Pagpapalawak NG Talasalitaan
Pagpapalawak NG Talasalitaan
Pagpapalawak NG Talasalitaan
Paglinang ng
Talasalitaan
April M. Bagon-Faeldan
• Ano ang Talasalitaan?
Ang mga salita na itinuturing na pinakadiwa ng
isang wika ay ang kabuuang talasalitaan ng
wikang ito. Ayon sa mga Anglo-Saxon ang
talasalitaan ay isang imbakan ng mga salita na
dapat angkinin at mahalagahin. Sa mga Instsik
naman, ito’y isang malawak na dagat ng mga
salita na dapat hulihin. Alin sa dalawang
kaisipang ito ang inyong higit na sinasang-
ayunan?
• Gumamit tayo ng mga salita sa pagpapahayag ng
ating naiisip at nadarama. At dapat isaisip na
mahalaga ang wastong paggamit ng mga salita
sa ating pang-araw-araw na pakikipagtalastasan.
Ngunit dapat din nating mabatid na ang ganap
na kawastuhan at kaliwanagan ng isang
mensahe ay nakabatay sa mga salitang ating
pinipili. Ang mga salita bilang pinakamahalagang
sangkap ng wika ay mauuri natin sa dalawang
pangkat: mga salitang pangnilalaman (content
words) at mga salitang pangkayarian (function
words).
• Mga Salitang Pangnilalaman. Ito ay mga salitang
may isang tiyak na kahulugan at nagsisilbing
mahahalagang salita sa loob ng pangungusap.
Ang mga salitang ito’y maaaring tumukoy sa
isang tao, halimbawa, titser; isang bagay- lapis;
kilos o galaw- tumayo, lumundag, katangian-
maganda o dikaya’y isang kalagayan- matiwasay.
Ang mga salitang ito’y may taglay nang sariling
kahulugan kahit hindi pa isama sa ibang salita.
Kabilang sa mga salitang pangnilalaman ay ang
mga pangngalan, pandiwa, pang-uri at pang-
abay.
• Mga Salitang Pangkayarian. Ito ay mga salita o
kataga na nagkakaroon lamang ng tiyak na
kahulugan kapag nasa pangungusap at
tungkulin nito na mapagsama-sama at mapag-
ugnay-ugnay ang mga salitang pangnilalaman,
upang makabuo ng pangungusap. Kabilang sa
mga salitang pangnilalaman ang mga
pangatnig, pang-angkop, pang-ukol,
pantukoy at pangawing.
• Ang Paglinang ng Talasalitaan
Ang pagtatamo ng mga salita ay maaring
bunga ng isang paglinang ng talasalitaan. Ayon
kay Channell (1988), ang isang bagong
talasalitaan ay maaangkin lamang ng mag-
aaral kung maibibigay niya ang kahulugan
alinsunod sa gamit nito sa loob at labas ng
isang konteksto at magagamit din niya ito
nang buong husay sa pakikipagtalastasan.
• Ano ang ibig sabihin ng pag-alam sa kahulugan
ng isang salita?
Kailangang may sapat na kamalayan sa iba’t ibang
katangian ng isang salita ang mag-aaral bago
lubusang sabihin na alam niya ang salitang ito.
Dapat may kabatiran ang mag-aaral sa kahulugan
nito sa kasalukuyang konteksto; ang pagkakatulad
at pagkakaiba nito sa ibang salita na may
kahulugan; ang ibang kahulugan na maaari itong
taglayin; ang ibang anyo nitong panggramatika;
paano ginamit ang salita at mga sitwasyong
pinaggagamitan nito.
• Halimbawa: Pansinin ang iba;t ibang kahulugan ng mga salitang iisa
ang baybay ngunit magkakaiba ng bigkas.
– tubo
• maaaring kahulugan:
• tubó - isang uri ng pananim
• tubo - bakal na pandaluyan ng tubig
• tubò - pakinabang sa isang negosyo
• tubô - sumibol na
– paso
• maaaring kahulugan:
• pasó - lipas na
• paso - makitid na daan
• pasò - nalapnos dahil sa init
• pasô - taniman ng halaman
•
Mga Salik na Nakakaimpluwensya sa Paglinang ng
Talasalitaan.
May ilang salik na nakaaapekto sa paglinang ng
talasalitaan ng mga mag-aaral. May mga pag-aaral
na nagpapatunay na ang mga salitang natutuhan sa
pamamagitan ng aktibong paggamit nito ay higit na
natatandaan kaysa sa mga salitang naririnig lamang o
nababasa kaya. Ang pag-uulit at malimit na paggamit
ng mga salita ay mahalaga para sa pagtatamo nito.
Ang sampung minutong pagsasanay sa paglinang ng
talasalitaan araw-araw ay mas mabisa kaysa sa
minsanang limampung minutong pagkaklase.
• Mga Talasalitaang Aktib at Pasib
• Aktibo at pasibong nagagamit ng isang taal na
tagapagsalita ng wika ang mga salita o
talasalitaan.
• Aktibong ginagamit ng isang tao ang mga salita
kapag siya’y nagtatalumpati o di kaya’y
nagsusulat.
• Pasibong nagagamit ang mga salita sa pakikinig
at pagbasa. Ito’y tumutukoy sa kakayahan ng
isang tao na maunawaan ang mga salitang
ginamit sa pagsasalita at pagsulat ng ibang tao.
• Ang Aktibo at Pasibong Gamit ng mga Salita
Tinatayang maraming salita ang nauunawaan ng
isang tao kaysa sa mga salitang aktibo niyang
ginagamit. Ayon kina Richards et.al (1985).. ,
ang isang taal na tagapagsalita ng wika ay
maaaring magtaglay ng mahigit sa 100,000
pasibong talasalitaan ngunit ang taglay niyang
aktibong talasalitaan ay maaaring nasa pagitan
lamang ng 10,000 hanggang 20,000 salita.
• Sa pagtuturo at pagkatuto ng wika, dapat
pagpasiyahan ng guro ang mga salitang sa palagay
niya’y karapat-dapat na ituro para sa aktibong gamit
at aling salita ang mahalagang nakikilala o natutukoy
ng mga mag-aaral kapg sila’y nakikinig o nagbabasa.
Kaya sa pagtuturo ng talasalitaan, hindi kailangang
bigyan ng magkakaparehong diin ang mga salitang
nililinang. Upang lubusang malinang ang aktibong
talasalitaan ng mga mag-aaral, kailangang maglaan ang
guro ng mahaba-habang panahon para sa pagbibigay
ng mga halimbawa, pagbibigay ng mga tanong at
paglikha ng mga pagsasanay kung saan magagamit ng
mga mag-aaral ang natutuhang mga bagong salita.
• Madaling maituro ang mga pasibong talasalitaan.
Halimbawa, maaaring himukin ang mga mag-aaral na
hulaan ang kahulugan ng isang salita ayon sa
pagkakamit nito sa pangungusap. Dapat ding ipabatid
sa mga mag-aaral na hindi nila kailangang alaming
lahat ang kahulugan ng mga salitang makakaharap
nila sa araw-araw. Sa halip, kinakailangang marunong
silang pumili ng mga salitang sa palagat nila’y kapaki-
panibang. Higit pa sa rito, malamang na makatagpo
ang mga mag-aaral ng mga salitang sa palagay nila’y
mahalaga para sa kanilang personal na
pangangailangan, ituro man ito o hindi ng guro.
•
• Ang mga Salita at Pagpapakahulugan sa mga
ito
Maraming dapat alamin ang guro tungkol
sa kalikasan at katangian ng mga salita kung
nais niyang maituto nang mahusay ang
talasalitaan.
• Denotasyon
Kung pinag-uusapan ang mga pagpapakahulugan sa
isang salita, karaniwan nang tinutukoy ay ang
kahulugan nitong konseptwal, iyong kahulugang
nag-uugnay dito sa isang bagay, tao, lugar o
pangyayri. Ito ang tinatawag nating kahulugang
denotatib. Halimbawa, ang denotasyon ng salitang
bahay ay isang tirahan- isang gusali na itinayo para
tirahan ng tao. Nananatili ang kahulugang ito
kahit na sa ibat-ibang konteksto. Ang
denotatibong kahulugan ay ipinalalagay na sentral
o pangunahing kahulugan ng isang talasalitaan.
• Konotasyon
Bukod sa kahulugang denotibo, ang isang salita ay
maaaring magtaglay ng pahiwatig na emosyunal
o pansaloobin. May mga salitang nagtaglay ng
posibo o negatibong konotasyon . samantalang
ang iba’y maaaring neutral ang kahulugan. Suriin
natin ang mga salitang panukala at pakana na
parehong nangangahulugan ng isang proyekto o
proposisyon. Kung ang panukala ay may
positibong konotasyon, negatib naman ang
pahiwatig ng salitang pakana.
• Ang pagpapakahulugang konotibo ay maaaring mag-
iba-iba ayon sa saloobin, karanasan at sitwasyon ng
isang tao. Halimbawa, ang salitang dagat ay
maaaring magkaroon ng iba-ibang pakahulugan tulad
ng malawak, tahimik, masungit, mapanganib, atb.
• Mayroon ding pagpapakahulugang kontibo na
kaugnay sa sosyo-kultural na kaligiran na ikinakapait
ng isang pangkat ng tao sa isang aytem na leksikal.
Ang kulay pula, halimbawa, ay may konotasyon na
kasaganaan at magandang kapalaran para sa mga
Instsik, samantalang sa ibang tao, ito’y maaring
maghudyat ng panganib o di kaya’y pagsalakay.
• Salita na maraming kahulugan (Polysemy)
May mga salita na iisa ang anyo subalit nagtataglay ng
dalaw o mahigit pang kahulugan. Polysemous ang tag sa
mga salitang ito. Kung babasahin o di kaya’y maririnig
natin ang salitang kamay, agad na pumapasok sa ating
isipan na ito’y bahagi ng katawan. Ngunit maari rin itong
magtaglay ng iba-ibang kahulgan gaya ng mga
sumusunod na halimbawa: kamay na bakal, mahabang
kamay, malikot na kamay atb. Samakatuwid, hindi sapat
na masabi ng mag-aaral ang kahulugan ng salita ayon sa
pagkakamait sa pangugusap. Dapat ding talakayin ang
lawak ng gamit nito na magpapakita ng isang dimension
ng kakayahang komunikatibo ng mag-aaral.
• Mga Istratehiya sa Paglinang ng Talasalitaan
– Pagsusuring Pangkayarian (Structural Analysis)