W7 Ang Digmaan Sa Troy - PPT
W7 Ang Digmaan Sa Troy - PPT
W7 Ang Digmaan Sa Troy - PPT
Panitikang Mediterranean
Kalipunan ng
mga Gawaing
Pagkatuto sa
Filipino 10
Unang
Markahan
Mga Kasanayang Pampagkatuto (MELC)
1.Naibabahagi ang sariling opinyon o pananaw batay
sa napakinggan o nabasa. (F10PN-Ii-j-68)
2. Nakabubuo ng isang suring-basa sa alinmang
akdang pampanitikang Mediterranean. (F10PB-Ii-j-
69)
3. Naibibigay ang kaugnay na mga konsepto ng piling
salitang critique at simposyum. (F10PT-Ii-j-68)
Alamin:
Ang salitang “Mediterranean” ay galing sa salitang Latin na “medius” at “terra” na
nangangahulugang “gitnang lupain”. Sinasaklaw ng Mediterranean ang sumusunod
na mga bansa mula sa tatlong kontinente: Algeria, Egypt, Libya, Morocco, Tunisia na
nasa kontinente ng Africa; sa kontinente naman ng Asia nariyan ang Cyprus, Israel,
Lebanon, Syria, Turkey at ang partially recognized na mga bansang Northern Cyprus
at Palestine; at sa kontinente ng Europe naman ay ang Albania, Bosnia at
Herzegovina, Croatia, France, Greece, Italy, Malta, Monaco, Montenegro, Slovenia at
Spain
Ang epikong Greek na “Troy”, isa sa mga mahahalagang bahagi ng Iliad ni
Homer. Makapagbabahagi ka rin ng iyong opinyon o pananaw sa pagbuo ng
suring-basa at maibibigay ang kaugnay na mga konsepto ng piling salitang
critique (panunuri) at simposyum.
PANITIKANG MEDITERANIAN
Impluwensiya sa Impluwensiya sa
Pilipinas Mundo
https://youtu.be/4Mm-Y-z-QDI
“TROY”
Isinalaysay ni J.L. Royo Nirebisa
ni Alvin D. Mangaoang
Gawain 2: Pag-unawa sa Binasa
Panuto: Sagutin ang sumusunod na tanong. Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel.
1. Ang pagsusuri sa akda ay dapat may uri at katangian ng katalinuhan, seryoso at marubdob na damdamin
at ng tapat na mithi sa kalayaan.
2. Alamin kung anong uri ng akdang pampanitikan ang sinusuri.
3. Sa pagsusuri ng anomang akda, kailangang mahusay ang organisasyon o balangkas. Bahagi ito sa disiplina
ng pagsusuri.
4. Bago isulat ang suring-basa ng isang akda, gumawa muna ng sinopsis o maikling lagom.
5. Sa pagsusuri ng akda, dapat maging maganda ang paksa, may kalinisan ang wika at organisado ang
paglalahad.
6. Ipahayag ang kaisipan sa malinaw at tiyak na paraan.
7. Ang susuriing akda ay kailangang napapanahon, may matibay na kaisahan, makapangyarihan ang
paggamit ng wika at may malalim na kaalaman sa teoryang pampatikan.
8. Gumamit ng mga pananalitang matapat.
9. Pahalagahan din ang paraan o estilo ng pagkakasulat.
10. Ang susuriing akda ay kailangang nagpapamalas ng masinop na pag-uugnay ng mga sangkap ng pagsulat.
Mga Katangiang Dapat Tanglayin ng isang Kritiko:
III.Pagsusuring Pangkaisipan
➢ Mga Kaisipan / Ideang Taglay ng Akda – Ano-ano ang mga kaisipang
lumitaw sa akda? Maaari ring salungatin, pabulaanan, mabago o palitan ang mga
kaisipang ito.
➢ Estilo ng Pagkakasulat ng Akda – Epektibo ba ang paraan ng paggamit ng
mga salita? Angkop ba sa antas ng pang-unawa ng mga mambabasa ang pagkabuo ng
akda? May bisa kaya ang estilo ng pagkakasulat sa nilalaman ng akda?
• Bisa sa Isip – tumutukoy sa kung paano naiimpluwensiyahan ang pag-iisip o
utak.
• Bisa sa Damdamin – Ano ang nadama at paano natigatig ang emosyon ng
mambabasa?
Pormat o Balangkas na Gagamitin sa Pagsulat ng Suring-basa
IV. Buod
➢ Hindi kailangang ibuod nang
mahaba ang akda. Ang pagbanggit sa
mahahalagang detalye ang bigyang-
tuon.
Symposium
Ito ay isang okasyon, pagpupulong, o panayam kung saan
nagtitipon-tipon ang mga kalahok para talakayin ang isang
partikular na paksa. Ito ay maihahalintulad sa kumperensya ngunit
mas maliit ang sakop ng simposyum. Sa isang simposyum,
karaniwan nang may isa o ilang taong gumaganap bilang
pangunahing tagapagsalita. Siya o ilang piling eksperto ang
tumatalakay sa paksa o usaping nakapaloob sa simposyum.
Pakikinggan naman sila ng mga kalahok, bisita, kapwa eksperto sa
paksa o tagasubaybay sa nagaganap na simposyum.
Symposium
Ito ay may isang modereytor na:
• tagapaglahad ng paksa at layunin ng talakayan
• tagapagpakilala ng mga tagapagsalita
• tagapatnubay sa kaayusan at daloy ng talakayan
• tagapaglinaw sa mga tanong at detalye
• tagapagbigay ng buod ng talakayan
➢ Isa-isang tatalakayin ng mga tagapagsalita ang paksang
ibinigay sa kanila ayon sa itinakdang oras at haba ng pagsasalita.
➢ Kapag nakapagsalita na ang lahat ng bumubuo sa pangkat,
susundan ng lahatang diskusyon o open forum kung saan maaaring
magtanong ang mga tagapanikig
Mga Dapat Tandaan sa Pagsasagawa ng Simposyum
1. Gawing pormal ang simposyum.
2. Kilalalin ang paksa at iba pang kalahok sa
simposyum.
3. Maging pamilyar sa mga termilohiya o jargons.
4. Aktibong lumahok sa diskusyon.
5. Maging malalim at kritikal sa pagsusuri ng
tinatalakay.
B. Panuto: Magbigay ng iyong inisyal na kaalaman o konsepto hinggil sa salitang critique at
simposyum gamit ang grapikong presentasyon. Gayahin ang pormat sa sagutang papel.
Performance Task:
Makasusulat ng Suring-basa ng Epikong Troy upang ito’y maaaring maipresenta
Goal
sa isang simposyum.
Role Isang presenter o maglalahad ng isang suring-basa.
Audience Guro, mga kapwa mag-aaral.
Ipagpalagay na ikaw ay nasa simposyum at ikaw ay naatasang magsagawa ng
Situation
suring-basa sa Epikong Troy.
Suring-basa sa Epikong Troy na maipepresenta sa isang simposyum. Maaaring
Product
ihayag sa hatirang pangmadla o social media.
A.Mabisang Panimula……………………….….……………… 10 puntos
B.Pagsusuring Pangnilalaman……...……………….….…..25 puntos
C.Pagsusuring Pangkaisipan.……...……………….…..…...25 puntos
Standards D.Lalim ng Pagsusuri………....……...……………….….…....20 puntos
E.Buod…………………….…....…………………..………..……. 20 puntos
Kabuoan.……….………..………………..…..................……….100 puntos
Performance Task:
SURING-BASA SA ISANG AKDANG
MEDITERRANEAN
I. Panimula
Pamagat: _________________________________________________________________
May-akda: ________________________________________________________________
Uri ng panitikan: __________________________________________________________
Bansang pinagmulan: _____________________________________________________
Layunin ng Akda: _________________________________________________________
I. Pagsusuring Pangnilalaman
Tema o Paksa ng akda: ____________________________________________________
Mga Tauhan sa Akda: ______________________________________________________
Tagpuan / Panahon: _______________________________________________________
Balangkas ng mga Pangyayari: _____________________________________________
Kulturang Masasalamin sa Akda: __________________________________________
I. Pagsusuring Pangkaisipan
Mga Kaisipan / Ideang Taglay ng Akda: _____________________________________
Estilo ng Pagkakasulat ng Akda: ___________________________________________
I. Buod
MRS. JULIE
BUNAGAN
Guro sa Filipino