Ika-4 Na Linggo Mga Subskill NG Pagbasa at Pagsulat at Ugnayan Nito

Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 13

Mga Subskill ng Pagbasa at Pagsulat

at
Ugnayan ng Pagbasa at Pagsulat
C. Lektura

Sa rami ng ating mga binabasa at sinusulat ay marapat lamang na sanayin at


paghusayan ang sarili na maging bihasa sa paglalakip at pagkuha ng mga
impormasyon. Sa bahaging ito ng paksa ay matutunghayan ang iba’t ibang subskill
sa pagbasa at pagsulat gayundin ang mga estratehiya na maaaring gamitin tungo
sa mabisang paggamit ng mga kasanayan ito. Ang paksang ito ay higit na
makatutulong sa upang linangin ang sarili tungo sa kung ano ang layunin sa
pagbabasa at pagsusulat, mula sa pangkalahatang ideya hanggang sa tiyak na
impormasyong nais bigyang diin at mabatid.
Mga Subskill ng Pagbasa:

1. Prediksyon – pagtatangkang pagkuha ng kahulugan matapos


basahin ang ilang pangungusap na maaaring makabuo ng
isang payak na diwa.

2. Skimming – mabilisang pagbasa na layuning makuha ang


kahulugan ng buong teksto.

3. Pagbabasa ng Gist – sumasaklaw sa pinakamahalagang


bahagi ng impormasyon o diwa ng teksto
4. Scanning – ang pokus ay paghahanap lamang ng tiyak na impormasyon.

5. Masikhay - masinsinang pagbasa

6. Mga ipinahihiwatig na kahulugan ( talasalitaang ginamit o punto ng


manunulat)

7. Masaklaw na pagbasa – pagbasa ng buong teksto


PAGSULAT
Ayon kay Bernales, et al., (2001), ang pagsulat ay ang pagsasalin sa papel o sa
anumang kasangkapang maaring magamit na mapagsasalinan ng mga nabuong salita,
simbulo at ilustrasyon ng isang tao o mga tao sa layuning maipahayag ang
kanyang/kanilang kaisipan.

Ang kasanayang pagsulat ay mayroong mga subskill na kung saan ay maaaring


magsilbing gabay ng isang manunulat upang maipaunawa nang malinaw at mahusay sa
mga mambabasa ang kanyang akda. Sa ganitong dahilan ay marapat lamang na pag-
ukulan ito tamang paghahanda at panahon upang maisagawa maayos at
kompresensibo.

Batay kay Sobana, (2003:26). Ang kasanayang Pagsulat ay mayroong anim (6) na
subskill at ito ay kinabibilangan ng mga sumusunod:
Subskill ng Pagsulat:

1. Mekaniks – tumutukoy sa paraan ng pagbaybay ng salita at pagbabantas.

2. Organisasyon – talasalitaan, idyoma


– talata, paksa at kaisahan

3. Sintaks – pag-aaral ng istruktura ng mga pangungusap, pagsasama-samang


mga salita para makabuo ng mga parirala o mga pangungusap
4. Balarila – tumatalakay sa tuntunin ng isang wika ukol sa mga uri,
pagbuo at wastong paggamit ng mga salita, at pagsulat.

5. Nilalaman – magkakaugnay, malinaw, orihinalidad at lohika.

6. Pagkuha ng mga ideya sa pasulat, paglikha ng mga burador at


pagbabago ng mga ito.
Batay sa mga kahulugan at subskill na inilahad ay masasabi na ang
kasanayang pagsulat ay itinuturing na proseso sapagkat bago pa man
mag-umpisa ang awtor sa aktwal na pagsulat ay dumaraan muna sa
masusing paghahanda at preparasyon. Gumugugol ito ng panahon
upang makabuo ng isang maganda at makabuluhang akda upang
maayos na maisakatuparan ang mga hakbang sa gawaing pagsulat. Sa
pagkakataong ito ay kinakailangang bumuo ng isang sistema upang
mapunan ang mga pangangailangan ng may akda tulad ng pagtatanong,
pagpaplano, pagbabalangkas at pagrererbisa na kabilang sa mga
pangunahing kailangan.
Ugnayang Pagbasa at Pagsulat

Bilang isang mamamayan ay malaki ang ating kaugnayan lipunan. Ang


koneksyong ito ay hindi maitatanggi sapagkat dito umiikot ang maraming
bagay tungkol sa ating pagkatao. Tulad rin ng kasanayang pagbasa at pagsulat
ang dalawa ay mahahalagang kasangkapan sa pagtuturo sa akademya. Sa
pamamagitan ng mga ito ay naipauunawa sa mga mag-aaral ang bawat
nilalaman ng asignatura at upang makagawa ng iba’t ibang sulatin na
susubok sa kanilang kaalaman. Ang ugnayan ng mga kasanayang ito ay
nabatid rin ni Pearson (1985) mula sa sinulat ni Villafuerte bilang nag-iisang
pinakamahalagang pagbabago sa pagtuturo ng wika.
Sa kabilang banda, ang pananaw na ito ni Pearson ay napagtibay rin sa ginawang pag-
aaral nina Noyce at Christie (1989) ukol sa ugnayan ng pagtuturo ng pagbasa at
pagsulat na ayon sa kanila ay nagiging mabisa sa larangan ng pagtuturo kung ito ay
pagsasamahin sapagkat:

1. Nakatuon ang pagbasa at pagsulat sa wikang pasulat.

2. Ang literasi ay kakayahang makabasa at makasulat.

3. Magkakasama sa pamamagitan ng kahulugan at mga gawaing pampagtuturo.

4. Gawaing pangkaisipan at magkakaugnay ang sentro ng pag-iisip.

5. Nangangailangan ng kritikal na pag-iisip.

6. Nagagamit ang kritikal na pag-iisip.


Tatandaan na malaki ang naidudulot ng pagsulat upang maibahagi ang ating mga
nadarama, kaisipan, komento/saloobin at maipakita ang ating pagkamalikhain. Dito ay
nabibigyan rin ng pagkakataon ang isang manunulat na ipakilala ang sarili sapagkat
maaari ring mabakas sa mga sulatin ang tayog ng mga pangarap at antas ng kaisipan sa
bawat likhang akda. Samatalang ang kasanayang pagbasa naman ay nagsisilbing
behikulo ng kabatiran sapagkat napagyayaman nito ang ating kaalaman tungo sa
pagtuklas ng iba’t ibang bagay na makatutulong sa ating pag-unlad. Naghahatid rin ito
ng inspirasyon at maaari pang magdala sa atin sa mga pook na hindi pa natin nararating.

Laging isasaisip na ang dalawang kasanayang nabanggit ay hindi magiging mabisa


kung wala ang bawat isa. Parehong mahalaga kaya’t marapat lamang itong pagsikapang
linangin upang maisakatuparan nang maayos ang ating layunin
E. Batis
http://orelt.col.org/module/unit/3-reading-efficiently-sub-skills-reading
 
https://www.languages.ac.nz/wp-content/uploads/2012/08/Unit_3c_Reading_1_Knowing_abou
t_strategies_and_sub_skills.pdf

 
https://philippineculturaleducation.com.ph/balarila/
 
https://shodhganga.inflibnet.ac.in/bitstream/10603/51437/7/07_chapter3.pdf
 
https://www.smackslide.com/slide/slide-1-knmo1u
 
https://uclaliwanagatdilim2013.wordpress.com/2012/12/03/sanaysay-ukol-sa-kulturang-pilipino-
aubrey-manahan/

You might also like