Itawes Barayti NG Filipino
Itawes Barayti NG Filipino
Itawes Barayti NG Filipino
NG FILIPINO
Bilang Pagtugon sa Pangangailangan sa Barayti at
Baryasyon ng Wika
Nina:
De Salmos, Rizza Mae
Iringan, Marilou
Patulay, Biverly
Siggayo, Alondra
Silva, Joanna
Introduksyon
Ang Wika ay isang mahalagang kasangkapan na
ginagamit upang maiparating ang mga kaisipan at
damdamin ng isang tao. Sa buong kasaysayan, marami ang
mga bagay , sitwasyon at pangyayari na tumutukoy sa
kahalagahan ng wika sa mga tao, sa kapaligiran at higit na
sa bansa. Sa kabuuan ang wika ang nagsisilbing kaparaanan
upang maging isang ganap na tao ang isang tao at maging
isang ganap na bansa ang isang bansa.
Dahil sa wika nagkaroon ng Diyalekto, na kung saan ang diyalekto
ay isang sinasalitang wika sa isang maliit na grupo. Halimbawa nito ay
ang itawes. Isa sa pinakamalaking diyalekto ay ang itawes na kung
saan ay galing sa kahulugang “I” na ang ibig sabihin ay “people of” at
ang salitang “tawid” o “across the river” na ang ibig sabihin rin ay “the
people from across the river”. Ang dami ng Itawes ay umaabot ng
hanggang 59,242 noong 1948 hanggang 87,929 noong taong 1960.
Ang mga itawes ay malapit sa ibanag tulad na lamang sa kultura,
paniniwala at iba pa. Ang komunidad ng itawes ay karaniwang
matatagpuan sa munisipalidad, sa bandang ibaba ng Chico River at
Matalag River sa Cagayan.
Ang mga Itawes ay kilala sa pagiging “flexible na mananalita”
sapagkat sila’y madaling matuto sa iba’t ibang diyalekto. Kung
kaya’t sa mga pagbabagong salita na kanilang natututunan
nagkakaroon ng pagbabago ng barayti.
Layunin ng pag-aaral na ito na masuri ang ilang ginagamit na
salita sa Itawes sa pakikipagtalastasan sa Filipino at malaman
ang mga Barayting Itawes sa Pilipinas. Kung saan ang mga
mananaliksik ang mangangalap ng impormasyon sa internet at
magsasagawa ng pananaliksik sa pamamagitan ng pag-iinterbyu
ng mga 20 katao na may edad 60 pataas.
Pagtatalakay
Talahanayan 1.1 PANGNGALAN
Ang pangngalan ay bahagi ng pangungusap na tumutukoy sa ngalan
ng tao, bagay, hayop, pook o pangyayari. Ito ay maaaring isang salitang
ugat. Sa talahanayan na ito makikita na may pagbabagong naganap sa
ilang salita, tulad na lamang ng mga halimbawang nasa ibaba.
ENGLISH FILIPINO ITAWES PAGBABAGONG
MORPOPONEMIKO
Horse Kabayo Kabayu Pagpapalit ng ponema