FIL8 Q1 W5 Teknik-sa-Pagpapalawak-ng-Paksa Villacillo Abra V4

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 24

Filipino 8

Unang Markahan – Modyul 5


Iba’t ibang Teknik
sa Pagpapalawak ng Paksa

JONATHAN M. VILLACILLO
Tagapaglinang

Kagawaran ng Edukasyon ● Rehiyong Pampangasiwaan ng Cordillera


Filipino – Ikawalong Baitang
Alternative Delivery Mode
Unang Markahan– Modyul 5: Iba’t ibang Teknik sa Pagpapalawak ng Paksa
Unang Edisyon, 2021

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring


magkaroon ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas.
Gayonpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng
pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga
maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang
bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng


produkto o brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.)
na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari. Pinagsumikapang
matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyal.
Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring
iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng
pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyal na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag


sa anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Kalihim: Leonor Magtolis Briones


Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio
Mapagpalang araw! Kumusta na kayo.
Sigurado akong pinaghandaan niyong muli
ALAMIN ang aralin natin ngayon. Sa araw na ito ay
lalo pa kayong mawili sa mga gawaing
inihanda ko para sa inyo.

Ang pagpapalawak ng paksa ay isang gawaing nagpapakita ng malawak na


kaalaman tungkol sa isang tiyak na bagay. Ngayong marami ka nang alam tungkol
sa akdang pampanitikang lumaganap sa panahon ng ating mga ninuno tulad ng
karunungang-bayan (bugtong, salawikain, sawikain o kasabihan) at mga
kuwentong-bayan (alamat at epiko) ay ipakita mo kung gaano kalawak ang iyong
kaalaman tungkol sa susunod nating aralin.

Sa pagsulat ng talata, mahalagang bigyang pansin ang


pagpapalawak ng paksa upang higit na maging mabisa at maliwanag ang
pagsusulat o paglalahad.

Mga Pinakamahahalagang Kasanayang Pampagkatuto (MELC)

Sa pag-aaral sa modyul na ito, inaasahang matatamo mo ang


mga sumusunod:

1. Naisa-isa ang mga teknik sa pagpapalawak ng paksa.


2. Nasusuri ang iba’t ibang teknik sa pagpapalawak ng paksa.
3. Nagagamit ang iba’t ibang Teknik sa pagpapalawak ng paksa:
paghahawig, pagbibigay depinisyon, pagsusuri F8PS-Ig-H-22)

Upang mataya ang iyong kahandaan


sa araling ito, kinakailangan mong
SUBUKIN gawin ang paunang pagtataya.
Paalala! Basahin at unawaing mabuti
ang panuto.

Panuto: Hanapin sa Hanay B ang sagot ng mga teknik sa pagpapalawak ng paksa


batay sa mga kahulugan nito mula sa Hanay A.

HANAY A HANAY B

_____1.Teknik na ginamit sa pagpapalawak ng


paksa na nagbibigay ng katuturan upang mas
maintindihan.
_____2. ito ay tumutukoy sa isang makatwirang A. Pagbibigay Katuturan o
pagpapahayag ng mga salita na nagbibigay ng depinisyon
malawak na kaalaman. Ito ay tumutugon sa mga

-1- RO_Q1_Filipino8_Module5
patakaran ng anyong nasa diksyunaryo at B. Pagsusuri
ensayklopedya.
_____3. uri ng depinisyon na nagbibigay ng C. Paghahawig o
kargdagang pagpapaliwanag sa salita. Ito ay Pagtutulad
kawili-wili, makapangyarihan at
nakapagpapasigla kaya higit itong binabasa ng D. Depinisyong Pasalaysay
mga mambabasa.
_____4. Ito ay teknik na nagpapaliwanag hindi E. Maanyong Depinisyon
lamang sa mga bahagi ng kabuuan ng isang
bagay kundi pati na rin sa kaugnayan ng mga
bahaging ito sa isa’t isa.
_____5. Ang mga bagay na magkakatulad ay
pinaghahambing upang mapalitaw ang kanilang
mga tiyak na katangian, samantalang ang
magkakaiba ay pinagtatambis upang maibukod
ang isa sa isa.
II.Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang bawat pangungusap at piliin ang
tamang titik na tumutukoy sa tumpak na kasagutan.

_____6. Mahalagang bigyang pansin ang pagpapalawak ng paksa upang higit na


maging _______________?
A. Mabisa at maliwanag ang pagpapalawak ng mga ideya
B. Mabisa at kahika-hikayat ang pagpapatalastas ng mga produkto
C. Kawili-wili ang binabasa ng mga mambabasa
D. Epektibo ang ginagawang pag-aanunsyo
_____7. Ano ang isang teknik sa pagpapalawak ng paksa na nagbibigay ng
katuturan upang mas maintindihan?
A. Pagpapaliwanag
B. Pagsasalin
C. Pagsasaklaw
D. d. Pagbibigay katuturan depinisyon
_____8. Bakit kinakalangan ang mga bagay na magkatulad sa paghahambing?
A. Para mas madaling makita
B. Para mas mabibigyang-pansin
C. Upang mapalitaw ang tiyak na katangian
D. Upang mapalitaw ang tiyak na kaugalian
_____9. Bakit kinakailangan ang mga bagay na magkaiba ay pinagtatambis?
A. Upang matandaan
B. Upang maibukod ang isa sa isa
C. Paralituhin ang mambabasa
D. Para bigyang-diin ang isang bagay
____10. Paano nakatutulong ang pagsusuri sa pagpapalawak ng paksa sa
pagtatalata?
A. Nakapagbibigay ito ng inspirasyon
B. Natutunan ang pagiging malikhain
C. Madaling maipaliwanag ang mga bagay-bagay
D. Madaling maintindihan ang kalikasan ng isang bagay .

III.Panuto: Isulat ang T sa Patlang kung ang kahulugan ng mga pagpapalawak ng


pksa ay tama at M naman kung mali.

-2- RO_Q1_Filipino8_Module5
______1. Katawagan o Term ang tawag sa mga salitang ipinaliliwanag o binibigyang
depinisyon.
______2. Maanyong Depinisyon ang tawag sa isang maktuwirang pagpapahayag ng
mga salita na nagbibigay ng malawak na kaalaman. Ito ay tumutugon sa mga
patakaran ng anyong nasa diksyunaryo at ensayklopedya.
______3. Mga katangiang ikinaiba ng salita(Differences)
-ito ay mga paglalarawan na ikinaiba ng salitang bibibigyang depinisyon sa
iba pang salita o katawagan.
______4. Klase o Uri (Genius) ay ang kategoryang kinabibilangan o pangkat na
binubuo ng mga katulad na bagay.
______5. Ang Depinisyong Pasalaysay ay dapat kawili-wili, makapangyarihan at
nakapagpapasigla upang higit itong tangkilikin ng mga mambabasa.

Binabati kita? Sa simula palang ay kinakitaan na


kita ng husay sa pagsagot sa mga katanungan.
Huwag mag-alala kung mababa man ang nakuha sa
simula dahil sigurado akong pagkatapos ng araling
ito ay aangat nang malaki ang iyong marka.

Aralin
Iba’t Ibang Teknik sa
1.2 Pagpapalawak ng Paksa

Upang sariwain ang nakaraang aralin.


Atin munang balikan ang karugtong
ng ating paksa na magdadala sa atin sa
kahusayang pagganap sa mga gawain.
BALIKAN

Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na katanungan. Bilugan lamang ang letra
ng tamang sagot.

-3- RO_Q1_Filipino8_Module5
1. Isang maikling kathang binubuo ng mga pangungusap na magkakaugnay:
may balangkas, may layunin at may pag-uunlad ang kaisipang sa
pinapaksang pangungusap na maaring lantad o di-lantad.
A. salita
B. pangungusap
C. talata
D. pantig
2. Bahagi ng talata makikita sa bahaging unahan na kung saan ang paksa na
nais talakayin ng manunulat.
A. panimula
B. gitna
C. wakas
D. kabilaan
3. Upang maging mabisa ang isang talata dapat taglay ang sumusunod maliban
sa isa _______.
A. buong diwa
B. kaisahan
C. maayos na pagkakalahad
D. walang pormat na sinusunod
4. Bahagi ng talata na kung saan nakasaad ang mahalagang kaisipang
nabanggit sa gitnang talata.
A. kabilaan
B. wakas
C. gitna
D. panimula

5. Ang mga sumusunod ay hudyat na nagpapahayag ng sanhi maliban sa isa.


A. dahil sa
B. palibhasa
C. ngunit
D. samakatuwid
6. Ang layunin ng talatang ito na patunayan sa tulong ng mga katibayan o
katwiran ang katotohanan ng isang palagay o proposisyon. Anong uri ng
talata ito?
A. talatang naglalarawan
B. talatang nagsasalaysay
C. talatang nangangatwiran
D. talatang ngaglalahad
7. Isa sa mga dapat tandaan sa pagsulat ng talata.
A. mag-isip ng paksang sasagot sa mga katanungan
B. direktahan at huwag paliguy-ligoy
C. kung ano ang maisip isusulat agad
D. isusulat ito sa paraang may sukat at tugma

-4- RO_Q1_Filipino8_Module5
8. Uri ng talata na ang layon ay ipamalas sa mambabasa o nakikinig ang isang
larawan na kabuuan sa hangad na ipinakitang isang bagay ay naiiba sa mga
katulad nito
a. talatang naglalahad
b. talatang naglalarawan
c. talatang nagsasalaysay
d. talatang nangangatwiran
9. Paano nakakatulong ang pagsusuri sa pagpapalawak ng paksa sa
pagtatalata?
A. nakapagbibigay ito ng inspirasyon
B. natutunan ang pagiging malikhain
C. madaling maipaliwanag ang mga bagay-bagay
D. madaling maintindihan ang kalikasan ng isang bagay
10. Ang lahat ay mga mabsang pmamaraan sa pagsulat g talata maliban sa isa.
A. Kailangang nagpapahayag mahigit sa dalawang paksa
B. Ang simula ng unang talata ng pangungusap ay dapat nasa
malaking titik.
C. Kailangang may wastong bantas
D. Kailangang nakapasok ang unang talata

Napakadali, hindi ba? Alam kong mawiwili


ka sa susunod pang gawain. Palatandaan
iyan ng magandang simula!

Ihanda ang iyong sarili para sa


mga nakakahimok interes na
mga gawain. Kinakailangan din
ng masusing pagsusuri at
TUKLASIN pagpapasya bago ihayag ang
pinal sa sagot.

Nakikita nyo ba ang nakasulat sa loob ng biluhaba? Tama, salitang gadyet.


Ano-ano ba ng mga bagay na kabilang sa gadyet? Alam nyo ba ng gamit nito?
Ang maitutulong nito sa tao? Ang lahat ng tanong ko ay masasagot sa tulong
ninyo. Handan na ba kayo!

-5- RO_Q1_Filipino8_Module5
Panuto: Hanapin at lagyan ng tsek ang mga pahayag na posibleng may kaugnayan
sa salitang gadyet.

Elektronikong
kagamitan
Pinipilahan sa
Popular na babasahin
pinilakang tabing

GADYET
Pwedeng magsaliksik Ginagamit sa
sa mga gawaing pakikipagkomunikasyon
pampaaralan sa mga kamag-anak na
nasa malalayong lugar

Mga babasahing
inilalako sa daan

Napakadali, hindi ba? Napagtanto natin na ang mga pahayag na


nalagyan ng tsek ay mga halimbawa o teknik na makakatulong ng
malaki sa pagpapalawak ng paksa.

SURIIN
Pansin kong may pahapyaw ka ng alam sa aralin natin
ngayon. Sana lalo mo pang pagbutihin at dagdagan
ang pagpupursiging mapataas ang antas ng iyong pag-
unawa at hangaring mapagtagumpayang tapusin ang
lahat ng mga gawain.

Paksa ang tawag sa pinag-uusapan o pinagtutuunan ng pansin sa teksto at


ang mga detalyeng nakalahad sa teksto ay nauugnay sa paksa. Paano ng aba natin
mapapalawak ang isang paksa?

-6- RO_Q1_Filipino8_Module5
Sa Pagpapalawak ng Paksa ay dito natin taalamin kung ano-ano nga ba ang
mga teknik o paraan ng pagpapalawak ng isang paksa at ang mga halimbawa nito.
Subukang tukuyin ang teknik na ginamit sa teksto at palawakin ang isang paksa.

Kapag ika’y sumusulat tungkol sa isang paksa, palagi nating itanong kung
paano pa ito palalawakin. Pero, dapat tandaan na ang pagpapalawak nito ay laging
nakasentro o nakapokus sa pangunahing paksa.

Isa sa mga paraan upang palawakin ito ay ang pag-iisip ng mga salita o ideya
na magkakaugnay sa ating pangunahing paksa. Halimbawa kung ang ating paksa
ay tungkol sa mga “Bayani ng Pilipinas”, maari tayong magsimula sa mga sikat na
bayani katulad ni Dr. Jose P. Rizal o Andres Bonifacio. Pagkatapos nito ay maari
tayong sumulat ng kaunting detalye o impormasyon kaugnay sa buhay nila, ang
kanilang naging kontribusyon para sa bansa. Maari rin nating tangkilikin ang mga
makabagong bayani tulad ng mga guro, police, doctor, OFW at iba pang may
malaking ambag sa pag-unlad ng ibang tao o sa bansa.
Bukod dito, maari din tayong kumuha ng datos mula sa mga lehitimong
mapagkukunan. Sa paraang ito magkakaroon tayo ng perspektibo at matibay na
batayan sa pagpapalawak ng paksa.

1.PAGBIBIGAY KATUTURAN O DEPINISYON


Ang mga salitang hindi agad-agad naiintindihan ay kailangang bigyan ng
kahulugan o depinisyon. Ito ay mga bagay o kaisipan na kailangang higit na
masaklaw ang pagpapaliwanag. Ang kaurian, kaantasan at kaibahan ng mga
salitang ito ay binibigyang-diin sa pagbibigay depinisyon.

Halimbawa:

Ano ang Coronavirus?


Ang Coronavirus ay mga pamilya ng mga virus na nagdudulot ng
sakit mula sa karaniwang sipon hanggang sa mas malubhang sakit
tulad ng Middle East Respiratory Syndrome (MERS) at Severe Acute
Respiratory Syndrome (SARS)
Ang Novel Coronavirus ay panibagong uri ng coronavirus na hindi
pa nakikita sa tao noon.

MGA PARAAN SA PAGBIBIGAY KATUTURAN O DEPINISYON


a) Nilalagay sa loob o katawan ng teksto ang depinisyon upang
liwanagin ang kahulugan

-7- RO_Q1_Filipino8_Module5
Halimbawa:

Sa salitang kalinangan ay nabibilang ang mga materyal at


ispiritwal na katuparan ng isang lahi- ang kanilang pananamit,
pagkain, tirahan, pamahalaan, batasan, pananampalataya,
kasalan, pananalita, panitikan, sining, agham at kaugalian. Sa
salita ni Dr. Edward B. Tayler, isang tanyag na antropolohistang
Ingles. Ang Kabhasnan o kalinangan ay isang malawak na kabuuan
na sumasaklaw sa karunungan, paniniwala at iba pang kakayahan
at kaugalian na nakamit ng tao bilang kasapi ng isang lipunan. Sa
ganitong konsepto ng kalinangan bilang ating pansukat ay
matiwasay nating maipalalagay na tayo’y may angking sariling
kalinangan

❖ Ang nakasulat ng madiin ang paksa sa talata. Samantala ang


katuturan at depinsyon ay ang nasalungguhitang
pangungusap na makikita sa bahaging gitna ng talata.

b) Pagbibigay halimbawa

Halimbawa:
Ang Panitikang Pilipino ay ang nakasulat na isang akda ng
mga manunulat na Pilipino.sa Kastila Ingles at Filipino. Halimbawa;
Ilokano, Pangasinense, Pampango, Bicol, Cebuano, Hiligaynon,
Waray, Tausug, Maranao atbp. Kasama rin nito ang 5 nakasulat na
panitikang-bayan gaya ng mga epiko, kuwentong-bayan, awiting-
bayan, bugtong, alamat pabula at iba pa.

❖ Upang mapalawak ang paksang Panitikang Pilipino


binaggit bilang halimbawa ang walong dayalekto at mga
akdang kabilang dito.
c) Pagdaragdag ng sariling konsepto o ilustrasyon batay sa karanasan

Halimbawa:

Maraming katuturan ang pagmamahal, ito’y mayroon ding iba’t


ibang uri. Sa tanang buhay ko iisa na lamang ang hindi ko pa
naranasan, ang pakiramdam ng umibig sa ibang kasarian.

❖ Dito idinaragdag ang sariling karanasan o konsepto

MGA URI NG PAGBIBIGAY DEPINISYON

-8- RO_Q1_Filipino8_Module5
a. Maanyong Depinisyon -ito ay tumutukoy sa isang maktuwirang
pagpapahayag ng mga salita na nagbibigay ng malawak na
kaalaman. Ito ay tumutugon sa mga patakaran ng anyong nasa
diksyunaryo at ensayklopedya.

Tatlong bahagi ng Maanyong Depinisyon


1. Katawagan o Term
-mga salitang ipinaliliwanag o binibigyang depinisyon.
Halimbawa:
Tula

2. Klase o Uri (Genius)


-ito ay ang kategoryang kinabibilangan o pangkat na
binubuo ng mga katulad na bagay.
Halimbawa:
Ang tula ay isang uri ng panitikan.

3. Mga katangiang ikinaiba ng salita(Differences)


-ito ay mga paglalarawan na ikinaiba ng salitang
bibibigyang depinisyon sa iba pang salita o katawagan.

Halimbawa:
Ang tula ay isang anyo ng sining o panitikang
nagpapahayag ng damdamin ng isang tao na may sukat at
tugma at gumagamit ng matatalinghagang pahayag na nakatago
ang kahulugan.

b. Depinisyong Pasalaysay -ito ay isang uri ng depinisyon na


nagbibigay ng kargdagang pagpapaliwanag sa salita. Ito ay kawili-
wili, makapangyarihan at nakapagpapasigla kaya higit itong
binabasa ng mga mambabasa.

Halimbawa:
Madaling makilala ang tula sapagkat karaniwan itong
may batayan o pattern sa pagbigyan ng huling salita. Binubuo
ito ng saknong at taludtod. Ito ay ginagamitan ng
matatalinghagang pahayag.

2.PAGHAHAWIG O PAGTATAMBIS
-Binibigyang-diin ang pagkakaiba(Pagtatambis) at pagkakatulad
(Paghahawig) ng paksa. Ang mga bagay na magkakatulad ay pinaghahambing

-9- RO_Q1_Filipino8_Module5
upang mapalitaw ang kanilang mga tiyak na katangian, samantalang ang
magkakaiba ay pinagtatambis upang maibukod ang isa sa isa.

Halimbawa:
Ang coronavirus ayon sa DOH, ay malaking pamilya ng mga
virus mula sa simpleng pangkaraniwang lagnat hanggang sa
mga seryosong impeksyon gaya ng MERS-CoV at SARS-CoV

❖ Malinaw sa halimbawang teksto na ang paksa ay


inihambing ang pagkakatulad at pagkakaiba sa dalawang
variant pa ng virus-
❖ Maliwanag ang pagtatambis na ginamit (gaya ng) sa
pangungusap- ang corona virus sa MERS-Cov at SARS-
CoV.
3. PAGSUSURI
Nagpapaliwanag hindi lamang ng mga bahagi ng kabuuan ng isang bagay
kundi pati na rin ang kaugnayan ng mga bahaging ito sa isa’t isa. Ito ay
sistematikong pagpapaliwanag ng paksa sa pamamagitan ng paghihimay-

Nakakahawa ba ang Covid19 ng tao sa tao?


Ayon sa kasalukuyang sitwasyon, may ilang coronavirus na
maaring maipasa ng tao sa tao (Human to human transmission).
Kadalasan, ay nangyayari ito sa malapitang pakikisalamuha
(Close Contact) sa ibang tao na mayroon nito tulad sa bahay,
trabaho, byahe, pagtitipon at health facility.

❖ Higit na madaling malaman ang kahulugan ng isang bagay


dahil sa pagsusuri dahil nalalaman kaagad ang kalikasan ng
ideya, konseptong kinabibilangan at nalalaman kung ano
ang kaugnayan sa iba pang ideya.
❖ Samakatuwid, kapag nagsusuri tayo ibig sabihin tayo ay
nananaliksik na at lalong nakikita ang tunay na
kahalagahan na gagamitin sa pagpapalawak ng paksa.

Pamilyar ka ba sa nakakaaliw na
PAGYAMANIN patimpalak dati ng Its Show Time
na ang mga kalahok ay mga di-
tiyak ang kasarian? Ipagpalagay
I. Panuto: Sumulat ng tatlong pahayag na natin na isa kayo sa mga masugid
nagbibigay suporta sa sagot ng tanong sa na manonood sa nakaaaliw na
ibaba. palabas na Ms Q and A sa episode
na Tumpak! Ga

- 10 - RO_Q1_Filipino8_Module5
TANONG: Kung sina Rizal, Bonifacio at Jacinto ay tinaguriang mga bayani para
makamit ang kalayaan ng bansa, ano naman ang tawag sa mga bayaning
nakikipaglaban ngayong panahon ng pandemya?

1. I believe __________________________________________________________________
2. Maaring __________________________________________________________________
3. Ito ay _____________________________________________________________________
And I thank You!

II. Panuto: Ngayon naman ating babasahin at unawaing mabuti ang mga
pangungusap. Tukuyin ang tamang pagpapalawak ng paksa ayon sa pangungusap.
Isulat sa patlang ang titik ng tamang sagot.

A. Pagbibigay katuturan o Depinisyon


B. PaghahawigPagtutulad
C. PagsusurI

______ 1. Ang kampilan ay isang patalim pandigmang mahaba at malapad ang dulo.
______ 2. Layunin ni Dr. Jose P. Rizal sa kanyang akdang Noli Me Tangere na
ipamulat sa mga Pilipino ang mga di-kanais-nais na ginagawa ng mga kastila.
______ 3. Ang salawikain ay nakaugalian nang sabihin at nagsisilbing batas at
tuntunin ng ating ninuno samantala ang sawikain naman ay nagtataglay ng
talinghaga sapagkat nakatago ang kahuluga nito.
______4. Ang Coronavirus ay kasingbagsik ng Merscov at SarsCov.

______5. Ayon Sa eksperto may siyentipikong paliwanag kung paano nabubuo ang
bagyo. Kung bakit nagkakaroon ng bagyo narito ang mga dahilan. Ang isang
bagyo ay kadalasang nabubuo sa gitna ng karagatan kung saa nagtatagpo
ang mainit at malamig na hangin. Ang pagtatagpo rin na ito ang dahilan kung
bakit kadalasang paikot ang bagyo.

III.Panuto: Tukuyin ang mga teknik sa pagpapalawak ng paksa na ginamit sa


teksto. Titik ng tamang sagot lamang ang isusulat sa patlang bago ang numero.

A. Paghahawig o Pagtututad C. Pagsusuri


B. Pagbibigay katuturan o Depinisyon D. Pagsasalin

_____1. Marami pa ring Pilipino sa ngayon ang sumusuway sa batas. Kahit sa


simpleng ordinansa ay hindi pa masunod. Katulad na lamang ang
Social distancing. Kailangan na sigurong lagyan ng pangil ang batas.
Ang ibig sabihin nito ay higpitan pa ang pagpapatupad sa batas.
A.

- 11 - RO_Q1_Filipino8_Module5
_____2. Dahil sa pandemya naging matumal ang benta ngayon ng ilang mga
produkto. Ang pariralang matumal ang benta ay nangangahulugang
mahina ang benta.
_____3. Ang natutuwang baliw yaman ay pinagyayabang
Dahil ari niya raw ang araw pati ang buwan
May isang sa yaman ay salapi ang hinihigaan
Ngunit ang gintong baol pana’y kasalanan ang laman.
_____4. Katulad ng isang agilang mataas lumipad, ang isang taong mataas ang
pangarap sa buhay. Kahit anong balakid ang kanyang mga pakpak sa
pag-abot ng mga bagay na gusto niyang makamit.
_____5. “Walang pagkakaiba ang pananaw ng president at programa ng
Department of Educatin hinggil sa physical, face-to-face classes. Ayaw
ni Presidente ayaw din ng DepEd na ma-endanger ang mga bata”

IV. Panuto: Sagutan ang mga tanong bilang batayan upang madaling mabuo at
mapalawak ang isang paksang nagbibigay katuturan.

1. Anong bagay ang nakikita mo sa larawan mula sa


kaliwa?
Sagot: ______________________________________________

2. Ano ang masasabi mo tungkol sa larawan? Ano ang


magandang maidudulot nito sa tao?

Sagot:__________________________________________________
________________________________________________________
________________________________________________________
________________________________________________________

Https://m.indiamart.com
Ang galling naman!
Lalo pa nating mapapalawak ang iyong
kaalaman sa patuloy nating gawain.

- 12 - RO_Q1_Filipino8_Module5
V.Panuto: Ihayag ang iyong nalalaman kaugnay sa larawang nasa gitna ng kahon.
Batay sa maanyong uri sa pagbibigay katuturan o depinisyon. Isulat paikot sa
malalaking kahon sa palibot ng paksa ang karagdagang kaalaman kaugnay dito.

3.

2.

1.

at

https://m.facebook.com.
KAHON-LUGAN
VI.Panuto: Palawakin pa ang mga paksang nasa loob ng kahon gamit ang iba’t ibang
teknik sa pagpapalawak ng pangungusap.

PAKSA/ISYU PAGPAPALAWAK NG PAKSA TEKNIK NA GINAMIT

1.Kabataan

2.Bakuna

- 13 - RO_Q1_Filipino8_Module5
ISAISIP
Panuto: Ayusin ayon sa wastong pagkakasunud-sunod ng mga bilang pagkatapos
isulat ang salitang katumbas ng bilang sa patlang upang mabuo ang pahayag na
dapat tandaan kaugnay sa aralin.

8.kasanayang 2. pagpapa 6. ay 13. pagpapa

17. temang 12. sa 9. nagpapakita 16.mga


15.ng

19.uusapan 3. lawak 10.ng 18. pinag- 1.ang

11.kahusayan 4.ng 14. liwanag 5. paksa 7. isang

_______ __________ __________ _____ __________ ______


1 2 3 4 5 6

________ ______________ _________ _________ _____ ______________


7 8 9 10 11 13

____ ____________ _________ ____ ________ _____________


12 13 14 15 16 17

__________ _____________.
18 19

Nakakabilib Talaga! Ang pagtugon sa bawat


gawain ay palatandaan ng kahusayan at
pagiging atentibo mo. Ipagpatuloy mo at lalo
pang paawkin ang pang-unawa sa iba pang
gawain.

Ang susunod na gawain ay alam kong


ISAGAWA hindi na bago sa iyo dahil natalakay na sa
nakaraang aralin. Paalala ko lang ay
laging isaalang-alang ang mga paraan sa
pagbuo ng isang talata: Mga bantas, ayos
ng pangungusap at diwa ng paksa.

- 14 - RO_Q1_Filipino8_Module5
Gawain: BAYANI KO!
Panuto: Sa tulong ng teknik sa pagpaplawak ng paksa. Bumuo ng isang talata
patungkol sa isa sa mga tumatayong bagong bayani sa ating mundo (Mga
Frontliners tulad ng doctor, sundalo, nars at iba pa). Pumili ng isa. Gawing
batayan ang rubriks o pamantayan sa ibaba.

______________________________________________
Napiling Paksa

________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________

`Rubrks/Pamantayan sa Pagsulat ng Talata gamit ang Iba’t Ibang Teknik

Napakahusay Mahusay Medyo Iskor


Mahusay
20 15 10 5

- 15 - RO_Q1_Filipino8_Module5
Nilalaman ng Kumpleto at Kumpleto at May ilang Maraming
talata komprehensib komprehensibo kakulangan sa kakulangan
o ang ang nilalaman nilalaman ng ang nilalaman
nilalaman ng ng talata. talata ng paksa
talata. Wasto Wasto ang
ang lahat ng lahat ng
impormasyon impormasyon
Pagkakagam Napakahusay Mahusay dahil May kaunting Hindi
it ng mga dahil nagamit nagamit ang teknik na nasunod ang
teknk ang teknik sa teknik sa nagamit sa teknik sa
pagpapalawak pagpapalawak pagpapalawak pagpapalawa
ng paksa ng paksa ng paksa k ng paksa
Malikhaing Malinis at Malinis ngunit May Mahirap
Pagsulat/ maayos ang hindi lahat ay kahirapang basahin dahil
Organisayon pagkakasulat maayos ang unawain ang sa hindi
ng talata pagkakasulat pagkakasulat maayos at
ng mga ng malinis na
pangungusap pangungusap pagkakasulat

KABUUAN

Ngayong nagawa mo nang


palawakin ang iyong pag-unawa at
TAYAHIN kasanayan, Alam kong handa ka na
para ipamalas ito sa pagsagot sa
panghuling pagtataya.
Pagbutihin mo……

Panuto: Hanapin sa Hanay B ang sagot ng mga teknik sa pagpapalawak ng paksa


batay sa mga kahulugan nito mula sa Hanay A.

HANAY A HANAY B

_____1.Teknik na ginamit sa pagpapalawak ng


paksa na nagbibigay ng katuturan upang mas
maintindihan.
_____2. ito ay tumutukoy sa isang makatwirang A. Pagbibigay Katuturan o
pagpapahayag ng mga salita na nagbibigay ng depinisyon
malawak na kaalaman. Ito ay tumutugon sa mga
patakaran ng anyong nasa diksyunaryo at B. Pagsusuri
ensayklopedya.
_____3. uri ng depinisyon na nagbibigay ng C. Paghahawig o
kargdagang pagpapaliwanag sa salita. Ito ay Pagtutulad
kawili-wili, makapangyarihan at
nakapagpapasigla kaya higit itong binabasa ng D. Depinisyong Pasalaysay
mga mambabasa.

- 16 - RO_Q1_Filipino8_Module5
_____4. Ito ay teknik na nagpapaliwanag hindi E. Maanyong Depinisyon
lamang sa mga bahagi ng kabuuan ng isang
bagay kundi pati na rin sa kaugnayan ng mga
bahaging ito sa isa’t isa.
_____5. Ang mga bagay na magkakatulad ay
pinaghahambing upang mapalitaw ang kanilang
mga tiyak na katangian, samantalang ang
magkakaiba ay pinagtatambis upang maibukod
ang isa sa isa.

II.Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang bawat pangungusap at piliin ang


tamang titik na tumutukoy sa tumpak na kasagutan.

_____6. Mahalagang bigyang pansin ang pagpapalawak ng paksa upang higit na


maging _______________?
A. Mabisa at maliwanag ang pagpapalawak ng mga ideya
B. Mabisa at kahika-hikayat ang pagpapatalastas ng mga produkto
C. Kawili-wili ang binabasa ng mga mambabasa
D. Epektibo ang ginagawang pag-aanunsyo
_____7. Ano ang isang teknik sa pagpapalawak ng paksa na nagbibigay ng
katuturan upang mas maintindihan?
A. Pagpapaliwanag
B. Pagsasalin
C. Pagsasaklaw
D. d. Pagbibigay katuturan depinisyon
_____8. Bakit kinakalangan ang mga bagay na magkatulad sa paghahambing?
A. Para mas madaling makita
B. Para mas mabibigyang-pansin
C. Upang mapalitaw ang tiyak na katangian
D. Upang mapalitaw ang tiyak na kaugalian
_____9. Bakit kinakailangan ang mga bagay na magkaiba ay pinagtatambis?
A. Upang matandaan
B. Upang maibukod ang isa sa isa
C. Paralituhin ang mambabasa
D. Para bigyang-diin ang isang bagay
____10. Paano nakatutulong ang pagsusuri sa pagpapalawak ng paksa sa
pagtatalata?
A. Nakapagbibigay ito ng inspirasyon
B. Natutunan ang pagiging malikhain
C. Madaling maipaliwanag ang mga bagay-bagay
D. Madaling maintindihan ang kalikasan ng isang bagay .
III.Panuto: Isulat ang T sa Patlang kung ang kahulugan ng mga pagpapalawak ng
pksa ay tama at M naman kung mali.

______1. Katawagan o Term ang tawag sa mga salitang ipinaliliwanag o binibigyang


depinisyon.
______2. Maanyong Depinisyon ang tawag sa isang maktuwirang pagpapahayag ng

- 17 - RO_Q1_Filipino8_Module5
mga salita na nagbibigay ng malawak na kaalaman. Ito ay tumutugon sa mga
patakaran ng anyong nasa diksyunaryo at ensayklopedya.
______3. Mga katangiang ikinaiba ng salita(Differences)
-ito ay mga paglalarawan na ikinaiba ng salitang bibibigyang depinisyon sa
iba pang salita o katawagan.
______4. Klase o Uri (Genius) ay ang kategoryang kinabibilangan o pangkat na
binubuo ng mga katulad na bagay.
______5. Ang Depinisyong Pasalaysay ay dapat kawili-wili, makapangyarihan at
nakapagpapasigla upang higit itong tangkilikin ng mga mambabasa.

Binabati kita! Napakahusay mo dahil napagtagumpayan


mong gawin lahat ng mga gawain. Paalala ko lang na huwag
kalilimutan ang lahat ng natutunan sa modyul na ito lalong
lalo na ang mga teknik sa pagpapalawak ng paksa.
Hanggang sa Muli!

KARAGDAGANG GAWAIN

Panuto: Dugtungan ang putol na pahayag.

Sa araling ito ay natutunan ko/ng ____________________________________________

______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________

- 18 - RO_Q1_Filipino8_Module5
Panuto: Itala sa ibaba kung paano naiiba ang bawat teknik sa bawat isa. Isulat
ang sagot sa loob ng kahon.

PAGKAKAIBA NG MGA TEKNIK


SA PAGPAPALAWAK NG PAKSA

Pagbibigay Katuturan Paghahawig at


Pagsusuri
o Depinisyon Pagtatambis

- 19 - RO_Q1_Filipino8_Module5
ISAGAWA
-Maaring magkakaiba ang napiling paksang palalawakin sa paraang patalata.
RO_Q1_Filipino8_Module5 - 20 -
TAYAHIN KARAGDAGANG GAWAIN
Gawain 1 Gawain 2 Gawain 3 Gawain 1- Maaring magkakaiba
1. A 1. A 11. T ang paraan ng pagsagot
2. E 2. D 12. T
3. D 3. C 13. T Gawain 2- Lahat ng sagot ng mag-
4. B 4. B 14. T aaral ay tamadepende lamang
5. C 5. D 15. T sa paraan ng pagsulat.
SUBUKIN BALIKAN
Gawain 1 Gawain 2 Gawain 3 Gawain 1 Gawain 2
1. A 1. A 11. T 1. C 6. C
2. E 2. D 12. T 2. A 7. A
3. D 3. C 13. T 3. D 8. B
4. B 4. B 14. T 4. B 9. D
5. C 5.D 15. T 5. D 10.A
PAGYAMANIN
Gawain I- Iba-Iba ang interpretasyon ng mga mag-aaral
Gawain II Gawain III IV. Maaring magkakaiba ang sagot
1. A 1. B
2. B 2. D V. Iba-iba ang interpretasyon kaugnay sa psksa
3. C 3. C
4. B 4. B VI. Magkakaiba ang teknik sa pagpapalawak ng paksa
5. C 5. D
ISAISIP
_Ang_ pagpapa _lawak _ ng_ paksa ay
1 2 3 4 5 6
Isang kasanayang nagpapakita ng kahusayan sa
7 8 9 10 11 13
sa pagpapa liwanag ng mga tema
12 13 14 15 16 17
pinag-uusapan
18 19
SUSI SA PAGWAWASTO
TALASANGGUNIAN

JULIAN, Ailene B., et. al. 2017. Pinagyamang Pluma 8 (Ikalawang Edisyon).
Quezon City. Phoenix Publishing House, Inc. pp. 7-25.

MATEO, Renato R., 1996. Gabay sa Panitikang Filipino. Tondo, Manila.


Arenar Book Marketing. pp. 19-28.

Teknik sa Pagpapalawak ng Paksa.


https://www.brainy.com/techniksapagpapalawakngpaksa- . Accessed on
May 2,2020.

https://www.scribd.com

https://philnews.ph

https://philippines.shafaqna.con/PH/AL/1127256

https://m.facebook.com/EILesJoAnne/Photos/?tab=album&album_id=109712002
519114

- 21 - RO_Q1_Filipino8_Module5
Para sa mga katanungan, puna o fidbak, sumulat o tumawag:

Kagawaran ng Edukasyon – Rehiyong Pampangasiwaan ng Cordillera,


Wangal, La Trinidad, Benguet, 2601
Fax No.: (074)-422-4074
Email Address: [email protected]

- 22 - RO_Q1_Filipino8_Module5

You might also like