Aralin 5 Sa Babasa Nito

Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 10

Sa Babasa Nito

Pinursige:
JOVAN GAPATE
RIC LOURENCE BERNARDO
Irog  Mahal
Tumarok  Umintindi
Bubot  Hilaw
Pantas  Eksperto
Dustain  Laitin
Katkatin  Suriin
Mawatasa’t  Maunawaan
Sa Babasa Nito
Saknong 1

Salamat sa iyo, O nanasang irog,


kung halagahan mo itong aking pagod
ang tula ma’y bukal ng bait na kapos
pakikinabangan ng ibig tumarok.
Saknong 2

Kung sa biglang tingin’y bubot at


masaklap
palibhasa’y hilaw at mura ang balat,
ngunit kung namnamin ang sa lamang
lasap,
masasarapan din ang babasang pantas.
Saknong 3

Di ko hinihinging pakamahalin mo,


tawana’t dustain ang abang tula ko,
gawin ang ibigi’t alpa’y nasa iyo,
ay huwag mo lamang baguhin ang berso.
Saknong 4

Kung sa pagbasa mo’y may tulang malabo,


bago mo hatulan, katkatin at liko,
pasuriin muna ang luwasa’t hulo
at makikilalang malinaw at wasto.
Saknong 5

Ang may tandang letra, alin mang talata,


di mo mawatasa’t malalim na wika,
ang mata’y itingin sa dakong ibaba,
buong kahuluga’y mapag-uunawa.
Saknong 6

Hanggang dito ako, O nanasang pantas,


sa kay Sigesmundo’y huwag ding matulad,
sa gayong katamis wikang masasarap,
ay sa kababago ng tula’y umalat.
Buod

Taglay ng mga saknong sa araling ito ang mga


habilin ni Balagtas para sa mga babasa ng
kanyang akda.Ginawa nya ang mga
habilinupang higit na mapahalagahan at
maunawaan ng mga mambabasa ang kabuuan
ng akda. Nararapat kung gayon na alamin mo
nang lubusan ang mga habilin ng manunulat
dahil kapag sinunod mo ang mga ito’y higit
mong mapahahalagahan ang kanyang obra-

You might also like