Pokus NG Pandiwa

Download as doc, pdf, or txt
Download as doc, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Pokus ng pandiwa

Pokus ang tawag sa relasyong pansemantika ng pandiwa sa simuno o paksa ng pangungusap. Naipapakita ito sa
pamamagitan ng taglay na panlapi ng pandiwa.

1. Tagaganap o aktor - ang pandiwa ay nasa pokus sa tagaganap kapag ang paksa ng pangungusap ang
tagaganap ng kilos na isinasaad sa pandiwa.
o Nanguna si Richard Gordon sa pagsulong ng turismong bansa.
2. Layon o Gol - ang pandiwa ay nasa pokus sa layon kung ang layon ay ang paksa o ang binibigyang-diin
sa pangungusap.
o Ginawa niya ang programang ito para sa ikakauunlad ng ating turismo.
3. Ganapan o Lokatib - ang pandiwa ay nasa pokus sa ganapan kung ang paksa ay ang lugar o ganapan ng
kilos.
o Pinagdarausan ng buwang-buwang eksibit ang Intramuros, Manila.
4. Tagatanggap o Benepaktibo - ito naman ay tumutuon sa tao o bagay na nakikinabang sa resulta o kilos
na isinasaad ng pandiwa.
o Ipinaghanda niya ng masarap na kakanin ang mga panauhin.
5. Gamit o Instrumental - ito ay tumutukoy sa kasangkapan o bagay na nakikinabang sa resulta ng kilos o
pandiwa na siyang paksa ng pangungusap.
o Ipinamili niya ang pera para sa eksibit.
6. Sanhi o Kusatib - ang pandiwa ay nakapokus sa sanhi kung ang paksa ay nagpapahayag ng dahilan o
sanhi ng kilos.
o Ikinatuwa ng Pangulo ang katagumpayan ng programang WOW.
7. Direksyunal - pinagtutuunan ng pandiwa ang direksyon o tinutungo ng kilos.
o Pasyalan natin ang WOW sa Intramuros.

Ito ay ang relasyon ng pandiwa sa simuno.

• Aktor. Nagtuturo na ang tagaganap o aktor ang siyang simuno ng pangungusap


o Nagsayaw ng limbo rock ang mga kalahok sa paligsahan sa programang Eat Bulaga.
• Layon. Ang paksa ng pangungusap ay ang layon.
o Ang basura ay ipinatapon niya sa basurahan.
• Ganapan. Ang lugar o pook ang ganapan ng kilos.
o Ang bakanteng lote ay tinataniman nila ng gulay.
• Tagatanggap. Ang simuno ang pinaglalaanan ng kilos.
o Ipagsasalok mo ng suka ang bisita para inumin nila..
• Gamit. Ang kasangkapan o bagay na ginagamit ang gagawa ng kilos.
o Ang abaka ay ipantatali niya sa duyan.
• Sanhi. Ang paksa ay nagpapahayag ng dahilan o sanhi.
o Ikinagagalak niya ang pagtanggap sa kanyang pag-ibig.
• Direksyon. Ang paksa ay nagsasaad ng direksyon ng kilos ng pandiwa.
o Ang Chocolate Hills ay pinuntahan nila.

You might also like