Aralin 4
Aralin 4
Aralin 4
KAWASTUHANG PAMBALARILA
KAWASTUHANG PAMBALARILA
Ito ay kaalaman at paggamit sa wastong mga salita, pasulat man
o pasalita upang maging malinaw at tama ang isang
pagpapahayag.
NANG-NG
NANG
1. Ang nang ay katumbas ng salitang “when” sa Ingles.
Halimbawa:
Nang ako’y dumating sa bahay, nagising ang mga bata.
Ako ay nasa bahay na nang mabatid kong naiwan ko pala ang
aking pitaka.
NANG
2. Ang nang ay katumbas ng “so that” o “in order to” sa
Ingles.
Halimbawa:
Makisama tayong mabuti sa ating kapwa nang tayo ay
lumigaya.
Iwasan mo ang paglalaro at mag-aral kang mabuti nang ikaw
ay makapasa.
NANG
3. Ang nang ay ginagamit sa pang-abay na pamaraan.
Halimbawa:
Umiyak ako nang malakas sa aking kuwarto.
Tumakbo nang matulin si Robert papunta sa akin.
NANG
4. Ang nang ay ginagamit sa mga salitang inuulit sa
pangungusap.
Halimbawa:
Huwag kang lakad nang lakad.
Kahit madilim ay basa pa rin nang basa ang masipag na si
Ana.
NG
1. Ang ng ay katumbas ng “of” sa Ingles.
Halimbawa:
Si Mang Manding ang puno ng aming samahan.
Makulay na ipinagdiriwang ng mga Pilipino ang Araw ng
Kalayaan.
NG
2. Ang ng ay katumbas ng “with” sa Ingles o kaya ay ginagamit
bilang pantukoy.
Halimbawa:
Ang liham ay ginawa ng may pagmamahal.
Ako ay hinirang na Mutya ng Tarlac.
Ang kabataan ay pag-asa ng bayan.
Ang Wikang Pambansa ng Pilipinas ay Filipino.
Si Manuel L. Quezon ay “Ama ng Wikang Pambansa”.
NG
3. Ang ng ay ginagamit bilang katumbas ng “by” sa Ingles.
Halimbawa:
Ang nobela ay binabasa ng mag-aaral.
Ang gulay ay kinakain ng pamilya ni Robert.
NG
4. Ang ng ay gumaganap bilang isang pang-ukol.
Halimbawa:
1. Sa ilalim ng puting ilaw.
2. Sa tabi ng matandang puno na iyon kami nagkatagpo.
PILIIN MO AKO!
Panuto:
1. Hahatiin ang klase sa anim na pangkat.
2. Ang bawat pangkat ay pipili ng isang kinatawan upang
sumulat ng kanilang sagot/magsagot.
3. Ang sinumang grupo ang makakuha ng pinakamataas na
puntos ay ang siyang magkakamit ng karagdagang limang
puntos sa pagsusulit.
NANG – NG
1. Iniabot niya (ng, nang) patingkayad ang dumi sa ibabaw
ng tukador.
2. Ang Wikang Pambansa (ng, nang) Pilipinas ay Filipino.
3. (Ng, Nang) isilang ka sa mundong ito, laking tuwa ng
magulang
4. Ang balon (ng, nang) tubig ay tuyo na.
5. Kumuha siya (ng, nang) malamig na tubig.

KUNG-KONG
KUNG
1. Ito ay ginagamit kung may kondisyon.
Halimbawa:
Kami ay hindi agad matutulog kung kayo ay tiyak na
darating.
Kung tayong lahat ay magmamahal sa Wikang Filipino ay
lalong uunlad ang Pilipinas.
K0NG
1. Ay nanggaling sa panghalip na panaong “ko” at inangkupan
lamang ng “ng.”
Halimbawa:
Lagi kong ginagamit ang wikang Filipino sa pakikipag-usap.
Ang nais kong gawin mo ay gaya ng ginawa ng iyong ama.
KUNG - KONG
1. Ang bago (kung, kong) kotse ay maganda.
2. (Kung, Kong) pupunta sina Maria sa inyo, pupunta na rin
ako.
3. Ako ay manunuod ng sine (kung, kong) walang pasok
bukas.
4. (Kung, Kong) ‘di ka sisipot sa ating lakad ay
magtatampo ako.

MAY-MAYROON
MAY
Ginagamit ang may kung ito’y sinusundan ng mga sumusunod:
1. Pangngalan
2. Pandiwa
3. Pang-uri
4. Panghalip na Paari
5. Pantukoy na Mga
6. Pang-ukol na Sa
MAY
Halimbawa:
1. May prutas (pangngalan) siyang dala.
2. May kumakatok (pandiwa) sa labas.
3. May matalino (pang-uri) siyang anak.
4. May kanila (panghalip na paari) silang ari-arian.
5. May mga (pantukoy) lalaking naghihintay sa iyo.
6. May sa-ahas (pang-ukol) pala ang kaibigan mo.
MAYROON
Ginagamit ito kapag sinusundan ng mga katagang (nga, bang,
kaya) o panghalip na panao sa kaukulang palagyo (siya,
kayo, kami at iba pa).
Halimbawa:
Mayroon ba siyang pasalubong?
Sa kaniyang bayan ay mayroon siyang tapat na
pagmamahal.
MAYROON
Nangangahulugang “mayaman.”
Halimbawa:
Ang pamilya ni Carol ay mayroon sa kanilang lalawigan.
Siya lamang mayroon sa aming magkakapatid.
MAYROON
Ginagamit bilang pantugon sa tanong.
Halimbawa:
Tanong: May tsokolate pa bang natira?
Sagot: Mayroon!
MAY - MAYROON
1. Ang Pilipinas ay (may, mayroon) magandang
kasaysayan.
2. (May, Mayroon) kaming pasok sa opisina tuwing
linggo.
3. (May, mayroon) inaasahang bukas ang mga taong
masipag.
4. Sa ngayon ay (may, mayroon) hindi nakakaunawa.
5. (May, Mayroon) ba akong pag-asa sa iyo?

SUBUKIN-SUBUKAN
SUBUKIN
Paggawa, pagtikim, pagkilatis at pagsubok ng isang bagay.
Halimbawa:
Subukin nating mamili sa bagong bukas na Department
Store kung maganda ba ang kanilang mga produkto.
Susubukin kong lumikha ng sarili kong kuwento.
SUBUKAN
Ay nangangahulugan ng pag-espiya sa isang tao, kung ano ba
ang kinikilos nito.
Halimbawa:
Subukan mong sumunod sa kanila, at baka kung ano lang
ang kanilang ginagawa doon.
Subukan mo ngang tingnan ang ginagawa ni Melisa sa loob
ng kwarto.
SUBUKIN - SUBUKAN
1. Susundan ko si Mister bukas. (Susubukin,Susubukan) ko kung
siya nga ay may kulasisi.
2. (Susubukin, Susubukan) kong mag-aral lumangoy ngayong
bakasyon.
3. Tayo nang (subukin,subukan) ang ginagawa ng mga mag-aaral
sa palaruan.
4. (Subukin, subukan) mo kung matibay nga ang binili kong
sinulid.
5. Tayo nang (subukin, subukan) kung matamis ang mga
lanzones na dala ng Tatay.
SUBUKIN - SUBUKAN
1. Susundan ko si Mister bukas. (Susubukin,Susubukan) ko
kung siya nga ay may kulasisi.
2. (Susubukin, Susubukan) kong mag-aral lumangoy ngayong
bakasyon.
3. Tayo nang (subukin,subukan) ang ginagawa ng mga mag-
aaral sa palaruan.
4. (Subukin, subukan) mo kung matibay nga ang binili kong
sinulid.
5. Tayo nang (subukin, subukan) kung matamis ang mga
lanzones na dala ng Tatay.
SUNDIN-SUNDAN
SUNDIN
Ang sundin (to obey) ay nagsasaad ng pagsunod sa isang
utos.
Halimbawa:
Sundin mo ng maluwag sa puso ang mga panuntunan ng
paaralan.
Unawain mo munang mabuti ang mga panuto na nakasulat
bago mo sundin.
SUNDAN
Ang sundan (to follow) gayahin o pumunta sa pinuntahan ng
iba.
Halimbawa:
Sundan mo ang mga mabuting gawa upang ikaw ay hindi
mapariwara.
Walang masama kung susundan mo ang yapak ng iyong
kaanak.
SUNDIN - SUNDAN
1. (Sundin, Sundan) mo ang utos ko kung hindi ipapatapon kita
sa bilangguan.
2. (Sundin, Sundan) mo ang lagi kong inihahabilin sayo upang
hindi ka mapahamak.
3. (Sundin, Sundan) mo siya, baka may kalaguyo siya.
4. Sandali, at (susundin, susundan) ko siya upang matiyak ko na
nagsasabi siya ng totoo.
5. Bumalik ka lang sa akin, (susundin, susundan) ko lahat ng nais
mo.
SUNDIN - SUNDAN
1. (Sundin, Sundan) mo ang utos ko kung hindi ipapatapon kita
sa bilangguan.
2. (Sundin, Sundan) mo ang lagi kong inihahabilin sayo upang
hindi ka mapahamak.
3. (Sundin, Sundan) mo siya, baka may kalaguyo siya.
4. Sandali, at (susundin, susundan) ko siya upang matiyak ko na
nagsasabi siya ng totoo.
5. Bumalik ka lang sa akin, (susundin, susundan) ko lahat ng
nais mo.
PAHIRIN/PUNASIN
PAHIRAN/PUNASAN
PAHIRIN/PUNASIN
Nangangahulugang pagbubura o paglilinis sa isang bagay na
nakapahid.
Halimbawa:
• Pahirin/Punasin mo nga muna ang sarili mong dumi bago
mo pahirin ang sa iba.
• Pahirin/Punasin mo nga ng basang basahan ang pisara.
PAHIRAN/PUNASAN
Nangangahulugang paglalapat ng isang bagay sa tamang lugar.
Halimbawa:
Pahiran/Punasan mo ng alcohol ang sugat ni Elvis para
gumaling.
Pahiran/Punasan mo ng gaas ang kahoy para madaling
magliyab.
PAHIRIN - PUNASAN
1. Aking (papahirin, papahiran) ang luha sa iyong mga mata,
giliw.
2. (Pahirin, Pahiran)mo ang sipon sa ilong ng iyong kapatid.
3. (Pahirin, Pahiran) mo ng mantikilya ang aking tinapay.
4. Aking (papahiran, papahiran) ng pampakintab ang aking mesa.
5. Tayo nang (pahirin, pahiran) ang natapong grasa sa mesa.
PAHIRIN - PUNASAN
1. Aking (papahirin, papahiran) ang luha sa iyong mga mata,
giliw.
2. (Pahirin, Pahiran)mo ang sipon sa ilong ng iyong kapatid.
3. (Pahirin, Pahiran) mo ng mantikilya ang aking tinapay.
4. Aking (papahirin, papahiran) ng pampakintab ang aking mesa.
5. Tayo nang (pahirin, pahiran) ang natapong grasa sa mesa.
WALISIN-WALISAN
WALISIN
Ang walisin (sweep the dirt) kung tumutukoy sa bagay na aalisin
o lilinisin.
Halimbawa:
Walisin mo nga ang kalat sa paligid ng halamanan.
Walisin mo nga ang mga punit-punit na papel diyan.
WALISAN
Ang walisan (to sweep the place) ay tumutukoy naman sa lugar.
Halimbawa:
Walisan mo nga ang bakuran!
Paki-walisan mo nga ang bahay.
WALISIN - WALISAN
1. (Walisin, Walisan) mo ang mga tuyong dahon sa bakuran.
2. Aking (wawalisin, wawalisan) ang silid-aklatan dahil may
bibisita bukas.
3. Tumayo ka na diyan at (walisin, walisan) mo ang balat ng
prutas sa iyong mesa.
4. (Walisin, walisan) natin ang sala dahil uuwi na si inay maya-
maya.
5. (Walisin, Walisan) mo ang ating mansyon.

BUMANGON-MAGBANGON
BUMANGON-MAGBANGON
Ang bumangon ay ang nangangahulugan ng salitang gumising
habang ang magbangon ay nangangahulugang magtatag o
magtayo.
Halimbawa:
Bumangon kana Mario, mahuhuli ka na sa klase.
Ang ating bansa ay nahihirapan magbangon dahil sa
mababang ekonomiya.
BUMANGON - MAGBANGON
1. (Magbangon, Bumangon) na ba si ate?
2. Tulungan mo kaming (magbangon, bumangon) ng mga haligi
para sa aming bahay.
3. (Babangon, magbabangon) tayo ng maaga bukas.
4. (Bumangon, magbangon) ng kamalayan ang bagong
henerasyon upang umunlad!
5. Kanina ka pa nakahilata diyan, (bumangon, magbangon) ka na!
BUMANGON - MAGBANGON
1. (Magbangon, Bumangon) na ba si ate?
2. Tulungan mo kaming (magbangon, bumangon) ng mga haligi
para sa aming bahay.
3. (Babangon, magbabangon) tayo ng maaga bukas.
4. (Bumangon, magbangon) ng kamalayan ang bagong
henerasyon upang umunlad!
5. Kanina ka pa nakahilata diyan, (bumangon, magbangon) ka
na!
NAGPAKASAL-NAPAKASAL
NAGPAKASAL
Nagpakasal ay ang pagtataling-puso na pinagplanuhan at
nagkasundo na maging isa.
Halimbawa:
Makalipas ang ilang taon sa wakas ay nagpakasal na rin
sina Nadia at Ron.
Matapos ang matagal na paghihintay ni Liza kay Roy ay wa
wakas at nagpakasal na sila.
NAPAKASAL
Hindi plinano o kadalasan ito ay dala ng hindi inaasahang
pangyayari o dala ng isang pananakot.
Halimbawa:
Napakasal si Julio kay Maria dahil sa utos at pagkatakot niya
sa kaniyang mga magulang.
Hindi ko inaasahang napakasal ang taong iyan sa isang
artista.
NAGPAKASAL - NAPAKASAL
1. (Napakasal, Nagpakasal) na ang magkasintahang matagal ng
nagsasama.
2. (Napakasal, Nagpakasal) na sina Dingdong at Marian.
3. Ha?! (Napakasal, nagpakasal) siya sa lalaking iyon ng ganoon
lamang?
4. Ang nag-iibigang magkasintahan na si Lolo at Lala ay
(napakasal, nagpakasal) ng wala sa oras dahil sa kahilingan ng
mga magulang nila.
5. (Napakasal, nagpakasal) na kami ng madami-dami na ang
aming ipon.

IKIT-IKOT
IKIT-IKOT
1. Ang ikit ay palapit sa gitna.
2. Ikit bilang pangngalan
Kapuna-puna ang ikit niya.
Huwag mong madaliin ang ikit upang hindi mabuhol.
3. Ikit bilang pandiwa
Mamaya ay iikit ko ito.
Iikit ko siya.
IKIT-IKOT
1. Ang ikot ay palayo sa gitna.
2. Ikot bilang pangngalan
Mabagal ang ikot.
Kahanga-hanga ang ikot ng sayaw ninyo.
3. Ikot bilang pandiwa
Iikot mo siya habang naglalakad.
Umiikot kami palabas ng kampus.
IKIT - IKOT
1. Nakatatlong (ikit, ikot) muna sila bago nila natunton ang daan
patungo sa loob ng kuweba.
2. (Umikit-ikit, Umikut-ikot) muna sila sa loob nito bago nila nakita
ang daan palabas.
3. (Nagpaikit-ikit, nagpaikot-ikot) kami ni Lala sa loob ng
paliparan, subalit hindi naming siya nasulyapan.
4. Iindahin ko ang ilang (ikit, ikot) mapalapit lamang sa loob ng
puso mo.
5. Bilisan mo ang (ikit, ikot) ng lubid upang mas lalong humigpit.

HAGIS AT IHAGIS
HAGIS-IHAGIS
Ang hagis ay isang malapangngalan na ‘di maaaring pandiwa,
samantalang ang ihagis ay isang pandiwang pautos.
Halimbawa:
Ang hagis ng bola ay sobrang lakas.
Padating na ang kalaban kaya ihagis mo ang baril.
HAGIS - IHAGIS
1. (Hagis, Ihagis) mo ang bola sa akin.
2. Ang (hagis, ihagis) ng patalim ay papunta sa akin.
3. (Hagis, ihagis) mo na ang lambat at tiyak maraming isda ang
ating makukuha!
4. Alanganin ang (hagis, ihagis) ng bato kung kaya ay tumama ito
sa kaniyang mata.
5. (Hagis, ihagis) mo nga iyan papunta sa akin dahil tinatamad
akong tumayo.
HAGIS - IHAGIS
1. (Hagis, Ihagis) mo ang bola sa akin.
2. Ang (hagis, ihagis) ng patalim ay papunta sa akin.
3. (Hagis, ihagis) mo na ang lambat at tiyak maraming isda ang
ating makukuha!
4. Alanganin ang (hagis, ihagis) ng bato kung kaya ay tumama
ito sa kaniyang mata.
5. (Hagis, ihagis) mo nga iyan papunta sa akin dahil tinatamad
akong tumayo.
MAGSAKAY AT SUMAKAY
MAGSAKAY-SUMAKAY
Ang magsakay ay nagsasampa ng isang bagay, hayop at tao sa
isang sasakyan.
Magsakay ka ng tatlong sakong uling sa sasakyan.
Halimbawa:
Sila ang magkasamang gumagawa ng proyekto sa Filipino.
Sina Jerwin, Manuel, at Alvin ay mga magkakaibigan.
SILA - SINA
1. (Sila, Sina) ay nagmamahalan.
2. (Sila, Sina) Nomer at Gerlie ay sampung taong kasal na.
3. (Sila, Sina) ang mga dapat sisihin.
4. (Sila, Sina) Tito, Vic, at Joey ang mga paborito kong artista.
5. (Sila, Sina) ang mga kasama ko kahapon.

NILA - NINA
NILA-NINA
Ang nila ay hindi sinusundan ng pangngalan subalit ang nina
ay ginagamit bago ang maramihang pangalan ng tao.
Halimbawa:
Hindi nila natagpuan ang nawawalang aklat.
Sa bahay nina Jun-Mar kami nagtanghalian.
NILA - NINA
1. Ayaw (nilang, ninang) gumala sa kalye.
2. Inayos (nila, nina) Liza at Megan ang mesang kainan.
3. Gusto (nilang, ninang) magpadausdos sa palaruan.
4. Tiniyak (nila, nina) Ana, Karen, at Nina ang huli nilang pasya.
5. Bakit (nila, nina) hinayaang mapatayo ang New Clark City?

KILA - KINA
KILA-KINA
Walang salitang kila, at ang kina ay ginagamit bago ang
maramihang pangngalan ng tao.
KILA - KINA
1. Pakidala ang mga laruang ito (kina, kila) Benny at Laura.
2. Makikipag-usap ako (kina, kila) Vic at Thor.
KILA - KINA
1. Pakidala ang mga laruang ito (kina, kila) Benny at Laura.
2. Makikipag-usap ako (kina, kila) Vic at Thor.
RAW-DAW
RAW-DAW
Ang raw ay ginagamit kung ang nauunang salita ay
nagtatapos sa patinig at sa malapatinig na ‘w’ at ‘y.’
Ang daw ay ginagamit kung ang sinusundang salita ay
nagtatapos sa katinig maliban sa ‘w’ at ‘y.’
Halimbawa:
Papasa ka raw kapag gumawa ka ng proyekto.
Gumagalaw raw ang imahe ni Inang Maria sa Batangas.
Mataas daw ang kaniyang marka?
RIN-DIN
RIN-DIN
Ang rin ay ginagamit kung ang nauunang salita ay nagtatapos
sa patinig at sa malapatinig na ‘w’ at ‘y.’
Ang din ay ginagamit kung ang sinusundang salita ay
nagtatapos sa katinig maliban sa ‘w’ at ‘y.’
Halimbawa:
Wala rin mangyayari kung tatakasan mo ang problema.
Tuloy rin ang aming klase kahit may bagyo.
Malakas din ang buhos ng ulan kagabi.
RAW - DAW
1. May sayawan (daw, raw) sa plaza.
2. Bukas (daw, raw) sila darating.
3. Nagpunta (daw, raw) ang presidente sa ginagawang NCC.
4. Parehas (daw, raw) silang nagounta sa mall.
5. Sasama (daw, raw) siya sa akin.

DIN - RIN
1. Tumitibok (din, rin) ang puso ko kapag nakikita kita.
2. Nalulungkot (din, rin) ang mga katutubo sa Aranguren sa
tuwing nabubuksan ang usapin tungkol sa lupang sakahan.
3. Siya (din, rin) ay kasali sa paligsahan.
4. Mahal pa (din, rin) ni Abel ang kaniyang kapatid na si Gordon.
5. Siya pa (din, rin) ang dapat sisihin!

KUNG ‘DI - KUNDI
KUNG ‘DI - KUNDI
Ang kung ‘di ay galing sa salitang ‘kung hindi’ o if not sa
Ingles; ang kundi naman ay except.
Halimbawa:
Aalis na sana kami kung ‘di ka pa dumating.
Walang sinuman ang pwedeng manood kundi iyong may
mga tiket lamang.
PINTO - PINTUAN
PINTO - PINTUAN
Ang pinto (door) ay ang bahagi ng daanan na isinasara at
ibinubukas. Samantala, ang pintuan (doorway) ay ang
bahaging kinalalagyan ng pinto.
Halimbawa:
May kumakatok. Buksan mo nga ang pinto.
Natanggal ang pinto sa pintuan.
HAGDAN - HAGDANAN
HAGDAN AT HAGDANAN
Ang hagdan (stairs) ay ang baytang na inaakyatan at
binababaan. Samantala ang ang hagdanan (stairway) ay ang
bahaging kinalalagyan ng hagdan.
Halimbawa:
Nagmamadaling inakyat ni Marvin ang mga hagdan.
Natanggal ang hagdan sa hagdanan.
OPERAHIN - OPERAHAN
OPERAHIN-OPERAHAN
Ginagamit ang operahin kung ang tinutukoy ay ang tiyak na
bahagi ng katawan na titistisin. Ang operahan naman ay
tumutukoy sa taong sasailalim sa pagtitistis.
Halimbawa:
Ooperahin ang tiyan ni Bryan sa Sabado.
Ooperahan si Bryan sa Sabado.
HATIIN - HATIAN
HATIIN - HATIAN
Hatiin (to divide) – partihin
Hatian (to share) – ibahagi
Halimbawa:
Hatiin mo sa anim ang pakwan.
Hinahatian niya ng kanyang tinapay ang namamalimos na
bata.
IWAN AT INIWANAN
IWAN AT INIWANAN
Iwan (to leave something or somebody) – huwag isama
Iniwanan (to leave something to somebody) – bigyan
Halimbawa:
Iiwanan kita dahil may mahal na akong iba.
Iiwanan ko na ang mga ala-ala namin sa lugar na ito.
Iiwan ni Arnie ang kotse sa garahe.
Iniwanan ni Rene ng pera si Joy bago siya umalis.
TIGA - TAGA
TIGA - TAGA
Walang unlaping tiga! Taga ang dapat gamitin. Ginagamit ang
gitling sa unlaping taga-kung sinusundan ng pangngalang
pantangi.
Halimbawa:
Si G. Caniete ay taga-Bikol.
Taganayon ang magandang babaeng iyon.
SALAMAT