Download as PPTX, PDF, TXT or read online from Scribd
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 29
Magandang Araw!!
MARIA MONICA V. BAUTISTA
PARA SA IKA-APAT NA BAITANG TANONG: Ano-ano ang mga paraan ng pag- aalaga ng inyong mga kasuotan? TANONG: Ano ang gagawin mo kung may butas ang damit mo? MEDIDA Bago gupitin ang telang tatahiin dapat ay sukatin muna ito gamit ang medida upang maging akma ang sukat nito. GUNTING Gumamit ng angkop at matalas na gunting sa paggupit ng telang itatapal sa damit na punit o damit na sinulsihan. KARAYOM AT SINULID Ito ay ginagamit sa pananahi. Dapat magkasingkulay ang sinulid at tela o damit na tinatahi. DIDAL Kapag ikaw ay nagtatahi lalo na sa matigas na tela, gumamit ng didal. Ito ay isinusuot sa gitnang daliri ng kamay upang itulak ang karayom sa pagtatahi. Sa ganitong paraan maiiwasan matusok ng karayom ang mga daliri. PIN CUSHION Pagkatapos gamitin ang karayom sa pagtahi, mainam na ito ay ilagay sa pin cushion. EMERY BAG Itusok ang karayom sa emery bag kapag hindi ginagamit upang hindi ito kalawangin. TANONG: Anong magandang kaugalian ng isang Pilipino ang ipinahihiwatig sa pananahi? TANONG: Ano-ano ang mga iba’t-ibang gamit sa pananahi? GAWAIN A: Tukuyin ang mga sumusunod na gamit sa pananahi. GAWAIN B: Isulat ang titik ng napiling sagot. 1. Ito ay ginagamit sa pagsukat ng tela. a. medida c. gunting b. Didal d. emery bag 2. Itinutusok dito ang karayom kapag hindi ginagamit upang hindi kalawangin. a. Sewing box c. Emery Bag b. Pin Cushion d. Didal 3. Ginagamit ito sa paggupit ng tela. a. medida c. gunting b. Didal d. emery bag 4. Upang hindi matusok ang daliri, inilalagay mo ito sa iyong gitnang daliri. a. medida c. gunting b. didal d. emery bag 5. Ito ay magkasamang ginagamit sa pananahi. a. Karayom at sinulid b. Didal at medida c. Gunting at lapis d. Emery bag at didal TAKDANG-ARALIN: Magdala ng Butones, Karayom, Sinulid at Puting Tela