Filipino PPT 3

Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 49

Aralin 22:

Ang Mga Estudyante


Ang Mithiin ng
Kabataan
(Placido Penitente, Juanito Pelaez, Macaraig,
Pecson, Sandoval, Tadeo, Isagani, at Basilio)
Isang matalino at mabait na estudyante
Placido na napipilitan lamang mag-aral dahil sa
Penitente kagustuhan ng kaniyang ina,
Ang mga estudyante sa Ateneo ay bihis-Europeo, may
seryosong mukha, at may dalang makakapal na aklat.
Nakasuot-Pilipino ang mga taga-Letran at iilan lamang
ang dala-dala nilang aklat. Mas marami ang bilang ng
mga estudyante ng Letran kesa sa Ateneo. Ang mga
kolehiyala sa Escuela Municipal naman ay may
nakasunod ng mga alalay at malimit pagtinginan ng mga
estudyanteng lalaki. Sila ay mga masiyahin at may
makukulay na kasuotan.
Isang kuba at estudyante mestizo. Siya ay
kinagigiliwan ng kaniyang mga guro
sapagkat mahilig magbiro at magbigay
ng suhol. Kasama siya sa pagbuo ng
samahan ng mga estudyante na
Juanito humihiling na magkaroon ng Akademya
Pelaez ng Wikang Espanyol.

Sang-ayon sa plano ni Simoun, si Juanito


ay nakipagkasundong pakasal kay Paulita
Gomez, ang kasintahan ni Isagani.
Macaraig

Ang pinuno ng samahan ng mga estudyante.


Siya ay matalino, makisig, at kinagigiliwan ng
lahat. Sa kabila ng kaniyang pagiging mayaman,
nananatiling mapagkumbaba, mabait, at
matulunging sa lahat si Macaraig. Siya ang
kumausap kay Padre Irene upang makatulong sa
itatatag na Akademya.
Pecson
Isang pesimistang estudyante.
Siya ay laging may pag-
aalinlangan sa mga ginagawa at
balak ng kaniyang mga kapuwa
estudyante.
Isang tamad na estudyante. Pumapasok
lamang siya dahil sa perang ibinibigay sa
Tadeo kanya. Si Tadeo ay mahilig magbulakbol
at walang pakialam sa mga nangyayari sa
kaniyang paligid.
Isang banyagang estudyante. Bagaman
isang dayuhan, siya ay mahal ng lahat
dahil may pusong Pilipino naman.
Magaling siyang magsalita at lubos na
Sandoval natutuwa kapag maraming nakikinig sa
kaniyang talumpati. Kabaligtaran ni
Pecson, si Sandoval ay optimista at
naniniwalang laging magtatagumpay ang
mga plano ng mga estudyante.
Isang seryosong estudyante. Siya ay
pamangkin ni Padre Florentino at
kasintahan ni Paulita Gomez. Si
Isagani Isagani ay may paninindigan at
matapang na ipinaglalaban ang
kaniyang karapatan.
Isang masipag na estudyante at
magtatapos na ng medisina sa isang
taon. Siya ay ang panganay na anak si
Basilio Sisa at kasintahan ni Juli. namasukang
alila si Basilio kay Kapitan Tiyago
kapalit ng kaniyang pag-aaral.
May mga salitang hindi likas sa ating kultura, lalo
na ang mga salitang teknikal at pang-agham, kaya’t
kailangan nating manghiram ng salitang banyaga.

Ang panghihiram ng mga salita ay may dalawang


paraan:
1. Tuwirang
Hiram
Hinihiram nang buo ang salitang
banyaga at inaangkop ang baybay at
bigkas sa ating ortograpiyang Filipino.

Mga halimbawa:
Donacion - donasyon
Cocina - kusina
Calle - kalye
2. Ganap na
Hiram
Hinihiram nang buo ang salitang
banyaga na hindi na kailangang palitan
pa ang baybay.

Mga halimbawa:
Ice cream
Spaghetti
Hamburger
Cake
Gumagamit ng iba’t ibang
kaantasan ng pang-uri kung tayo
ay naghahambing. Magiging
malinaw at maayos ang Mga Salitang
paghahambing na isasagawa sa
pamamagitan ng paggamit ng
Ginagamit sa
mga panlapi o salitang Paghahambing
naghahambing.
Ang paghahambing ay maaaring:
➢ Ginagamit ang mga
panlaping sing, magsing,
kasing, magkasing.
1. Magkatulad
Mga Halimbawa:

a. Magkasingtulad ang mga pangarap ng


dalawa.
b. Kasintaas ng gusaling iyan ang kanilang
bahay.
➢ Ginagamit naman ang mga
panlaping lalo, kaysa, di
gaano, di gaya, di tulad, higit,
at iba pa.
2.
Mga Halimbawa:
Di-Magkatulad
a. Higit na maganda si Roma kaysa sa
bunsong kapatid.
b. Masyadong mainit dito sa Pilipinas di
tulas sa Alaska.
➢ Nangingibabaw sa lahat ng
pinaghahambing. Ginagamit ang
mga salitang inuunlapian ng mga
panlaping napaka o pinaka.

3. Pasukdol Mga Halimbawa:

a. Si Danica ang pinakamatalino sa


kanilang klase.
b. Sa lahat ng baitang, napakagalang ng
mga estudyante na nasa grade 7.
Aralin 23:

Ang Paninindigan
Mga Huwaran
ng Bayan

(Padre Fernandez, Mataas na


kawani, at Padre Florentino)
Isang prayleng kagalang-galang. Siya ay
Padre Fernandez kinaiinisan ng kaniyang kapuwa prayle
dahil sa hindi niya pakikiisa sa maling
gawi. Kinagigiliwan siya ng mga
estudyante dahil bukas ang kaniyang
isipan at binibigyang-kalayaan ang mga
estudyante na ipahayag ang kanilang
saloobin at damdamin.
➢ Isang opisyal na Espanyol na may
Mataas na pagmamahal sa mga Pilipino.
Pumapangalawa siyang pinuno sa
Kawani Kapitan Heneral at masasabing isa
siyang pinunong walang
kinikilingan.
Padre Florentino

Isang paring Pilipino na napilitan lamang


magpari dahil sa pakiusap ng ina.
Bagaman labag sa kaniyang kalooban ay
ginampanan niya nang buong puso ang
kaniyang tungkulin bilang pari. Siya rin
ang amain ni Isagani
Kubyerta
➢ Bahagi ng bapor
Armonium

➢ Instrumentong
pangmusika
Guwardiya ➢ Katumbas ng mga
pulis sa kasalukuyan
Sibil

Mapangutya ➢ Mapanlibak

Prayle ➢ Katawagan sa mga


pari
Ang paglalarawan ay isang pagpapahayag ng
ating nakikita, naririnig, at nadarama. Sa
pamamagitan ng paglalarawan, nabubuo sa ating
imahinasyon ang malinaw na larawan ng isang
bagay, tao, o pangyayari na nais nating ipahayag.
Masining na
Upang maging masining ang isang paglalarawan,
Paglalarawan kailangang gamitin ang ating mayamang
imahinasyon upang maipakita ang isang bagay na
larawan. Ginagamit ng taong naglalarawan hindi
lamang ang kaniyang mga mata at isip, kundi ang
kaniyang damdamin at pananaw sa pagsulat.
Aralin 24:

Ang Mga Paglalantad


ANG MGA
KATOTOHANAN
Isang gabi, nagkaroon ng pagtatanghal sa perya si Mr. Leeds
isang Amerikano. Siya mismo ang sumasalubong sa mga
dumating na panauhin. Mga dayuhan, mayayaman, at
makapangyarihan ang nagsipanood sa palabas. Inihatid ni Mr.
Leeds sina Ben Zayb, Don Custodio, at Padre Salvi sa mga upuan
Ang sa harapan. Nais ng tatlo na makita nang malapitan ang
pagtatanghal upang ipaalam sa lahat na pawang kadayaan ang
Mga tungkol sa espinghe. Siniyasat ni Ben Zayb ang mesang
piangpapayungan ng kahon na kinalalagyan ng espinghe.

Kadayaan Hinanap niya ang salamin ng maaaring ginagamit ni Mr. Leeds sa


pandaraya subalit wala siyang natagpuan. Ngumiti si Mr. Leeds at
sinabing maupo na ang lahat dahil magsisimula na ang kaniyang
pagtatanghal. Umalis sandali ang Amerikano at pagbalik ay dala-
dala ang isang kahong naglalaman ng abo ng espinghe at
nababalutan ng itim na tela.
Isinalaysay ni Mr. Leeds na nakuha niya ang ang kahon
nang minsang bumisita siya sa piramide ni Khufu. Nakita
niya ang isang libingan na pulang batong-buhay sa isang
liblib na silid. Nang buksan niya ang kahon ay natagpuan
niya ang isang dakot na abo at isang kapirasong papel na
may nakasulat na dalawang salita. Nang basahin niya ang
unang salita sa papel, unti-unting gumalaw ang kahon
hanggang ang abo ay naging isang espinghe. Pagkabanggit
naman sa isa pang salita ay muling nagbalik ang espinghe
sa dati nitong anyo.
Ilang sandali pa, binanggit ng Amerikano ang salitang
“Deremof”. Nagsigalawan ang tabing, nagpatay-sindi ang mga
ilaw, at lumangitngit ang mesa. Lumabas sa kahon ang espinghe.
Lahat ay takot na takot sa mga mata ng espinghe.

Inutusan ni Mr. Leeds ang espinghe na magpakilala. “Ako si


Imuthis”, ang sabi ng espinghe na may tinig na tila mula sa
kailaliman ng lupa. “Ipinanganak ako noong panahon ni Amasis
at namatay noong sakop ng Persiyano ang aming bayan . ako ay
umuwi sa aming bayan buhat sa mahabang panahon ng pag-aaral
at paglalakbay. Sa aking pag-uwi, natuklasan kong ang
namumuno sa aming bayan na si Gaumata ay nagbabalatkaya
lamang. Ginamit ni Gaumata ang kaniyang kapangyarihan sa
tulong nga mga saserdote”.
Tinanong ni Mr. Leeds ang espinghe kung paano isinagawa ng
mga pari ang pagpatay sa kaniya. Tumutulo ang luha na
nagsalaysay ang espinghe, “Ako’y umibig sa isang dalagang anak
ng saserdote. Ang isang batang pari ay may pag-ibig din sa aking
kasintahan. Kinuha niya ang aking mga sulat para sa aking
kasintahan at ginamit ang mga iyon sa pagbuo ng isang
kaguluhan na ako raw ang may gawa. Ipinahuli ako at ipinapatay
sa Ilog Moeris. Nagpilit akong mabuhay upang ipaalam sa lahat
ang pandaraya at kataksilan ng mga saserdote. Patutunayan kong
pawang kasinungalingan ang mga paratang nila sa akin.”
Humalakhak nang humalakhak ang espinghe habang nakatitig
kay Padre Salvi. Ang prayle ay nanginginig sa takot. Sambit pa
ng espinghe “Mamatay ka! Lapastangan sa Diyos at
mapagparatang! Mamatay ka! Mamatay ka!”
Tuluyan nang nawalan ng malay si Padre Salvi. Nasindak ang
lahat
Binigkas ni Mr. Leeds ang ikalawang salita sa papel at ang
espinghe ay bumalik sa pagiging abo. Muli niya itong tinakpan
ng itim na tela at siya ay yumuko sa mga manonood bilang
paalam sa pagtatapos ng pagtatanghal. Gayunpaman, wala na si
Mr. Leeds at bali-balitang natungo na sa Hong Kong
Pinag-uusapan ng pamilya Orenda ang naganap na
kaguluhan sa kasal nina Juanito at Paulita Gomez. Ang
pamilya ay itinuturing na isa sa mga pinakamayaman
sa bayan ng Sta. Cruz. Sila rin ay alahero at kaibigan ni
Simoun. Nasa kanilang tahanan si Isagani at
nakikipaglaro ng sungka kay Tinay, ang bunsaong anak
Ang ng pamilya. Naroon din si Chichoy, ang katiwala ng
pamilya, at si Momoy na kasintahan ng panganay na si
Hiwaga Sensia. Ikinukuwento ni Chichoy na siya ang naghatid
sa bahay ni Don Timoteo, ama ni Juanito, ng
ipinagawang hikaw na gagamitin ni Paulita. Nakita
niya inaayos ang pagkakainan ng mga panauhing
matataas na tao sa lipunan, at natagpuan sa lugar na
iyon ang sako-sakong pulbura na ikinalat sa bawat
sulok ng bahay.
Nangilabot ang lahat sa narinig na balita. Paano raw
kung may nagkamaling manigarilyo doon, tiyak na
sasabog ang buong kabahayan. Nabanggit naman ni
Momoy na ang nagpapabalitang may pakana ng
kaguluhan ay si Ginoong Pasta, kaaway ni Don
Timoteo, o isang binata na karibal ni Juanito kay
Paulita. Walang imik si Isagani na patuloy pa ring
naglalaro ng sungka. Pinayuhan siya ng mga kaibigan
na magtago sapagkat siya na dating kasintahan ni
Paulita ay maaaring maparatangan. Ayon naman kay
Chichoy ang lahat ng sinabi ni Momoy ay mali
sapagkat ayon sa kaniyang nabalitaan sa kawani, si
Simoun daw ang may kagagawan ng lahat. Kinaibigan
niya ang mga Espanyol upang makuha ang kanilang
tiwala at pagkatapos ay papatayin silang lahat
Naliwanagan ang lahat sa mga pangyayari- ang
maraming kayamanan ni Simoun, ang kakaibang amoy
na naglalanghap sa kaniyang bahay, ang minsang
makikitang bughaw na ningas na nagmumula sa bahay
ni Simoun nang minsang nagtungo si Sensia sa bahay
ni Simoun upang bumili ng alahas.
Naalala ni Momoy ang nangyari sa hapunan.
Nagsimula ang kaguluhan nang namatay ang ilaw sa
hapag-kainan ng Kapitan Heneral. Nang sisindihan na
ang lampara, isang hindi kilalang binata ang biglang
nagnakaw nito at saka tumalon sa ilog.
Si Momoy ay lumapit at tumitig kay Isagani. Nagsalita
si Isagani, “Kailanman at di mabuting kumuha ng hindi
mo pag-aari. Kung nalaman lang sana agad ng
magnanakaw na iyon ang layunin ng gumawa, sana ay
hindi na nito ginawa ang pagnanakaw.” Ilang sandali
pa ang lumipas at nagpaalam na si Isagani sa pamilya
Orenda.
Kasawian

Napatanyag si Matanglawin dahil sa kaniyang kalupitan. Itinuring siyang kilabot na


tulisan sa Luzon. Nilusob niya ang mga kabahayan, sinira ang mga pananim,
sinunog ang kabiyawan sa Batangas, ninakaw ang mga armas sa tribunal, at pinatay
ang Hukom Pamayapa sa Tiani. Puspos ng kahirapan ang bawat lugar na kaniyang
pinuntahan.

Ipinag-utos ng Kapitan Heneral na hulihin si Kabesang Tales. Hindi kilala ng mga


guwardiya sibil si Tales kaya’t lahat ng may pangalang Tales ay kanilang hinuli,
itinali at pinaglakad nang malayo patungo sa bilangguan. Ang mga guwardiya
Sibil ay nahahati sa dalawa - ang pangkat ni Mautang na
napakasama at malupit, at ang pangkat ni Carolino na
maawain at may mabuting kalooban.

Dahil sa pagod at matinding init, napahinto ang mga bilanggo. Sila ay


nakita ni Mautang at pinagpapalo, Inawat ni Carolino ang pagmamalupit ni
Mautang kaya’t silang dalawa ay nag-away sinabihan ni Mautang si
Carolino na baguhan pa at kailangan na niyang masanay. Biglang may
bumaril sa kanila mula sa gawing itaas ng bundok. Kasabay halos ng
kaniyang pagpalo ang pag-alingawngaw ng isang putok at ang paghaging
ng isang punglo na tumama sa kaniyang dibdib. Dumapa at nagkubli ang
lahat. Nakipagpalitan ng putok ang mga guwardiya sibil hanggang wala
nang bumabaril sa itaas at may isang matandang nagwawagayway ng
puting tela roon.
Inutusan ni Kabo si Carolino na asintahin at paputukan ang matanda sa itaas.
Nag-alangan si Carolino kaya tinutukan siya ng baril ni Kabo at sinabing siya
ang papatayin kung di nito papuputukan ang matanda.
Umakyat sa bundok ang mga guwardiya sibil at natagpuan ang nag-aagaw
buhay na matanda. Tinarakan pa siya ng bayoneta ng isang guwardiya sibil.
Nakatitig ang matanda kay Carolino at waring may itinuturo sa di kalayuan.
Nais humagulgol ni Carolino habang nakatitig sa nasawing matanda. Nais niya
itong yakapin subalit hindi niya magawa. Ikinubli niya sa mga kapuwa
guwardiya sibil na ang matanda ay si Tandang Selo, ang kaniyang lolo.
Ang metaporikal na pagpapakahulugan ay ang
pagbibigay kahulugan sa mga salita ayon sa
pagkakagamit nito sa pangungusap. Hindi literal ang
ibinibigay na kahulugan ng metaporikal na pahayag.

Halimbawa:
Kailangan mag-ingat tayo sapagkat may ahas sa
ating samahan
Ang kahulugan ng salitang “ahas ” sa pangungusap
ay taksil o traydor sa samahan
Mga Pang-uri
Ang pang-uri ay salitang naglalarawan.
Umaakit sa Magiging maayos at mabisa ang
Imahinasyon paglalarawan kung gagamit ng angkop na
at Pandama mga salita kaugnay ng pandama
Ang loob ng bulwagan ay nababalot ng pilos
na itim at natatanglawan ng mga ilawang de
agwardiente. Ang loob na iyo’y nahahati ng
isang halang na may takip na tersiyopelong
itim. Ang isang hati’y puno ng mga nanonood
at ang ikalawa’y kinalalagyan ng isang
1. Paglalarawan
tanghalang may alpombrang parisukat. Sa
ng nakikita ibabaw ng tanghala’y may isang mesang may
takip na damit na itim na puno ng bungo at
iba pang larawang mahiwaga. Ang buong
tanawin ay nakapangingilabot.
Isang sigaw na nakapangangalisang sa buhok
ni Ben Zayb ang binitiwan ni Mr. Leeds.

2. Paglalarawan “Deremof!” ang sabi niya.


ng Naggalawan ang mga tabing sa panooran,
naririnig nagdilim ang mga ilawan, humaginit ang
mesa at pagkatapos ay isang mahinang daing
ang narinig mula sa loob ng kaha.
“Amoy-bangkay!” wika ng isang babae at
saka namaypay nang katakot-takot.
3. Paglalarawan
ng naaamoy “Sing-amoy ng apat na libong taon!” ang
bulalas naman ng isang manonood
Sinimulan nang idulot ang pagkain. Inilabas
ang umuusok pang mangkok ng tinola. Ang
4. Paglalarawan manok ay nilahukan ng manamis-namis na
upo. Dinagdagan ng pampalasa upang lalo
ng panlasa itong maging malinamnam.
Inayos ni Huli ang kaniyang tampipi. Nasalat
niya ang matigas na bagay sa ilalim ng
kaniyang unan, ang agnos na handog ni
5. Paglalarawan
Basilio. Hinagkan niya ang agnos ngunit dali-
ng nahihipo o daling kinuskos ang kaniyang malambot na
nahahawakan labi nang magunitang yao’y galing sa isang
ketongin.
Napansin mo ba kung paano inilarawan ang
mga bagay na nakikita, naririnig, naaamoy,
nalalasahan, at nahahawakan? Isang
kasanayan ang paggamit ng pang-uri upang
mapakilos ang imahinasyon ng mga
tagapakinig o mambabasa. Mahalagang
sanayin muna ang mga sarili sa pagpili at
paggamit ng angkop na salita sa paglalarawan
THANK
YOU
SUBMITTED TO: SUBMITTED BY:
Ms. Ean Krisselle M. Patio Angela Faith L. Angeles

You might also like