AS19 FIL 112 PPT Otic Lictawa
AS19 FIL 112 PPT Otic Lictawa
AS19 FIL 112 PPT Otic Lictawa
MITOLOHIYA
Ito’y salaysay tungkol sa iba’t ibang
Diyos na pinaniniwalaang mga
sinaunang katutubo.
Ang salaysay na ito ay tungkol sa mga
kababalaghan at tungkol sa kanilang
mga pananalig at paniniwala sa mga
anito.
ALAMAT
Ito ay isang uri ng panitikan na
nagkukuwento tungkol sa mga
pinagmulan ng mga bagay-bagay sa
daigdig.
Karaniwang nagsasalaysay ang mga ito ng
mga pangyayari hinggil sa tunay na
pinagmulan ng mga tao at pook, at
mayroong pinagbatayan sa kasaysayan.
Mga Halimbawa:
Si Malakas at Maganda
Alamat ng Pinya
Ang Alamat ng Pinagmulan ng Lahi
KUWENTONG BAYAN
Ang kuwentong bayan ay mga salaysay hinggil sa mga
likhang-isip na mga tauhan na kumakatawan sa mga uri
ng mamamayan, katulad ng matandang hari,isang
marunong na lalaki, o kaya sa isang hangal na babae.
Mga Halimbawa:
Maria Makiling
Mariang Sinukuan
PARABULA
Ay isang uri ng maikling kwento na ang
karaniwang gumaganap ay mga tao. Ito ay
naglalarawan ng katotohanan o tunay na
pangyayari sa ating buhay. Ang parabula ay
tulad din ng pabula na kinapapalooban ng aral.
Mga Halimbawa:
Ang mabuting Samaritano
Ang Publikano at ang Pariseo
Ang Lagalag na Anak
PABULA
Ito ay mga maikling kwento na ang mga
tauhan ay mga hayop kung saan ay
napupulutan din ng mga magagandang aral ng
mga mambabasa.
Mga Halimbawa:
Bakit Dala-Dala ni Pagong ang kanyang Bahay
Bakit Laging Nag-aaway ang Aso, Pusa at
Daga
Ang Lobo at ang Ubas
ANEKDOTA
Ito ay maikling kwento ng isang nakakawiling insidente
sa buhay ng isang tao.
Mga Halimbawa:
Ang nalaglag sa ilog na tsinelas ni Jose Rizal
Nagrereklamo na Takot
MARAMING
SALAMAT!
TAGA-ULAT:
LICTAWA, DANNICA F.
OTIC, NELGIE E.