Download as PPTX, PDF, TXT or read online from Scribd
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 14
KWENTONG BAYAN HALIMBAWA
Ayon sa PanitikangPinoy, ito ay mga salaysay na mula sa mga likhang-
isip na mga tauhan na kumakatawan sa mga uri ng mamamayan tulad ng hari, isang marunong na lalaki, o kaya sa isang hangal na babae. Ito ay kadalasang kaugnay sa isang tiyak na pook o rehiyon ng isang bansa o lupain. Ito ay katulad rin ng mga alamat at mga mito. Ang mga akdang ito ay karaniwang may ibinibigay na mensaheng ubod ng kaalaman katulad ng salawikain. 1. Alamat Ang alamat ay nagsasalay ng mga kwento kung paano nabuo o kung ano ang pinagmulan ng isang bagay, pook, tao o hayop. 2. Mito Ang mito ay mga kwento tungkol sa mga diyos at diyosa at kung ano ang kanilang papel sa mga nilalang o mga tao.a 3. Parabula Ang mga parabula ay mga kwentong maaring totoong nangyari at kinapupulutan din ng aral. Sa Biblia ay maraming kwentong parabula. 4. Pabula Ang mga pabula ay kinatatampukan ng mga kwentong ang mga tauhan ay hayop o mga bagay na nagsasalita at binigbiyang buhay na parang tao. Ito ay mga kwentong may aral kung saan ipinapakita ang pag-uugali ng isang tao o ng kanilang katangian. ALAMAT Alamat ang tawag sa pasalitang literature na ipinamana pa sa atin ng ating mga ninuno.Mga simpleng istorya ito na nagsasalaysay kung saan nanggagaling ang maraming bagay-bagay sa ating kapaligiran. Ang alamat ay isang uri ng kwentong bayan at panitikan na nagsasalaysay ng mga pinagmulan ng mga bagay- bagay sa daigdig. Ang salitang alamat ay panumbas sa salitang “Legendus” ng wikang latin at “Legend” ng wikang Ingles na ibig sabihin ay “upang mabasa”. BAHAGI NG ALAMAT SIMULA TAUHAN – kung sino-sino ang magsisiganap sa kwento at kung ano ang papel na gagampanan ng bawat isa. Maaaring bida, kontrabida, o suportang tauhan. TAGPUAN – nakasaad ang lugar na pinangyarihan ng mga aksyon, insidente, gayundin ang panahon kung kalian naganap ang kwento. SULIRANIN – nagsasaad ng problemang haharapin ng pangunahing tauhan. GITNA SAGLIT NA KASIGLAHAN – ang naglalahad ng panandaliang pagtatagpo ng mga tauhang masasangkot sa suliranin. TUNGGALIAN – nagsasaad sa pakikitunggali o pakikipagsapalaran ng pangunahing tauhan laban sa mga suliraning kakaharapin. KASUKDULAN – ang pinakamadulang bahagi kung saan maaaring makamtan ng pangunahing tauhan ang katuparan o kasawian ng kaniyang ipinaglalaban. KATANGIAN NG ALAMAT
Ito ay kathang-isip o binuo ng imahinasyon lamang.
May mga pangyayaring hindi nagaganap sa tunay na buhay. Punong-puno ng mga kapangyarihan, pakikipagsapalaran at hiwaga. Kasasalaminan ng kultura at kaugalian ng mga tao sa lugar ng pinagmulan nito. Mayroong aral na mapupulot. WAKAS
KAKALASAN – ang bahaging nagpapakita ng unti-
unting pagbaba ng takbo ng kwento mula sa maigting na pangyayari sa kasukdulan. KATAPUSAN– ang bahaging maglalahad ng magiging resolusyon ng kwento.