Summative 3 in ESP 6 Quarter 1
Summative 3 in ESP 6 Quarter 1
Summative 3 in ESP 6 Quarter 1
ESP 6
Quarter 1
Name____________________________________Section __________________________
b. ikabubuti ng pamilya
c. ikabubuti ng nakararami
Sagutin ng Oo o Hindi ang bawat pangungusap.
1. Sakit sa ulo ang mag isip kaya di na lang ako kumikibo pag tinatanong.
2. Iniisip ko muna ang magiging kalalabasan ng aking pasya bago ako mag desisyon.
3. Makapagbibigay lamang ako ng pasiya, kung alam kong ang magiging resulta nito ay para sa
kabutihan ng nakararami.
4. Nagtatampo ako kapag hindi nakikiayon ang iba sa aking pasiya.
5. Ayaw kong masisi ako ng iba kaya hindi ako nagpapasiya.
6. Kahit sinasalungat ang aking pasiya, inuunawa ko ang nagbibigay nito.
7. Pabigla bigla ako sa pagpapasiya dahil gusto ko na may sagot agad ako sa suliranin.
8. Nagtitimpi ako kung mahinahon akong kinakausap kahit siya ay aking kasalungat.
9. Kung anong naisip kong sabihin,magsasalita ako kahit alam kong may masasaktan.
10. Naninindigan ako sa kung ano ang totoo at makabubuti sa lahat bago ako magpasiya.
Performance Task 3
Quarter 1-ESP 6
1. Hindi malaman ni Roy kung bakit hanggang ngayon ay hindi pa siya binibili ng kanyang ama ng
bagong modelong cellphone gayong sinasabi nito na malaki ang naipon niyang pera nang umuwi
galing abroad. Nang kinausap naman niya ang nanay niya,sinabi nitong binubuo ng pamilya ang
perang pambili ng bahay at lupa para hindi na sila mangupahan. Kung humingi ng payo sa iyo si
Roy,ano ang sasabihin mo ? Ipaliwanag kung bakit.
2. Gustong gusto ni Mika na manood at tumulong sa pagluluto ng kanyang nanay. Isang umaga,
tinanghali ng gising ang kanyang nanay. Nagpunta si Mika sa kusina. Inihanda niya ang lulutuin
sa almusal. Hindi pa rin bumangon ang nanay niya kung kaya naisipan na niyang magluto na.
Isinalang niya ang itlog upang prituhin. Pumunta siya sandali sa kwarto niya, pagbalik niya sa
kusina ay sunog na ang itlog. Ano sana ang ginawa ni Mika bago siya nagpasiyang magluto?