Grade 6 PPT ESP Q1 Aralin 3

Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 21

Aralin 3

Pagyamanin ang Mapanuring


.
Pag-iisip
Balik- Aral

Ano ang kaugnayan ng pag-alam


sa katotohanan sa paggawa ng
tamang desisyon?

Bakit kailangan nating gumawa ng


tamang desisyon?
ALAMIN NATIN
a. Ginagamit mo ba ang mga nasa larawan?
Paano mo ginagamit?
b.Sa iyong palagay, paano nakatutulong o
nakasasama ang mga nasa larawan?
c. Paano natin mahuhubog ang mapanuring
pag-iisip gamit ang mga nasa larawan?
d.Ano-ano ang dapat nating isaalang-alang sa
pagkakaroon ng mapanuring pag-iisip?
ISAGAWA NATIN

1. Panoorin ang video clip na may pamagat na “Gustin”


https://www.youtube.com/watch?v=zJcTtetwB0E
2. Gabay na tanong
a. Sino ang pangunahing tauhan sa video clip?
b. Paano mo ilalarawan si Gustin at ang kaniyang pamilya?
c. Ano ang napulot ni Gustin at ng kaniyang kaibigan? Ano ang
ginawa niya rito?
d. Ano naman ang ginawa ni Kapitan pagkatapos lumapit at
kumunsulta sa kaniya ni Gustin?
e. Paano nagdesisyon si Gustin? Madali ba para sa kanya ang
magdesisyon? Bakit oo/hindi?
f. Sino at ano ang nakatulong kay Gustin upang gawin niya ang
tama?
g. Kung ikaw si Gustin, ganoon din ba ang iyong gagawin? Bakit?
ISAPUSO NATIN

PANGKATANG GAWAIN

(Ang bawat pangkat ay


gagawa at iisip ng isang
sitwasyon sa tahanan,
paaralan at barangay na
nagpapakita ng pagiging
mapanuring pag-iisip)
ISAPUSO NATIN

1. Ano ang sitwasyon na inyong


ipinakita?
2. Paano ninyo naipakita sa mga
manonood ang mapanuring pag-
iisip sa sitwasyong inyong
ipinalabas?
3. Paano ninyo naipakita ang
mapanuring pag-iisip upang
makapagdesisyon?
4. Bilang mag-aaral, paano mo
maipapakita sa pang-araw-araw
na buhay ang pagkakaroon ng
mapanuring pag-iisip?
Pagpoproseso ng karanasan

a. Nagkaroon na ba kayo ng parehong


karanasan katulad ng mga sitwasyong
inyong ginawa?
b. Paano ninyo naipakita ang mapanuring
pag-iisip sa pagbuo ng tamang
desisyon?
c. Magbahagi ng inyong personal na
karanasan na nagpapakita nang
mapanuring pag-iisip.
ISABUHAY NATIN

Punan ang graphic organizer ng katangian ng taong


nagpapakita ng mapanuring pag-iisip.

Taong may
mapanuring
pag-iisip
1. Ano-ano ang katangian ng taong may mapanuring
pag-iisip?

2. Paano maisasabuhay ang mapanuring pag-iisip sa


tahanan?sa paggamit ng mass media?
SUBUKIN NATIN

INDIBIDWAL NA GAWAIN

1. Pag-aralan at suriing mabuti ang bawat sitwasyon.


Ipahayag sa klase ang inyong saloobin at kaalaman.

Isang araw habang abala sa panonood si Roger


ay biglang tumunog ang kanyang telepono at
nagsasabing siya ay isang bastos at walang
pinag-aralan bagaman maayos naman ang
kaniyang pakikipag-usap sa kabilang linya.
Si Aldrin ay isang batang masipag mag-aral. Araw-
araw walaaraw
Sa araw, siyang ginagawa
walang ginawakungsi hindi
Carla magbasa at
kundi mag-
mag-aral. Subalitaraw,
facebook. Isang isang araw,
hindi nabalitaan
inaasahang niya siya
nakabasa na
nagkakalat ng maling
ng isang post balita na
sa facebook angmawawalan
kanyang kaibigan.
ng pasok
Ipinagkakalat
kinabukasan sa daw
Tondo.nito na kaya matataas ang
kaniyang marka ay dahil siya ay nangongopya
lamang sa kaniyang matalinong katabi.
a. Ano ang naramdaman ninyo habang sinusuri ang
bawatsitwasyon?
b. Ano ang masasabi niyo sa mga sitwasyong
nabanggit?
c. Ano ang isinasaalang-alang ninyo sa pagbuo ng
pasya?
d. Mahalaga ba ang pagkakaroon ng mapanuring pag-
iisip? Bakit oo/hindi?
e. Ano-ano pa ang paraan upang magkaroon ng
mapanuring pag-iisip?
PAGLALAHAT

Sa lahat ng nabanggit, ano para sa inyo ang


ibig sabihin ng mapanuring pag-iisip o
kritikal na pag-iisip?
TANDAAN NATIN

Ang mapanuring pag-iisip ay ang


kakayahan na mag-isip nang malinaw at
makatwiran tungkol sa kung ano ang
gagawin o kung ano ang paniniwalaan.
Kabilang dito ang kakayahan upang
makisali sa reflective at malayang pag-iisip.
Ang isang tao na may mga kritikal na mga
kasanayan sa pag-iisip ay magagawang
gawin ang sumusunod:
TANDAAN NATIN

• Maunawaan ang mga lohikal na koneksyon sa


pagitan ng mga ideya
• Kilalanin, suriin, at buuin ang mga
argumento
• Tuklasin ang hindi pagkakapare-pareho at
mga karaniwang pagkakamali sa
pagdadahilan
• Malutas ang mga problema sa sistematikong
paraan
• Makilala ang kaugnayan at kahalagahan ng
mga ideya
• Masasalamin ang pagbibigay-katarungan ng
sariling paniniwala at mga halaga
Ang mapanuring pag-iisip ay hindi lamang
tungkol sa pagkalap ng impormasyon. Ang
isang kritikal na palaisip ay nakakayang
pagbatayan ang kahihinatnan mula sa kung
ano ang alam niya, at alam niya kung paano
gamitin ang mga impormasyon upang
malutas ang mga problema.
Ang mapanuring pag-iisip ay hindi dapat ipagkamali sa
pagiging mahilig sa pakikipagtalo o pagiging kritikal ng
ibang tao. Ito ay maaaring magkaroon ng mahalagang
papel sa pagbibigay-liwanag sa mga gawain. Ito ay rin ay
maaaring makatulong upang makakuha ng kaalaman,
mapabuti ang mga teorya, at palakasin ang mga
argumento. Maaari din itong gamitin upang mapahusay
ang proseso sa trabaho at mapabuti ang panlipunang
institusyon.
PAGTATAYA NG ARALIN

Basahin at suriin ang bawat gawain. Lagyan ng tsek ang hanay


na nagpapahayag ng mapanuring pag-iisip.

Gawain Oo Minsan Hindi


1. Nagsisikap na maging patas ang mga ginagawang
pasya sa bawat pangyayari.
2. Agad magdesisyon kahit hindi pa malinaw ang mga
dahilan sa bawat pangyayari.
3. Nagtatanong sa mga taong nakasaksi ng mga
pangyayari upang malaman ang totoong dahilan bago
bumuo ng desisyon.
4. Tinitimbang ang sitwasyon ng magkabilang panig
bago sabihin ang sariling desisyon.
5. Madaling sumang-ayon sa mga pangyayari kahit ito
ay walang baseha.
a. Sa iyong palagay. Nagagawa mo bang magpasya ng
may mapanuring pg-iisip? Paano mo nasabi?

b. Bakit mahalaga ang pagkakaroon ng mapanuring pag-


iisip?

c. Bukod sa mga nabanggit, ano-ano pa ang paraan upang


maisabuhay ang mapanuring pag-iisip?
TAKDANG ARALIN

1. Gumupit ng limang (5) larawan na madalas mong


ginagamit at idikit ito sa iyong kwaderno. Isulat kung
paano mo ito ginagamit upang mahubog ang inyong
mapanuring pag-iisip?

2. Ipasulat sa TALAARAWAN ng mga mag-aaral ang


mahalagang aral na kanilang natutunan sa araling ito at
ang kanilang nais gawin upang malinang pa ang aral na
ito.

You might also like