Modyul 1 Q2

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 14

9

Filipino
Ikalawang Markahan – Modyul 1:
Pagsusuri ng Tono
Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:

1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang marka o sulat ang
anumang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga pagsasanay.

2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang gawaing napapaloob sa
modyul.

3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.

4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at sa pagwawasto ng


mga kasagutan.

5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.

6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos nang sagutin lahat ng
pagsasanay.

Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito, huwag mag-aalinlangang
konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka rin humingi ng tulong sa iyong mga magulang, sa
nakatatanda mong kapatid o sino man sa iyong mga kasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging
itanim sa iyong isipang hindi ka nag-iisa.

Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng makahulugang pagkatuto at


makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa kaugnay na mga kompetensi. Kaya mo ito!

Alamin

Maligayang pagdating sa ikalawang kwarter kaibigan. Masaya ako na


maluwalhati mong natapos ang iyong paglalakbay sa mga bansa ng Timog –Silangang
Asya. Ang iyong lingkod na si Gng. Mercy ay nakahandang samahan ka sa iyong
pagpapatuloy sa pagliliwaliw sa mga bansa ng Silangang Asya.

Naalaala mo pa ba kaibigan ang ating natalakay sa nakaraang aralin? Tama!


Ito ay ang pagbabahagi mo ng sariling pananaw sa resulta ng iyong ginawang sarbey
tungkol sa tanong na “Alin sa mga babasahin ng Timog-Silangang Asya ang iyong
nagugustuhan? Napakagaling ng iyong pagbahagi sa nagugustuhan mong akda.
Nakakatuwa ang iyong ipinakitang galing sa pagpapahayag na gamit ang ekspresyong
nagpapahayag ng katotohanan tulad ng totoo, talaga, tunay at iba pa.
Ngayon handa ka na ba kaibigan sa bagong aralin? Magaling! Gagalugarin mo
ang bansa ng mga Hapon at aalamin ang kanilang akda na Tanka at Haiku
pagkatapos suriin mo kung paano nila binibigkas ang mga ito.

Bago tayo magpapatuloy gusto ko lang malalaman kung nararanasan mo na


bang hindi mo mauunawaan ang iyong kausap? O dili kaya’y ang iyong binabasa?
Madalas ito ang pangunahing dahilan kung bakit nagkakaroon tayo ng di
pagkakaintindihan sa komunikasyon. Ang tamang pagbigkas ng mga salita ay
malaking tulong para maipaabot mo ang angkop na mensahe at magiging malinaw
ang layunin at damdaming nais mong ipabatid sa iyong mga kausap.

Ang modyul na ito ay naglalayong linangin ang iyong kakayahan na suriin ang
tono ng pagbigkas ng napakinggang Tanka at Haiku. May mga salita kasi na
magkapareho ang baybay ngunit magkaiba pala ang kahulugan kapag binibigkas.

Kaya nga sa pagtatapos ng paglalakbay natin inaasahan ko na magagawa mo


ang kasanayang:
Nasusuri ang tono sa pagbigkas ng napakinggang tanka at haiku.

Subukin

Maghanda kaibigan. Susubukan muna natin kung mayroon ka ng nalalaman tungkol sa


ating aralin.
Panuto: Piliin mo ang naaangkop na tono/ damdamin at layunin ng tagapagsalita sa
sumusunod na taludtod ng haiku o tangka. Piliin ang titik ng tamang sagot at isulat
sa iyong sagutang papel:
1. Umulan ba kahapon?
a. nagtatanong c. nagpapahayag
b.nag-aalinlangan d. nagbubunyi

2. Ikaw ba talaga iyan?


a.nag-aalinlangan c. naninigurado
b. nagtatanong d. nananabik
3. Nakapasa ako!
a. masaya c. nagpapahayag
b. nagtatanong d. nagsasalaysay
4. Oo, Masaya akong masaya ka.
a. nagpapahayag c.nag-alinlangan
b. naninigurado d. nagkukwento
5. Tumutukoy sa pagtaas –pagbaba ng tinig sa pagbigkas ng mga salita.
a. intonasyon c. diin
b. antala d. hint0

Aralin
Pagsusuri ng Tono
1

Susuriin mo na ngayon, ang mga akdang mula sa Japan na lubhang mahirap para sa
ating mga Pilipino dahil hindi natin kabisado o pamilyar ang kanilang tono at punto
sa pagsasalita. Gayun pa man ating sisikaping pag-aaralan ang kanilang akda na
Tanka at Haiku pero bago tayo magpatuloy halika’t samahan mo akong alalahanin
ang nagdaang aralin.

Tuklasin
Sa pagkakataong ito kaibigan tutuklasin mo ang iyong galing sa
pagbasa o pagbigkas ng tanka at haiku pagkatapos aalamin mo kung
ano ang layunin ng sumulat nito. Umpisahan mo na!

Panuto: Basahin mo ang bawat Tanka at haiku. Suriin ayon sa paksa at mensaheng
nais ipabatid nito. Isulat sa sagutang papel ang iyong sagot batay sa pormat sa ibaba
Tanka Haiku
Katapusan ng aking Paglalakbay Tutubi
ni Oshikochi Mitsune ni Gozalo K. Flores
Isinalin sa Filipino ni M.O. Jocson
Hila mo’t tabak
Napakalayo pa nga Ang bulaklak nanginig
Wakas ng Paglalakbay Sa paglapit mo.
Sa ilalim ng Puno
Tag-init noon
Gulo ang isip.

Naghihintay Ako Anyaya


ni Prinsesa Nukada ni Gozalo K. Flores
Isinalin sa Filipino ni M.O. Jocson
Ulilang damo
Naghihintay ako, oo Sa tahimik na ilog
Nanabik ako sa’yo Halika, sinta
Pikit-mata nga ako
Gulo sa dampi
Nitong taglagas.

Pamagat Paksa Mensahe


Tanka
Naghihintay Ako
Katapusan ng Aking
Paglalakbay
Haiku
Tutubi
Anyaya

DAPAT MONG TANDAAN KAIBIGAN NA …

TONO/Damdamin LAYUNIN

1.Pababa Kapag ang tinatanong ay hindi nasasagot ng oo o hindi

halimbawa Ano po ba ang samahan ng bansang nagkakaisa?


2.Pataas Kapag ang pangungusap na patanong ay hindi nagsisimula
sa panghalip na pananong at nasasagot ito ng Oo o Hindi.

halimbawa Kasama po ba ang Pilipinas sa naglockdown dahil sa COVID


19?

3.Katiyakan Tiyak ang isinasaad ng ganitong tono ng pagsasalita, lalo


pa kung ginagamit sa pagsagot sa tanong.

halimbawa Oo

4.Nakabitin Ang tono ay nagsasabing mayroon pang karagdagang


sasabihin ang nagsasalita.

halimbawa Ang mga Pilipino ...

5.Pag-aalinlangan Nagsasaad ng walang katiyakan ang tono ng pagsasalita.

halimbawa Baka matutuloy ang lakad natin mamaya.

Tayahin
Subukan natin ang galing mo kaibigan!

Panuto: Pagpipili: Basahing mabuti ang bawat tanong at isulat sa sagutang papel ang
titik na may tamang sagot.
1. Ano sa tingin mo ang mangyayari kung hindi nabigyan ng saglit na pagpigil sa
pagsasalita ang isang tao?
a. Mas maganda ang pagsasalita
b. Magiging malinaw ang pagsasalita
c. Hindi magiging malinaw ang mensaheng nais ipahiwatig
d. Magkakaroon ng pagpapalitan ng pagsaslita

2. Ano ang ibig sabihin ng salitang BUhay ayon sa pagbigkas nito?


a. Humihinga pa
b. May buhay
c. Kapalaran ng tao
d. Kaya pang gumawa ng kahit anong bagay

3.Saan ka nakatira? Ano ang layunin ng pangungusap?


a. Nagtatanong
b. Nag-alinlangan
c. Naghahamon
d. Nagpapahayag
4.Hindi, siya ang kababata ko. Ano ang layunin ng nagsasalita?
a. Nagpapaalaala
b. Naglilinaw
c. Nagpapaliwanag
d. Nagtatanong
3. “Ikaw ang dapat sisihin sa lahat ng ito!” Ano ang tonong ginamit ng ngsasalita?
a. Nagagalit
b. Naiinis
c. Nanghihina
d. Nanumbat
Panuto: Tukuyin ang wastong tono ng bawat pahayag batay sa layunin nito. Maaaring
gamitin ang bilang 1 sa mababa, bilang 2 sa katamtaman, at bilang 3 sa mataas.

6.Kanina = ______________________ pag-aalinlangan


7.Mayaman= ______________________ pagtatanong
8.Magaling= _______________________ pagpupuri
9.Kumusta= _______________________ na masaya
10.Ayaw mo= ______________________ paghamo

Suriin

Ano nga ba ang Haiku?


Ginawa noong ika-15 siglo ang tulang haiku ng mga Hapon.
Mas maikli si haiku dahil may 17 bilang ng pantig na may tatlong linya lamang:
5-7-5 / 5-5-7 na pantig sa bawat linya. Paksa nito’y ukol sa kalikasan at pag-ibig.
HALIMBAWA:
I. Bayan kong mahal =5
Buhay ay ibibigay =7
Iyan ay tunay =5

II. Wala ng iba =5


Ikaw lamang at ako =7
Pang habang buhay =5

III. Kung umaraw man =5


O kaya’t ay uulan =7
Hindi sasablay =5

IV. Munting sinta ko =5


Ikaw na ang tahanan =7
Ang aking mundo =5

I. Ba-yan kong ma-hal =5


Bu-hay ay i-bi-bi-gay =7
I-yan ay tunay =5
_________
Kabuuang pantig-----17

Halimbawa ito ng Haiku, binubuo ng tatlong linya at bawat linya/taludtod ay


may 5-7-5 na pantig kaya may kabuuang 17 na pantig ang bawat saknong.

TANDAAN: Pwede magkapalit-palit ang bilang ng pantig sa bawat linya o


taludtod, ngunit kailangang tama ang kabuuan nito sa bawat saknong sa
Haiku-17 na pantig.
Halimbawa: 7-5-5 o 5-7-5 o 5-5-7

Ngayon kaibigan ano naman si Tanka?


Naunang nagawa si Tanka. Ikawalong siglo ito ginawa. Siya ay binubuo ng 31
na pantig na may 5 linya: 7-7-7-5-5 / 5-7-5-7-7 na pantig sa bawat taludtod.
Paksa nito’y ukol sa pagbabago, pag-ibig at pag-iisa.
HALIMBAWA:
I. Ako’y gutom na =5
Para sa pagbabago =7
Ng ating bayan =5
Para sa ating bukas =7
Para sa kabataan =7

II. Walang magawa =5


Ika’y nasa puso na =7
At di aalis =5
Habang tumitibok pa =7
O, ang mahal kong sinta =7

III. Araw na mulat=5


Sa may gintong palayan =7
Ngayon taglagas =5
Di ko alam kung kelan =7
Puso ay titigil na =7

I. A-ko’y gu-tom na =5
Pa-ra sa pag-ba-ba-go =7
Ng a-ting ba-yan =5
Pa-ra sa a-ting bu-kas =7
Pa-ra sa ka-ba-ta-an =7
________
Kabuuang pantig --------------31
Halimbawa naman ito ng Tanka dahil binubuo ito ng 5 linya at bawat
linya/taludtod ay may 5-7-5-7-7 na pantig kaya may kabuuang 31 na
pantig ang bawat saknong.

TANDAAN: Pwede magkapalit-palit ang bilang ng pantig sa bawat linya o


taludtod, ngunit kailangang tama ang kabuuan nito sa bawat saknong sa
Tanka ay 31 na pantig.
Halimbawa: 7-7-7-5-5 o 5-7-5-7-7 o 5-5-7-7-7

Pagyamanin
Sa bahaging ito masusubok natin ang inyong kaalaman sa paksang tinatalakay
natin, sagutin mo ng magkasunod-sunod ang mga gawain.

Gawain 1.1 PAGHAMBINGIN

Panuto:
Mula sa binasang isang tanka at haiku sa pahinang 7-8, isa-isahin ang pagkakaiba
at pagkakatulad ng mga ito batay sa kayarian o pagkabuo.

TANKA at HAIKU

TANKA HAIKU

PAGKAKATULAD
PAGKAKAIBA PAGKAKAIBA

Gawain 1.2 Subukan Mo!

I. Isulat ang TAMA kung tama ang pahayag at MALI kung mali. Isulat
ang tamang sagot sa puwang bago ang bilang.

_____1. Haiku ay binubuo ng 31 ka pantig at may 5 linya.


_____2. Tanka ay nabuo naman noong ika-8 na siglo.
_____3. Ang tanka ay binubuo ng 17 ka pantig at may 3 linya lamang.
Isaisip

Tandaan ang mga mahahalagang kaalaman na ito, patunay na nalinang at


nahasa mo ang kasayan sa modyul na ito.

TANKA AT HAIKU
-ay ilang anyo ng tula na pinahahalagahan ng panitikang Hapon.
Sa mga tulang ito layong pagsama-samahin ang mga ideya at imahe sa
pamamagitan ng kakaunting salita lamang.
-mahalagang maunawaan ng babasa ng haiku at tanka ang
kultura at maniniwala ng mga Hapon upang lubos na mahalaw ang
mensaheng nakapaloob sa tula.

HAIKU
 Mas pinaikli sa tanka
 Ginawa noong ika-15 siglo
 17 ang bilang ng pantig na may tatlong taludtod o linya
 Maaaring ang hati ng pantig sa mga taludtod ay: 5-7-5 o maaaring magkapalit-
palit din na may kabuuan ng pantig ay 17 pa rin
 Paksa: kalikasan at pag-ibig
 Nagpapahayag ng masidhing damdamin

TANKA
 Maikling tula na puno ng damdamin
 Nagawa noong ikawalong siglo
 Nagpapahayag ng emosyon
 Karaniwang paksa ang pagbabago, pag-iisa at pag-ibig
 31 ang tiyak na kabuuan na bilang ng pantig na nahahati sa 5 taludtod o linya
 Tatlo sa mga taludtod o linya ang may tig 7 bilang ng pantig samantalang tig 5
pantig naman ang dalawang taludtod o maaaring magkapalit-palit
 Naging daan ang tanka upang magpahayag ang damdamin ng
dalawang nagmamahalan
 Ginamit sa paglalaro ng mga aristocrat

GAWAIN 2

Panuto: Piliin ang titik ng tamang sagot at isulat sa sagutang papel.

1. Magkatulad ang Tanka at Haiku sa paksang pag-ibig at nagpapahayag ng ____.


a. matinding pag-unlad b. matinding damdamin
c. pag-iisa d. pagbabago
2. Tulang mula sa Hapon na binubuo ng 31 na pantig.
a. Ambahan b. Haiku c. Tanaga d. Tanka
3. Paano mo malaman na Haiku ang tula?
a. May tatlong taludtod na binubuo ng 17 pantig na may pardon
na 5-7-5 o 5-5-7 o 7-5-5
b. May tatlong taludtod na binubuo ng 18 pantig na may pardon
na 10-4-4 o 5-5-8 08-4-6
c. May tatlong taludtod na binubuo ng 12 pantig na may pardon
na 4-4-4 o 8-2-2 o 2-8-2
d. May tatlong taludtod na binubuo ng 14 pantig na may pardon
na 5-4-5 o 4-5-5 o 5-5-4
4. Ano ang kinaiiba ng Tanka sa Haiku?
a. Tula na may limang taludtod, binubuo ng 7-5-7-5-7 na pantig
b. Tula na may tig-5 taludtod ang bawat saknong at may pitong pantig
c. Tula na may apat na taludtod at binubuo ng walong pantig
d. Tula na may 5 na taludtod ang bawat saknong na may 7-7-7-7-7 na
pantig

5. Ano ang paksa ng kasunod na haiku?


I. Iyong galangin,
Ang asawa’y yakapin
Huwag bugbugin.
II. Huwag nang buksan,
Lahat ng nakaraan
Walang sumbatan.
III. Planong pamilya,
Ay dapat ginawa
Ng mag-asawa.
a. Buhay may asawa b. Ang pag-aasawa
c. Pagpaplano ng Pamilya d. Pag-aaruga ng pamilya

6. Ang tula sa itaas ay binubuo ng ilang taludtod o linya ang bawat saknong?
a. apat b. pito c. labimpito d. tatlo
Para sa bilang 7-9
Payapa at tahimik
Ang araw ng tagsibol
Maaliwalas
Bakit ang Cherry Blossoms
Naging mabuway.
7. Anong uri ng katutubong tula ng mga Hapon ang nasa itaas?
a. Ambahan b. Haiku c. Tanaga d. Tanka

8. Ang kabuuan ng bilang pantig sa saknong ay ________.


a. 21 b. 35 c. 31 d. 25
9. Ilang pantig sa bawat taludtod?
a. 5-7-5-7-7 b. 7-7-5-7-5 c. 5-7-5-7-7 d. 7-7-7-5-5
10. Ito ay tumatalakay tungkol sa anong paksa?
a. Pagsisimula ng taglamig b.Pagsisimula ng Tagsibol
c. Taglamig na d. Tagsibol na

ay na papel lagyan ng desinyo na may kaugnayan sa nilalaman nito. Ibigay mo sa iyong


magulang at ipabasa.

Binabati kita!
Matagumpay mong naisagawa ang mga gawain sa araling ito. Kung may hindi
ka pa lubos na naunawaan sa paksa, ay maaari mong balikan ang modyul na ito o di
kaya’y magtanong sa iyong guro.
Tandaan, ang nagtatanong ay nagpapahayag ng pagnanais na matuto. Kung
malinaw na sa iyo ang lahat ay maaari ka nang magpatuloy sa iyong paglalakbay.

Sanggunian

MGA AKLAT:
ROMULO N. PERALTA, DONABEL C. LAJARCA, ERIC O. CARIÑO, et. al. Ang
Panitikang Asyano- Filipino 9, Vibal Group, Inc. 2014
WILLITA A. ENRIJO, ASUNCION B. BOLA, ARLENE B. MANIQUIS, et, al. Panitikang
Pilipino- Filipino 8, Unang Edisyon, 2013

INTERNET SOURCE:
Ki. (2020, Febuarary 8). Halimbawa Ng Tanka: 5+ Halimbawa Ng Mga Tanka. Retrieved from
https://philnews.ph/2020/02/08/halimbawa-ng-tanka-5-halimbawa-ng-mga-tanka/

Ki. (2020, Febuarary 6). Haiku Tagalog: Halimbawa Ng Mga Haiku Sa Tagalog. retrieved from
https://philnews.ph/2020/02/06/haiku-tagalog-halimbawa-ng-mga-haiku-sa-tagalog/

Ki. (2020, Febuarary 8).Tanka At Haiku: Mga Halimbawa At Kahulugan Nito. Rertrieved from
https://philnews.ph/2020/02/08/tanka-at-haiku-mga-halimbawa-at-kahulugan-nito/

RcCarlNatad1. (2018, August 27). Kaligirang pangkasaysayan ng tanka at haiku. Retrieved from
https://www.slideshare.net/RcCarlNatad1/kaligirang-pangkasaysayan-ng-tanka-at-haiku-111701741

Scarlet_Letter. Writing Quill Books. Retrieved from https://pixabay.com/illustrations/writing-quill-books-


1043622/

You might also like