Anekdota

Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 17

Panalangin

Anekdota ni Rizal

Pauwi si Jose Rizal sa Calamba mula sa Maynila na


lulan ng isang lantsa. Bata pa siya noon. Naglalaro siya
sa may hulihan ng lantsa. Nahulog sa tubig ang
kanyang kabiyak na tsinelas. Maliksing inihulog ni Jose
ang isa pa niyang tsinelas sa tubig na malapit sa
kinahulugan noong una. “Bakit mo ginawa iyon?” ang
tanong ng isang lalaking katabi niya.
“Maaaring ang kabiyak na tsinelas na nahulog ay
matagpuan ng isang maralitang mangingisdang may
anak na kasinlaki ko. Iyo’y hindi niya pakikinabangan
kung wala ang isa pang kabiyak,” ang tugon ni Rizal.
LAYUNIN
1. Nauusisa ng mag-aaral ang tungkol sa
anekdota.
2. Nakapaglikha ng sarili nilang anekdota batay
sa paksang tinalakay.
3. Nalilinang ang pagpapahalaga sa anekdota
bilang isang akdang pampanitikan
Ano nga ba ang Anekdota?
Ito ay isang maikli at kawili-wiling kwento na
hinango sa mga dating karanasan. Ito ay payak
na katotohanan ng buhay na kinagigiliwang
pakinggan. Walang nakaaalam kung bakit ,
pero ang alam natin na nasisiyahan tayo kapag
naiuugnay natin ang ating mga karanasan at
natututo tayo mula sa mga kuwento.
Kung pinipili na gamitin ang anekdota sa iyong
pagsulat, makadaragdag ito ng personal at
pantaong dimensyon na maaaring hindi
mapigilan at kaakit-akit.
Pero ang mga anekdota ay kinakailangang
maging kapani-paniwala at buhay na buhay- at
maaari rin itong maging emosyonal at dahil
ang mga anekdota ay mula sa tutuong
kuwento ng buhay kaya nagiging kapani-
paniwala na maaring makapagdagdag ng
awtoridad sa iyong sinulat.
Paano mo magagamit ang anekdota? Magagamit
mo ang anekdota sa:

1. Pagsulat upang manghikayat. Maaari mong


itong gamitin bilang pagpapatunay sa iyong
mga pananaw nang sa gayon ay madali mong
mahikayat ang mga tagapakinig o mambabasa.
2. Pagsulat ng kuwento upang mang-aliw. Sa
paggamit ng anekdota magiging interesante at
kapani-paniwala ang iyong kuwento na
makapagdudulot ng aliw sa mambabasa.
3. Pagsulat para magbigay ng impormasyon.
Ang pagbibigay ng mga opinyon at
katotohanan ay isang susing aspekto ng
pagsulat para makapagbigay impormasyon.
4. Sa pagsulat para magpaliwanag, magsuri o
magkomento. Sa uri ng pagsulat na ito,
madalas kinakailangan itong maging payak at
malinaw ang isyu. Sa pamamagitan ng
paggamit ng personal na kuwento na
maaaring gamitin sa paghahambing ng isyu,
magagawa nating mas maging interesante at
kapaki-pakinabang ang iyong sinulat.
5. Pagsulat para magpayo. Kinakailangang
maging maingat sa pagbibigay ng payo pero
sa pamamagitan ng anekdota na nagpapakita
kung paano haharapin ng isang indibidwal ang
isang pangyayari na kailangan niyang
malagpasan.
Katangian ng Anekdota
 Ito ay maikli at payak na kuwento.
 Nagsasalaysay lamang ng isang pangyayari.
 Nagsisimula ito sa malapit at pinakasentral na
ideya.
 Kinapapalooban ng mahahalaga at
kongkretong detalye.
 Nagtataglay ito ng maraming sipi (quotes).
 Natatapos agad pagkatapos ng kasukdulan.
 Nangangailangan ito ng tamang oras ng
pagbitiw sa mga nagpapatawa o nagbibiro.
Pagtataya
Sa maikling pagpapaliwanag…
1. Ilahad ang mga katangian at kahalagahan ng
anekdota sa pagpapahayag.
2. Paano nagiging popular ang isang artikulo o
pahayag?
Babasahing Anekdota
Tinuruan si Jose ni Donya Teodora na bumasa sa wikang Kastila. Isang gabi binigyan niya si Jose ng isang
aklat, EL AMIGO DE LOS NINOS. Sa Tagalog ang ibig sabihin nito ay "ANG KAIBIGAN NG MGA BATA".
Heto ang isang aklat, Jose ang sabi ng Nanay niya. Tignan mo kung mababasa mo ito. Tinignan ni Jose
kung mababasa niya ang aklat sa kastila, ngunit Hindi niya ito mabasa. Kinuha ng Nanay niya ang aklat at
ito ang sinabi niya. " Ah, Hindi ka pa makababasa sa wikang Kastila. Makinig ka at babasahin ko ito para
sa iyo." Nang buksan niya ang aklat, nakita niyang maraming drowing ang mga pahina nito.
"Sino ang may gawa ng mga nakakatawang mga larawan ito? Ang tanong niya. :Ako po, Nanay". "Ah !
pilyo kang bata. Mula ngayon huwag mong guguhitan ng kung anu-anong mga larawan ang mga pahina
ng alinmang aklat?".
Matapos mapagalitan si Jose nagsimula na siyang magbasa sa liwanag ng ilawang langis. Sa simula,
nakikinig si Jose sa kanyang pagbabasa. Hindi naglaon nawalan na siya ng kawilihan. Hindi niya
maunawaan ang binabasa ng Nanay niya. Natawag ang pansin niya sa ningas ng ilawang langis.
Napansin ni Donya Teodora na Hindi nakikinig si Jose sa kanyang binasa. Isinara niya ang aklat. "Makinig
ka sa akin, Jose," ang sabi niya. "May ikukuwento ako sa iyo." "Nakikinig po ako, Nanay." Sinimulan
basahin ng Nanay ang kuwento ng "Batang Gamugamo". Binasa niya ang kuwento sa wikang kastila.
Pagkatapos, ikinuwento niya ito kay Jose sa Tagalog para maunawaan ito ng bata.
Pagkatapos ng kuwento ni Donya Teodor, tinanong niya si Jose. " Alam mo ba ang nangyari sa munting
gamugamong Hindi sumunod sa kanyang ina? Ang mga batang Hindi sumusunod sa kanilang mga
magulang ay makakatulad din ng batang gamugamo. Hindi naniwala si Jose sa paalaala ng Nanay niya,
para sa kanya , maganda ang ningas ng ilaw. Ang ningas na iyon ay kumakatawan sa isang mithiin sa
buhay. Isang karangalan para kanino mang Tao ang mamatay para sa kanyang mithiin katulad ng munting
gamugamo. At gaya ng batang gamugamo siya ay nakatakdang mamatay na martir para sa isang dakilang
mithiin.
Sagutan ang mga katanungan
1.Sino ang naging unang guro ni Rizal?
a.ang kanyang ama
b.ang kanyang kapatid
c. ang kanyang ina
2. Ano ang umagaw sa atensyon ni Rizal habang
siya ay nakikinig sa binabasa ng kanyang ina?
a.mga lamok na naglalaro sa ilaw
b.mga gamugamo na naglalaro sa ilaw
c. mga bubuyog na naglalaro sa ilaw
3. Bakit pinag-iingat ng matandang gamu-gamo
ang batang gamu-gamo sa paglapit sa ningas ng
apoy?
a.dahil baka masunog ang pakpak niya
b.dahil baka mamatay ang ningas ng apoy
c.dahil baka pagalitan siya ng may-ari ng bahay
4. Anong nangyari sa batang gamu-gamo dahil
sa kanyang hindi pagsunod sa matandang gamu-
gamo?
a.nasunog ang kanyang pakpak
b.nagalit ang kanyang nanay
c.namatay ang ilaw ng kandila
Maraming Salamat!!!

You might also like