Module 13 5

Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 25

MODULE 13

MGA ISYUNG
MORAL
TUNGKOL SA
bUHAY
Ang paggamit ng ipinagbabawal na
gamot
Ang pagkagumon sa
ipinagbabawal na gamot ay
nagdudulot ng masamang
epekto sa isip at
katawan.Karamihan din ng mga
krimen na nagaganap sa ating
lipunan ay malaki ang
kaugnayan sa paggamit ng
droga.
Dahil sa droga, amg isip ng tao ay
nagiging blank spot. Nahihirapan
ang isip na iproseso ang iba’t
ibang impormasyon na dumadaloy
dito.Ito ay kadalasang nauuwi sa
paggawa ng mga di kanais-nais na
bagay na higit na nakaaapekto sa
ating pakikipagkapwa tulad ng
pagnanakaw at pagtikil ng buhay
ng ibang tao.
Ginagamit nila ito upang
makalimutan ang kahihiyan at
pagtakpan ang sakit na
kanilang nadarama.Sapagkat
ito ay walang kabutihang
maidudulot sa mga tao lalo na
sa kabataan. Maari itong
makaapekto sa kanilang pag-
aaral at personal na buhay.
Alkoholismo
Ang alkoholismo ay labis na
pagkonsumo ng alak ay may
masamang epekto sa tao.Ito ay
unti unting nagpapahina sa
kaniyang enerhiya, nagpapa-
bagal ng pag iisip at sumisira sa
kaniyang kapasidad na maging
malikhain.Nababawasan ang
kakayahan sa paglinang ng
makabuluhang pakikipagkapwa
ang mga nagugumon sa alkohol.
Naaapektuhan ng alak o
alkoholang operasyon ng isip
at kilos loob ng tao na
nagiging dahilan kung bakit
nakagagawa siya ng mga bagay
na hindi inaasahan katulad ng
pakikipagaway sa kapwa.
Maraming akit sa katawan ang
kaugnay ng labis na
pagkonsumo nito, tulad ng
cancer, sakit sa atay at
kidney,maaring magresulta ito
sa maagang pagkamatayng
isang tao.
Aborsiyon
Ang aborsiyon o pagpapalaglag
ay pag – alis ng isang fetus o
sanggol sa sinapupunan na
isang lehitimong paraan upang
kontrolin o pigilin ang paglaki
ng pamilya o populasyon
ngunit sa Pilipinas isa itong
krimen.
Ang isyu sa aborsiyon ay
nagbibigay daan upang
magkaroon ng dalawang
magkasalungat na posisyon
ang publiko ito ay ang Pro-life
at Pro-choice.
Dalawang uri ng aborsiyon
1. Kusa(Miscarriage)
>pagkawala ng isang sanggol
bago ang ika-20 linggo ng
pagbubuntis.
2. Sapilitan(Induced)
>pagwawakas ng
pagbubuntis at pagpapaalis ng
isang sanggol, sa pamamagitan
ng pag-opera o pagpapainom
ng mga gamot.
Ang prinsipyo ng double effect

Ayon kay Sto. Tomas de Aquino may


mga oras kung kailan ang isang kilos na
nararapat na gawin ay maaring magdala
ng mabuti at masamang epekto. Kung
gagamitin ang batayan ng prinsipyo ng
double effect sa sitwasyong ito maaring
pumili ng isang kilos na magdudulot ng
masamang epekto kung matutugunan
ang sumusunod na apat na kondisyon
Una, ang layunin ng kilos ay
nararapat na mabuti.
Ikalawa, ang masamang epekto
ay hindi dapat direktang
nilayon ngunit bunga lamang
ng naunang kilos na may
layuning mabuti.
Ikatlo, ang mabuting layunin ay
hindi dapat makuha sa
pamamagitan ng masamang
Ikaapat, kinakailangan ang
pagkakaroon ng mabigat at
makatuwirang dahilan upang
maging katanggap tanggap
ang masamang epekto.
Pagpapatiwakal
Ito ay sadyang pagkitil ng isang
tao sa sariling buhay at naayon
sa sariling kagustuhan. May
mga tao na kahit tuwirang
inilalagay ang kanilang sarili sa
panganib, ito ay hindi
itinuturing na kilos ng
pagpapatiwakal sapagkat
inihahain nila ang kanilang
sarili sa panganib.
Ayon kay Eduardo A. Morato,
upang mapigilan ang kawalan
ng pag-asa, kailangang mag-
isip ang isang tao ng mga
malalaking posibilidad at
natatanging mga paraan upang
hanpin ang kaniyang
kinabukasan.
Euthanasia(Mercy killing)
Isang gawain kung saan
napapadali ang kamatayan ng
isang taong may matindi at
wala nang lunas na
karamdaman. Minsan ay
tinatawag ding assisted
suicide, sa kadahilanang may
pagnanais o motibo ang isang
biktima na wakas kaniyang
buhay.
Paano ang buhay para sa mga di-
normal
Ang buhay ng tao ay
napakahalaga;kahit na ang mga
pinakamahina at madaling matukso,
mga may sakit, matatanda, mga
hindi pa isinilang at mahihirap ay
mga obra ng Diyos na ginaya sa
sarili niyang imahe, laan upang
mabuhay magpakailanman, at
karapat-dapat ng mataas na
paggalng at respeto.
- Papa Francis ng roma
Ang pahayan ni Papa Francis ay
tumutukoy sa dignidad ng tao
na nagmula sa Diyos. Sa
pananaw ng ibat ibang mga
relihiyon, ang buhay ay
sagrado. Ito ay kaloob mula sa
Diyos itinuturing na maling
gawain ang hindi paggalang sa
kabanalan ng buhay dahil ito
ay indikasyon ng kawalan
Ng pasasalamat at pagkilala sa
kapangyarihan ng Diyos.

You might also like