Aralin 5
Aralin 5
Aralin 5
Dignidad ng Tao,
Pangangalagaan Ko
Sa araling ito, inaasahang
malalaman ang sumusunod:
– 1. Mga pangkat na nagtataguyod at nagpapahalaga sa
dignidad ng tao.
– 2. Ang pag- aangat hindi lamang ng pansariling dignidad
kundi pati na ng kalakhang mamamayang Pilipino.
– 3. Ang kahalagahan ng paggalang sa dignidad ng tao.
– Nang likhain ng Diyos ang tao, tiniyak Niya na
natatangi ito. Tulad ng natutuhan natin sa mga
nakaraang aralin, nabatid natin na may kaloob sa atin
ang Diyos na nagpapatotoo na ang tao ay naiiba at
natatanging nilikha dahil sa mga kaloob na ito.
– Ang dignidad ay katangi tangi dahil sa Diyos
mismo nanggaling ito, at dahil ditto
nagkaroon ng kabuluhan ang buhay at
pagkatao natin.
– Lahat ng tao, bata o matanda, mahina o
malakas, mayaman o mahirap, ay may
angking dignidad na kailanman ay hindi
maaalis at hindi dapat labagin.
Tuklasin
– Pangunahing pagpapahalaga sa
pangangalaga at pagpapaangat ng dignidad
ng tao ay paggalang.
– Ayon sa cognitive psyvchologist na si Piaget,
nagsisimulang malinang ang paggalang ng tao sa
murang edad na lima, kung kalian natutuhan
niyang sundin at igalang ang mga alituntuning
ginagamit sa paglalaro.
– Sa panahon ng pagbibinata at pagdadalaga, lalo na sa mga
mag- aaral na nasa high school, ang kalinangang
pangmoral ay gumugulang narin, at ang mga mag- aaral ay
mayroon na ring kakayahang isakilos ang hinihingi o
idinidikta ng isip, kilos- loob, katwiran, at konsiyensya.
– Kaya sa panahong ito, ang mga angkop na
pagkilos tungo sa pagbibigay- galang o
paggalang sa sarili at kapuwa ay angkin na ng
bawat mag- aaral.
Ang ilang indicator ng kilos na may
paggalang ay ang sumusunod:
– 1. Mapitagang pakikinig sa sinasabi ng kapuwa.
– 2. Mataas na pagtingin at positibong palagay sa pagkatao ng iba.
– 3. Pagtanggap sa kalakasan at kahinaan ng iba.
– 4. Paggalang sa desisyon ng napagtibay na awtoridad.
– 5. Pagpapakita o paggamit ng kagandahang asal.
– 6. Pag iwas gumamit ng mararahas na salita.
– 7. Pagtupad sa pangako sa halip na balewalain ito.
– 8. Pagsisikap na Makita ang pananaw ng kabilang panig.
Pagtibayin
May Likas na Dignidad ang Tao