Sweek 3 - Tekstong Persweysib at Argumentatibo

Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 61

BIDYO…

BIDYO…
KATANUNGAN
ANO ANG MGA MASASABI MO SA
PINANOOD MONG BIDYO? MAAARI MO
BA ITONG IBAHAGI SA KLASE?
SA IYONG PALAGAY, ANO ANG
NAHIHINUHA MONG PAKSA NA ATING
TATALAKAYIN SA ARAW NA ITO?
TEKSTONG
PERSUWEYSIB
TEKSTONG
PERSUWEYSIB
ANO NGA BA ANG TEKSTONG
PERSUWEYSIB?
Ang isa pang uri ng teksto, maliban sa ating mga natalakay
na, ay ang tekstong nanghihikayat (persuweysib).
Ano nga ba ang layunin ng ganitong uri ng teksto?
Layunin ng tekstong ito na himukin, hikayatin, o
kumbinsihin ang mambabasa na kumilos at gumawa ng isang
bagay na naaayon sa kagustuhan ng isang manunulat.
TEKSTONG
PERSUWEYSIB
Layunin din nitong mapagbago ang takbo ng isip ng isang
mambabasa.
Taglay ng tekstong persuweysib ang personal na opinyon,
saloobin, at paniniwala ng may-akda.
Ang tekstong ito ay may subhetibong tono sapagkat
malayang ipinahahayag ng manunulat ang kanyang
paniniwala at pagkiling tungkol sa isang isyung may ilang
panig.
TEKSTONG
PERSUWEYSIB
Dagdag pa rito, ang tekstong persuweysib ay isang
tekstong hindi piksiyon. Ito ay makatotohanan.
Ang ganitong uri ng teksto ay ginagamit sa mga iskrip para
sa patalastas at propaganda para sa isang eleksyon o
pagrerekrut para sa isang samahan o networking.
Ang mga talumpating politikal sa telebisyon, radyo,
pahayagan, social media, mga komersyal at iba pa ay ang mga
halimbawa na ginagamitan ng tekstong ito.
TEKSTONG
PERSUWEYSIB
PANSININ ANG MGA PATALASTAS SA TELEBISYON
Sa tuwing may presentasyon ang mga ito para sa isang
produktong iniendorso, ano ang iyong napapansin?
Anong pamamaraan o estratehiya ang sa palagay mo ay
ginagamit nito upang mahikayat ang mga manonood?
Karaniwan sa mga patalastas ng isang produkto na iangat
ang kung anumang kagandahan o kabutihan o
kapakinabangan na makukuha sa produktong iyon.
TEKSTONG
PERSUWEYSIB
Ang mga halimbawang inilahad kanina ay tunay ngang
gumagamit ng tekstong panghihikayat.
Gumagamit ito ng mga salita o pariralang humihimok
tulad ng sa ganang akin, sa katunayan, sa totoo lang, kung ako
ang tatanungin, at iba pang katulad nito.
Madalas din ditong gumagamit ng mga salita, parirala, o
pangungusap na inuulit-ulit sa kabuuan ng teksto upang
madiin ang paksa o konseptong ipinahahayag.
TEKSTONG
PERSUWEYSIB
Minsan, ang mga salita ay isinusulat nang malaking titik
upang mabigyang-diin ito, gayundin ay gumagamit ito ng
tandang padamdam (!).
Sa isang tekstong nanghihikayat, maaaring nagpapahayag
ang manunulat ng kaniyang mga opinyon na batay sa mga
datos. Ang paggamit ng mga datos ay makatutulong upang
mahimok niya ang mambabasa na panigan ang inihahayag
niyang opinyon.
TEKSTONG
PERSUWEYSIB
Upang mas maging madali ang pagsulat ganitong teksto,
maaari mong gawin ang mga sumusunod na pahayag:
1. Magkaroon ng isang malalim na pananaliksik upang
lumawak ang kaalaman hinggil sa partikular na bagay.
2. Magkalap ng kaalaman sa mga posibleng paniniwala ng mga
mambabasa o tatanggap ng teksto.
3. Magkaroon ng malalim na pagkaunawa sa dalawang panig
ng isyu.
TEKSTONG
PERSUWEYSIB
SA LIKOD NG MGA KAALAMANG ATING
NANG NALAGPASAN, MAAARI NA
MAYROONG KATANUNGANG
BUMABAGABAG SA IYONG ISIPAN.
“PAANO MALALAMAN NA NAGING
MABISA ANG PANGHIHIKAYAT?”
TEKSTONG
TEKSTONG
PERSUWEYSIB
PAANO MATUKOY KUNG MABISA
PANGHIHIKAYAT?
ANG

1. Hindi na siya nagtatanong pa sapagkat tila nasagot na ang


anumang alinlangan niya.
2. Handa na niyang tangkilikin ang isinasaad ng teksto.
3. Makapagpapahayag na siya ng isang pahayag sa tekstong nabasa.
4. Maaari na siyang makipag-argumento dahil nakumbinsi na sa
tekstong nasuri.
5. Maaari na niyang magamit sa tunay na buhay ang laman ng
teksto.
TEKSTONG
PERSUWEYSIB
NGAYON, ANO NAMAN ANG MGA
ESTRATEHIYA O PAMAMARAAN NA
KINAKAILANGAN UPANG ANG ISANG
TEKSTO O SULATIN AY MAGING
EPEKTIBO SA LAYUNIN NITO NA
MAKAPANGHIKAYAT?
TEKSTONG
TEKSTONG
PERSUWEYSIB
PAMAMARAAN NG PANGHIHIKAYAT
NAGSASAAD NG PRINSIPYO O PANINIWALA
Ito ay pagpapahayag na itinatampok ang paniniwala o
adhikain ng isang tao, grupo ng mga tao, o institusyon.
Maaaring hinggil ito sa lipunan, bayan, o personal na

1
paniniwala o pananampalataya.
TEKSTONG
PERSUWEYSIB
PAMAMARAAN NG PANGHIHIKAYAT
NAGSASAAD NG PRINSIPYO O PANINIWALA
Ilan sa mga halimbawa nito ang mga talumpati na
binibigkas ng maiimpluwensiyang tao sa lipunan tulad ng
mga politiko, mga may posisyon sa gobyerno, mga pinuno ng

1
iba’t ibang institusyon tulad ng simbahan, malalaking
samahan o organisasyon, at mga katulad nito.
TEKSTONG
PERSUWEYSIB
PAMAMARAAN NG PANGHIHIKAYAT
NAGBIBIGAY-EDUKASYON O NANGANGARAL
Ito ay ang pagpapahayag na ginagamit ang panghihikayat
na may saligan o batayan na ang layon ay makapagbigay ng
kaalaman. Ang mga kaalamang iyon ang kanilang ginagamit

2
upang mahikayat ang sumusuri o ang mambabasa.
TEKSTONG
PERSUWEYSIB
PAMAMARAAN NG PANGHIHIKAYAT
NAGBIBIGAY-EDUKASYON O NANGANGARAL
Ilan sa mga halimbawa na gumagamit ng ganitong
kaparaanan o estratehiya ay ang mga panawagan o patalastas
ng mga programa ng pamahalaan at ang ilang mga

2
akademikong materyal na ginagamit sa loob ng isang
paaralan o pamantasan.
TEKSTONG
PERSUWEYSIB
PAMAMARAAN NG PANGHIHIKAYAT
NANG-IIMPLUWENSIYA
Ito ay ang pagpapahayag na ang layon ay mabago ang
paniniwala ng isang indibidwal, grupo ng mga tao, o ng isang
institusyon. Ilan sa masasabing halimbawa nito ang mga

3
radikal na sulatin ng mga politikal na ideolohiya o
panrelihiyong paniniwala na nagpapahayag ng aral o turo.
TEKSTONG
PERSUWEYSIB
PAMAMARAAN NG PANGHIHIKAYAT
NAMIMILIT
Ito ang pagpapahayag na hindi pa lubos ang katatagan
kung kaya’t may kasamang puwersa ng paniniwala sa tao,
grupo ng mga tao, o isang institusyong nais nitong hikayatin.

4
Ibig sabihin nito ay gagawin, halimbawa ng isang tao ang
lahat, maniwala lamang ang kaniyang hinihikayat.
TEKSTONG
PERSUWEYSIB
PAMAMARAAN NG PANGHIHIKAYAT
NANLILIGAW
Ito ang pagpapahayag na kabaligtaran ng pamimilit. Sa
puntong ito, gagamit ng iba’t ibang pamamaraan ang isang
nangungumbinsi upang makuha lamang ang panig ng isang

5
tao, grupo ng mga tao, o ng isang institusyon. Halimbawa
lamang nito ay ang pagbebenta ng isang produkto.
TEKSTONG
PERSUWEYSIB
SA PAGKAKATAONG ITO, ATING NAMANG
ALAMIN ANG IBA’T IBANG URI NG
KAGAMITANG PROPAGANDA UPANG
MAKAPANGHIKAYAT NG ISANG
MAMBABASA O MANUNURI!

TEKSTONG
TEKSTONG
PERSUWEYSIB
KAGAMITANG PROPAGANDA
NAME-CALLING
Kinapapalooban ng propagandang ito ang pagbibigay ng
hindi magandang taguri sa isang produkto o katunggaling
politiko upang ito ay hindi tangkilikin. Karaniwang

1
ginagamit ito sa mundo ng politika. Halimbawa nito ay ang
“pekeng sabon, trapo, bagitong kandidato,” at iba pang
katulad nito.
TEKSTONG
PERSUWEYSIB
KAGAMITANG PROPAGANDA
GLITTERING GENERALITIES
Sa propagandang ito, gumagamit ang teksto ng magaganda
at nakasisilaw na pahayag ukol sa isang produktong
tumutugon sa mga paniniwala at pagpapahalaga ng

2
mambabasa. Ang mga halimbawa ay nasa susunod.
TEKSTONG
PERSUWEYSIB
KAGAMITANG PROPAGANDA
GLITTERING GENERALITIES
Mas makatitipid sa bagong _____.
Ang inyong damit ay mas magiging maputi sa _____ puting-
puti.

2
Bossing sa katipiran, bossing sa kaputian.
TEKSTONG
PERSUWEYSIB
KAGAMITANG PROPAGANDA
TRANSFER
Ang propagandang transfer ay ang paggamit ng isang sikat
na personalidad upang mailipat sa isang produkto o tao ang
kasikatan. Ang halimbawa ay nasa bandang ibaba:
Manny Pacquiao, gumagamit ng ____ kapag nasasaktan.

3
TEKSTONG
PERSUWEYSIB
KAGAMITANG PROPAGANDA
TESTIMONIAL
Maituturing na ginamit ang kagamitang propaganda na
testimonial kung ang isang sikat na personalidad ay tuwirang
nag-endorso ng isang tao o produkto.

4
Miss Universe Pia Wurtzbach as a BDO Endorser: “Confidently
finding ways.”
TEKSTONG
PERSUWEYSIB
KAGAMITANG PROPAGANDA
PLAIN FOLKS
Ang kagamitang propagandang ito ay karaniwang
ginagamit sa kampanya o komersyal kung saan ang mga
kilala o tanyag na tao ay pinalalabas na ordinaryong taong

5
nanghihikayat sa boto, produkto, o serbisyo.
TEKSTONG
PERSUWEYSIB
KAGAMITANG PROPAGANDA
CARD STACKING
Ipinakikita ng kagamitang propagandang ito ang lahat ng
magagandang katangian ng produkto ngunit hindi
binabanggit o inilalahad ang pangit o hindi magagandang

6
katangian na tinataglay nito. Halimbawa na lamang ang
inyong makikita sa susunod na pahina.
TEKSTONG
PERSUWEYSIB
KAGAMITANG PROPAGANDA
CARD STACKING
“Ang instant noodles na ito ay nakapagbubuklod ng pamilya,
nakatitipid ng oras, mura na, at masarap pa.” (Subalit, hindi
nito inilalahad at sinasabi na kakaunti lang ang sustansya

6
nitong taglay, maraming tagong asin, at kung aaraw-arawin
ay maaaring magdulot ng sakit.)
TEKSTONG
PERSUWEYSIB
KAGAMITANG PROPAGANDA
BANDWAGON
Ang bandwagon ay isang panghihikayat kung saan
hinihimok ang lahat na gamitin ang isang produkto o sumali
sa isang pangkat dahil ang lahat o ang kalakhang populasyon

7
ay sumali, nakilahok, o gumamit na. Isang halimbawa? Isipin
mo ang “TIKTOK” na aplikasyon sa social media.
TEKSTONG
PERSUWEYSIB
SA BAWAT DISKURSO
HINGGIL SA
“PERSUASION,” KUNG SA
INGLES, HINDI MAAARI
NA HINDI ITO PAG-
ARALAN. ANO KAYA ITO?
TEKSTONG
TEKSTONG
PERSUWEYSIB
PARAAN NG PANGHIHIKAYAT NI ARISTOTLE

ETHOS
Ito ay tumutukoy sa
KREDIBILIDAD ng isang
manunulat
TEKSTONG
PERSUWEYSIB
PARAAN NG PANGHIHIKAYAT NI ARISTOTLE

PATHOS
Ito ay tumutukoy sa paggamit
ng emosyon o damdamin
upang makapanghikayat.
TEKSTONG
PERSUWEYSIB
PARAAN NG PANGHIHIKAYAT NI ARISTOTLE

LOGOS
Ito naman ay tumutukoy sa
paggamit ng lohika upang
makumbinsi ang mambabasa.
KATANUNGAN
KUNG IKAW ANG TATANUNGIN, ANO
ANG PINAKAMABISANG KAPARAANAN
SA PANGHIHIKAYAT? IPALIWANAG.
PAANO MAKATUTULONG ANG
TEKSTONG PERSUWEYSIB SA
PAGGAWA NG ISANG PANANALIKSIK?
MAHAHALAGANG
PAGKATUTO
Sinasabing nagiging makapangyarihan ang laman ng
isang tekstong nanghihikayat kapag nakapangungumbinsi
na ito dahil sa taglay nitong laman na nagiging
impluwensiyal sa nagbabasa o sumusuri ng teksto. Sa
ganitong aspekto nagagamit ang isang tekstong
nanghihikayat sa pananaliksik.
TEKSTONG
ARGUMENTATIBO
TEKSTONG
ARGUMENTATIBO
ANO NGA BA ANG TEKSTONG
ARGUMENTATIBO?
Ang tekstong argumentatibo ay uri ng tekstong
naghahayag ng mga punto, kuro, saloobin, at opinyon nang
tahas at sa matalas na pamamaraan upang maiparating sa
mambabasa ang paninindigan ng manunulat.
Ang paninindigang ito ay maaaring panig o hindi-panig sa
isang isyu o paksa.
TEKSTONG
ARGUMENTATIBO
Sa isa pang pagpapakahulugan, ang tekstong ito ay
naglalayong kumbinsihin ang mambabasa ngunit hindi
lamang nakabatay sa mismong opinyon o damdamin ng
manunulat bagkus ito ay batay sa datos o impormasyong
inilatag ng manunulat.
TEKSTONG
ARGUMENTATIBO
Ang patok na konsepto o salita sa tekstong ito ay ang
ARGUMENTO. Ano nga ba ito?
ARGUMENTO. Ano nga ba ito?
Ang argumento ay tumutukoy sa mga pangangatwirang
ipinahahayag upang maipakita ang kamalian o kawastuan ng
isang ideya o kilos.
Ang mga pahayag na tulad nito, kasama ang katwiran at
ebidensya, ang ginagamit sa tekstong argumentatibo upang
makatindig sa isang panig o posisyon sa isyu o usapin.
TEKSTONG
ARGUMENTATIBO
Sa pagsulat nito, isipin na parang pakikipagdebate nang
pasulat ang ginagawa na bagama’t may isang panig na
pasulat ang ginagawa na bagama’t may isang panig na
pinatutunayan at nais panindigan ay inilalatag pa rin ang
mga katwrian at ebidensya ng magkabilang panig.
Dagdag pa, may himig na pangungumbinsi ang tekstong
argumentatibo kaya’t naiiugnay ito nang madalas sa tekstong
persuweysib. Sa katunayan, gumagami ito ng “LOGOS.”
Subalit, HINDI SILA MAGKAPAREHA.
TEKSTONG
ARGUMENTATIBO
KUNG GAYON, ANO ANG KANILANG
PINAGKAIBA? MAYROON NGA BA
SILANG PAGKAKAIBA O PAREHA
LAMANG TALAGA? ANO NGA BA TALAGA
ANG KATOTOHANAN AT TAMA?
MAGKAIBA O MAGKAPAREHA?
TEKSTONG ARG
P. VS. A
PERSUWEYSIB ARGUMENTATIBO
a. Nangungumbinsi batay sa opinyon. a. Nangungumbinsi batay sa datos o
b. Nakahihikayat sa pamamagitan ng impormasyon.
pagpukaw ng emosyon ng b. Nakahihikayat dahil sa paggamit
mambabasa, pagpokus sa ng LOGOS (lohika) at ng mga
kredibilidad ng may-akda, at ebidensyang nakapagpapatibay sa
paggamit ng lohikang kaparaanan. kanyang posisyon o panig.
c. Ang persuweysib ay batay lamang c. Tinitingnan ng argumentatibo ang
sa kagustuhan – SUBHETIBO. dalawang panig – OBHETIBO.
TEKSTONG
ARGUMENTATIBO
NGAYON, ANO-ANO NAMAN ANG MGA
ESTRATEHIYA O MAHUHUSAY NA
KAPARAANAN SA PAGSULAT NG ISANG
MABISA AT RETORIKAL NA TEKSTONG
ARGUMENTATIBO?

TEKSTONG ARG
TEKSTONG
ARGUMENTATIBO
MGA ESTRATEHIYA SA PAGSULAT NITO
Katotohanan ang pinanghahawakan upang mapatunayan
at mabigyan ng katwiran ang mga pahayag sa isang tekstong
argumentatibo.
Nakatutulong sa mas kapani-paniwalang paghahayag ng
panig ang paggamit ng retorika.
Nakabatay ang siyensiyang ito sa estetikong pagpapahayag
ng mga ideya sa paraang pasulat o pasalita.
TEKSTONG
ARGUMENTATIBO
MGA ESTRATEHIYA SA PAGSULAT NITO
Maaaring gumagamit ng isang kongkretong batayan gaya
halimbawa ng mga anyo, estilo, paggamit ng mga pananalita,
at pagpapakahulugan. Ang mga sumusunod ay hakbangin at
estratehiya sa pagbuo ng isang kapani-paniwalang
pangangatwiran na may bahid ng retorikal at kalinangan.
TEKSTONG
ARGUMENTATIBO
MGA ESTRATEHIYA SA PAGSULAT NITO
ILATAG ANG LAHAT NG IDEYANG NAIISIP
Kung panig man sa tama o maling pangangatwiran,
patunayan at magbigay ng mga pruweba ng iyong
argumento. Gawing kritikal o nasa mataas na anyo ang mga

1
ganitong uri ng teksto. Hindi ito mapaniniwalaan kung
walang malalim at kongkreto ang pagpapaliwanag.
TEKSTONG
ARGUMENTATIBO
MGA ESTRATEHIYA SA PAGSULAT NITO
PAGGAMIT NG REPERENSIYA/EDIBENSYA
Sa paglalatag ng mga ideya, huwag kalilimutan ang
paggamit ng mga ebidensya, o dokumento’t artikulong
magpapatunay sa inilahad na argumento. Upang mahikayat

2
sa isang paniniwala buhat sa argumentong ang kausap,
marapat na may maipapakitang patunay.
TEKSTONG
ARGUMENTATIBO
MGA ESTRATEHIYA SA PAGSULAT NITO
MAAYOS NA PAGHAHAIN
Sa isang mabisa, malinang, at retorikal na tekstong
argumentatibo, nararapat na maayos ang paghahain ng mga
inilalahad na argumento. Maaaring ito ay pabuod o pasaklaw

3
na kung saan ang pabuod ay kilalang DEDUCTIVE at ang
pasaklaw ay kilala namang INDUCTIVE (Yapan & Oris,
2010).
TEKSTONG
ARGUMENTATIBO
ALAM MO NA ANG KAHULUGAN. ALAM
MO NA RIN ANG MGA DAPAT NA
ISAALANG-ALANG NA ESTRATEHIYA.
NGUNIT, ALAM MO NA BA KUNG ANO
ANG MGA HAKBANG SA PAGSULAT NG
TEKSTONG ITO?
TEKSTONG ARG
1
PUMILI NG
PAKSANG
AANGKOP SA
TEKSTONG
ARGUMENTATIBO.
2
ITANONG SA SARILI
KUNG ANONG PANIG
ANG NAIS PANINDIGAN
AT ANO ANG MGA
DAHILAN MO SA
PAGPANIG DITO.
MANGALAP NG
MGA EBIDENSYA
3
4
GUMAWA NG UNANG
BURADOR (DRAFT)
UNANG TALATA : PANIMULA
IKALAWA : KALIGIRAN O SITWASYONG
NAGBIBIGAY
NAGBIBIGAY DAAN
DAAN SASA PAKSA
PAKSA
IKATLO : EBIDENSYA PARA SA POSISYON
IKA-APAT : COUNTERARGUMENT
IKALIMA : UNANG KONGKLUSYON NA LALAGOM
SA IYONG ISINULAT
IKAANIM :IKALAWANG KONGKLUSYON NA
SASAGOT SA TANONG NA “EH ANO NGAYON KUN
IYAN ANG IYONG POSISYON?”
ISULAT NA ANG
BURADOR (DRAFT)
5
6
BASAHIN MULI ANG
ISINULAT UPANG
IWASTO ANG MGA
NAGAWANG
PAGKAKAMALI.
7
MULING ISULAT ANG
ISINULAT NA TEKSTO
TAGLAY ANG MGA
PAGWAWASTO. KAPAG
WALA NG KAMALIAN, ITO
NA ANG MAGIGING PINAL
MONG KOPYA.
MAHAHALAGANG
PAGKATUTO
Hindi maituturing na pagtatalo ang nilalaman ng isang
tekstong argumentatibo. Bagkus, naglalayon itong
makabuo ng isang paninindigan o katotohanang
maaaring maging batayan sa isang pagsusuri o
pananaliksik. May idinidiing isyu ang ganitong teksto at
isinasandig sa konsepto ng katotohanan.
KATANUNGAN
IKAW AY BINIGYAN NGAYON NG
PAGKAKATAON NA MAGSALITA SA
TELEBISYONG NASYUNAL. KUNG
GAYON, ANO ANG MAS MATIMBANG NA
GAMITIN SA IYONG PAGSASALITA? ANG
PAGGAMIT BA NG TEKNIK NG
PERSUWEYSIB O NG ARGUMENTATIBO?

You might also like