Esp 3rd Q Aralin 3

Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 14

Banghay aralin sa edukasyon sa pagpapakatao

Yunit 3: Mga Pagpapahalaga at


Birtud sa Pakikipagkapwa

Inihanda ni:
JESSA L. CUYUGAN
PAGGAWA NANG
ARALIN 3

MABUTI SA
KAPUWA
Nilikha tayo ng Poong
Maykapal na kailangan natin
ang ating kapwa hindi tayo
maaaring mabuhay para sa sarili
lamang. Kailangan natin ang
tulong at malasakit ng iba.
Tayong lahat ay may
pananagutan sa ating sarili at sa
ating kapwa.
“ Kapuwa ko... Mahal ko.”
■ Ano ang pagkakaunawa mo sa kasabihang ito?
■ Paano mo isinasabuhay ang kasabihang ito? Bakit
mahalagang mahalin ang kapuwa?
■ Sa paanong paraan maipakikita ang pagmamahal sa
kapuwa?
■ Kabuhol ng pagmamahal sa kapuwa ang paggawa ng
kabutihan sa kaniya. Ano ba ang kabutihan?
■ Ayon sa UP Diksyonaryong
Filipino (2010), ang kabutihan
ay katangiang ikinasisiya ng
kapuwa tao at umaalinsunod sa
pamantayang moral ng
lipunan, halimbawa, katapatan,
pagiging matulungin, pagiging
magalang, at iba pa.
Ano ang Kabutihan o Kagandahang-loob?

• Ang salitang kabutihan ay nanggaling sa salitang-


ugat na buti na nangangahulugang kaaya-aya,
kaayusan at kabaitan
• Ang loob ay tumutukoy sa "inner self o real self*
na tinatawag na kakanyahan ng tao.
GAWANG MABUTI: ANO ITO?
■ Ang pagiging mabuti sa kapuwa ay hindi
mahirap na gawain. Maraming maliliit at mga
simpleng pagkakataon na maaaring maipamalas
ang paggawa ng mabuti sa kapuwa, tulad ng pag
ngiti, pagpapasalamat, o pagbibigay ng
panghihikayat. Ang paggawa ng kabutihan ay
isang anyo ng Pakikipag-ugnayan sa kapuwa.
■ Walang pinipiling lugar at panahon ang
kabutihan. Kapag mabuti ang intensiyon, ang
paggawa ng mabuti ay kusang lalabas. Sa mga
maliliit na paraan ay maaaring makagawa ng
kabutihan.
■ Halimbawa, sa pagsakay sa bus,
nakita mong hirap ang matandang
nakatayo, maaari mong ibigay ang
iyong upuan. Sa mga tsuper, kapag
nakita nila na ang paradahan ay para
lamang sa may kapansanan, marapat
na huwag na itong pangahasan pang
paradahan kaniyang sasakyan.
MABUTING GAWA: SIMULAN MO
Maging sa iyong sarili ay maaaring simulan ang paggawa ng mabuti. Sinasabi ngang
simulan mo sa sarili ang pagbabagong ibig mong makita sa iyong paligid.
Pano maisaalang-alang sa lahat ng pagkakataon ang paggawa ng mabuti? Maaari mong gawin ang
mga sumusunod:

1. Palaging isaisip ang kabutihan


■ Kapag palagi mong iniisip ang kabutihan ng iyong kapuwa, kaagad mo itong
maisasagawa kapag dumating na ang oportunidad. Ang pagpaplano ng
kabutihan ay marapat na maging malinaw sa iyo. Maaari kang magtala ng mga
listahan ng mga kabutihan na ibig isagawa sa iyong pang-araw- araw na buhay -
tandaan, hindi kailangang sangkot ang pera sa mga gawaing ito.
■ Isaisip ang mga taong nakasasalamuha mo sa araw-araw. Itanong sa sarili: Paano
ko maipamamalas ang kabutihan sa aking pamilya, sa drayber ng aming school
service, sa tindera sa canteen, sa mga diyanitor, sa nagtitinda ng sampaguita, sa
kumokolekta ng basura, sa naghahatid ng diyaryo sa bahay, at marami pang iba.
2. Magkaroon ng "Araw ng Kabutihan
■ Sa isang partikular na araw sa loob ng isang
linggo, subukan mong gumawa ng kahit limang
uri ng paggawa ng kabutihan sa kapuwa. Gawin
ang mga bagay na ito, kaiba sa mga bagay na
nakasanayan mong gawin.
3. Gawin nang Sabay-sabay
■ Ang isang partikular na gawain ay masaya kung
marami ang sangkot. Subukin mong mag-isip ng
isang mabuting gawain na maaari mong gawin
kasama ang mga kaibigan, pamilya, o
kapitbahay. Maaari mo ring hingin ang kanilang
ideya kaugnay ng gawain. Ang paggawa ng
bagay kasama ang kapuwa ay
nakapagpapatibay ng ugnayan,
nakapagpapasaya ng samahan.
MGA HALIMBAWA NG PAGGAWA NG MABUTI SA KAPUWA

1. Ibigay mo ang upuan sa higit na nangangailangan.


2. Ipag bukas ng pinto ang mga may kapansanan.
3. Magbigay ng pasasalamat.
4. Patawanin ang kapuwa
5. Yakapin ang mga magulang at kapatid at ipadama ang
pagmamahal sa kanila.
6. Pakinggan ang kausap.
7. Iparamdam sa bagong kaklase na tanggap siya sa
paaralan ninyo.
8. Tulungan ang bata o sinumang nawawala.
9. Itapon nang tama ang iyong basura.
10. Gamitin nang maayos ang mga pampublikong palikuran.
11. Pumila nang maayos sa kantina.
12. Basahan ng kuwento ang mga bata.
13. Iparamdam sa kapuwa na iginagalang mo sila.
14. Magbigay ng pagkain sa mga nangangailangan.
15. Purihin ang kaklaseng nakakuha ng magandang
marka.
16. Huwag maging mapagmataas sa papuring
natanggap.
17. Humingi ka ng paumanhin.
18. Ipahiram ang nabasang libro.
19. Patawarin ang kapuwang nakagawa ng
kasalanan.
20. Bigyan ng hindi inaasahang regalo ang kaibigan.
21. Batiin ang kapuwa sa kanilang kaarawan.
22. Batiin ang kapuwa sa mga espesyal na araw tulad
ng Araw ng mga Puso.
23. Magbahagi ng iyong baon sa kapuwa.
24. Tulungan ang nangangailangan.
25. Ibigay sa nangangailangan ang mga pinaglumaang
damit subalit maganda pa naman.
26. Bisitahin ang kapuwa na may sakit.
27. Ibahagi ng espasyo sa mesa sa kapuwa na walang
malapagan ng pagkain sa restawran.
28. Mag-donate ng dugo kung kinakailangan.
29. Mag-organisa ng isang fund raising event.
30. Magboluntaryo sa mga gawaing sibiko.
Hangganan ng Kabutihan o Kagandahang-
loob
• Ang magiging daan ng isang indibidwal
para hindi niya sukuan ang paggawa ng
Mabuti ay ang kaniyang "Transcendent
self", na nangangahulugang "GOING
BEYOND".
Ang paggawa ng kabutihan o kagandahang
loob at ang tinatawag na unconditional love
ay mga hamon na nabibigyang-daan upang
maisabuhay din natin ang pagiging
mapagbigay ng sarili o maisakripisyo ang
sarili para sa higit na pinapahalagahan.

You might also like