Soslit Aralin 3 Mga Ibat Ibang Uri at Anyo NG Panitikan

Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 61

DON HONORIO VENTURA STATE UNIVERSITY

Kolehiyo ng Agham Panlipunan at Pilospiya


Vila de Bacolor, Pampanga
Sosyedad at Literatura

ARALIN 3
Iba’t ibang Uri at Anyo ng
Panitikan

Inihanda ni: John Renzo B. Limpin MaEd-CAR


INSTRAKTOR I
KAHULUGAN NG PANITIKAN

Sa pinakapayak na paglalarawan, ang


isang panitikan o panulatan ay ang
pagsulat ng tuwiran o tuluyan at pagtula
na nag-uugnay sa isang tao.

Ang panitikan ay nahahati sa iba’t


ibang uri at anyo.
Mga uri ng Panitikan

1. Kathang-isip o piksyon

- ay ang paggamit ng mga manunulat


ng kanilang imahinasyon. Umiimbento
sila ng mga kathang-isip na mga
tauhan, pangyayari at lugar ng
pinangyarihan ng kuwento para sa
kanilang mga kuwento.
Mga uri ng Panitikan

2. Di-piksyon

- ay ang mga panulat na batay sa


tunay na pangyayari. Hindi gawa-gawa
lamang ang nakakaingganyong
kuwento.
Mga anyo ng Panitikan
1. Prosa o tuluyan

- ay ang pagpapahayag ng kaisipan na


isinusulat sa pamamagitan ng patalata. Ito
ang karaniwan at malayang pagsasama-
sama ng mga salita sa isang pangungusap.
Ang alamat, nobela, kathambuhay,
anekdota, pabula, parabula, maikling
kwento, sanaysay, dula, at kwentong-
bayan ay ilan lamang sa mga halimbawa
nito.
Mga anyo ng Panitikan
2. Patula o panulaan

- ay pagsulat at pagpapahayag sa
pamamagitan ng pasaknong. Ilan sa mga
halimbawa nito ay awit at korido, epiko,
balad, sawikain, salawikain, bugtong,
tanaga, at iba pa.
Mga Akdang Prosa o Tuluyan
Mga Akdang Prosa o Tuluyan
1. Alamat
-Ito ay isang uri na kung saan
nagkukuwento ito tungkol sa mga
pinagmulan ng mga bagay-bagay sa
daigdig. Minsan sa mga pinagmulan ng
mga hayop or mga halaman.
Mga Akdang Prosa o Tuluyan
2. Anekdota
-Ito ay akdang isinalasaysay ang mga
kakaiba o kakatuwang nangyari sa buhay
ng isang sikat, o kilalang mga tao.
Mga Akdang Prosa o Tuluyan
3. Nobela
-Ito ay isang mahabang kuwentong
piksyon na binubuo ng iba’t ibang
kabanata. Ito ay karaniwang kathang isip
lamang ng manunulat. Naglalaman ito ng
dalawa o higit pang mga tauhan,
maraming pangyayari at may kaganapan
sa iba’t-ibang tagpuan. Binubuo ito ng
60,000 hanggang 200,000 na salita o
300-1,300 pahina.
Mga Akdang Prosa o Tuluyan
4. Pabula
-Ito ay akda kung saan ang mga tauhan
ay mga hayop. Kung ang tawag sa
manunulat ng maikling kwento ay
“kwentista”, “pabulista” naman ang
tawag naman sa manunulat ng pabula.
Mga Akdang Prosa o Tuluyan
5. Parabula
-Ito ay tinatawag ding talinhaga, ito ay
mga maikling kuwentong may aral na
kalimitang hinahango mula sa Bibliya.
Ang parabula ay tinatawag ding
talinghaga.
Mga Akdang Prosa o Tuluyan
5. Parabula
-Ito ay gumagamit ng pagtutulad at
metapora upang bigyan ng diin ang
kahulugan. Ito ay madalas na hango sa
Banal na Kasulatan at kuwentong
umaakay sa tao sa matuwid na landas ng
buhay. Ang mga detalye at mga tauhan
ay hindi nagbibigay ng malalim na
kahulugan; ang binibigyan ng diin ay
aral sa kuwento.
Mga Akdang Prosa o Tuluyan
6. Maikling Kwento
-Ito ay hinggil sa isang mahalagang
pangyayaring kinasasangkutan ng isa o
ilang tauhan at may iisang kakintalan o
impresyon lamang. Isa itong masining na
anyo ng panitikan.
Mga Akdang Prosa o Tuluyan
7. Sanaysay
-Ito ay maiksing komposisyon na
kalimitang naglalaman ng personal na
kuru-kuro ng may akda
Mga Akdang Prosa o Tuluyan
7. Sanaysay
Ayon kay Alejandro G. Abadilla ang
sanaysay ay "nakasulat sa karanasan ng isang
sanay sa pag sasalaysay". Ang sanaysay ay
nagmula sa dalawang salita, ang SANAY at
PAGSASALAYSAY. Ito ay panitikang
tuluyan na naglalahad ng kuro-kuro,
damdamin, kaisipan, saloobin, reaksiyon, at
iba pa ng manunulat hinggil sa isang
makabuluhan, mahalaga at napapanahong
paksa o isyu.
Mga Akdang Prosa o Tuluyan
8. Mito
- Kwento tungkol sa Diyos at Diyosa,
pinagmulan ng sandaigdigan. (Halimbawa:
Alamat ng Maria Makiling)
Mga Akdang Prosa o Tuluyan
9. Talambuhay
- ito ay nagsasaad ng kasaysayan ng buhay ng
isang tao na hango sa mga tunay na
pangyayari o impormasyon.

Dalawang Uri ng Talambuhay


1. Talambuhay na Pang-iba (Biograpghy)
2. Talambuhay na Pansarili (Autobiography)
Mga Akdang Prosa o Tuluyan
10. Balita
- paglalahad ng totoong pangyayari sa loob at
labas ng bansa.
Mga Akdang Prosa o Tuluyan
11. Talumpati
- ito ay kaisipan o opinyon na pinapabatid sa
pamamagitan ng pagsasalita sa entablado.
Layunin nitong magbigay kaalaman o
impormasyon, humikayat at maglahad ng
paniniwala.
Mga Akdang Prosa o Tuluyan
12. Dula
-Mga kwento na isinasabuhay at nahahati ang
pangyayari sa yugto. Iskrip ang tawag sa puso
ng dula. Sa iskrip nakasaad ang lahat ng mga
linya, pangyayari at mga senaryong
pinagbabatayan ng mga gaganap sa dula.
Mga Akdang Prosa o Tuluyan
13. Liham
-Ito ay tumutukoy sa mga sulatin na
nagpapakitan ng damdamin, kaisipan ng may-
akda. Nakasaad sa liham ang nais iparating ng
nagsusulat para sa kanyang mambabasa o
target reader.
Mga Akdang Prosa o Tuluyan
14. Kwentong Bayan
-Mga salaysay na hingil sa mga likhang-isip
ng mga tauhan na kumakatawan sa mga uri ng
mamayan na kapupulutan ng aral.
Mga Akdang Prosa o Tuluyan
15. Editoryal
-Ito ay pangulong tudling na naglalaman ng
kuro-kuro ng editor.
Mga akdang Patula o Panulaan
Mga akdang Patula o Panulaan

Ang mga akdang patula ay


nahahati sa dalawa. Una ang
tulang tradisyonal o mga tula na
may sukat at tugma. Ikalawa, mga
tulang malaya o mga tulang
walang sukat at tugma.
Mga akdang Patula o Panulaan

Ang mga akdang patula ay nahahati sa


mga sumusunod:
1. Tulang liriko o tulang damdamin
2. Tulang pasalaysay
3. Tulang patnigan
4. Tulang Pandulaan
Mga akdang Patula o Panulaan

MGA TULANG LIRIKO O TULANG


DAMDAMIN
Mga akdang Patula o Panulaan
MGA TULANG LIRIKO O TULANG
DAMDAMIN
Liriko ang tinatawag ng mga Griyego sa tulang
inaawit sa saliw ng lira.

Ang tulang liriko ay may himig awit pa rin


hanggang ngayon bagama’t pinatutunayan ng
makata na hindi na kailangan ang isang lira o
anupamang instrumento upang siya’y umawit.
Nakalilikha siya ng musika sa pamamagitan ng
pagsasama-sama ng mga salita. Palibhasa’y
matindi siya kung magdamdam, ang kanyang
mga salita at damdamin ay nalilikha ng tunog
na maaliw-iw at nakagagayuma.
Mga akdang Patula o Panulaan
MGA TULANG LIRIKO O TULANG
DAMDAMIN
Bukod sa mayamang damdamin, ang
iginaganda ng tulang liriko ay ang indayog
ng mga taludtod at ang pagsising-isang
tunog ng mga huling pantig bukod pa ang
paggamit ng maririkit na paglalarawan.
Mga akdang Patula o Panulaan
MGA TULANG LIRIKO O TULANG
1. Oda DAMDAMIN
Ang oda ay mahabang tulang liriko na
nagpapahayag ng matayog at
masidhing damdamin hinggil sa isang
tao, bagay, o pangyayari.

Sa pasimula ito’y isinulat upang awitin


datapwat ngayon ito’y karaniwang
isinusulat upang basahin. Ito’y isang
tulang liriko na may marangal na uri at
karaniwang isang apostrope o
patungkol sa isang kaisipan.
Mga akdang Patula o Panulaan
MGA TULANG LIRIKO O TULANG
2. Dalit DAMDAMIN
Ang dalit ay isa sa mga tradisyonal na anyo
ng tulang Tagalog. Ito ay may dalawang
natatanging katangian: maikli (isang
saknong na may apat na taludtod at may
sukat na wawaluhin) at matalinghaga.
Mga akdang Patula o Panulaan
MGA TULANG LIRIKO O TULANG
2. Dalit DAMDAMIN
Maraming misyonerong Espanyol ang
nag-aral at nagsulat hinggil sa panulaang
Tagalog. Ang mga pag-aaral na ito ay
nagbunga ng pagkakalikha ng mga dalit
hinggil sa mga panrelihiyong gawain.
Mga akdang Patula o Panulaan
MGA TULANG LIRIKO O TULANG
3. Soneto DAMDAMIN
Ang Soneto ay isang uri ng tulang may 14
na taludtod tungkol sa damdamin at
kaisipan, may tugma, at may mapupulot na
aral ang mambabasa.
Mga akdang Patula o Panulaan
MGA TULANG LIRIKO O TULANG
4. Elehiya DAMDAMIN
Ito ay malungkot na tula o anumang katha
na ipinatutungkol sa namatay.

Ang elehiya ay isang tulang liriko na


naglalarawan ng pagbubulay-bulay o guni-
guni hinggil sa kamatayan
Mga akdang Patula o Panulaan
MGA TULANG LIRIKO O TULANG
5. Awit DAMDAMIN
Ang awit ay isang uri ng tulang pasalaysay
na binubuo ng tig-aapat na taludtod ang
bawat saknong, na ang bawat taludtod ay
may lalabindalawahing pantig, at ang
tradisyonal na dulong tugma ay isahan. Ito
ay ang karaniwang awiting ating naririnig.
Karaniwan itong may malungkot na paksa.
Mga akdang Patula o Panulaan

Mga tulang Pasalaysay


Mga akdang Patula o Panulaan
MGA TULANG PASALAYSAY
Ito’y kadalasang ginagamitan ng boses ng
tagapagsalaysay at ng mga tauhan; at ang
buong istorya ay nasusulat sa may sukat na
taludtod. Hindi kailangang mayroong
huwarang pang-ritmo ang tulang pasalaysay.
Ang ganitong uri ng tula ay maaaring maikli o
mahaba, at ang istoryang kinukwento nito ay
maaaring komplikado. Ito ay karaniwang
dramatiko, may layunin, iba’t ibang tauhan, at
sukat.
Mga akdang Patula o Panulaan
MGA TULANG PASALAYSAY
1. Epiko
Isang mahabang kuwento/tula,
kalimitan tungkol sa isang
seryosong paksa na naglalaman ng
mga detalye ng kabayanihang gawa
at mga kaganapan ng makabuluhan
sa isang kultura o bansa.
Mga akdang Patula o Panulaan
MGA TULANG PASALAYSAY
2. Awit at Korido
Ang awit at korido ay mga akdang nasa
anyong patula. Ang sa saknong ng mga ito ay
may natatanging bilang o sukat at may
magkakasintunog o magkakatugmang mga
pantig. Ang korido ay salaysay sa pakikipag-
ibigan at pakikipagsapalaran ng isang tauhang
malabayani na punung-puno ng kababalaghan.
Ang awit naman ay salaysay sa pakikipag-
ibigan at pakikipagsapalaran ngunit ang mga
tauhan at walang sangkap na kababalaghan.
Mga akdang Patula o Panulaan
MGA TULANG PASALAYSAY
2. Awit at Korido
Ang awit at korido ay mga akdang nasa
anyong patula. Ang sa saknong ng mga ito ay
may natatanging bilang o sukat at may
magkakasintunog o magkakatugmang mga
pantig. Ang korido ay salaysay sa pakikipag-
ibigan at pakikipagsapalaran ng isang tauhang
malabayani na punung-puno ng kababalaghan.
Ang awit naman ay salaysay sa pakikipag-
ibigan at pakikipagsapalaran ngunit ang mga
tauhan at walang sangkap na kababalaghan.
Mga akdang Patula o Panulaan
MGA TULANG PASALAYSAY
3. Awit at Korido
Ang kaibahan ng awit at korido ay maaaring
nasa sukat at anyo:

1. Mabilis ang bigkas ng korido, may


kabagalan naman ang awit

2. Ang korido ay may walong pantig at


binibigkas sa kumpas ng martsa “allegro”,
samantala ang awit ay may labindalawang
pantig at inaawit na mabagal sa saliw ng gitara
o bandurya “allegro”
Mga akdang Patula o Panulaan
MGA TULANG PASALAYSAY
3. Awit at Korido
3. Ang ikinaganda ng awit ay sa mga aral na
ipinahihiwatig samantala sa korido ang
ikinawiwili ng mga mambabasa ay ang
kuwento o kasaysayang napapaloob dito.
Mga akdang Patula o Panulaan

Mga tulang Patnigan


Mga akdang Patula o Panulaan
MGA TULANG PATNIGAN
Ang tulang patnigan ay isang uri ng
pagtatalong patula na ginagamitan ng
pangagatwiran at matalas na pag-iisip.
Mga akdang Patula o Panulaan
MGA TULANG PATNIGAN
1. Balagtasan
Ang balagtasan ay isang sining kung saan
inilalahad sa isang uri ng panitikan ang mga
saloobin o mga gustong ipahayag ng isang tao
sa pamamagitan ng pananalitang may mga
tugma sa huli (rhyme).
Mga akdang Patula o Panulaan
MGA TULANG PATNIGAN
1. Balagtasan
Nagsimula ang salitang balagtasan sa orihinal na
apelyido ni Francisco Baltazar, ang Balagtas
dahil nabuo ito sa panahong ipagdiriwang ang
anibersaryo ng kanyang kapanganakan. Kung
may Bukanegan ang mga Ilocano na hango sa
apelyido ni Pedro Bukaneg, ang kilalang makata
ng Iloko/Ilocano; at may Crissotan, ang mga
Capampangan na hango sa apelyido ni Juan
Crisostomo Soto, ang makata ng Capampangan,
higit na nauna ang salitang Balagtasan sa
dalawang salitang nabanggit.
Mga akdang Patula o Panulaan
MGA TULANG PATNIGAN
1. Balagtasan
Ang hukom ng balagtasan ay tinatawag na
lakandiwa kung lalaki at lakambini naman kung
babae. Siya ang magpapasiya kung sino ang
nagwagi nang patula o pasalaysay. Maaari ring
matawag ang balagtasan na debateng patula o
pagtatalong pasalaysay. Nagmula ang salitang
balagtasan sa apelyido ni Francisco Balagtas.
Mga akdang Patula o Panulaan
MGA TULANG PATNIGAN
2. Karagatan
Uri ng sinaunang panitikang larong patula na
kadalasang ginagawa sa lamayan. Ang paksa ng
karagatan ay tungkol sa isang prinsesa na
nawala ang singsing sa karagatan.
Nagpapasikatan ang mga binata sa kanilang mga
husay at talento (na isinasagawa sa
pamamagitan ng pagtula). Kung sino man sa
kanila ang makakakuha ng singsing ay magiging
asawa ng prinsesa.
Mga akdang Patula o Panulaan
MGA TULANG PATNIGAN
3. Duplo
Isa ring pagtatalo at pahusayan sa pagbigkas ng
tula ang duplo na ginagawa sa lamayan.
Tinaguriang punong halamanan ang haring
namumuno rito. Nagsimula ang paligsahan sa
pagdarasal para sa kaluluwa ng yumaong
pinararangalan.
Mga akdang Patula o Panulaan
MGA TULANG PATNIGAN
4. Batutian
Ang batutuian ay isang uri ng tulang patnigan na
hinango sa balagtasan. Ipinangalan ito sa
kinikilalang " Unang Hari ng Balagtasan", si
Jose Corazon de Jesus (Huseng Batute).
ginagawa ito sa mga lamayan upang libangin
ang mga tao. Naglalaman ito ng katatawanan
ngunit may kasama ring katotohanan.
Mga akdang Patula o Panulaan

Mga tulang Pantanghalan o pandulaan


Mga akdang Patula o Panulaan
MGA TULANG PANGTANGHALAN
O PANDULAAN
Karaniwang itinatanghal sa theatro. Ito ay
patulang ibinibigkas na kung minsan ay
sinasabayan ng ritmo o melodiya ng isang
awitin. Naglalarawan ito ng mga tagpong
lubhang madula na maaaring makatulad ng, o
dili kaya’y naiiba sa nagaganap sa pang-araw-
araw na buhay.
Mga akdang Patula o Panulaan
MGA TULANG PANGTANGHALAN
1. Senakulo O PANDULAAN
Ang senakulo ay isang dula patungkol sa buhay,
pagpapasakit, kamatayan at muling pagkabuhay
ng Panginong Hesukristo. Isa ito sa mga
tradisyon ng Semana Santa sa ilang grupong
Cristiano, partikular na sa mga Katoliko.
Mga akdang Patula o Panulaan
MGA TULANG PANGTANGHALAN
1. Senakulo O PANDULAAN
Ito ay katulad din sa dula ng pasko ng
pagkabuhay. Nag-umpisa ito bilang isang ritwal
ng simbahan, na siyang nagtatakda na ang
ebanghelyo ng Biyernes Santo ay dapat awitin
sa iba't ibang bahagi na paghahatian ng ilang
mga tao. Kinalaunan, nagkaroon ng sariling
anyo ang senakulo. Ang unang senakulo ay
isinadula sa wikang Latin, matapos noon ay
nagkaroon ng bersyon sa wikang bernakulo.
Mga akdang Patula o Panulaan
MGA TULANG PANGTANGHALAN
2. Moro-moro O PANDULAAN
Ang moro-moro, ay natatangi sapagkat walang
ibang bansa na nakaisip at nakapagsagawa ng
nasabing palabas na katulad nang sa Pilipinas.
Ang Pilipinas lamang ang nawili sa paggawa ng
moro-moro na ang obrang ito ay tuluyan nang
itinuring na kasama sa buhay ng mga Pilipino sa
halos dalawang siglo.
Mga akdang Patula o Panulaan
MGA TULANG PANGTANGHALAN
2. Moro-moro O PANDULAAN
Ang moro-moro ay pinaniniwalaang nag-ugat
mula sa sagupaan sa pagitan ng mga Kristiyano
at Pilipinong Muslim. Ang makasaysayang
laban na ito ay nagsimula noong ika-16 na siglo
nang ang mga Kristiyanong Malay, mga Pilipino
sa Luzon at Visayas ay sumama sa pakikidigma
ng mga Kastila laban sa mga Pilipinong Muslim
na nasa Timog ng Pilipinas.
Mga akdang Patula o Panulaan
MGA TULANG PANGTANGHALAN
3. Sarsuwela O PANDULAAN
Ang sarswela ay isang uri ng pagtatanghal na
may kasamang pag-awit at pag-sayaw. Subalit,
hindi lamang kanta at sayaw ang elemento ng
pagtatanghal na tinatawag na sarswela. Ito ay
dinadala sa pamamagitan ng isang dula gamit
ang patula, pasalita, o pakantang dayalogo. Ito
ay nanggaling sa impluwensya ng mga Kastila
kung saan unang umunlad ang Espanya noong
ika-17 na siglo.
"Ang literatura ay nagdaragdag sa realidad,
hindi ito basta-basta naglalarawan. Ito ay
nagpapayaman sa mga kailangan na
kakayahan na inihaharap ng pang-araw-
araw na buhay; at sa bagay na ito, ito ay
nagdidilig sa mala disyertong buhay natin.“

- Clive Staples Lewis


Maraming salamat
sa
pakikinig!
Mga sanggunian
https://www.google.com/search?gs_ssp=eJzj https://newspapers.ph/2020/12/kahulugan-n
4tLP1TcwLE8xMEo2YPTiTNYrVshJLc8sBgBKYAa g-sarswela-ano-ang-ibig-sabihin-ng-sarswela/
t&q=c.s+lewis&oq=C.S+l&aqs=chrome.1.69i5
7j46i512j0i512l4j46i512j0i512l2.2813j0j4&so https://philnews.ph/2022/01/04/mga-uri-ng-
urceid=chrome&ie=UTF-8 panitikan-at-kahulugan-ang-ibat-ibang-anyo-a
t-uri/
https://tunaynabulakenya.wordpress.com/20
16/09/18/anyo-ng-panitikan-anyong-patula/

You might also like