Pang Abay

Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 42

PANG-ABAY

Bb. Janine F. Famadico


Basahin ang pangungusap:

• Ang mga kalahok ay


nakangiting pinalipad ang
kanilang mga lobo.
Basahin ang pangungusap:
• Masayang pumarada ang mga
mag-aaral ng Lawa National
High School.
• Araw-araw naghahanda ang mga
mag-aaral para sa intramurals.
TALASALITAAN!
Ang tatlo (3) sa apat na nakatala ay
pare-pareho ng kahulugan. Bilugan
kung alin sa mga ito ang hindi dapat
mapabilang sa pangkat.
1. biyaya grasya pagpapala sakuna

2. mabilis malakas maliksi matulin

3. babalikan paroroonan pupuntahan tutunguhan

4. paiiyakin papaluin paluluhain patatangisin

5. huwaran halimbawa modelo artista


6. ialay iaplay ipamuhay isabuhay

7. ilagan iwasan layuan lapitan

8. awa habag galit tulong

9. bulayin isipin pagnilayan kalimitan

10.kuro-kuro opinyon palagay suhestiyon


Dagdag
Kaalaman!
TALAKAYAN!
Ano ang Pang-abay?
tawag sa mga salita o lipon ng mga
salitang nagbibigay turing sa
pandiwa, pang-uri, o kapwa pang-
abay. Sa Ingles ay adverb.
Mga Uri ng Pang-abay
1. Pamanahon-nagsasaad kung kailan naganap o
magaganap ang kilos na taglay ng pandiwa.
Napapangkat ang ganitong uri ng pang-abay:
(1) yaong may pananda at
(2) yaong walang pananda.
• Gumagamit ng nang , sa,
noong, kung, tuwing,
buhat, mula, umpisa, at
hanggang bilang mga
pananda ang pang-abay na
Mga halimbawa:
1. Kailangan ka bang pumasok nang araw-araw?
2. Inaasahan tayo roon sa gabi, hindi sa araw.
3. Noong Lunes siya nagsimula sa kaniyang bagong trabaho.
4. Kapag Mahal na Araw ay sinisikap niyang mag-
abstinensya
at mag- ayuno.
5. Tuwing Pasko ay nagtitipon-tipon silang mag-anak.
May mga pang-abay na
pamanahon na walang
pananda tulad ng kahapon,
kangina, ngayon, mamaya,
bukas, sandali at iba pa.
Mga Halimbawa:
1. Pitong pangunahing alagad ng sining
ang tumanggap kahapon ng “National
Artist Award” buhat sa Pangulo.
2. Manonood kami bukas ng pambansang
pagtatanghal ng dulang Pilipino.
3. Magsisimula pamaya-maya ang kumbensiyon
tungkol sa pagpapabahay sa mahihirap.
4. Ipinagdiriwang ngayon ng Makati ang ika-262
anibersaryo ng kaarawan ni Gabriela Silang.
5. Panauhing pandangal mamaya ang bagong
pangulo sa pagkakaloob ng Gintong
Gantimpala.
2. Panlunan - tumutukoy sa pook na
pinangyarihan, pinangyayarihan, o
pangyayarihan ng kilos ng pandiwa.
Karaniwang ginagamitan ng pariralang
sa/kay ang ganitong pang-abay.
Sa ang ginagamit kapag ang kasunod ay
pangngalang pambalana o panghalip.
Kay o ang maramihan nitong kina, ang
ginagamit kapag ang kasunod ay
pangngalang pantanging ngalan ng tao.
Halimbawa:
1. sa + pangngalang pambalana
Maraming masasarap na ulam ang
itinitinda sa kantina.
3. Pamaraan – pang-abay na
sumasagot sa tanong na paano
ginanap, ginaganap, o
gaganapin ang sinasabi ng
pandiwa sa pangungusap.
Halimbawa:
1. Masayang nagbabasa ang mga batang mahilig
sa karunungang-bayan gaya ng alamat.
2. Ang aking ina ay matuling lumakad patungo sa
kusina.
3. Magiliw na itinaas ni Ana ang kanyang kamay
upang sumagot.
4. Panggaano – ang pang-
abay na nagsasaad ng sukat
o timbang.
Halimbawa:
1.Ang mga taong nakabasa
ng alamat ay dumami ng
isang daang porsiyento.
5. Kataga o Inglitik – Katagang
karaniwang sumusunod sa unang
salita sa pangungusap. May 16 na
kilalang pang-abay na inglitik. Ito
ay ang mga sumusunod:
Kataga o Inglitik
-man -kasi -sana -nang
-kaya -yata -tuloy -lamang/lang
-din/rin -ba -pa -muna
-pala -na -naman -daw/raw
PAGTATAYA!
Salungguhitan ang pang-abay na
ginamit sa pangungusap at isulat sa
patlang kung ito ay inglitik,
panggaano, pamaraan, panlunan, o
pamanahon.
PAGTATAYA!
_______1. Simulan mo ngayon ang
pagbabasa ng mga alamat.
_______2. Buong puso mong isabuhay
ang mga natutunan mong aral sa mga
alamat.
_______3. Sa bahay man o sa
paaralan makapagbabasa ka ng
ganitong mga akda.
______4. Masayang magbasa ng
mga alamat.
_______5. Siyamnapung
porsiyentong nagbago ang
aking pananaw sa buhay dahil
sa pagbabasa ko niyan.
June 27, 2017 – Maikling Pagsusulit
Panuto: Isulat sa patlang ang titik PR kung ang
pang-abay na may salungguhit ay pang- abay
na pamaraan, PN kung ito ay pang-abay na
pamanahon, o PL kung ito ay pang-abay na
panlunan.
_____1. Tuwing alas singko ng umaga gumigising
si Aling Dina.
_____2. Naglalaba ng mga damit si Aling Dina
araw-araw.
_____3. Nakita ko siyang bumili ng sabong
panlaba sa tindahan.
_____4. Matiyagang pinapaputi niya ang mga
uniporme ng kanyang mga anak.
_____5. Si Ate Lorna ay naghahanda ng almusal sa
kusina.
_____6. Masarap magluto ng tapsilog si Ate Lorna.
_____7. Tumungo sa hapag-kainan ang buong
mag-anak.
_____8. Darating na mayamaya ang mga bata mula
sa paaralan.
____11. Niyakap ni Aling Dina nang
mahigpit si Alicia.
_____12. Nahalata ni Alicia ang
merienda sa ibabaw ng mesa.
____13. Nagkaroon kami ng maikling pagsusulit
kanina," sabi ni Alicia.
____14. Naunawaan mo ba nang mabuti ang
leksiyon?" tanong ni Aling Dina.
____15. Pumunta muna si Allen kina Jack dahil
may hihiramin siyang aklat.
____16. Nagsisimba ang buong pamilya tuwing
Linggo.
___17. Binibisita nila ang kanilang lolo at lola
buwan-buwan.
___18. Nakatira ang lolo at lola nila sa isang
subdibisyon sa Barangay ng San Martin.
___19. Masayang nakipagkuwentuhan si Lolo
Pedring sa kanyang mga apo.
___20. Nangako ang mga bata na tatawag sila sa
telepono bukas.
BASAHIN NATIN!

You might also like