Pictoria Essay Powerpoint

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 29

PAGKATUTUO IX:

Pagsulat ng Pictorial Essay


Mga Kasanayang Pagkatuto:

• Nakikilala ang mahalagang katangian at layunin ng


paggawa ng pictorial essay;
• Nasusuri ang ilang halimbawa ng pictorial essay;
• Nakasusulat ng sanaysay gamit ang mahahalagang
mensahe ng larawan; at
• Nakabubuo ng isang pictorial essay
Panimulang Gawain - Pagsulat ng Pictorial Essay
• Sa pamamagitan ng isang kasabihan, ipaliwanag ang iyong sariling pagkakaunawa at pagkakaintindi rito.
LARAWANG SANAYSAY
LARAWANG SANAYSAY
• ay photo essay na para sa iba ay mga tinipong
larawan na isinaayos nang wastong pagkakasunod-
sunod ng mga pangyayari upang maglahad ng isang
konsepto.
• pagsasalaysay, maaaring gamitin mismo ang
mga binuong larawan o dili kaya'y mga larawang
may maiikling teksto o caption.
• Layunin nitong magbigay ng kasiyahan o aliw sa taong
gumagawa ng salaysay, magbigay ng mahalagang
impormasyon, at malinang ang pagiging malikhain.
Makapagsasalaysay dito sa pamamagitan ng mga
larawang may kronolohikal na ayos.
“SUSI SA KALAYAAN”

Sa panahon ngayon ang


buhay ng isang mamayang
Pilipino ay maihahantulad sa
ibong nakahawla. Masikip,
madilim, walang muwang sa mga
pangyayari, bulag sa katotohanan,
at walang layang lumipad. Ang
ibong ito ay tila nakalimutan na at
napag-iwanan na ng panahon.
Ngunit sa oras ng
kanyang mga paghihirap at
kasarinlan ay hindi mawawala ang
mga kababayan nating bukas ang
puso upang matulungan ka’t
makabangon sa paghihirap na
iyong dinaranas.
Sila ang tutulong sa iyo
upang mahanap mo ang susi sa
kalayaan sa iyong paghihirap at ng
makamtan mo ang iyong mga
pangarap na nakubli sa loob ng
matagal na panahon. Dahil sa mga
problemang kinaharap mo sa loob
ng masikip at madilim na hawla.
Kapag nakuha mo na ang
susi, ang pintong matagal mo ng
hinihintay na magbukas ay
magbubukas na dahil sa sipag at
tiyaga na iyong ginugol makalaya
ka lamang dito. Ito na ang magiging
daan mo tungo sa pangarap na
matagal mo ng inaasam. Simula na
din ito ng pagbabago s a i y ong
buhay.
Ngayon nakalaya ka na sa
hawla, ay may laya ka ng makalilipad
para abutin ang iyong mga pangarap.
Ngunit sa iyong paglaya kahaharapin mo
na naman ay may bagong pagsubok ang
uusbong para ibaba kang muli, pero sa
pagiging matatag ang mga pagsubok na
ito’y malalagpasan mo din.
“Ang Takbo ng Buhay”

Ang buhay ay parang


gulong. Minsan ay nasa ibabaw ka,
kadalasan nama’y nasa ilalim ka.
Matinding pagsubok ang kailangang
harapin kailangang bigyan ng
solusyon upang makapagpatuloy sa
agos ng buhay. Katulad ng gulong,
umiikot at nadudumihan man, malaki
pa rin ang mahalaga nito upang
makalarga.
Kapag na sa ilalim ka, iyon ay dahil
pumasok na ang problema. Mahirap
makipagtunggali sa mga ito ngunit manalig
ka lamang at ika’y pagpapalain at bibigyang
solusyon ang iyong mga problema. Pilitin
mang ibaba ka ng iba, mananatili ka lamang
mapagkumbaba upang maiparating mong
may pinag-aralan ka. Parte ito ng ating
buhay at hindi ito maiiwasang mangyari.
Kaya habang ika’y na sa ilalim, kumapit ka
lamang at ikaw ay aahon din.
Sa kabila ng maraming
problema, panatilihin mong maging
masaya at iwasang maging malungkot.
Hindi solusyon ang pagiging malungkot
sa matitinding kinakaharap bagkus
ngitian mo lamang ang mga ito dahil
ipinapahiwatig nitong kaya mo iyon.
Laging tandaan na may iba pang may
mas matinding kinakaharap, hindi ka
nag-iisa.
Kapag naman na sa
ibabaw ka na, mas malawak mo ng
makikita ang mundo. Dahil ika’y
natuto na, nabigyang solusyon mo
na ang iyong problema mo. Dito mo
na malalaman ang kaginhawaan. At
dahil nalagpasan mo na ang mga
problema, kaya mo ng maglakad sa
sinulid mag-isa.
Ikaw na ngayon ang isang
halaman na nagmula sa maliit
hanggang sa lumagi at
masaganang namumunga.
Nananatiling matatag kahit na
maraming pagsubok. Gayunpaman,
panatilihin pa ring mabunga ang
buhay.
Lumago ka na at
maginhawa na ang iyong
kalooban dahil wala ka ng iniisip,
oras na upang tumulong ka na
sa iba. Ibahagi ang magandang
karanasan mo para makausad
din sila. Maging sa maliit na
bagay man ay matutulungan mo
sila.
Dahil sa maliit na bagay o
tulong ay magagawa mong
mapaunlad ang buhay ng ibang tao.
Basta’t hihingi ka lang ng tulong sa
Diyos at gagawa ka ng aksyon.
Magiging masaya na ang lahat at
masarap sa pakiramdam.
S a k a b i l a n g
kaginhawaan ay huwag
kalimutang magpasalamat. Hindi
ka darating sa ganitong yugto
kung hindi dahil sa tulong ng iba
at ng Diyos. Ipagpatuloy lamang
ang magandang nasimulan at
kung dumating ulit ang problema
ay ituloy lang ang laban.
Subukan mong lagyan ng angkop ng mga deskripsyon

You might also like