EsP 8 Aralin 15

Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 14

Aralin 15: Sekswalidad,

Regalong Handog ng Diyos


Natin
Ang sekswalidad ay mahalagang sangkap ng ating personalidad.
Ito’y isa sa mga paraan ng pakikipagkomunikasyon sa iba,
pagpapadama, pagpapamalas at pagpaparanas ng pagmamahal sa
tao. Ang pagiging lalaki o babae ay mga regalong handg ng Diyos.
Sa pamamagitan ng sekswalidad ng tao, natutuoad niya ang
kaniyang panloob na hangaring ilaan ang kaniyang sarili sa iba.
Ipinakilala ng sekswalidad ng tao ang babae at lalaki hindi lamang
sa pisikal na lebel ngunit gayundin sa kanilang sikolohikal at
esperitwal na aspekto.
Sa pagkakaroon ng tamang pagpapakahulugan sa sekswalidad sa
panahong talamak na ang mga paglabag dito ay malaking hamon sa
isang kabataang tulad mo. Sa iyong edad, maaaring mayroon ka
nang nahahagip na mga maling kahulugan ukol sa sekswalidad mula
sa mga kaibigan, media at social media. Dahil dito, mahalagang
ang mga tamang kahulugan ang matagpuan mo.
Ang kamalayan sa iyong sekswalidad ay makatutulong upang
mahanap mo ang iyong tunay sa sarili. Ang pag-alam sa
iyong mga tungkulin bilang lalaki o babae ay magiging daan
upang maisakatuparan ang kaganapan ng iyong pagkatao.
Ang katawan ng tao ay instrumento ng reproduksyon at
pagpapanatili ng salinlahi. Hindi ito dapat tinitingnan bilang
kasangkapan para sa pansariling kaligayahan bagkus isang
kasangkapan upang makapagpamalas ng pagmamahal sa ating
kapuwa- pagmamahal na nagmumula sa Diyos.
Sa araling ito, mauunawaan mo ang angkop na kahulugan at
mga bagay na inaasahan sa iyo batay sa iyong sekswalidad.
Makabubuting magkaroon ka ng tamang pananaw sa paksang
ito upang magabayan ka sa iyong buhay bilang
binata/dalaga at nang sa huli’y matupad mo ang dahilan ng
pagkakaparito mo sa mundo-ang magmahal.
Ang sekswalidad ay mahalaga para sa paglago ng isang
nagdadalaga o nagbibinata. Ito ay mahalaga para sa paglago
ng isang nagdadalaga o nagbibinata. Ito ay hindi lamang
tungkol sa seks, Ito ay sumasakop sa kung paano mo
nauunawaan ang pagbabago sa iyong katawan, ang
pagkaunawa mo sa pakiramdam ng pakikipagpalagayang-loob,
pakikipagkaibigan at pagpapamalas ng pagmamahal sa ibang
tao. Gayundin ang pagpapaunlad at pagpapanatili ng isang
relasyong may paggalang. Mahalagang maipamalas mo ang
mga pakiramdam na ito ngunit makabubuting magabayan ka
upang magkaroon ka ng tamang pananaw sa sekswalidad.
Ang pagkakaroon ng tamang pananw at pagpapasiya ukol sa
sekswalidad ay ang pag-unawa sa iba’t ibang impluwensiya
ng magulang, kaibigan, mediya, paaralan at komunidad.
Pag-unawa sa Iba’t ibang Impluwensiya sa
Pagpapasiya ukol sa Sekswalidad
Ang pagkakaroon ng mabuting pagpapasiya at mapanagutang
pagpili tungkol sa sekswalidad sa panahon ng pagdadalaga at
pagbibinata ay may mabilis at matagalang implikasyon sa
pangkalahatang bunga ng kalusugan. Kung paanong gumagawa
ng pasiya ang mga kabataan tungkol sa relasyon, pag-iwas o
pag-iingat sa sarili mula sa nakahahawang sakit o maagang
pagbubuntis ay bunga ng iba’t ibang impluwensiya.
1. Ang Gampanin ng mga Magulang at Pamilya
2. Ang Gampanin ng mga Kaibigan
3. Ang Gampanin ng Paaralan
4. Ang Gampanin ng Media
Ang Gampanin ng mga Magulang at Pamilya
 Madalas minamaliit ang gampanin ng mga magulang sa pagpapasiya ng mga
kabataan ukol sa kanilang sekswalidad, subalit maliwanang na malaki ang
gampanin ng mga magulang upang magkaroon sila ng mahalagang impluwensiya
sa pagpili ng mga kabataan sa kanilang pasiya ukol sekswalidad. Narito ang
ilan sa mga natuklasan sa ilang pananaliksik:
 Ang mga tinedyer ay malamang na maghanap ng impormasyon ukol sa
sekswalidad sa kanilang mga kaibigan (61 porsiyento). Kahit na mababa ang
posibilidad na manghihingi sila ng impormasyon sa kanilang mga magulang (32
porsiyento) may malaking porsiyento (43 porsiyento) ang nagpahayag ng
kanilang hiling na magkaroon ng impormasyon kung paano makikipag-usap sa
mga magulang ukol sa sekswalidad at relasyon.(Kaiser Family Foundation,
2000a)
 Halos 80 porsiyento ng mga tinedyer ay nagpahayag na kung ano ang sinabi
ng kanilang mga magulang at kung ano ang maari nilang isipin ay may
impuwensiya sa kanilang pasiya ukol sa sekswalidad at relasyon. (Kaiser
Family Foundation, 2000b)
 Ang mas maraming mga kabataang nakararanas ng kasiyahan sa
relasyong ina at anak ay malayong magkaroon ng karanasan sa seks
(Advocates for Youth 1997). Sa isang banda, ang walang gaanong
komunikasyon sa mga magulang ukol sa sks at ligtas na seks ay
nakararanas ng pag-abuso at nauugnay sa mapanganib na ugaling
sekswal, (Fraser, 1997)
 Ang mahinang relasyon ng magulang at anak ay naguugnay sa
depresyon sa mga tinedyer. Para sa mga kabataang lalaki, ito ay
maaaring humangga sa pagkagumon sa alcohol, na diretsahang
iniuugnay sa maagang relasyong sekswal.
 Sa mga kabataang babae, ang paglayo sa pamilya ay nagdadala sa
kanila upang bumuo ng relasyon sa lanas ng pamilya dahol sa
paghahanap ng init ng pagmamahal at suporta na hindi nila natanggap
sa kanilang tahanan. Dagdag dito, ang mga kabataang nakaranas ng
sekswal na pag-abuso sa pamilya ay nauugnay sa mapanganib sa
maagang pagbubuntis, (U.S. Public Health Service, 2001)
Ang Gampanin ng mga Kaibigan
Ang mga kaibigan ay mahalagang bahagi ng paglago bilang
tinedyer, kaya’t ito ay may kaugnayan sa pagpapasiya ng
mga kabataan ukol sa seks.
Ang mga tinedyer (edad 13 hanggang 18) ay nag-ulat na
may posibilidad na maaaring makatanggap ng impormasyon
ukol sa mga isyu sa sekswal na pangkalusugan sa kanilang
mga kaibigan. (Fraiser Foundation, 2000a)
Ang pamimilit na magkaroon ng karanasan sa seks ay
dumarami sa kalagitnaan ng pagiging tinedyer. Ang pananaw
ukol sa seks ng pangkat ng magkakaibigan ay may
impluwensiya sa pananaw at ikinikilos ng mga tinedyer.
Ang Gampanin ng Paaralan
Ang mga paaralan ay may pambihirang oportunidad upang
magbigay ng edukasyon at impormasyon, kasama na ang mga
organisadong mgagawain na matutulungan ang mga kabataang
makaiwas sa mapanganib na seks. Ang malawakang gawain ng
paaralan na may relasyon sa pagbaba ng mga mapanganib na
gawain ukol sa seks, at ang pag-iwas sa maagang
pagrelasyon, pagbubuntis at panganganak.(US. Public Health
Service, 2001)
Ang Gampanin ng Media
Ang mga larawan na nilalaman ng media (telebisyon,
musika, video, internet at iba pa) ay kadalasang may
temang nauugnay sa sekswalidad.
Higit sa kalahati (56 porsiyento) ng lahat ng palabas sa
telebisyon ay may nilalamang seks, (Kaiser Family
Foundation, 1999).
Sa mga kabataan edad 10 hanggang 17 na regular na
gumagamit ng internet, ikaapat na bahagi nila ay
nakakapanood ng ipinnagbabawal na poenograpiya (U.S..
Public Health Service, 2001)
Sa kabila ng katotohanang ang mga larawang nakikita sa
media ay may negatibong pagpapakahulugan ukol sa
pagpapasiya ng mga kabataan, mayroon ding itong potensyal
na magamit upang mabawasan ang mapanganib na relasyong
sekswal. Halibawa: higit sa kalahati ng mga kabataang lalaki
at babae ay nag-ulat na natutuhan nila ang birth control at
pag-iwas sa maagang pagbubuntis sa telebisyon. (U.S.
Public Service, 2001)
Matapos mong alamin ang iba’t ibang impluwensiya sa iyong
pagpapasiya sa iyong sekswalidad, mahalaga ring malaman
mo ang mga paraan upang mapaunlad mo ito.
Mga Paraan Upang Mapaunlad Mo ang Iyong
Sekswalidad:
1. Isulong ang bukas na komunikasyon tungkol sa isyu ng
sekswalida
2. Humanap ng mga tao (magulang, nakatatandang kpatid at
iba pa) na maari mong mapagsabihan ng iyong paniniwala,
opinyon at pananaw ukol sa seks.
3. May pagtanggap ka sa regalong ibinigay sa iyo ng Diyos-
pagiging babae man o lalaki
4. Ginagawa mo ang iyong tungkulin bilang babae o lalaki
5. Igalang at isulong ang pantay na karapatan ng babae at
lalaki
6. Isipin mong may mahalaga kang gampanin sa mundo
bilang lalaki o babae
7.makipag-ugnayan sa iba nang may paggalang at
pagmamahal
8. Ilaan ang oras sa mga makabuluhang gawain gaya
ng pagbabasa, panood at pagsali sa isportsa na
nakatutulong nang malaki upang makilala ang iyong
sarili
9. Maging mapanuri sa mga bagay na iyong nababasa
at napanonood na may kinalaman sa sekswalidad
10. Umiwas sa mga barkadang sa tingin mo’y hindi
tama o makatuwiran ang mga gawain.
Sagutin ang mga Katanungan:
1. Paano mo iginagalang ang iyong pagiging lalaki o
babae?
2. Paano ka naman nakikipagkaibigan sa iyong mga
kasinggulang:
a. Sa parehong kasarian?
b. Sa katapat na kasarian?
3. may mga isport.gawain ka bang sinasalihan na
nagpapaunlad sa iyo bilang babae o lalaki? Paano
ito nakatutulong sa iyo?

You might also like