AP YUNIT II ARALIN 7 Pananagutan Sa Pangangasiwa at Pangangalaga NG Pinagkukunang-Yaman NG Bansa

Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 18

ARALIN 7 Q2

Pananagutan sa Pangangasiwa at
Pangangalaga ng Pinagkukunang –
Yaman ng Bansa

Gng. Evelyn B. Sebastian


Magugpo Pilot Central Elementary School
Tagum City Division
• ALAMIN MO:

• Ang pananagutan ay itinuturing na kasingkahulugan


ng mga salitang tungkulin, obligasyon, at responsibilidad.
Ang pananagutan ay ang mga dapat gawin ng isang sector
o tao para sa kaniyang sarili at para sa kaniyang bayan.
Ang ating lipunan ay binubuo ng iba’t ibang kasapi,
kabilang dito ang mga mamamayan, pamilya, samahang
pribado, simbahan, paaralan, at pamahalaan. Ang bawat
kasapi ng lipunan ay may bahaging dapat gampanan at
may pananagutan upang maiwasan ang tuluyang
pagkawasak ng mga pinagkukunang-yaman ng bansa.
Mga Pananagutan ng Pamahalaan

Ang pamahalaan bilang isa sa mga pangunahin


at mahalagang kasapi ng lipunan ay may
pananagutan sa ating pinagkukunang-yaman. Ang
pamahalaan ay nagtalaga ng ahensya na siyang
nangunguna sa pangangasiwa ng ating kalikasan at
kapaligiran. Ito ang Department of Environment
and Natural Resources (DENR) o Kagawaran ng
Kapaligiran at Likas na Yaman. Mula sa Artikulo ll,
Section 16 ng Saligang Batas ng 1987, “Dapat
pangalagaan at isulong ng Estado ang karapatan ng
sambayanan sa timbang at kanais-nais na ekolohiya
na tugma sa kalikasan.
Ilan sa mga batas na naglalayong panatilihin at
proteksiyunan ang mga likas na yaman sa Pilipinas ay:
• 1. Coral Resources Development and Conservation Decree (PD
1219/PD1698) – ang batas na ito ay naglalayong protektahan ang
mga yamang koral sa katubigan ng Pilipinas.
• 2. Republic Act 428 – isang batas na nagbabawal sa pagbebenta o
pagbibili ng isda o ibang yamang-dagat na pinatay sa pamamagitan
ng dinamita o paglalason.
• 3. PD 705 o Selective Logging – ang pagpili lamang sa kung anong
puno ang maaaring putulin at kung ano ang dapat iwanan.
• Upang lalong mapaigting ang kampanya ng pamahalaan para sa
mga pinagkukunang –yaman, may mgaproyektong ipinatupad ang
pamahalaan para sa kalikasan gaya ng: Oplan Sagip Gubat, Sloping
Agricultural Land Technology(SALT), at Clean and Green Project.
Sloping Agricultural Technology
(SALT)
Pananagutan ng Paaralan
Nakasaad sa Saligang Batas ng Pilipinas(1987) Artikulo XIV-Edukasyon, Siyensya at Teknolohiya,
Sining, Kultura at Isports (Sec. 1)- “Pangangalagaan at itataguyod ng Estado ang karapatan ng lahat ng
mamamayan sa mataas na uri ng edukasyon sa lahat ng antas at magsasagawa ng mga kaukulang
hakbang upang ang nasabing mataas na uri ng edukasyon ay maging bukas para sa lahat.” Ang mga
paaralan ay dapat manguna sa pakikilahok sa mga proyektong inilunsad ng pamahalaan tulad ng
proyektong “Ilog ko, Irog ko”, Eco Saver ng Deped NCR, at “Kabataan Kontra Basura”.
Ang simbahan ay samahan ng mga taong may iisang paniniwala.
Bilang isang kasapi sa lipunan, ang simbahan ay may
pananagutan na manghimok sa kanilang mga kasapi na
magkaroon ng mataas na pagpapahalag sa mga likas na yaman na
siya nating pinagkukunan ng yaman. Dapat ipakita ang
paniniwala sa pamamagitan ng mga kilos, prinsipyo, at mabuting
gawa lao na para sa lahat ng bagay na may buhay gayundin ang
pagtatama sa maling gawa ng mga kasapi.
• Pananagutan ng Pribadong
Samahan

Ang pangangalaga sa kapaligiran at likas na yaman ay higit na pinalawak sa pamamagitan ng pakikipagtulungan ng


mga pribadong samahan o ahensya. Isang halimbawa nito ay ang media na may pananagutan na maging instrument
sa paglalahad sa mga taong bayan ng lahat ng kaganapan sa paligid at mga posibleng epekto nito sa kabuhayan ng
bansa. Pananagutan din nila ang maglunsad ng mga programang pantelebisyon o panradyo na maaaring magturo ng
ibat ibang paraan ng pangangalaga sa ating mga pinagkukunang- yaman.
Maaari ding sa pamamagitan ng mga awitin at dula ay maipabatid sa publiko ang mga mensaheng pangkapaligiran .
Pananagutan ng Pamilya
Ang pamilya o mag-anak ang tinaguriang
pinakamaliit na sangay ng lipunan, subalit may
malaking tungkulin para sa bansa. Pananagutan ng
bawat pamilya na simulant sa kanilang sariling
tahanan ang mga wastong paraan ng pangangalaga
sa ating mga yaman. Tungkulin ng mga magulang na
hubugin ang mga anak nang may pagpapahalaga sa
kalikasan

Add a Slide Title - 5


Pananagutan ng Mamamayan
Sa pangangalaga sa mga pinagkukunang-yaman,
nararapat na kaagapay at katuwang ang mamamayan
sa pagpapanatiling kapaki-pakinabang na likas na yaman
ng bansa. Ang pag-aabuso sa mga likas na yaman ay dapat
nang matigil upang mapanatili ang timbang ng ekolohiya ng
bansa.
Bilang mamamayan ng bansa pananagutan natin na:
1. Hikayatin ang bawat miyembro ng pamilya na makiisa
sa pagpapaunlad at pagliligtas ng kalikasan
2. Isabuhay ang anumang natutuhan o nalalaman ukol sa
pangangasiwa ng kalikasan at mga pinagkukunang-
yaman
3. Tumulong upang mabawasan ang polusyon sa hangin,
sa lupa at sa tubig
4. Makibahagi sa pmga proyekto ng pamayanan o kaya ay
bumuo ng samahan ng mga kabataan na tutulong upang
mabawasan ang mga suliranin sa kalikasan
5. Kausapin ang mga kaibigan upang makiisa sa gawing
pangkalikasan
6. Magkaroon ng sariling disiplina at gawin ang tama
para sa ikabubuti ng mundong ating ginagalawan
GAWIN MO
Gawain A

1. Kopyahin ang bubble map sa notbuk. Tukuyin ang kahulugan ng salitang pananagutan. Ibigay din ang mga
salitang kasingkahulugan nito.

kasingkahulugan

kasingkahulugan Pananagutan kasingkahulugan

kahulugan
2. Kopyahin ang caterpillar map. Isulat ang mga pananagutan ng bawat kasapi s
pangangalaga ng pinagkukunang-yaman sa caterpillar map.
a. pamahalaan b. paaralan c. simbahan d. pribadong samahan e. pamilya f. mamamayan

d e
a b c f
Gawain B
Basahin ang talata. Iguhit sa notbuk ang Bangka o life boat na iyong sasakyan sa ganitong pagkakataon.
Tayo ang mga halimbawa ng mga pinagkukunang ng yaman ng bansa. Ako si Kabundukan, ikaw si Dagat, at siya
si Kapatagan. Nakasakay tayo sa barkong naglalayag sa Dagat Kanlurang Pilipinas. Kasama natin sina Pamahalaan,
Paaralan, Simbahan, Pribadong Samahan, Pamilya, at Mamamayan. Maya-maya, biglang may malakas na putok
tayong narinig. Unti-unting lumulubog ang ating barko. Sa ganitong pagkakataon, kaninong life boat ka sasama?

Pamahalaan Paaralan Simbahan


Isulat ang inyong sagot sa notbuk.
1. Bakit ang bangkang iyan ang inyong napiling samahan?
2. Sa iyong palagay, anong kasapi ng lipunan ang may pinakamalaking pananagutan sa pangangasiwa at pangangalaga
ng bansa? Bakit?
Gawain C
Bumuo ng isang pyramid gamit ang mga tatsulok sa ibaba. Sagutin ang mga tanong pagkatapos.

Pribadong
Mamamayan Paaralan
samahan

Simbahan Pamahalaan Pamilya

1. Ano ang mensaheng nais ipabatid sa atin ng gawain?


2. Bakit mahalagang gampanan ng lahat ng kasapi ang kanilang pananagutan?
TANDAAN MO

Ang pananagutan ay itinuturing na kasingkahulugan ng mga salitang


tungkulin, obligasyon at responsibilidad.

Ang pananagutan ay ang mga dapat gawin ng isang sector o tao para sa kaniyang sarili at para
sa kanyang bayan.

Ang ating lipunan ay binubuo ng ibat ibang kasapi, kabilang dito ang pamahalaan, paaralan
simbahan, pribadong samahan, pamilya at mamamayan.

May bahaging ginagampanan ang bawat kasapi ng lipunan upang maiwasan ang tuluyang
pagkawasak ng mga likas na yaman ng bansa.
NATUTUHAN KO

I Gamit ang mga simbolo, tukuyin kung sino ang gaganap sa sumusunod na pananagutan. Iguhit sa notbut ang sagot.

- pamahalaan - simbahan -pribadong samahan

- paaralan - pamilya - mamamayan

_________1. Hinuhubog ang mga anak sa tamang pangangalaga sa kalikasan.


_________2. Gumagawa ng mga batas at programapara sa kalikasan.
_________3. Tinuturuan ang mga mag-aaral ng mga paraan sa wastong pangangasiwa ng pinagkukunang-yaman.
_________4. Magkaroon ng disiplina sa sarili.
_________5. Ipabatid sa mga tao ang tunay na kalagayan ng ating kapaligiran.
_________6. Kausapin ang mga kaibigan upang makiisa sa mga gawaing pangkalikasan.
_________7. Gumawa ng mga awit at palabras na pangkalikasan.
_________8. Disiplinahin ang mga anak.
_________9. Makibahagi sa mga proyekto ng pamayanan.
________10. Ipinatutupad ng DENR ang mga tungkulin nito.

You might also like