at pagbibigay ng konklusyon ng
mananaliksik sa isinagawang pag-aaral.

Pangunahing Katanungan

Ano ang mga epekto sa kababaihan partikular na sa aspeto ng


pagsasakapangyarihan nang kanilang pagsali sa kooperatiba?

Mga Ispesipikong Katanungan:

1. Bakit sumasali ang mga kababaihan sa kooperatiba?

2. Ano ang mga benepisyong nakukuha o natatanggap ng mga kababaihan sa


pagsali sa kooperatiba?

2.1 Ma ekonomikal na benepisyo ba?

2.2 Sikolohikal?
Lapuz|6

2.3 Sosyal?

3. Nagkakaiba-iba ba ang antas ng pagsasakapangyarihang


nararamdaman/nararanasan ng mga kababaihan? Bakit?

4. Tunay nga bang pagsasakapangyarihan ang naidudulot ng pagsali sa


kooperatiba?

II. Rebyu ng mga Kaugnay na Literatura

Pagbibigay Kahulugan sa Pagsasakapangyarihan sa Kababaihan

Ang pagsasakapangyarihan ay isang terminong sumasaklaw sa maraming


konsepto (Boender, et al, 2002). Ang pinakamalawak na depinisyon ng
pagsasakapangyarihan ay ang ‘paglawak ng kalayaang pimili at kumilos’ (World Bank’s
Sourcebook on Empowerment and Poverty Reduction, 2011). Ang depinisyon na ito ay
maaari ring mailapat sa pagsasakapangyarihan sa kababaihan, maging sa iba pang
marhinalisadong sektor o grupo ng tao. Ngunit hindi ito ganito kasimple dahil dapat din
nating kilalanin na hindi isang homogeneous na grupo ang mga kababaihan. Ibig
sabihin, ang isang babae ay maari ring makabilang sa ibang marhinalisadong grupo
tulad ng indigenous people, bata at mahirap (Malhotra, 2003). Dagdag pa rito, ang
kawalan ng kapangyarihan din ng mga kababaihan ay mas nakikta sa antas ng tahanan
na wala sa ibang marhinalisadong grupo (Boender,et al 2002).

Ang pagsasakapangyarihan ng kababaihan ay isang proseso (Kabeer, 2001; Oxaal


and Baden, 1997; Rowlands, 1995) at isang layunin (Batliwala, 1994). Ibig sabihin ay
isa itong pagpapatuloy mula sa isang estado (disempowement) patungo sa isa pang
estado (empowerment). Hindi basta basta natatamasa ang pagsasakapangyarihan at
may posibilidad rin na ito ay huminto sa isang antas batay na rin sa taong sinasabing
nakakaranas ng nasabing pagsasakapangyarihan (Mosedale, 2005). Isa sa mga tanyag
na depinisyon ng pagsasakapangyarihan ay isinulat ni Kabeer (2001), ayon sa kanya,
ang pagsasakapangyarihan ay “the expansion in people's ability to make strategic life
Lapuz|7

choices in a context where this ability was previously denied to them”. Ipinaliwanag din
niya ang konsepto ng “choice” na binubuo raw ng tatlong salik1.

Bukod sa binubuo ito ng iba’t ibang salik, tinitingnan din ang pagsasakapangyarihan
bilang multidimensiyonal na penomenon. Ang pagsasakapangyarihan ay isang multi-
dimensyunal na konseptong may pang-kamalayan, pang-kaisipan, pang-kultura, pang-
ekonomiko, at pang-pulitika na mga angulo (Stromquist, binanggit kay Mosedale, 2005).
Ang pang-kamalayang salik ay tumutukoy sa pagkamulat at pagkakaintindi ng mga
kababaihan sa dahilan ng kanilang subordinasyon. Napapasailalim din ng salik na ito
ang pagdedesisyon ng kababaihan na kwestiyunin ang status quo at gumawa ng mga
hakbang na taliwas sa dinidikta ng lipunan. Napapabilang naman sa sikolohikal na
salik ang pagbabago sa pagtingin ng mga kababaihan sa kanilang mga sarili at maging
sa tunay nilang posisyon sa lipunan, at ang kanilang pagkilos upang mas mapabuti pa
ang ang kanilang kondisyon sa buhay. Ang pagtaas ng kumpyansa at tiwala sa sarili
ang batayang indikasyon ng salik na ito (Stromquist, 1995). Isa pang dimensiyon na
tinukoy din ni Stromquist (1995) ay ang pang-ekonomikong pagsasakapangyarihan. Sa
dimensiyon na ito napapabilang ang access sa trabaho na nagreresulta naman sa
pang-ekonomikong kalayaan (economic freedom). Bukod dito, ang pakikilahok ng mga
kababaihan sa merkado ay nakakapagpatibay ng posisyon ng kababaihan sa lipunan
kung saan sa proseso ng pakikilahok na ito ay nabibigyan sila o mas nahahasa ang
kanilang kaalaman at kasanayan. Ito naman ay nagbibigay sa kanila ng kumpyansa
upang hamunin ang status quo (Carr, 2004).

Ang tatlong dimensiyon na ito ang pinagbatayan ng mananaliksik sa kanyang


ginawang pagsukat sa pagsasakapangyarihan ng mga kababaihan sa loob ng mga
kooperatiba.

1
(1) resources, which form the conditions under which choices are made;

(2) agency, which is at the heart of the process through which choices are made and
(3) achievements, which are the outcomes of choices.
Lapuz|8

Kinikilala din ng mga internasyonal na pinansyal na mga institusyon ang


ekonomikong pagsasakapangyarihan sa mga kababaihan bilang susi sa kaunlaran ng
isang bansa (World Bank, 2011).

Kooperatibismo: Mula sa Pagsagot sa Kahirapan at Kawalan ng Hanapbuhay Tungo sa


Pagsasakapangyarihan ng Kababaihan

Sa tala ng National Statistics Coordination Board (NSCB) noong 2012, 7


bahagdan ng populasyon ng Pilipinas ang walang trabaho. Ito ang pinakamataas na
bahagdan sa lahat ng bansa sa Timog-Silangang Asya. Ang kawalan ng hanapbuhay
na ito ay nagdudulot naman ng kahirapan. Ang dalawang magkatambal na problemang
ito ang tinutugunan ng mga kooperatiba. Ang kooperatiba ay isang “autonomous and
duly registered association of persons, with a common bond of interest, who have
voluntarily joined together to achieve social, economic, and cultural needs and
aspirations by making equitable contributions to the capital required, patronizing their
products and services and accepting a fair share of the risks and benefits of the
undertaking in accordance with universally accepted cooperative principles” (CDA,
2006).

Sa bansa, may siyam na prinsipyong tinataglay ang bawat kooperatiba 2 ngunit


ang pangunahing layunin nito ay ang makapagbigay ng hanapbuhay at
mapagkakakitaan sa mga miyembro nito. May iba’t ibang uri ng kooperatiba batay sa
kalikasan ng operasyon, serbisyo at produkto ng mga ito. Mayroong credit cooperative,
consumer cooperative, producers cooperative, marketing cooperative, service
cooperative at iba pa.

Ang kalagayan ng sektor ng kooperatiba sa bansa ay maituturing na papaunlad


pa lamang. Ang kasaysakayan ng kooperatibismo sa bansa ay mahahati sa tatlong
yugto. Ang unang yugto ay ang tinawag niyang pre-formation period na naganap mula

2
Voluntary and open membership, democratic member control, member economic participation,
autonomy and independence, education, training and information, cooperation among
cooperatives, and concern for community.
Lapuz|9

noong 1845 hanggang noong 1941 kung kalian ang sistema ng kooperatibismo
partikular na ang mga agri-based cooperatives ay nakarating at ipinakilala sa bansa ng
mga rebolusyonaryong ilustrado. Ang ikalawang yugto naman ay nagsimula noong
1941 hanggang noong taong 1986, sa yugto na ito naman nagsimula ang mga non-
agricultural coops at dito rin sa panahong ito naganap ang martial law at ang politization
ng coop movement. Ang ikatlo at huling yugto ng cooperative movement ay nagsimula
noong 1986 hanggang sa kasalukuyan. Sa panahong ito nakilala ang kooperatibismo
bilang isang mahalagang pwersang pang-ekonomiya at pampulitikal kung saan naging
aktibo ang mga pribadong sektor ng lipunan kabilang na ang mga nongovernment
organizations sa pagtulong sa pagtatatag at pamamahala ng mga kooperatiba sa bansa
(Sibal, 2007).

Mula sa 570 na naitalang kooperatiba noong 1939, umabot na sa 21, 679 ang
rehistradong kooperatiba sa buong kapuluan ngayon, ito ay ayon sa pinakabago at
huling tala ng Cooperative Development Authority (CDA) noong June 30, 2012. Ngunit
kung ikukumpara sa ibang mga bansa, masasabing ang sektor ng kooperatiba sa
bansa ay maituturing na papalaking sektor pa lamang.

Ngunit sa kabila nito, ang mga kooperatiba sa bansa ay nakakapag-ambag ng


4.2 bahagdan sa gross regional domestic product ng bansa noong 2007, ito ay
katumbas ng 53.2 bilyong pisong kontribusyon sa ekonomiya ng Pilipinas (CDA, 2007).

Ang pinakamahalagang naiaambag ng mga kooperatiba sa ekonomiya ng bansa


ay ang paglikha at pagbibigay ng hanapbuhay sa mga tao, lalo na sa rural areas. Sa
buong mundo, ang mga kooperatiba ay nakapagbibigay ng 100 milyong trabaho at dito
sa Pilipinas, umabot na sa 102, 977 tao ang nagtatrabaho sa kooperatiba o 0.30
bahagdan ng labor force (Ping-ay, 2007).

Sa kasalukuyan, hindi maitatangging naging mahalagang bahagi na ng


pribadong sektor ang mga kooperatiba dahil sa kontribusyon ng mga ito sa sosyal at
ekonomikal na kaunlarang dinudulot ng mga ito sa bansa. Bilang mga boluntaryong
organisasyon, ang mga kooperatiba sa bansa ay lumilikha ng mga pagkakakitaan,
Lapuz|10

hanapbuhay at iba pang mga serbisyo, depende sa kung anong uri ng kooperatiba ito,
sa mga miyembro nito. Bukod sa indibidwal na antas, malaki ang naiaambag ng mga
kooperatiba sa pambansang kaunlaran sa pamamagitan ng paglikha ng mga trabaho
para sa mga walang hanapbuhay, mapabuti ang distribusyon ng kita ng mamamayan
sa bansa, at lumikha ng fair maket practices dahil na rin sa kumpetitibong merkadong
naidudulot ng mga ito (Van Steenwyk, 1987). Ngunit bukod pa rito, ang kooperatibismo
ay nagdulot din ng positibong epekto sa hanay ng mga kababaihan, lalo na sa aspeto
ng pagsasakapangyarihan.

Pag-usbong ng Women’s Only Cooperatives

Batay sa tala ng NSCB noong 2011, 37.4 bahagdan ng mga kababaihan ang
walang trabaho sa bansa. Batay din sa naturang tala, 39.3 bahagdan lamang ng
kababaihan ang napapabilang sa labor force sa bansa. Mas mababa ito kumpara sa
60.7 bahagdan para sa mga kalalakihan. Sinasabi ng mga eksperto na ang dahilan nito
ay ang konsepto ukol sa tungkulin sa pag-aasawa kung saan ang babae ay dapat
manatili sa bahay habang ang asawang lalaki ang dapat namang maghanapbuhay para
sa pamilya. Dahil na rin dito, ang kakayahan sa lakas-paggawa ng mga kababaihan ay
nasasayang na may mahalagang implikasyon sa ekonomiya at kaunlaran ng bansa. Ito
ang tinutugunan ng mga kooperatiba at ito din ang dahilan ng pagtatatag o pagbuo ng
mga women’s only cooperatives (o mga kooperatibang mga babae lamang ang
miyembro) sa bansa o maging sa ibang bansa. Sinasabi rin na sa konteksto ng
kahirapan na nararanasan ng mga kababaihan naipapaliwanag ang pagdami ng bilang
ng mga kababaihang miyembro ng kooperatiba. Marami sa mga kababaihang
miyembro ng kooperatiba ay napapabilang sa pinakamahihirap na pamilya sa bansa, at
hindi sumapasapat ang kita ng asawang lalaki kaya minamabuti nilang sumali sa mga
kooperatiba (AWCF, 2012). Ito din ang itinuturing na pangunahing dahilan nang pagsali
ng mga kababaihan sa mga kooperatiba.

Ayon nga sa resulta ng pag-aaral nina Jones Elaine, Sally Smith at Carol Willis
(2012), ang pag-oorganisa ng mga kababaihan sa isang kolektibong enterprise tulad ng
pagtatatag ng kooperatibang para lamang sa kababaihan (women’s only coops) ay
Lapuz|11

nagbibigay daan upang sila ay magkaroon ng pagkakaisa at umakto bilang isang


kolektibong pwersa sa isang komunidad. Dagdag pa rito, ang pagkakaroon ng ganitong
uri ng samahan sa hanay ng mga kababaihan ay nagdudulot ng pagkakaroon ng
“network of mutual support to overcome restrictions to pursuing commercial or
economic activities”. Sa parehong linya ng pag-aaral sa Nigeria at India, nailahad na
ang mga kababaihang miyembro ng kooperatiba ay mas nagiging produktibo at mas
mabuti ang ekonomikong pamumuhay kaysa sa mga kababaihang hindi miyembo ng
kooperatiba (1999). Sa isa pang pananaliksik sa India, napag-alaman ding ang mga
kababaihang aktibong nakikilahok sa mga gawaing-kooperatiba ay nagkakaroon at
nahahasa ang kanilang mga entrepreneur skills, nagkakaroon din sila ng economic
security at nakakaambag sila ng positibo sa pamumuhay ng kanilang mga pamilya.

Bukod pa sa mga ito, napag-alaman din sa mga pag-aaral sa mga women’s


coops sa ibang bansa na ang mga kababaihang miyembro ng kooperatiba ay
nagkakaroon ng mas mataas na self-esteem. Higit pa rito, ang mga kababaihang
aktibong nakikilahok sa mga aktibidad ng mga kooperatiba ay nagkakaroon din ng mas
mataas na pagkilala sa komunidad na ginagalawan niya. Ang lahat ng mga pag-aaral
na ito ay tumutukoy sa mga positibong epekto ng pagiging miyembro ng kooperatiba sa
mga kababaihan partikular na sa aspeto ng pagsasakapangyarihan sa indibidwal na
antas, sa loob ng pamilya at maging sa isang komunidad.

Sa kabila ng mga ito, sa kasalukuyan, wala pang literatura ang tumatalakay sa


kasaysayan at sa pag-usbong ng mga women’s only cooperatives sa bansa. Maging
ang Cooperative Development Authority ay walang tala sa kung ilang women’s only
coop ang mayroon sa bansa.

Mga Hadlang Tungo sa Pagsasakapangyarihan

Tunay ngang hindi makakaila ang mga positibong epekto ng kooperatibismo sa


pagsasakapangyarihan ng mga kababaihan, mula sa indibidwal na antas hanggang sa
komunidad. Ngunit ang mga positibong epektong ito ay hindi totoo sa pangkalahatan.
Ayon sa mga datos, nananatiling mababa ang partisipasyon ng mga kababaihan sa
Lapuz|12

mga kooperatiba. Sa mga agri-based coops sa Asya, ang mga kababaihan ay bumubuo
lamang sa 2 – 10.5 bahagdan ng kabuuang bilang ng mga kasapi (International Year of
the Cooperatives, 2012). Ibig sabihin, mababa pa rin ang bilang ng mga kababaihang
nakaranas o nakakaranas ng pagsasakapangyarihan sa pagsali sa kooperatiba at ang
mayoryang bilang ng mga kasapi ay binubuo pa rin ng mga kalalakihan. Ilan sa mga
dahilang lumalabas kung bakit mababa pa din ang bilang ng partisipasyon ng mga
kababaihan sa mga kooperatiba ay ang tradisyunal na konsepto ng tungkulin na ang
mga babae ay dapat ay sa tahanan lamang, bukod pa sa ibang rason na kawalan ng
kakayahan, kasanayan at edukasyon. Higit pa rito, ayon sa COOPAFRICA, nananatili
ding mababa ang bilang ng mga kababaihang kasapi sa mga kooperatiba sa Ethiopia
na bumubuo lamang ng 18%, 33 bahagdan sa mga ito ay kabilang sa Board Members
ng mga kooperatiba, 13 bahagdan naman ang mga kababaihang umupo bilang pinuno
ng kooperatiba at 12 bahagdan ang tagapamahala. Ang maliliit na numerong ito ay
nagpapatunay na hindi pa ganoon kaaktibo ang pakikilahok ng mga kababaihan sa mga
gawaing-kooperatiba, maliit na bilang pa din lamang ng kababaihan ang may
kakayahang maimpluwensyahan ng paggawa ng desisyon at magtakda ng agenda sa
loob ng kooperatiba.

Bukod pa rito, hindi rin kumpirmado kung awtomatiko pang nagdudulot ng


pagsasakapangyarihan ang pagsali ng mga kababaihan sa kooperatiba. Walang
sistematikong pananaliksik ukol sa kalikasan at antas ng mga positibong pagbabago, sa
ilamin ng mga anong kondisyon at kalagayan ito umiiral at nagaganap at kung paano
matutulungan at masusuportahan ang mga kababaihan.

Dahil dito, binigyang linaw ng pag-aaral na ito ang relasyon ng pagiging


miyembro ng kooperatiba at ang pagsasakapangyarihan ng mga kababaihan, at ang
pagutkoy sa bawat dimensiyon nito. Dagdag pa rito, naging napakahalaga ng pag-aaral
sa pagtukoy ng mga kondisyon at kalagayan kung paano naisasakatuparan ang
pagsasakapangyarihan. Isa sa mga naging layunin ng pag-aaral na ito ang alamin ang
kahalagahan ng kooperatibismo sa bansa sa pagkamit ng pagsasakapangyarihan ng
mga kababaihan at maging ng gender equality. Nakamtan ito sa pamamagitan ng
Lapuz|13

paggamit ng partikular na lente ng pag-aanalisa: ang development perspective


partikular na dito ang tatlong approaches na pinasimulan ni Batiwala (1994): ang
integrative approach, economic approach at consciousness-raising and organizing
approach.

III. Balangkas ng Pag-aanalisa

Pakikilahok ng Kababaihan sa Prosesong Pangkaunlaran

Hindi man tiyak pang natutukoy ang dahilan sa kawalan ng kapangyarihan ng


mga kababaihan sa lipunan, sinasabi na ang lahat ng kababaihan at ang kanilang
pagkilos ay nalilimitahan ng mga “norms, beliefs, customs and values through which
societies differentiate between women and men” (Kabeer 2000, 22). Makikita ito sa mga
pagkakataon na mas mababa ang sweldo ng babae kaysa sa lalaki, sa diskriminasyon
sa pagtanngap sa mga trabaho kung saan mas pinapaboran ang mga aplikanteng lalaki
kaysa sa babae. Makikita rin ito sa dami ng kaso ng domestic violence kung saan ang
kadalasang biktima ay ang mga kababaihan (Mosedale, 2003).

Ngunit dahil nga hindi isang homogeneous na grupo ang kababaihan,


nangangahulugan na hindi rin pantay-pantay ang antas ng kawalan ng kapangyarihan
na nararanasan ng bawat isang babae. Ito ay sa kadahilanang hindi lamang kasarian
ang nagtatakda ng kawalang-kapangyarihan kundi naitatakda at naiimpluwensiyahan
din ito ng social class, edad at etnisidad (Crenshaw, 1994). Sa partikular na pag-aaral
na ito, kinilala na ang kawalang-kapangyarihan ng mga kababaihan ay dulot ng
dalawang pinagsamang dalawang salik – kasarian at kahirapan.

Ang kasarian at kahirapan ang dalawang salik kung saan napapaloob ang
konteksto ng pananaliksik na ito. Dati rati, ang “set up” sa pagitan ng mag-asawa sa
tipikal na pamilya ay nababatay sa isteryotipikong pagtatakda ng responsibilidad at
gampanin batay sa kasarian -- kung saan ang mga lalaki ang lehitimong may
karapatang maghanapbuhay samantalang inaatas naman sa mga babae ang mga
gawain sa bahay kasama na ang pag-aalaga ng bata. Dahil sa isteryotipikong
pagtatakda ng mga gampanin batay sa kasarian, hindi napapakinabangan ang
Lapuz|14

potensyal at aktwal na lakas paggawa ng mga kababaihan. Kung pagbabatayan ang


Marxist Feminism (Engels, 1884; Marx, 1882), ang subordinasyon ng kababaihan sa
kalalakihan ay maaring ugatin sa bahaging ginagampanan ng bawat kasarian sa
produksyon. Dahil nga sa ganitong set up sa loob pa lamang ng pamilya,
maihahalintulad ito sa relasyon ng bourgeoisie at proletariat, kung saan dahil hawak ng
bourgeoisie ang means of production ay sila ang nagiging ruling class, samantalang
ang proletariat ay ang exploited class.

Sa ganitong linya ng pag-aanalisa umusbong ang mga kilusan para sa


pagsasakpangyarihan ng kababaihan. Isang lente ng pagtingin na ginagamit sa
konsepto ng pagsasakapangyarihan ng kababaihan ay ang development perspective.
Sinasabi sa perspektibong ito na ang kaunlaran ay nagbibigay-daan sa social inclusion
ng mga marhinalisadong sektor sa lipunan kasama na ang mga kababaihan at sa
pamamagitan nito ay nagkakaroon ang pagsasakapangyarihan at partisipasyon.
Tinitingnan nito na ang top-down approach sa pamamahala sa gobyerno na bunga ng
sistema ng kapitalismo at ang kahirapan mismo bilang mga ugat ng disempowerment.
Kaugnay nito, ang sinasabing susi tungo sa pagsasakapangyarihan ay hamunin at
labanan ng mga disenfranchised ang mga dahilan ng kanilang kawalang-kapangyarihan
sa pamamagitan ng pamamahala ng komunidad (community management) at
prosesong-pangkaunlaran (development processes)

Isang sangay ng development perspective na may kinalaman sa kasarian ay ang


Women in Development (WID) approach.

Ayon sa WID na inumpisahan ni Esther Boserup noong 1970s, kapag nagkaroon


ng pagbabago mula sa pagiging passive recipient of welfare patungo sa aktibong
pakikilahok ng mga kababaihan sa proseso ng kaunlaran, ang sektor ng kababaihan ay
hindi na magiging marhinalisado at ito ay magdudulot ng benepisyo para sa lahat. Sa
ganitong paraan, nagagamit ang potensyal at aktwal na lakas paggawa ng mga
kababaihan (Rowlands, 1997).
Lapuz|15

Proseso ng Pagsasakapangyarihan

Ngunit sa partikular na pag-aaral na ito ay hindi lamang development perspective


ang ginamit na lente ng pag-aanalisa. Ayon sa isinulat ni Srilatha Batliwala (1994), hindi
awtomatikong nagbubunga sa tunay na pagsasakapangyarihan ang pang-ekonomikong
kalakasan. Kabilang sa proseso ng pagsasakapangyarihan ang pagkilala ng mga
kababaihan sa ideolohiya na nagbibigay lehitimo sa dominasyon ng mga kalalakihan at
kung paano nito pinapanatili ang subordinasyon ng kababaihan (Mosedale, 2003). Ibig
sabihin, kahit na isama ang kababaihan sa proseso ng pangkaunlaran, hindi ito
maituturing na ganap na pagsasakapangyarihan dahil sa ganitong linya ng pagtingin
tinitingnan nito ang kababaihan bilang instrumento lamang sa pagkamit ng layuning
pangkaunlaran. Bukod pa rito, binibigyang halaga lamang nito ang papel na
ginagampanan ng babae sa produksyon ngunit hindi nito kinikilala ang pagkakaroon ng
mga institusyong nagdudulot ng patuloy na subordinasyon ng kababaihan (Batiwala,
1994).

Nagbigay din si Batiwala (1994) ng tatlong uri ng pagsasakapangyarihan sa


kontekstong pangkaunlaran. Una ay ang integrated development approach na
sinasabing ang kawalan ng kapangyarihan ng kababaihan ay dahil sa matinding
kahirapan at mga sakit na kanilang nararanasan. Dahil dito, ang layunin ng approach na
ito ay tugunan ang batayang pangangailangan ng kababaihan upang sila ay mabuhay.
Ang ikalawa ay ang economic development approach na isinasaad na ang iba pang
dimensiyon ng pagsasakapangyarihan ay nagmumula sa o resulta ng pang-
ekonomikong pagsasakapangyarihan. Ibig sabihin, ang iba pang dimensiyon ng
pagsasakapangyarihan tulad ng pang-kaisipan, pangkamalayan, at pampulikang
pagsasakapangyarihan ay nauugat sa ekonomikong pagsasakapangyarihan. Binibigyan
nito ng primaryang halaga ang ekonomikong pagsasakapangyarihan sa lahat ng
dimensiyon ng pagsasakapangyarihan. At panghuli ay ang consciousness-raising and
organizing approach na batay naman sa “more complicated understanding of gender
relations and women’s status” (Batiwala, 1994: 135). Mahalagang tinitingnan dito
pagkilala ng mga kababaihan sa umiiral na pangkasariang diskriminasyon at ang
Lapuz|16

paglaban nila dito sa pamamagitan ng kolektibong pag-oorganisa. Batay sa approach


na ito, hindi sapat ang nararamdamang pagsasakapangyarihan ng indibidwal na
kababaihan kundi dapat sila ay kolektibong kumikilos upang labanan ang
diskriminasyon batay sa kasarian na nakakaapekto sa lahat ng aspeto ng kanilang
pamumuhay.

Ang tatlong ito ay mahalagang bahagi ng proseso ng pagsasakapangyarihan sa


kababaihan lalo na ang panghuling punto dahil ito ang pinakamahirap makamtan sa
tatlong nabanggit sa itaas. Ang tatlong approach na ito ang naging batayan sa pag-
aanalisa ng mga datos na nakalap sa pananaliksik na ito.

Talaan 1.
Accredited by Cooperative
Development Authority,
Tumatanggap ng Pondo mula
sa Gobyerno (PDAF)

Kababaihan
Pagsasakapangyarihan
Mga
Kawalan ng (Positibo, Negatibo, Antas)
Kooperatiba Pagbabagong
Kapangyarihan Susuriian Gamit ang Gender
Naganap/Nar and Development Approach
(Pagsali sa anasan/Nara
Dulot ng dalawang (GAD)
salik: Kooperatiba at mdaman ng
(1) Kasarian Pakikilahok sa Mga Mga
(2) Kahirapan Gawain Nito) Kababaihan

Mga Salik na Nakakaapekto sa Antas


ng Pagsasakapangyarihan
(?)

Ang diagram sa itaas ay nagpapakita sa pagkakaugnay-ugnay ng mga konsepto


sa pananaliksik na ito. Ang mga konseptong ito ay nilapatan ng empirikal na datos at
direktang karanasan mula sa mga kababaihang miyembro ng kooperatiba na kinalap sa
pamamagitan ng pagbuo ng disenyo ng pananaliksik na tinatalakay sa susunod na
seksyon.
Lapuz|17

IV. Pamamaraan ng Pananaliksik

A. Disenyo ng Pananaliksik

Sa pananaliksik na ito, inalam ng mananaliksik kung ang pagsali ba ng mga


kababaihan sa mga kooperatiba ay nagbibigay sa kanila ng pagsasakapagyarihan.
Sinuri sa pag-aaral ang persepsyon ng mga kababaihang kaanib ng mga kooperatiba
sa aspeto ng pagsasakapangyarihan.

Sinukat ng mananaliksik ang konsepto ng pagsasakapangyarihan gamit ang


tatlong indikasyon nito na ginamit na rin sa ibang naunang pag-aaral ukol dito, katulad
ng pag-aaral ni Kabeer (2001), Stromquist (1995), at nila Elain, Smith at Willis (2012).
Batay sa mga pag-aaral na ito, ang konsepto ng pagsasakapangyarihan ay maaring
sukatin sa mga sintomas o indikasyon na nakalagay sa tala sa ibaba.

Talaan 2. Pagsukat ng Pagsasakapangyarihan at mga Indikasyon Nito.

Pagsasakapangyarihan ng Kababaihan

Indikasyon
Sikolohikal na Pagtaas ng self-esteem
Pagsasakapangyarihan Pagtaas ng self-worth
Pakiramdam ng paglaya (from dependence to independence)

Ekonomik Ekonomikong kalayaan


Economic security ng pamilya
Paglaki ng role sa decision-making sa loob ng pamilya
Sosyal Expanded roles
Pagdami ng kaibigan
Pagpapahayag ng mga opinyon, kuro-kuro atbp sa loob ng
kooperatiba
Pagbabago ng tingin ng komunidad sa kanila
Pagbabago sa Kamalayan Pagkilala sa umiiral na hindi pantay na pagtingin sa kalalakihan at
kababaihan
Pagkwestiyon sa mga insitusyon, pag-uugali at paniniwala na
Lapuz|18

nagpapasailalim sa mga kababahain


Pagkilos o paggawa ng hakbang upang mabago ito

Bukod sa ganitong pagsukat ay mas binigyang halaga ng pag-aaral na ito ang


karanasan na kumukumpirma o hindi sa mga naging tugon ng bawat naging kalahok sa
mga tanong ng mananaliksik (makikita ang FGD guide sa Apendiks B). Ginawa ito
upang malaman kung paano nangyayari ang pagsasakapangyarihan, anong mga
partikular na kondisyon at sitwasyon ito nagaganap at kung ano ang mga nakakaapekto
dito. Sa madaling salita, ang mga karanasan, pahayag at opinyon ng mga lumahok sa
pag-aaral ay binigyang konteksto ang pagsasakapangyarihan na nagaganap sa mga
kooperatiba.

Sa unang bahagi ng pangangalap ng datos, nagsagawa ang mananaliksik ng


document analysis ng mga sekundaryang impormasyon. Ang mga ito ay makukuha sa
mga artikulo, libro, sa internet o sa mga dyaryo. Sa unang bahagi na ito, ginamit ng
mananaliksik ang document analysis bilang pundasyon ng pag-aaral at upang maging
gabay sa landas na tatahakin sa paghahanap ng mapagkukunan ng primary o
pangunahing datos na kakailanganin.

Sa ikalawang bahagi naman, nagsagawa ang mananaliksik ng key informant


interview (makikita ang KII guide sa Apendiks) sa dalawang opisyal ng Cooperative
Development Authority (CDA) upang makakalap ng sapat na datos at malaman ang
opinyon ng pamahalaan sa mga women’s only cooperative.

Nagsagawa naman ng focus group discussion (FGD) sa dalawang women’s only


cooperative na kinabilangan ng 5-7 babaeng miyembro ng kooperatiba na may edad na
35-55 taong gulang. Ito ay ginawa upang malaman ang kanilang mga saloobin,
karanasan at opinyon ukol sa mga pagbabago sa kanilang buhay matapos umanib sa
kooperatiba. Sa pamamagitan ng FGDs ay mas mabibigyang-lalim at mas lalong
mauunawaan ng mananaliksik ang paksa ng pag-aaral.
Lapuz|19

Dahil sa eksperto at taktikal na karanasan o kaalaman ang kinakailangan sa mga


taong kakapanayamin, nagiging angkop ang purposeful sampling dahil sa mas malalim
at mayamang impormasyong maibibigay ng mga taong tiyak na may kaalaman sa
paksa ng pag-aaral (Mcneill, et al, 2002).

Talaan 3. Layunin sa Pagkuha ng Datos, Pag-uuri ng mga Kakailanganing Datos,


Batis na Pagmumulan ng Datos, at Pamamaraan ng Pagkuha ng Datos
Layunin Grupo ng Datos na Pagmumulan ng Pamamaraan
Kailangan Datos
Alamin kung nakakaramdam Epekto ng Pagsali Mga Focus Group
ba ng sa Kooperatiba sa Kababaihang Discussion
pagsasakapangyarihan ang mga Kababaihan (in Miyembro ng
mga kababaihan sa pagsali terms of feeling of Kooperatiba
sa kooperatiba ‘self-empowerment’)
- Pakiramdam ba nila
naging mas mahalaga
sila sa komunidad?
- Napabuti ba nito ang
posisyon nito sa sariling
tahanan lalo na sa
larangan ng
pagdedesisyon, atbp

Alamin ang mga salik kung Mga dahilan nang Mga Focus Group
bakit sumasali ang mga pagsali ng mga Kababaihang Discussion
kababaihan sa mga kababaihan sa mga Miyembro ng
kooperatiba kooperatiba Kooperatiba
Kumuha ng mga statistics Statistics ng women Opisyal ng Key Informant
ng membership ng mga membership Cooperative Interview
kababaihan sa kooperatiba kooperatiba sa Development
Lapuz|20

sa pambansang antas, pambansang antas, Authority


employment generation ng bilang ng mga
mga kooperatiba at ilan dito kababaihang
ang kababaihan, ilan ang nabibigyan ng
women’s (only) cooperatives trabaho ng mga
at ang mga estado nila kooperatiba, bilang
(kung successful ba o hindi) ng women’s (only)
cooperatives)

B. Pag-aanalisa ng Datos

Pagkatapos makakalap ng sapat na mga dokumento, ulat, artikulo at journal, ang


mananaliksik ay nagsagawa ng document analysis sa perspektibang kritikal at
evaluative. Dito ay hinimay ng mananaliksik ang mga dokumento, pinagkumpara at
pinaglapat ang nilalaman ng mga nakalap na dokumento. Kasama na din sa prosesong
ito ang pagbibigay-kahulugan o ideya ng mananaliksik sa bawat pagsusuri ng mga
datos na nakalap.

Bukod sa document anaylsis, ang mga naisagawang interbyu at focus group


discussion ay inilapat ng mananaliksik sa pamamagitan ng pag-transcribe. Matapos ang
proseso ng transcription, ang mananaliksik ay gumamit ng dalawang antas ng open
coding sa pag-aanalisa ng nasabing datos – deskriptiv at analitik. Matapos masala mula
sa transcription na verbatim o bawat salita ng interbyu ang mga mahahalagang datos,
iginrupo ang mga ito at nilagyan ng kategorya batay sa uri at kahalagahan ng mga
konseptong nakapaloob sa bawat datos.

Matapos maikategorya ay ipinagkumpara ang mga datos na nakuha mula sa


mga interbyu, document analysis at focus group discussion. Pagkatapos nito,
nagsagawa ng evaluative at comparative analysis upang makita ang pagtutugma at
pagkakaiba-iba ng resulta ng mga datos gayundin ang mga mahahalagang punto at
kahulugan ng mga resulta ng mga datos na nakalap.
Lapuz|21

Sa pamamagitan ng Critical Research Approach, tinahi at pinagtagnitagni ng


mananaliksik ang mga impormasyon, datos at konseptong nakalap gamit ang document
analysis, KII at FGD upang masagot ang primaryang katanungan.

C. Profile ng mga Respondents

Sa pangunahing instrumento na ginamit ng mananaliksik para sa pag-aaral na ito


– FGD, ang lahat ng mga lumahok sa pag-aaral ay nagmula sa sektor ng kababaihan.
Upang makakuha ng mayaman na datos at impormasyon ay pinili ng mananaliksik na
magsagawa ng dalawang FGDs. Ang mga kababaihang lumahok sa pag-aaral ay
miyembro ng dalawang kooperatiba: ang Women’s Unity for Progress (Marketing
Cooperative) at Women for Progress of Nagpayong Multipurpose Cooperative.

Ang Women’s Unity for Progress ay nakabase sa Candaba, Pampanga. Isa itong
marketing cooperative na ang pinagkakakitaan ng kooperatiba ay ang pagpaparenta ng
mga upuan at lamesa (rental of tables and chairs) at paggawa ng mga prosesong karne
tulad ng tocino at longganisa na kanila ding ibinebenta. Anim na babae galling sa
Women’s Unity for Progress ang lumahok sa pag-aaral na ito. Lahat sila ay may pamlya
na, may edad na 40-55 taong gulang at parehong may tig-tatatlong taong karanasan
bilang miyembro ng kooperatiba.

Ang ikalawang FGD naman ay kinabilangan ng mga kababaihang miyembro ng


Women for Progress of Nagpayong Multipurpose Cooperative na matatagpuan naman
sa Pasig City. Ang mga kababaihan naman dito ay tinatawag na mga magbabayong
dahil ang pangunahing pinagkakakitaan ng kooperatiba ay ang paggawa o paghabi ng
mga bags mula sa water lily at ang pagbebenta nito. Pitong babae ang nakilahok sa
FGD, lahat ay may asawa na, na may edad 35-55 taong gulang.

Lahat ng kababaihang nakilahok sa pag-aaral ay napapabilang sa mga


pamilyang mahirap o yaong nasa low income status.
Lapuz|22

D. Limitasyon

Isa sa mga masasabing naging hadlang sa isinagawang pag-aaral ay ang


kakulangan sa oras. Sa orihinal na pagpaplano ng kapapanayamin, isinama ng
mananaliksik sa listahan ng kakapanayamin ang isang opisyal sa Asian Women Co-
operative Forum (AWCF) ngunit hindi ito naisakatuparan dahil na rin sa hindi direktang
pagtanggi ng nabanggit na tanggapan o organisasyon. Ilang beses na tinawagan ng
mananaliksik ang nasabing tanggapan ngunit bigo itong makakuha ng appointment
dahil sa maraming kadahilanan: (1) hindi pa natatanggap ang liham; (2) hindi pa ito
napapasa sa at nababasa ng executive director at (3) wala pa ring tugon mula sa
executive director.

Gayundin, bigo ang mananaliksik na makakuha ng datos at istatistiks ukol sa


sex-disaggregated data sa mga kooperatiba sa buong bansa mula sa tanggapan ng
CDA dahil na rin mismo sa kawalan ng datos ng nasabing ahensiya ng gobyerno.

Sa FGD naman ay masasabing kakulangan din sa oras at layo ng mga opisina


ng kooperatiba ang naging limitasyon kung kaya’t dalawang women’s only cooperative
lamang ang naisagawa ang FGD.

V. Mga Pang-Etikang Pagsasaalang-alang sa Pananaliksik

Sa pananaliksik na ito na nakatuon sa pag-aaral sa pagsasakapangyarihan ng


mga kababaihan, may mga taong kinapanayam o lumahok sa diskusyon na nabibilang
sa bulnerableng sektor ng lipunan. Ibig sabihin, ang mga taong kinapanayam at
lumahok sa diskusyon ay kabilang sa mga taong walang kakayahang depensahan at
proteksyunan ang sarili o kaya naman ay walang kakayahang iwasan ang ‘risk’ o
panganib na maaaring idulot sa kanila ng pag-aaral. Dahil dito, bilang bahagi ng kahit
anong pag-aaral gaya na rin ng pag-aaral na ito, tungkulin ng mananaliksik na
proteksyunan at pangalagaan ang mga impormasyong ibabahagi ng mga taong
kakapanayamin.Tiniyak din na hindi malalagay sa panganib ang mga taong pinagkunan
ng mga kinakailangang datos para sa pag-aaral. Upang masiguro ang mga ito, inako ng
mananaliksik ang responsibilidad na pangalagaan ang identidad ng mga taong
Lapuz|23

kakapanayamin sa pamamagitan ng paggamit ng alyas para na rin hindi ma-trace o


matunton ang mga pinagkunan ng impormasyon. Sa ganitong pamamaraan, masisiguro
ang anonymity at confidentiality ng mga partisipante.

Ang lahat ng porma ng pangangalap ng primaryang datos na ginamit ay


isinagawa nang isinasa-isip ang etika ng pag-aaral kaya ginamit ang Free and Prior
Informed Consent upang makapanayam ang mga taong may sapat na kaalaman ukol
sa pag-aaral, magbibigay ng liham (makikita sa Apendiks) ang mananaliksik upang
makapagtakda ng araw ng interbyu.

Dagdag pa rito, sinugurado ng mananaliksik na malaya sa paglahok ang mga


naging partisipante sa pag-aaral at hindi pinilit, tinakot o sinuhulan upang tumugon sa
mga katanungan. Upang magawa ito, binigyan ng consent form (makikita sa Apendiks)
ang mga kinapanayam at ang mga lumahok sa diskusyon. Ang consent form na ito ay
nakasulat nang simple at maliwanag sa kung ano ang gagawing pananaliksik at kung
ano ang pakay sa mga posibleng partisipante. At sa consent form din na ito lumagda
ang mga lumahok sa pananaliksik bilang patunay na hindi pinilit, subalit kusa ang
gagawing interbyu. Sa ganitong linya, sinigurado din ng mananaliksik na informed ang
mga partisipante sa pananaliksik sa pamamagitan nang maagang pagbibigay ng
impormasyon sa gagawing pag-aaral, impormasyon tungkol sa kung ano ang gagawing
pag-aaral at ang layunin nito. Tiniyak din na nabigyan ng sapat na panahon ang mga
magiging partisipante upang magdesisyon kung sila ay papayag na maging bahagi ng
pag-aaral na ito. Upang makapanayam ang mga taong may sapat na kaalaman ukol sa
pag-aaral, nagbigay ng liham ang mananaliksik upang makapagtakda ng araw ng
interbyu.

At panghuli, ang mga datos at impormasyong nakuha mula sa mga panayam ay


ginamit lamang sa pag-aaral na ito at hindi para sa kung ano pa mang gawain na labas
sa pananaliksik at hindi napapaloob sa kasunduan ng partisipante at ng mananaliksik.
Lapuz|24

VI. Resulta

Konteksto ng Pagsali sa Kooperatiba

Sa unang bahagi pa lamang ng paggawa ng pananaliksik na ito ay kinilala na ng


mag-aaral na hindi isang homogeneous na grupo ang mga kababaihan. Sa partikular na
konteksto ng pag-aaral na ito, kinikilala na ang subordinasyon ng kababaihan ay hindi
lamang dulot ng kasarian kundi ito rin ay dulot ng kahirapan. Bagamat naging
primaryang salik ang kasarian sa isinagawang pag-aaral, binigyan ng pantay na halaga
nito ang sosyo-ekonomikong katayuan ng bawat babaeng lumahok sa diskusyon.
Bagamat mayroon ding iba’t ibang antas ng kahirapan na maaaring nararanasan ng
bawat babae, sa partikular na pag-aaral na ito ay minabuting hindi na muna ito
palawakin batay na rin sa layunin nito.

Sa tanong pa lamang sa kung anong dahilan ng pagsali sa kooperatiba ng mga


kababaihan ay malinaw na ang primaryang motibasyon ay ang pang-ekonomikong
salik. Ang desisyon ng bawat kababaihan sa kanilang pagsali ay batay sa kanilang
pangangailangang pinansiyal. Dagdag pa rito, lahat ng babaeng lumahok sa diskusyon
ay dating nasa bahay lamang at umaasa sa asawang lalaki para sa gastusin ng
pamilya.

Ngunit dahil na rin sa maliit na kita ng kanilang mga asawa at sa patuloy na


pagtaas ng presyo ng mga pangunahing bilihin ay madalas di umano silang kinakapos.
Hindi sumasapat ang maliit na kita ng kanilang asawa para sa pang-araw-araw na
gastusin ng kanilang mag-anak. Ito ang nagtulak sa mga kababaihan na maghanap ng
alternatibong mapagkukunan ng pera para sa kanilang mga pamilya, kung kaya’t
naisipan nilang sumali sa kooperatiba.

Mahihinuha din mula sa mga naging tugon ng mga kababaihang lumahok sa


pag-aaral na ito ang pagtanggap nila sa tradisyunal na pag-aatas ng responsibilidad
batay sa kasarian – ang tatay ang padre de pamilya, siya ang inaasahang bubuhay sa
pamilya at sa nanay naman nakaatang ang mga gawaing bahay kasama na ang pag-
aalaga sa kanilang mga anak. Ayon sa mga babaeng lumahok sa diskusyon, wala
Lapuz|25

naman daw silang nakikitang masama sa ganitong ayos sa loob ng pamilya. Ito daw ay
normal naman. Ika nga ng isang kasali sa diskusyon, “Ganun naman talaga dapat, di
ba? Yung lalaki yung nagtatrabaho, responsibilidad niya yun eh. At
responsibilidad naman namin yung mga gawain sa bahay, mag-asikaso sa kanya
pati sa mga anak. Di ba ganun naman talaga? Ano ba dapat?” Ang ganitong mga
pagtugon mula mismo sa mga kababaihan ay nagpapakita na tinitingnan nila ang
ganitong ayos sa tahanan bilang natural na lamang. Hindi na nila kinukwestyon kung
bakit nga ba ganoon iyon. Sinabi pa nila na dapat naman talaga ay nasa bahay lamang
ang babae at kung hindi dahil kumakapos ang badyet ng pamilya ay hindi rin naman
sila maghahanap ng mapagkakakitaan at sasali sa kooperatiba.

Sa pagsisiyasat ng mananaliksik tungkol sa ayos ng pamilya ng bawat babaeng


lumahok sa pag-aaral pati na ang uri ng relasyon na mayroon sa pagitan ng kanilang
mga asawa bago sila sumali sa kooperatiba, lumabas na lahat ng babaeng lumahok sa
diskusyon ay napapabilang sa male-dominated household. Ibig sabihin, ang kanilang
asawang lalaki ang may mas malaking tungkulin na ginagampanan sa aspeto ng
pagdedesisyon sa loob ng kanilang pamilya. Ito ay dahil na rin sa katotohanang ang
asawang lalaki ang naghahanapbuhay para sa kanilang pamilya. Sabi nga ng isang
babae, “Siyempre siya yung nagtatrabaho eh kaya natural lang na siya din yung
mas may say sa mga bagay-bagay”.

Sinasalamin ng ganitong pag-iisip ang isang pyudal at patriarkal na lipunan na


hindi lamang tinatangkilik ng mga kalalakihan kundi pati na rin ng mga kababaihan
mismo.

Dagdag pa rito, marami rin daw hesitasyon ang mga kababaihan noong una sa
kanilang desisyon na sumali ng kooperatiba. Una ay kung paano ito ipagpapaalam sa
asawa. Sinabi ng limang kababaihan sa labingtatlong partisipante sa pag-aaral na ito na
noong una raw ay ayaw silang payagan ng kanilang mga asawa sa sumali sa
kooperatiba. Sa pagsisiyasat ng mananaliksik sa kung anong dahilan ay lumutang na
baka raw mapabayaan ang mga anak at ibang pang responsibilidad sa bahay. Higit pa
rito, sinabi ng ilan sa mga kababaihan na baka rin daw makantyawan ang kanilang
Lapuz|26

asawa ng mga kaibigan nito na hindi nito kayang buhaying mag-isa ang kanyang
pamilya, ito raw ay masakit para sa ego ng lalaki.

Ang pangalawang hadlang sa pagsali ng mga kababaihan sa kooperatiba ay ang


problemang pangpinansiyal. Bago makapasok sa kooperatiba ay kailangang
makapagbayad ng membership/association fee na nagkakahalaga ng dalawang libo
(P2,000.00) para sa Women’s Unity for Progress at 2,500.00php naman para sa
Nagpayong Multipurpose Cooperative. Pinag-ipunan daw muna nila ito bago sila
tuluyang magdesisyong sumali sa kooperatiba.

Ang ikatlo at panghuling rason ng hesitasyon ng mga kababihan sa pagsali ay


ang takot na baka hindi nila magawa ang mga kailangang gawin sa loob ng kooperatiba
dahil wala naman raw silang sapat na kasanayan sa pananahi ng bag, paggawa ng
homemade processed meat products at iba pa. Noong una raw ay hindi nila alam kung
kakayanin nila ang mga dapat gawin pero buti na lang daw ay may mga seminars at
trainings naman para gabayan at alalayan sila.

Ang mga hadlang o hesitasyon na naranasan ng mga kababaihang ito sa pagsali


nila sa kooperatiba ay isang pagpapatunay na hindi naging madali para sa kanila ang
pagdedesisyong sumali. Ipinapakita din nito kung bakit hindi sumasali ang ibang mga
kababaihan sa kooperatiba kahit na sila ay nakakararanas na ng matinding kahirapan.

Mga Pagbabago Buhat Nang Sumali sa Kooperatiba

Pang-ekonomikong Kalayaan

Nabanggit sa mga unang bahagi ng pag-aaral na ito na ang pangunahing dahilan


ng pagsali ng mga kababaihan sa kooperatiba ay ang ekonomikong pangangailangan.
Dahil dito, ang pagtugon sa pinansyal na pangangailangan ng mga kababaihan ang
nagiging pangunahing tungkulin ng bawat kooperatiba.

Bago sumali sa kooperatiba, ang mga babaeng lumahok sa diskusyon ay nasa


bahay lamang at ang kanilang asawang lalaki ang mayroong kita. Sa kanilang pagsali
Lapuz|27

sa kooperatiba ay nabigyan ng pagkakataon ang mga ito na magkaroon din ng sariling


kita at makapag-ambag sa gastusin sa bahay.

Ayon sa mga kababaihan, iba raw ang pakiramdam nang umaasa ka lamang sa
asawang lalaki para sa gastusin ng pamilya. Noong wala pa silang mapagkakakitaan ay
pakiramdam raw nila ay wala silang kwenta at nararamdaman nila ang pagkastagnant
ng buhay. Sinabi rin nila na nag-iiba ang kondisyon sa pagdedesisyon kapag pareho na
kayong kumikitang mag-asawa. Dati rati, noong walang naiaambag pa na kita ang mga
kababaihan sa gastusin ng kanilang mag-anak ay wala raw silang kalayaang bumili ng
mga gamit o bagay para sa pansarili nilang pangangailangan. Ika nga ng isa sa mga
kababaihang lumahok sa diskusyon, “…kunwari may gusto kang bilin, lotion mo,
lipstick, hindi ka makakabili.” Dahil nga nagkakaroon sila ng kita mula sa gawain sa
kooperatiba ay nabibigyan sila ng laya o pagkakataon na bumili para sa kanilang
pansariling pangangailangan na hindi nila magagawa kung nakaasa lamang sila sa
asawang lalaki para sa gastusin ng kanilang pamilya.

Nababago din nito ang uri ng relasyon na namamagitan sa pagitan ng mag-


asawa. Dati rati raw kasi kapag nagagalit ang kanilang asawang lalaki ay naisusumbat
nito na siya daw ang bumubuhay sa pamilya. Ngayon daw ay hindi na nito maaaring
isumbat dahil pareho na silang nakakapag-ambag para sa badyet ng pamilya.

Sa kasalungat na opinyon, may ilang kababaihan naman na nagsabi na hindi sila


nakaramdam ng pagbuti sa kanilang ekonomikong pamumuhay, maging sa sarili o sa
kanilang pamilya. Ayon sa kanila, hindi naman daw kalakihan ang tinatanggap nilang
sweldo o kita galling sa kooperatiba kaya wala naman masyadong pinagbuti ang
kanilang pamumuhay. Dagdag pa rito, ang kanilang kinikita mula sa kooperatiba ay
sumasapat lamang na pandagdag sa kinikita ng kanilang asawa para sa gastusin sa
bahay. Strikto pa rin ang pagbabadyet dahil na rin daw sa hirap ng buhay.

Samakatuwid, ang pagkakaroon ng sariling kita para sa mga kababaihan ay


makapagbibigay ng ekonomikong kalayaan at pagsasakapangyarihan ay batay pa rin
sa ibang salik tulad ng kalagayan ng pamumuhay ng kanilang pamilya at sa kinikita ng
Lapuz|28

kanilang asawa. Bagaman may mga nagsabi ng positibong epekto ay hindi pa rin
maitatanggi na maaring buhat ito ng iba pang salik na hindi kabilang sa partikular na
pag-aaral na ito.

Sikolohikal na Pagbabago

“Nung bago pa lang akong miyembro, nahihiya pa ko syempre kahit pati sa mga kasamahan ko. Tapos
nung umaattend na ko ng mga meeting, ganyan, parang nagkakaron ka na ng confidence kumbaga.
Nagsasalita ka na pag sa meeting, nakikipag-usap ka na. Tapos yung mga natutunan ko, syempre
minsan pinapaattend kami ng mga meeting eh, naaapply ko na din sa bahay, parang kumbaga nag-iiba
yung pakikitungo mo sa asawa’t mga anak ko kasi marami na kong natutunan na dati ‘di ko naman alam.
Minsanan na lang mahiya kasi may alam ka na eh.”

3
– Aling Maria , 36 taong gulang na miyembro ng kooperatiba

“Meron na ko [confidence] kahit sino pa yung kakausapin ko. Hindi na ko mahihiya, dati hindi ako
lumalabas sa bahay, dito lang ako parati. Ngayon medyo naglalabas na ko. Nag-iba na nga ganun.”

4
-Aling Nena , 48 taong gulang na miyembro ng kooperatiba

Bago sumali sa kooperatiba, parati raw nakakaramdam ng pagkahiya ang mga


kababaihan lalo sa sa pagharap sa mga tao. Lagi raw nilang pinag-iisipang mabuti ang
kanilang mga sasabihin dahil baka ito pala ay mali at mapagtawanan pa sila. Ngunit
noong maging miyembro na sila ay nakaramdam sila ng pagtaas ng kumpyansa at
tiwala sa sarili. Ayon nga sa mga kababaihang lumahok sa diskusyon, “Iba kasi ang
dating nang nasa bahay ka lang… pero yung involvement mo sa coop na
nakapagboard ka na or kumbaga nabigyan ka ng kakaibang role na sa tingin mo
worth [sic] at magagampanan mo, iba yung nabibigay nun sa sarili mo.
Nakakaincrease yun ng self-esteem…. Iba ang fulfillment na naaattain nun sa
isang tao lalo na sa babae na alam niyang may magagawa pa pala ako, may mas
icocontribute pa pala ako.”

3
Hindi totoong pangalan.
4
Hindi totoong pangalan.
Lapuz|29

Bukod pa rito, nabanggit din na malaki ang naitutulong ng mga seminars na may
paksang self-motivation na ibinigbigay para sa mga miyembro ng mga kooperatiba sa
pagtaas ng kanilang kumpyansa at tiwala sa sarili. Dahil required ang mga miyembro ng
kooperatiba na pumunta sa mga seminars na ibinibigay ng mga nongovernment
organizations at iba pang organisasyon na accredited ng CDA ay mas nabibigyan ng
mas malawak at malalim na kaalaman ang mga kababaihang miyembro ng kooperatiba
na karamihan ay hindi nakatuntong sa kolehiyo o hindi nakapagtapos ng pag-aaral. Ang
mga seminars lalo na ang mga may paksang self-motivation at mga diskusyon tungkol
sa buhay at buhay pamilya ay malaki ang naitutulong upang mabago at gawing positibo
ang pananaw sa buhay ng mga kababaihan na karamihan ay hirap sa buhay.

Paglawak ng Tungkulin (Expanded Roles)

Bukod sa ekonomikong kalayaan at saykolohikal na pagbabago na naidulot ng


pagsali sa kooperatiba sa mga kababaihan, tiningnan din ng mananaliksik ang aspeto
ng paglawak ng tungkulin ng mga kababaihan lalo na ang mga mayroong
hinahawakang posisyon sa loob ng kooperatiba. Bagamat karamihan sa mga nakilahok
sa pag-aaral na ito ay mga ordinaryong miyembro ng kooperatiba, apat sa mga
napabilang sa diskusyon ay may hinahawakang tungkulin sa kanilang kooperatiba. Ang
isa ay secretary general at tatlo naman ay miyembro ng board of directors. Sa loob ng
isang women’s only cooperative ay mas nabibigyan ng pagkakataong maging lider ang
mga kababaihan. Kung dati rati ay simpleng maybahay at nanay lamang sila, ngayon ay
mayroon na silang mas mabigat na responsibilidad para sa kanilang mga kapwa-babae
at sa kanilang komunidad.

Ang kanilang karansan bilang lider ay isinalarawan bilang isang pagsubok sa


kanilang kakayahan na makapagdesisyon ng tama at mahusay para sa ikauunlad ng
kanilang kooperatiba. Higit pa dito, nagkakaroon raw sila ng sense of responsibility para
sa ibang pang mga miyembro sa kanilang komunidad.
Lapuz|30

Iba’t Ibang Antas ng Pagsasakapangyarihan

Bukod sa pag-alam sa mga pagbabagong dulot sa mga kababaihan ng pagsali


sa kooperatiba, binigyang halaga din ng pag-aaral na ito na suriin kung ang mga
pagbabagong naganap o naranasan ng mga kababaihan ay maituturing na kasama sa
proseso ng kanilang pagsasakapangyarihan at matukoy kung anong antas ito ng
pagsasakapangyarihan.

Sa isinagawang pag-aaral, maraming salik na lumutang na nakakaapekto sa


antas ng pagsasakapangyarihan ng bawat babae. Hindi nagkakatulad ang
pagbabagong hatid ng pagsali sa kooperatiba sa bawat babae. Dahil dito, minabuti ng
mananaliksik na tukuyin ang mga salik na nakakaapekto sa antas ng
pagsasakapangyarihan na nararanasan ng mga kababaihan at tukuyin ang partkular na
kondisyon at sitwasyon kung paano at kung kalian ito umiiral.

Sa unang kaso, nailahad na hindi lahat ng kababaihang miyembro ng


kooperatiba na nakasama sa pag-aaral na ito ay nakaranas ng ekonomikong kalayaan
o ‘di kaya’y maging pagbuti ng pamumuhay. May ilang pagkakataon na sa mga male-
dominated household ay kinukuha lamang ng asawang lalaki ang kinikita ng babae
kaya’t walang signipikanteng pagbuti sa kalagayan niya. Sa ibang kaso naman ay
sinasabing napakaliit lamang ng kita mula sa kooperatiba kaya’t wala rin itong
naidudulot na pagbabago sa buhay ng mga kababaihan. Bagamat pang sosyo-
ekonomikong katayuan ng mga naging partisipante sa pananaliksik ay pumapasok
lamang sa iisang kategorya – mahirap, may iba’t ibang antas pa rin ng kahirapan na
nararanasan ang bawat isa. Bukod dito, ang salik tulad ng laki ng pamilya na
nagtatakda ng pinansyal na pangangailangan ng bawat pamilya ay mahalaga ding
bigyan ng pansin. Sa mga babaeng wala o may isa o dalawang anak lamang, sinabi
nila na malaking tulong talaga ang extra income mula sa kooperatiba.Dahil maliit
lamang ang kanilang mga pamilya na nangangahulugang mas mallit din ang pinansyal
na pangangailangan ng kanilang pamilya, ang kita mula sa kooperatiba ay nagiging
sariling ipon o savings ng mga babae na kapag mayroon silang gusting bilhin para sa
Lapuz|31

kanilang mga sarili ay mabibili nila ito nang hindi nanghihingi ng pambili mula sa
kanilang mga asawa.

Taliwas naman dito ang pahayag ng mga babaeng mayroong maraming anak o
may malaking pamilya. Ayon sa kanila, maliit lamang ang kita mula sa kooperatiba,
sumasapat lamang ito na pandagdag sa kita ng kanilang mga asawa para tugunan ang
kanilang mga pang-araw-araw na pangangailangan. Makikita na sa ganitong kondisyon,
hindi nagbubunga sa ekonomikong kalayaan ang pagsali sa kooperatiba para sa mga
kababaihan.

Bukod sa nabanggit sa itaas, lumutang din ang uri ng pakikilahok na


ginagampanan ng babae sa kooperatiba sa pagtukoy ng antas ng kanyang
pagsasakapangyarihan. Maaaring maikategorya ang mga naging kalahok na
kababaihan sa pag-aaral sa dalawa: ang mga aktibo (mga may hawak na posisyon sa
kooperatiba) at ang mga balintiyak (mga ordinaryong miyembro sa kooperatiba). Batay
sa naging resulta ng pag-aaral, mas maatas ang antas ng pagsasakapangyarihan lalo
na sa aspeto ng pagtaas ng kaalaman at kasanayan pagdating sa pagsasalita at
pagdedesisyon ng mga kababaihang may posisyon sa loob ng kooperatiba. Sa kabilang
bansa, mas mababa naman nang bahagya ang sa mga ordinaryong miyembro lamang
ng kooperatiba. Bukod pa rito, lumitaw din na ang tagal na inilagi sa kooperatiba ay isa
pang salik na nakakaapekto sa antas ng pagsasakapangyarihan ng mga kababaihang
miyembro ng kooperatiba. Mas mataas na ang antas ng pagsasakapangyarihan ng mga
miyembrong limang taon pataas na ang tagal sa kooperatiba kaysa sa mga
miyembrong limang taon pababa pa lamang ang inilalagi. Ibig sabihin, habang
tumatagal ang isang babae sa kooperatiba ay mas tumataas ang antas ng
pagsasakapangyarihan na kanyang nararanasan.

Sa madaling salita, iba-iba ang nararanasang pagsasakapangyarihan ng mga


kababaihan na miyembro ng kooperatiba batay na rin sa mga salik na inilahad sa itaas.
Ang mga salik tulad ng (1) antas ng kahirapan: laki ng pamilya, (2) uri ng pakikilahok sa
gawain ng kooperatiba at (3) bilang ng taon sa kooperatiba ay nakakaapekto sa
Lapuz|32

proseso ng pagsasakapangyarihan ng mga kababaihan. Maaaring may iba pang salik


na nakakaaapekto rin ngunit hindi lumabas sa partikular na pag-aaral na ito.

V. Diskusyon

Malaki ang importansiyang ibinigay ng pag-aaral na ito sa karanasan ng mga


kababaihang miyembro ng kooperatiba sa pagtukoy ng antas ng
pagsasakapangyarihan na naidulot ng kanilang pagsali sa kooperatiba. Binigyang-laya
din ng pananaliksik na ito ang mga kababaihan na bigyang-pakuhulugan ang kanilang
mga naransan at naramdaman kung ang mga ito nga ba ay sa kanilang tingin ay porma
ng pagsasakapangyarihan sa kababaihan.

Bukod dito kinilala din na ang sitwasyon o kondisyon ng mga kababaihang


miyembro ng kooperatiba, ang kanilang kasawalang-kapangyarihan, ay nag-uugat sa
dalawang magkatambal na salik: kasarian at kahirapan. Kinilala na ang subordinasyon
ng kababaihan ay hindi lamang dulot ng hindi-pantay na pagtingin batay sa kasarian
kundi dahil rin ito sa kahirapang kinasasadlakan ng mga kababaihan. Naging
napakahalaga nito sa paraan kung paano binibigyang-pakahulugan ng mga babae ang
kanilang mga pagbabagong naranasan at naramdaman sa kanilang pagpasok sa
kooperatiba.

Ayon nga sa integrative approach ni Batiwala ukol sa aspeto ng


pagsasakapangyarihan sa perspektibang pangkaunlaran, ang kawalan ng
kapangyarihan ng kababaihan ay dahil sa matinding kahirapan na kanilang
nararanasan. Dahil sa kahirapan, nalilimitahan ang mga bagay na nagagawa ng mga
kababaihan. Nakita sa pag-aaral na ito na lahat ng kababaihang sumali sa diskusyon ay
hindi nakatapos ng pag-aaral na nagiging dahilan kung bakit hirap silang makahanap ng
trabaho at sa kanilang pag-aasawa ay nauuwi sila sa pagtanggap sa tungkulin ng isang
babae na idinidikta ng isang patriarkal na lipunan. Dito pumapasok ang kahalagahan ng
mga kooperatiba dahil binibigyan nito ng oportunidad ang mga kababaihan na
makapagtrabaho sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga seminars at trainings na
nakakapagpataas ng antas ng kaalaman at kasanayan ng mga kababaihan. Ang
Lapuz|33

pagbibigay trabaho sa mga kababaihan ay nagbibigay-daan naman upang mapabuti ng


mga kababaihan ang kanilang mga pamumuhay. Higit sa lahat, ang pagbibigay ng
trabaho sa mga kababaihan ay nagpapatunay na hindi dapat limitahan mga bagay na
kayang gampanan ng isang babae sa loob ng isang pamilya. Ngunit iba-iba ang naging
persepyon ng mga kababaihang lumahok sa diskusyon tungkol dito. Marami ang
nagsabing hindi naman sila nakaalis sa kahirapan na kinasasadlakan nila at limitado pa
rin ang mga bagay na maaari nilang gawin dahil sa financial constraints.

Sa ikalawang approach naman na tinatawag na economic approach, isinasaad


na ang iba pang dimensiyon ng pagsasakapangyarihan ay nagmumula sa o resulta ng
pang-ekonomikong pagsasakapangyarihan. Ibig sabihin, ang iba pang dimensiyon ng
pagsasakapangyarihan tulad ng pang-kaisipan, pangkamalayan, at pampulikang
pagsasakapangyarihan ay nauugat sa partikular na dimensiyon ng
pagsasakapangyarihan na ito. Pinatotohanan din ng pag-aaral na ito na sa pagbibigay
ng mapagkakakitaan sa mga kababaihan ay umuusbong ang iba pang dimensiyon ng
pagsasakapangyarihan. Lumabas na ang kawalan ng hanapbuhay ay nagdudulot ng
pakiramdam sa isang babae o maging sa lalaki man na wala itong kwentang tao.
Naipakita na ang pagkakaroon ng trabaho ay sumasalamin sa halaga at kahalagahan
ng isang indibidwal. Kaya ang simpleng pagbibigay ng trabaho sa mga kababaihan,
kahit pa ito ay part time lamang, ay nangangahulugan ng pagkakaroon nito ng kwenta o
halaga, hindi lamang sa sarili kundi mas lalo’t higit sa kanyang pamilya. Ang
pagpapalaya sa mga kababaihan mula sa pakiramdam ng kawalang-halaga ay isang
porma ng pagsasakapangyarihan at ito ay positibong tinutugunan ng sektor ng
kooperatiba. Higit pa rito, ang pang-ekonomikong kalayaan na naidudulot ng pagsali sa
kooperatiba ay nagreresulta sa kakayanan at kakayahan ng mga kababaihan na
makapagtakda ng mga bagay o gamit na sa kanilang paningin ay karapatdapat na bilhin
na hindi kailangan pang ikonsulta sa kanilang mga asawang lalaki. Ang mga
kababaihang kasapi ng kooperatiba ay napapabilang sa mahihirap na pamilya, ang
perang kanilang tinatanggap mula sa kanilang asawang lalaki ay hindi kalakihan kaya’t
todo sa pagbabadyet pagdating sa mga gastusin na hindi na nila nabibili ang mga
pansariling pangangailangan dahil lagi’t lagi ay inuuna nila sa listahan ng bibilin ang
Lapuz|34

mga kailangan sa bahay o ang kailangan ng kanilang mga anak. Sa pagkakaroon ng


sariling kita ng mga kababaihan ay nagbabago ito. Nagkakaroon sila ng ‘karapatan’ na
itakda ang mga bagay na kailangan nila at nagkakaroon sila ng kakayahang bilin ang
mga ito. Isa itong porma ng pagsasakapangyarihan dahil kumakawala ang mga
kababaihan sa kondisyon o sitwasyon ng kawalang-kapangyarihang pumili o
magdesisyon para sa kanilang mga sarili.

At sa panghuli ay ang consciousness-raising and organizing approach,


mahalagang tinitingnan dito pagkilala ng mga kababaihan sa umiiral na pangkasariang
diskriminasyon at ang paglaban nila dito sa pamamagitan ng kolektibong pag-
oorganisa. Batay sa approach na ito, hindi sapat ang nararamdamang
pagsasakapangyarihan ng indibidwal na kababaihan bagkus dapat sila ay kolektibong
kumikilos upang labanan ang diskriminasyon batay sa kasarian na nakakaapekto sa
lahat ng aspeto ng kanilang pamumuhay. Sa naging resulta ng pag-aaral ay walang
lumilitaw na ganitong aspeto sa pagsasakapangyarihan na naranasan ng mga
kababaihang miyembro ng kooperatiba. Hindi nakaranas ng pagbabago sa kamalayan
ang mga kababaihan sa kanilang pagsali sa kooperatiba. Hindi nagbago ang kanilang
pagtanaw sa tradisyunal na tungkulin batay sa kasarian, hindi nila kinukwestyon ang
umiiral na ayos sa kanilang pamilya at sa lipunan. Nang tanungin ng mananaliksik kung
gugustuhin ba nilang maging full time ang kanilang trabaho sa kooperatiba ay naging
negatibo ang tugon ng mga kababaihan dito. Ayon sa kanila, okay na raw ang
kasalukuyan nilang trabaho sa kooperatiba dahil walang fixed na oras kung kalian sila
gagawa. Mainam daw ito upang hindi nila mapabayaan ang mga responsibilidad nila sa
bahay. Ayon pa sa kanila, ang pangunahing tungkulin naman daw talaga ng mga babae
ay ang mga gawaing-bahay at ang pag-aasikaso sa asawa’t mga anak. Hindi nila
kinukwestyon ang ganitong ayos o paghahati-hati ng trabaho batay sa kasarian.

Higit pa rito, nakasentro pa rin ang kanilang motibasyon sa patuloy na


pakikilahok sa kooperatiba sa kanilang kinikitang pera mula rito. Ang kanilang
pakikilahok ay nakabatay pa rin sa kanilang kikitain at hindi upang isulong ang
karapatan ng mga kababaihan bilang isang kolektibong entidad sa pamamagitan ng
Lapuz|35

women’s only cooperatives. Ang pagmumulat sa mga kababaihan at pagmomobilisa ay


isang salik na hindi natutugunan ng mga kooperatiba. Maaaring nakakaramdam at
nakakaranas ng pagsasakapangyarihan ang mga kababaihan sa indibidwal na antas
batay sa kanya-kanya nilang pakahulugan dito ngunit gaya ng mga binabanggit sa
literatura, ito ay hindi sapat upang makamtan ang ganap na pagsasakapangyarihan ng
mga kababaihan.Samakatuwid, hindi maituturing na ganap na pagsasakapangyarihan
ang pagsasakapangyarihang naidudulot ng kooperatiba para sa mga kababaihan.

VI. Konklusyon

Batay sa nakuhang datos ay minabuti nang mag-aaral na bumuo ng isang


malinaw at komprehensibong konklusyon para sa ginawang pananaliksik.

Sa pagsagot sa mga pangunahin at ispesipikong katanungan, tinukoy ng


mananaliksik ang mga pagbabagong naranasan at naramdaman ng mga kababaihan
sa kanilang pagsali sa kooperatiba. Lumabas mula sa mga nakalap na impormasyon
ang tatlong pagbabagong hatid ng pagiging kasapi ng kooperatiba: (1) ang
ekonomikong kalayaan, (2) pagbabagong saykolohikal at (3) paglawak ng tungkulin.
Isinalaysay kung paano ito nangyayari sa pagsali sa kooperatiba.

Bukod dito, lumitaw din sa isinagawang pag-aaral na ang antas ng


pagsasakapangyarihan na nararanasan ng bawat babae sa loob ng kooperatiba ay
nagkakaiba-iba. Ang antas ng pagsasakapangyarihan na maaaring maramdaman ng
isang babae ay naaapektuhan ng iba’t ibang salik tulad ng (1) antas ng kahirapan, (2)
uri ng pakikilahok sa kooperatiba at (3) tagal na pagiging kasapi. Naging mahalagang
salik din kung paano binibigyang-kahulugan ng mga kababaihan ang mga
pagbabagong nararanasan nila dulot nang pagsali sa kooperatiba.

Ang mga naging resultang ito ay nagpapatotoo sa mga akedemikong artikulo at


sanaysay na tumatalakay sa parehong isyu, bagaman ang konteksto ay banyaga.
Bukod sa pagpapatotoong ito, naging napakalahaga ng pag-aaral nang busisiin ang
isama ang salik na consciousness-raising at organizing bilang bahagi ng pagsusuri sa
Lapuz|36

mga naging resulta. Ang bahaging ito ng pag-aaral ay hindi nababanggit sa iba pang
naunang pag-aaral na may katulad na paksa.

Batay sa mga naging pahayag at karanasan ng mga kababaihan, ang pagbibigay


sa kababaihan ng antas ng pang-ekonomikong kalayaan ay hindi tiyak na magreresulta
sa pagbabago ng status quo ukol sa gender roles sa loob ng pamilya, sa loob isang
komunidad o maging sa lipunan. Ang ekonomikong kalayaan na naranasan ng ibang
kalahok sa diskusyon ay hindi awtomatikong nagbunga sa pagbabago ng kanilang
kamalayan upang kwenstyunin ang ummiral na sistema ng pag-uuri-uri batay sa
kasarian sa isang patriarkal na lipunan. Ayon nga sa kanila, wala namang masama
kung ang babae ang nasa bahay at ang lalaki ang naghahanapbuhay dahil ito daw sa
kanilang tingin ang normal na kaayusan sa loob ng tahanan. Ang ganitong uri ng pag-
iisip na mula mismo sa mga kababaihan na nakaranas na ng relatibong
pagsasakapangyarihan ay nagpapakita nang pagkakilala at pagtanggap mula sa kanila
ng subordinasyon ng mga kababaihan sa kalalakihan.

Hindi sinasabi ng pag-aaral na ito na walang kwenta o walang saysay ang mga
women’s only cooperatives. Sinasabi ng pag-aaral na ito na hindi lamang dapat
makulong ang mga kolektibong entidad na ito sa mga superpisyal na porma ng
pagsasakapangyarihan ngunit dapat ay maging susi ang mga ito tungo sa ganap na
pagsasakapangyarihan sa mga kababaihan. Hindi dapat natatapos sa pagbibigay ng
trabaho sa mga kababaihan, dapat ay maipabatid din sa mga kababaihan na hindi
natural at nababago ang isteryotipikong pag-aatas ng tungkulin batay sa kasarian.
Dapat kilalanin mismo ng mga kababaihan ang pagkakaroon ng hindi patas na tingin sa
mga kababaihan at kalalakihan na lipunan at mula rito ay magkaroon sila ng inityatibo
na baguhin ito. Kailangan din na suportahan ang mga kababaihan na mapahusay ang
kanilang mga kapasidad na magsuri, mag-organisa at magpakilos tungo sa positibong
pagbabago. Hindi lang dapat nakatali sa usapin ng pera o kita ang pagbuo at pagsali sa
mga women’s only cooperatives ngunit dapat ay mayroon din ang mga kooperatibang
ito ng sosyo-politikong adhikain bilang kolektibong entidad na isulong ang karapatan ng
Lapuz|37

mga kababaihan at baguhin ang nakasanayang mga gawi at paniniwalang umiiral sa


isang patriarkal na lipunan.

VII. Batis

Amaza, P.S., P.V. Kwagbe, and A.A. Amos. 1999. Analysis of women participation in
agricultural cooperatives: Case Study of Borno State, Nigeria. Annals of Borno.

COOPAfrica & International Labor Organization. 2012. How Co-operatives Work For
Women in Africa? Nakuha sa http://www.thenews.coop/article/how-co-
operatives-work-women-africa noong Enero 3, 2013.

Hutchison, P., Lord, J. 1993. The Process of Empowerment: Implications for Theory and
Practice. Canada: Canadian Journal of Community Mental Health.

International Labour Office & International Co-operatives Alliance, 1995. Gender Issues
in Cooperatives: An ILO-ICA Perspective. Switzerland, Cooperative Branch
International Labour Office.

International Year of the Cooperatives. 2012. Cooperatives and Women:


Promoting Self-Empowerment. Nakuha mula sa
http://uncoopsyear.wordpress.com/2012/04/18/cooperatives-and-women-
promoting-self-empowerment/ noong Enero 3, 2013.

Jones, Elaine; Sally Smith and Carol Wills. (2012). Women producers and the benefits
of collective forms of enterprise.Gender and Development.

Mahler, S., & Pessar, P. (2006). Gender Matters: Ethnographers Bring Gender from the
Periphery toward the Core of Migration Studies. New York: The Center for
Migration Studies of New York, Inc.. Nakuha noong June 26, 2012.

McNeill, E., Robinson, E., Tolley, E., & Ulin, P. (2002). Qualitative Methods: A Field
Guide. Family Health International. North Carolina: Research Triangle Park.
Mosedale, S. (2005). Assessing Women’s Empowerment Towards a Conceptual
Framework. Manchester: Manchester University. Nakuha mula sa
Lapuz|38

http://www.google.com.ph/url?sa=t&rct=j&q=Assessing+Women%E2%80%99s+
Empowerment+Towards+a+Conceptual+Framework.&source noong Enero 4,
2013.

Mosedale, S. 2003. Towards a Framework for Assessing Empowerment. Paper


prepared for the international conference, New Directions in Impact Assessment
for Development: Methods and Practice, Manchester UK, 24 and 25 November
2003. Nakuha sa
http://www.sed.manchester.ac.uk/research/iarc/ediais/pdf/Mosedale.pdf noong
Marso 8, 2013.

Ping-ay, J. 2011. The State of Cooperatives in the Philippines. Nakuha sa


http://www.cda.gov.ph/website/html/press_room_speech_Pin-ay.html noong
Enero 4, 2013.

Rowlands, J. 1997. Questioning Empowerment: Working with Women in Honduras.


Published by Oxam. Unitd Kingdom: Banbury Road, Oxford.

Rowlands, J. 1995. “Empowerment Examined.” Development in Practice 5(2):101-107.

Shaw, L., 2011. Women and Co-operatives: Promoting Equality and Empowerment.
Nakuha mula sa
http://social.un.org/coopsyear/documents/ShawWomenandcooperatives.pdf
noong Marso 8, 2013.

Sibal, J.V., (2001). A Century of the Philippine Cooperative Movement. Nakuha sa


http://www.uwcc.wisc.edu/info/abroad/sibal.html noong Enero 4, 2013.

Sibal, J. V., 2011. The Philippine Cooperative Movement: Problems and Prospects
(1986-present). Nakuha sa http://nepa1934.org/articles-and-
statements/papers/the-philippine-cooperative-movement noong Enero 4, 2013.

Sustainable Development Department & Food Agricultural Organization of the United


Nations, 1995. The Gender Dimension in Rural Cooperatives. A paper
Lapuz|39

commissioned by FAO for the Centennial Meeting of the International


Cooperative Alliance, Manchester, UK, September, 1995.

Apendiks

Apendiks A.

Key Informant Interview Guide:

1. Gaano po kalaki ang cooperative sector sa bansa?


a. Ilang porsyento po ng coop ang rural-based at urban-based?
b. Gaano po nakakatulong ang coop sector sa ekonomiya ng bansa?
c. Ano po ang mga problemang naaddress at inaaddress ng coop?
d. Ano po ang ginagawa ng inyong opisina upang mahikayat ang mga tao na magtatag
ng coop o mapatibay ang mga coop na mayroon na sa bansa?
2. Sa inyo pong tala, gaano po kaya kadami ang bilang ng mga kababaihang miyembro ng
mga coop sa bansa?
3. Ilan naman po ang women’s only coop o yung mga coop na mga babae lamang ang
miyembro?
a. Ano po ang nature ng mga coop na ito? Consumer? Credit? Agriculture?
4. May mga nagawa na po ba kayong pag-aaral ukol sa mga kababaihan at kooperatiba?
5. Paano po nakakatulong ang mga kooperatiba sa mga kababaihang miyembo nito?
6. Sa inyo pong palagay, mahalaga po ba ang nagagawa ng mga kooperatiba sa pag-
eempower ng mga kababaihan? Bakit?
7. Paano po naeempower ng mga kooperatiba ang mga kababaihan? Maaari po ba kayong
magbigay ng halimbawa?
a. Sa psychological aspect?
b. Sa social at political?
c. Sa economic security?
8. Pinopromote po ba ng inyong ahensya ang gender equality sa mga kooperatiba? Kung
oo, bakit? At paano niyo po ito ginagawa?
9. Ano po ang mga tulong o suporta na binibigay ang pamahalaan upang mas lalo bang
dumami ang bilang ng mga coop at mas lalo pang umunlad ang coop sector sa bansa?
Sapat ba ang mga ito?
10. May ginagawa po ba kayong hakbang upang mas makahikayat ng mga kababaihan na
sumali sa mga kooperatiba?
a. Kung oo, anu-ano po ang mga ito?
b. Epektibo po ba ang mga ito?
Lapuz|40

Apendiks B.
FGD Guide.

Para sa mga Kababaihang Miyembro ng Kooperatiba

I. Tungkol sa Kooperatiba
1. Ano ang ginagawa ng kooperatiba na ito?
2. Bakit ninyo naisipang itatag ang kooperatiba na ito?
3. Ano po ang mga requirements para makasali sa coop?
4. Bakit po women’s only coop? Bakit hindi kayo nagsali ng mga kalalakihan?
5. Ano po ang panguhaning layunin ng coop na ito?
II. Sa persepsyong ng empowerment
1. Bakit po kayo sumali sa kooperatiba?
a. Ano po ang nagtulak sa inyo na sumali?
b. Sarili niyo po bang desisyon ang pagsali? Kung hindi, sino po ang nagtulak sa inyo na
sumali?
c. Bago kayo sumali, ano po ang ekspektasyon niyo sa kooperatiba?
2. Ano po ang ginagawa niyo bago kayo umanib sa kooperatiba?
May trabaho po ba kayo? Kung meron, ano po ito?
3. Kumusta naman po ang pagsali niyo sa kooperatiba?
4. Ano po ang mga benepisyong nakukuha/nakuha niyo sa pagsali ninyo rito?
5. Ano po ang ginagawa ninyo sa kooperatiba?
6. Nagkakaroon po ba ng education trainings/seminars ang inyong kooperatiba? Ano po ang
inyong opinyon ukol dito?
7. Sa inyong sarili, tumaas po ba ang inyong self-worth pagkatapos niyong sumali sa
kooperatiba?
a. Tumaas ba ang inyong self-esteem sa pagsali ninyo sa kooperatiba?
b. Tumaas ba ang inyong self-respect sa inyong pagsali?
c. Mas may kumpyansa po ba kayo sa inyong sarili?
8. Masasabi niyo bang mas economically secured kayo/ang inyong pamilya sa pagsali ninyo sa
kooperatiba kaysa noong hindi pa?
a. Nakakapag-ambag ho ba kayo sa gastusin ng pamilya?
b. Mas nagkaroon po ba kayo ng boses sa pagdedesisyon sa loob ng inyong pamilya?
c. Sa inyo pong palagay, mas tumaas po ang tingin/respeto sa inyo ng inyong pamilya?
d. Napabuti ba ng inyong pagsali ang inyong pamumuhay? Paano?
9. Kumusta naman po ang relasyon niyo sa mga ibang miyembro ng kooperatiba?
a. Mas lumawak po ba ang network (of friends) ninyo?
b. Sa decision-making/planning po sa loob ng kooperatiba, aktibo po ba kayong nakikilahok
dito?
c. Aktibo po ba kayong nakikilahok sa mga projects/programs ng kooperatiba?
d. Sa inyo pong pakiramdam, mas naging mahalaga po ba ang inyong papel sa komunidad
sa pagsali ninyo ng kooperatiba?
10. Kayo po ba ay may hinahawakang posisyon/katungkulan sa kooperatiba?
a. Kung meron, ano po ito?
b. Ano po ang inyong ginagawa?
11. Base po sa inyong personal na karanasan, totoo bang naeempower ng pagsali sa
kooperatiba ang mga kababaihan?
11.1 Ano po ang manipestasyon nito?
11.2 Bakit ho kaya mas naeempower ang mga kababaihan sa loob ng kooperatiba?
12. Sa inyo pong palagay, mahalaga po ba ang papel na ginagampanan ng mga kooperatiba sa
buhay ng mga kababaihan lalo na sa mga may asawa? Bakit?
Lapuz|41

Apendiks C.

University of the Philippines Manila


College of Arts and Sciences
Padre Faura St., Ermita, Manila

Enero 15, 2013

Sa Kinauukulan:

Ako po si Joyce S. Lapuz, kumukuha ng kursong B.A. Political Science sa Unibesidad ng


PIlipinas Maynila at kasalukuyang ginagawa ang aking undergraduate thesis tungkol sa
relasyon ng pagiging miyembro ng kooperatiba at pagsasakapangyarihan ng mga kababaihan
sa bansa (the relationship of cooperative membership and women empowerment). Ang aking
pag-aaral ay naglalayong alamin ang persepsyon ng mga kababaihang kaanib ng kooperatiba
tungkol sa aspeto ng self-empowerment. Kaugnay po nito, nais ko po kayong kapanayamin
tungkol sa naturang paksa bilang bahagi ng aking ginagawang pag-aaral. Ang mga makakalap
na datos at impormasyon ay aking pangangalagaan batay sa etika ng pananaliksik ng Agham
Panlipunan.

Ang inyo pong partisipasyon sa aking pag-aaral ay lubos na makatutulong upang maging
matagumpay at makabuluhan ang aking pananaliksik.

Kung mayroon po kayong katanungan, maaari niyo po akong kontakin sa aking email
([email protected]) o sa aking telepono, 09174699415.

Ako po ay umaasa sa inyong positibong tugon. Maraming salamat po!

Lubos na gumagalang,

Joyce Lapuz
Lapuz|42

Apendiks D.

Consent Form

I consent to be interviewed on my own free will. I understand that all the data that
will be obtained through my participation in this research will be treated with strict
confidentiality, and will be used only for this research.

_______________________

Signature over printed name

You might also like