Fil 1 - Aralin 1

Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 102

FIL 1- PAGTUTURO NG FILIPINO

SA ELEMENTARYA 1-
ESTRUKTURA AT GAMIT NG
WIKA JOANN D. JACOB
Guro
YUNIT 1

MAKRONG
KASANAYAN
01 | PAKIKINIG
02 | PAGSASALITA
03 | PAGBASA
04 | PAGSULAT
05 | PANONOOD
PANIMULA
 Sa pakikipagkomunikasyon ng tao, sa anyong berbal man
o sa anyong di-berbal, ang kanyang kakayahan sa larangan
ng pagpapahayag ay lagi ng nasasangkot. Sa kahusayan niya
sa pagpapahayag nakasalalay ang linaw ng mensaheng nais
niyang iparating sa kanyang kapwa.
Upang ang tao ay mag-angkin ng isang mabisa at maayos
na paraan ng pagpapahayag tungo sa isang matagumpay na
pakikipagkomunikasyon, nararapat na paunlarin niya ang
kasanayang pangwika. Ang kasanayang pangwikang ito ang
magiging tuntungang kaalaman ng isang tao upang mabisa
niyang maipahayag ang mensaheng nais niyang ipaabot.
Sa pagtuturo ng wika nararapat lamang na ilantad
sa mga mag-aaral ang iba’t ibang makatotohanang
gawain upang iparanas sa kanila ang tunay na
gamit ng wika. Maaaring bigyan sila ng maraming
babasahing aklat, palikhain ng tula at pasulatin ng
maikling dula, paguhitin ng magagandang tanawin
– lahat ng mga karanasang ito’y magsisilbing
matibay na pundasyon sa pagkakaroon ng mag-
aaral ng isang maunlad na wika.
PAANO NALILINANG ANG MGA KASANAYANG
PANGWIKA?
.
Nalilinang ang kasanayang pangwika sa palagiang pag- iisip na ang
kasanayang sa paggamit ng wika ay nasa mga arena ng
komunikasyon. Ang pagkatuto ng wika ay nagiging mabisa kung
mabibigyan nang maraming pagkakataon ang mga mag-aaral na
makipagtalastasan sa kanilang mga kaklase. Samakatuwid, ang isang
klasrum na nakapagpapayaman sa pag-unlad ng wika ay iyong kung
saan ang mga mag-aaral ay aktibong nagbabahagi ng kanilang mga
personal na ideya at karanasan at nagagawang maisaalang-alang ang
mga ideya at kaisipan ng ibang tao tulad ng kanilang mga kaklase,
mga guro , mga awtor at mga tauhang nakakatagpo nila sa mga aklat.
MAKRONG KASANAYAN SA PAKIKINIG
MGA BAHAGI NG TAINGA
KAHULUGAN NG PAKIKINIG
Ito ay isang aktibong proseso ng pagtanggap ng mensahe sa
pamamagitan ng sensoring pandinig at pag-iisip. Aktibo ito
dahil nagbibigay-daan ito sa isang tao na pag-isipan, tandaan
at ianalisa ang kahulugan at kabuluhan ng mga salitang
kanyang napakinggan.
Ito rin ay pagtugong mental at pisikal sa mensaheng nais
ipabatid ng tagapagdala ng mensahe. Ang sensoring
pakikinig ay nananatiling bukas at gumagana kahit na tayo
ay may ginagawa. At naririnig natin ang mga tunog na
KAHALAGAHAN NG PAKIKINIG
Ang pakikinig ay isang mabilis at mabisang
paraan ng pagkuha ng impormasyon kaysa sa
tuwirang pagbabasa.
Ang pakikinig sa kapwa ay daan upang ang
bawat isa ay magkaunawaan at magkaroon ng
mabuting palagayan
Sa pakikinig kinakailangan ang ibayong
Sa pag-aaral na isinagawa mas maraming
oras ang nagagamit ng tao sa pakikinig
kaysa sa pagsasalita dahil mas madalas ay
mas gusto pa niya ang makinig kaysa sa
magsalita. Lalo na ang mga mag-aaral sa
loob ng silid- aralan. Mas gusto pa ang
makinig sa talakayan ng guro at kapwa
mag-aaral kaysa aktibong makilahok sa
kanila. 45% ay nagagamit sa pakikinig 30%
PAMAMARAAN SA MABISANG PAKIKINIG

 Alamin ang layunin sa pakikinig


 Magtuon ng matamang pansin sa pinakinggan
 Alamin ang pangunahing kaisipan sa
pinakikinggan
 Maging isang aktibong kalahok
PAMAMARAAN SA MABISANG PAKIKINIG

 Iwasang magbigay ng maagang paghuhusga


sa kakayahan ng tagapagsalita
 Iwasan ang mga tugong emosyunal sa
naririnig
 Tandaan ang mga bagay na nakita at
napakinggan
Mga uri ng PAKIKINIG

Deskriminatibo
Layunin:
 Matukoy ang pagkakaiba ng pasalita at di- pasalitang
paraan ng komunikasyon
 Binibigyan pansin ang paraan ng pagbigkas ng
tagapagsalita at kung paano siya kumikilos habang
nagsasalita.
Komprehensibo
Kahalagahan:

 Maunawaan ang kabuuan ng mensahe.


 Maintindihan ang nilalaman at kahulugan ng
kanyang pinakikinggan.
Paglilibang
Layunin:

Upang malibang o aliwin ang sarili



Paggamot
Kahalagahan:
Matulungan ng tagapakinig ang nagsasalita na madamayan o
makisimpatiya sa pamamagitan ng pakikinig sa hinaing o
suliranin ng nagsasalita.

Kritikal
Layunin:
 Gumamit ng pagbubuo ng hinuha upang makabuo ng ganap na
pag-aanalisa o pagsusuri sa paksang narinig.
 Makabubuo ng analisis ang tagapakinig batay sa narinig
 Malinawan ang tagapakinig sa puntong nais niyang maintindihan
Mga elementong nakaiimpluwensiya sa pakikinig

Edad o gulang
Kung bata ang nakikinig ng pahayag, di kailangang
mahaba ang pahayag dahil masyadong maikli ang kanilang
interes, bukod pa sa kanilang kakulangan sa pang-unawa.
Sa mga may edad na o matatanda na hindi rin mabuti ang
mahabang pakikinig hindi dahil sa nababagot sila kundi dahil
sa mga nararamdamang nila sa katawan bunga ng kanilang
kantandaan, katulad ng pag-atake ng rayuma at ang kahinaan
na ng kanilang pandinig.
Oras
Malaki rin ang impluwensiya ng oras sa pakikinig.
 Ang isang tagapakinig na tawagan sa hatinggabi o sa
madaling- araw ay di kasing linaw ng pakikinig niya sa
oras na gising na gising na ang kanyang kamalayan.
 May mga oras na de-peligro rin tayong tinatawag, ang
isang nagbibigay ng panayam na malapit na sa oras ng
tanghalian ay din na rin epektibo sa mga tagapakinig.
 Ang mga estudyante na may klase sa umaga ay mas
aktibong tagapakinig kaysa mga estudyante panghapon.
Kasarian
Sinasabing magkaiba ang interes ng mga lalaki at babae.
 Ang mga lalaking tagapakinig ay ayaw sa babaeng
tagapagsalita dahil maligoy masyado sa pagsasalita at
maraming sinasabi o ipinaliliwanag na nagiging
negatibo para sa kanila kaya hindi pinakikinggan. At
gusto rin nilang pinakikinggan ay ang paksang may
pansarili silang interes.
 Ang mga babae naman ay ayaw sa lalaking
tagapagsalita dahil sa may katipiran ng mga ito sa
pagbibigay ng paliwanag. Higit na mahaba ang
Tsanel

 Paggamit ng instrumento sa paghahatid ng mensahe ay


malaking tulong upang magkaunawaan gaya ng
cellphone, telepono, mikropono, radyo atbp.
 Epektibo pa ring tsanel sa pagpaparating ng mensahe
ay ang personal na pakikipag-usap kaysa sa paggamit
ng instrumento dahil malinaw na masasabi ang
mensahe gayon din ang kanyang emosyon.
Kultura
 Ang pagkakaiba-iba ng kultura ng tao ay nagiging dahilan
din ng mabuti at di-mabuting kawilihan sa pakikinig.
 Ang pananalangin ng ating mga kapatid na katutubo ay
iba sa pananalangin nating mga kristiyano. Parehong
Pilipino pero magkaiba ng kultura.
 Sa panayam, may mga tao na malayang nakapagtatanong
at sumasalungat habang nagsasalita ang tagapanayam
pero mayroon namang tahimik at taimtim lamang
nakikinig habang nagsasalita ang tagapanayam at
magtatanong lamang sila kapag tapos na itong magsalita.
KONSEPTO SA SARILI
 Ang tagapakinig ay may katalinuhang taglay na maari
niyang magamit sa pagkontra o pagsang-ayon sa
sinasabi ng tagapagsalita.
 Ang sariling pagpapakahulugan ng tagapakinig sa
kanyang naririnig na mensahe ng kausap ay maaaring
magwakas sa mabuti o di-mabuting katapusan.
LUGAR
 Ang tahimik at malamig na lugar ay lubusang
nakahihikayat at nakapagpapataas ng level ng
konsentrasyon ng isang tagapakinig ng isang panayam. 
 Ang mainit, maliit at magulong lugar ay nagdudulot ng
pagkainis at kawalang ganang makinig ng mga
tagapakinig.
MGA URI NG TAGAPAKINIG
 Eager beaver- Siya ang tagapakinig na ngiti nang ngiti
o tangu nang tango habang may nagsasalita sa kanyang
harapan, ngunit kung naiintindihan niya ang kanyang
naririnig ay isang malaking tanong.
 Sleeper- Siya ang tipo ng tagapakinig na nauupo sa
isang tahimik na sulok ng silid. Wala siyang tunay na
intensyong makinig.
 Tiger -Siya ang tagapakinig na laging handang
magbigay ng reaksyon sa anumang sasabihin ng
MGA URI NG TAGAPAKINIG
• Bewildered -Siya ang tagapakinig na kahit na anong pilit
ay walang maiintindihan sa naririnig. Kapansin-pansin
ang pagkunot ng kanyang noo, pagsimangot at anyong
pagtataka o pagtatanong ang kawalan niya ng malay sa
kanyang mga naririnig.
• Frowner- Siya ang tipo ng tagapakinig na wari bang lagi
na lang may tanong at pagdududa. Makikita sa kanyang
mukha ang pagiging aktibo, ngunit ang totoo, hindi lubos
ang kanyang pakikinig kundi isang pagkukunwari lamang
sapagkat ang hinihintay lamang niya ay ang oportunidad
MGA URI NG TAGAPAKINIG
•Relaxed- Isa siyang problema sa isang nagsasalita.
Paano’y kitang-kita sa kanya ang kawalan ng interes sa
pakikinig. Itinutuon ang kanyang atensyon sa ibang
bagay at walang makitang iba pang reaksyon mula sa
kanya, positibo man o negatibo.
• Busy Bee- Isa siya sa pinakaaayawang tagapakinig sa
anumang pangkat, hindi lamang siya nakikinig, abala
rin siya sa ibang gawain tulad ng pagsusulat,
pakikipagtsismisan sa katabi, pagsusuklay, o anumang
MGA URI NG
TAGAPAKINIG
•Two-eared Listener- Siya ang pinakaepektibong
tagapakinig, nakikinig siya gamit hindi lamang
ang kanyang tainga kundi maging ang kanyang
utak. Lubos ang partisipasyon niya sa gawain ng
pakikinig. Makikita sa kanyang mukha ang
kawilihan sa pakikinig.
 MGA KABUTIHANG MAIDUDULOT NG AKTIBONG
PAKIKINIG
•Makinig at pahalagahan ang sinasabi ng
kapwa upang mapaamo ang matigas na
damdamin
• Madaling maunawaan ang posisyon ng
iba kung mataimtim na makikinig sa
kanya
• Maiiwasan ang mga negatibong
pagpuna kung ginagamit ang pakikinig
 MGA KABUTIHANG MAIDUDULOT NG AKTIBONG
PAKIKINIG

•Mawawala ang puwang ng di-


pagkakaunawaan o di- pagkakasunduan
kung nakikinig sa bawat nagsasalita
• Madaling matulungan ang kapwa sa
pamamagitan ng pakikinig
• Matutuklasan ang mgakainaan ng bawat
isa tungo sa pagbabago sapagkat masususri
at maaanalisa ang mga kahinaan sa
  MGA MALING PANINIWALA SA PAKIKINIG

•Ang pakikinig daw ang


pinakamadali sa apat na makrong
kasanayan
•Ang mga marurunog lamang daw
ang mahuhusay makinig
•Hindi na raw kailangang
pagplanuhan ang pakikinig
Mga hadlang sa pakikinig

● Pagbuo ng maling kaisipan


● Pagkiling sa sariling opinion
● Pagkakaiba-iba ng pakahulugan
● Pisikal na dahilan
● Pagkakaiba ng kultura
● Suliraning pansarili
Aralin 2

Kasanayan sa pagsasalita
Mga bahagi ng bibig
pagsasalita
● Ito ay kakayahan at kasanayan ng isang tao na
maihayag ang kanyang ideya, paniniwala at
nadarama sa pamamagitan ng paggamit ng
wikang nauunawaan ng kanyang kausap.
● Pag-uusap ng dalawa o higit pang bilang ng mga
tao: ang nagsasalita at ang kinakausap.
Kahalagahan ng Pagsasalita 

● naipaaabot sa kausap ang kaisipan at damdaming


niloloob ng nagsasalita
● nagiging kasangkapan sa pagkakaunawaan ng mga tao
• nakapag-aanyaya o nakaiimpluwensiya ng saloobin ng
nakikinig
• naibubulalas sa publiko ang opinyon at katwirang may
kabuluhan sa kapakanang panlipunan upang magamit sa
pagbuo ng mga patakaran at istratehiya sa pagpapatupad
ng mga ito.
Mga Pangangailangan sa mabisang
pagsasalita

●Kaalaman
● Kasanayan
●Tiwala sa Sarili
Mga Kasangkapan sa Pagsasalita

●tinig
●bigkas
●tindig
●kumpas
●kilos
Limang Kasanayan sa Pagsasalita

●Pakikipag-usap
● pakikipanayam
●pangkatang talakayan
● pagtatalumpati
● pakikipagdebate
Pakikipag-usap

●ang pakikipag-usap ng
implikasyon ay isang di-tuwiran o
walang-kapantay na gawaing
pagsasalita
Pakikipanayam

● isang paraan ng pagkuha ng impormasyon


o kabatiran nang harap-harapan. Kung nais
nating makuha ang kinakailangan nating
kabatiran ay pumili ng mga dalubhasa sa
kanilang larangan na nagtataglay ng ganap
na kaalaman sa nais nating mabatid.
Pangkatang talakayan

● Tuwirang pag-uusap ng isang


maliit na pangkat ng tao.
Mga dapat tandaan kung kalahok sa pangkatang
talakayan
1. Pakinggan ang bawat sasabihin ng mga kasama sa pagtatalakayan
2. Makibahagi, huwag matakot maglahad ng katotohanan, huwag
manatiling tahimik
3. Huwag lilihis sa paksang pinag-uusapan na maaaring makapagpabagal
sa talakayan
4. Magkaroon ng bukas na isipan
5. Iwasan ang maling pangangatwiran at pag-iisip, huwag sasalungat sa
katuwiran ng higit na nakararami
6. Iwasan ang pagiging mapagmataas o makipag-alit sa mga kasama
Pakikipagdebate o pagtatalo

Tungkol sa pagtuligsa: 
a. Ipahayag ang kamalian ng kalaban
b. Ilahad ang walang katotohanang sinabi ng
kalaban
c. Talakayin ang mga kahinaang katibayan ng
kalaban
d. Ipahatid na wala sa paksa ang mga patunay at
katuwiran ng kalaban
Pakikipagdebate o pagtatalo

Tungkol sa pagtatanong:
a. Magtanong tungkol sa talumpating
kabibigay ng sinundang tagapagsalita
b. Di dapat magtanong ang dalawang
tagapagsalita sa iisang tagapagsalita
c. Huwag payagang magtanong sa kanya ang
kalaban kung siya ang nagtatanong
 Uri ng talumpati

Impromptu- Ito ay biglaang talumpati na binibigkas nang walang


ganap na paghahanda.
 
Gabay sa pagbigkas ng biglaang talumpati:
● Maglaan ng oras sa paghahanda:
● Magkaroon ng tiwala sa sarili
● Magsalita nang medyo mabagal
● Magpokus sa paksa habang nagsasalita
Extemporaneous 

 Ito ang pagbigkas sa isang kompetisyon na walang


tiyak na kahandaan sa pagbigkas.

Mga itinakdang konsiderasyon para sa


extemporaneous:
 • Limitado sa oras sa pagitan ng pagkuha ng paksa at
sa mismong paligsahan
• Pagtatakda ng oras sa pagtatalumpati
Pinaghandaang talumpati
Ang tagapagsalita ay gumagawa muna ng kanyang
talumpati, may paghahanda at kailangang memoryado
o saulado ang pyesa bago bigkasin ang talumpati.
Pagbasa ng papel sa panayam o kumperensya Ito ang
kasanayang pagsulat ng papel na babasahin sa
kumperensya, ang pag-oorganisa ng mga ideya at ang
pagsulat ng panimula, katawan at wakas/konklusyon ay
dapat na magkakaugnay at may kaisahan.
Kahinaan sa pagtatalumpati
1. Nauumid, nauutal at hindi makapagsalita ng maayos
kapag nakaharap sa maraming tao.
2. Masyadong magalaw ang katawan at hindi
nakapokus ang pansin sa mga nakikinig
3. Hindi maramdaman ng mga tagapakinig ang
kataimtiman at katotohanan ng bawat salitang
binibitiwan.
4. Masyadong mahina ang tinig at hindi sapat upang
marinig ng lahat ang sinasabi ng mananalumpati
Mga mungkahi kung paano makapagsasalita ng
maayos sa harap ng madla:

• Magkaroon ng positibong pananaw, isiping kaya


mong magsalita sa harap ng madla. Isipin ding hindi
nag-iisa, dahil lahat ng tagapagsalita ay kinakabahan
sa mga unang segundo o minuto ng pagsasalita.
• Magtiwala sa iyong sarili, isiping may mahalagang
ideya na ibabahagi sa madla.
•Tanggapin mo ang iyong sarili, ang iyong
tagumpay at kabiguan, ang iyong kalakasan
at kahinaan, ang iyong kagandahan at
kapintasan, isiping maging ang mga taong
may depekto ay maari ring magtagumpay.
• Magkaroon ng marubdob na pagnanasang
maging mahusay na tagapagsalita.
•Harapin mo ang takot, huwag mong takasan. Hindi
ka magkakaroon ng karanasan kung hindi mo
susubukan.
• Magpraktis ka ng magpraktis. Magsimula sa
pagharap sa maliliit na pangkat hanggang sa
malalaking madla.
• Isiping ang mga madlang tagapakinig ay
palakaibigan at hindi mapanghusga.
• Magdasal, humingi ng lakas at dunong sa Poong
Maykapal.
Makrong Kasanayan sa Pagbasa

•Ang pagbasa ay interpretasyon ng mga


nakalimbag na simbolo ng kaisipan.
Pagpapakahulugan ito ng mga nakatitik na sagisag
ng mga kaisipan.
•Ang pagbasa ay pagtanggap ng mga mensahe sa
pamamagitan ng pagtugon ng damdamin at
kaisipan sa mga titik at simbolong nakalimbag sa
Makrong Kasanayan sa Pagbasa

•Ang pagbabasa ay susi sa malawak na


karunungan natipon ng daigdig sa mahabang
panahon.
•Ayon kay Arrogante, ang pagbabasa ay
nakapagpapalawak ng pananaw at paniniwala sa
buhay, nakapagpapatatag sa tao na harapin ang
mga di- inaasahang suliranin sa buhay.
• Ang pagbasa ay nakapagpapataas ng uri ng
panlasa sa mga babasahin
• Ayon kay Thorndike, ang pagbasa ay hindi
pagbibigay tanong lamang sa mga salitang binabasa
kundi pangangatwiran at pag-iisip.
• Ayon kay Toze, ang pagbasa ay nagbibigay ng
impormasyon na nagiging daan sa kabatiran at
krunungan.Ito’y isang aliwan, kasiyahan,
pakikipagsapalaran, paglutas sa mga suliranin at
nakapagdudulot ng iba’t ibang karanasan sa buhay.
Bumabasa ang tao dahil sa iba’t ibang
kadahilanan:

● may nagbabasa upang kumuha ng dagdag kaalaman


o karunungan
● may nagbabasa dahil gusto niyang malaman ang
nangyayari sa paligid, ayaw niyang mapag-iwanan
ng takbo ng panahon
● may nagbabasa upang maaliw o
malibang ,mabawasan ang pagkainip at pagkabagot
Apat na hakbang ng pagbasa:

●Ayon kay William S. Gray, “Ama ng Pagbasa”,


● Ang pagbasa sa akda
● Ang pag-unawa sa binasa
● Ang reaksyon sa binasa
● Ang pagsasama-sama at pag-uugnay ng mga
bagong kaalaman sa binasa at ng dating
kaalaman
Layunin sa Maunlad na Pagbasa

● Mapabuti ang pag-unawa at bilis sa pagbasa


● Maihanda ang mga tiyak na kagamitan sa masaklaw at
masidhing pagbasa
● Makilala ang mga bpaksang pinag-aaralan upang
matamo ang impormaasyon hinggil sa iba’t ibang
larangan tulad ng sining, agham at mga bagay na
pangkatauhan o humanities.
● Magamit ang pagbasa sa pagpapabuti ng mga
kasanayan sa pakikinig, pagsasalita at pagsulat
Layunin sa Maunlad na Pagbasa

● Matamo ang pagsasarili sa pag-aaral at


magkaroon ng mabisang pag-uugali sa pag-aaral
sa tahanan, paaralan at aklatan.
● Mapadalisay ang mga kasanayan sa kritikal na
pag-iisip sa pamamagitan ng pagtataya at
pagpapahalaga sa mga binabasa.
● Makamtan ang kasiyahan at katuwaan na dulot
ng pagbabasa.
MGA URI NG PAGBASA
● Ang pagbasa ay mauuri ayon sa paraan at layunin

Mga uri ng pagbasa ayon sa pamamaraan


1. Mabilisang pagbasa (skimming)- ang pinakamabilis
na pagbasa na nakakaya ng isang tao. Nagtuturo ito sa
mambabasa upang malaman ang pangkalahatang
pananaw na matatagpuan sa mga aklat at iba pang
nakalaimbag na babasahin. Tinatatawag din itong
pinaraanang pagbasa at pinakamabilis na paraan ng
MGA URI NG PAGBASA
Ginagamit ang paraang ito sa pamamagitan ng mga
sumusunod:

● Pagtingin at pagbasa nang mabilisan sa kabuuang


nilalaman ng isang aklat
● Pagtingin at pagbasa ng mahahalagang datos na
kailangan sa pananaliksik (key word)
● Pagkuha sa pangkalahatang impresyon sa nilalaman
MGA URI NG PAGBASA
Pahapyaw na Pagbasa (scanning) - tumutukoy sa
paghahanap ng isang tiyak na impormasyon sa isang
pahina. Ito ang uri ng pagbasa na hindi hinahangad na
makuha ang kaisipan ng sumulat dahil sa mahalaga rito’y
makita ang hinahanap sa madali at mabilis na paraan.
Tulad ng paghahanap ng telepono sa direktoryo,
paghahanap ng trabaho, mga paupahang establisemento
(buy & sell), pagtingin sa resulta ng mga eksamen ,
numerong nanalo sa swipstiks, lotto atbp.
MGA URI NG PAGBASA

Pagsusuring Pagbasa (Analytical reading) –


nakasalalay sa mga materyales ang gawaing pagsusuri
sa pagbasa. Ginagamit dito ng matalino at malalim na
pag-iisip. Nahahasa rito ang kahusayan ng mag-aaral
sa pamamagitan ng kanyang mapanuring pag-iisip.
MGA URI NG PAGBASA

Pamumunang Pagbasa (Critical reading) -Dapat na


matiyak ng mambabasa na naunawaan ang buong
nilalaman ng akda. Sa pamumuna hindi lamang ang
nilalaman ng akda ang binibigyan ng pansin. Kasama rito
ang pagpuna mula sa pamagat, simula, katawan
(nilalaman) at wakas ng akda. Binibigyan din ng pansin o
puna ang istruktura ng mga pangungusap, ang mga
ginamit na salita o istilo sa pagsulat ng may- akda.
Tinitingnan din ang kalakasan at kahinaan ng paksa at
MGA URI NG PAGBASA

Tahimik na Pagbasa (silent reading) mata lamang


ang gumagalaw sa uri ng pagbasang ito, walang
puwang dito ang paggamit ng bibig kaya walang
tunog ng salita ang nalilikha ng bumabasa ng teksto.
Pasalitang pagbasa (oral reading) pagbasa ito sa teksto
na inaangkupan ng wastong pagbigkas sa mga salita at
sapat na lakas ng tinig upang sapat na marinig at
maunawaan ng mga tagapakinig.
MGA URI NG PAGBASA

Masinsinang Pagbasa – hindi ito “undertime pressure”


na pagbasa. Binibigyan dito ng guro ang mga mag-aaral
ng sapat na panahon upang maisa-isang basahin at
mapagtuunan ng pansin ang mga salitang bumubuo sa
teksto. Pagpapabasa sa mag-aaral sa bahay ng isang
teksto at sa pamamagitan ng kanyang nabasa ay ipalahad
ang buod, aral at pananaw sa kanyang binasang aklat.
Madadagdagan ang kanyang kaalaman sa pamamagitan
ng ganitong pamamaraan.
Ayon sa layunin

● Pagbasang nakapagtuturo – nagbabasa ang isang tao


dahil mayroon siyang nais malaman o marating.
Kailangan natin ang layuning ito upang maragdagan ng
bago an gating dating kaalaman. Kasiya-siya ito dahil
napapaunlad nito ang bawat larangan na ating tinatahak.

● Pagbasang paglilibang - ang pagbabasa ay mainam


gawing libangan dahil nakapagpapataas ng isip at diwa
ng tao. Ito ang pagkain ng ating isipan at may
MAHALAGANG KASANAYAN SA PAGBASA

●Pagkilala sa mga salita (word perception)


Kakayahang umunawa sa iba’t ibang
kahulugan ng salita, pagpapantig,
pagbabaybay at pagbigkas
●Pag-unawa (comprehension) Kakayahan sa
pag-unawa mula sa payak hanggang sa mas
mabigat at masalimuot na bahagi ng akda.
MAHALAGANG KASANAYAN SA PAGBASA

Pagpapahalagang literari (literary appreciation)


may kakayahang umunawa at pagkagiliw sa
pagpapahalaga ng mga tradisyunal, makabago at
napapanahong isyu.
Pananaliksik at pandiksyunaryong kasanayan
(Research & dictionary skills) May kakayahan sa
paghahanap o pagsisisyasat sa mga bagay at
kaalamang di-makita o matagpuan
Limang dimensyon sa pagbasa

Pag-unawang literal
Pagbibigay ng Interpretasyon
Mapanuri o kritikal na pagbasa
Paglalapat o Aplikasyon
Pagpapahalaga
Makrong Kasanayan sa Pagsulat

Ang pagsulat ay isang paraan upang ang kaisipan


ng isang tao ay kanyang maipahayag sa
pamamagitan ng mga simbolo. Ito ay isang paraan
ng pagpapahayag kung saan naiaayos ang iba’t
ibang ideya na pumapasok sa ating isipan.
KAHALAGAHAN NG Pagsulat
Mahalaga ang pagsulat dahil:
kung marunong tayong sumulat makaaangat tayo sa iba dala na
rin ng mahigpit na kompetisyon sa ngayon.
Makasasagot tayo sa mga pagsusulit na pasanaysay, pagbibigay
ng ulat, pagtatala ng resulta ng mga eksperimentasyon at
paglikha ng mga papel pananaliksik dahil ito ay bahagi ng
pananagumpay.
Sa daigdig ng edukasyon,kailangang sumulat tayo ng liham ng
aplikasyon, paggawa ng balangkas pangkaunlaran, gumawa ng
anunsyo, umapila sa paglilikom ng pondo, sumagot sa pakiusap
ng mga kliyente at marami pang iba.
PROSESO NG PAGSULAT

 Ang mabuting pagsulat ay nakukuha sa


pamamagitan ng pagsasanay, ng maraming
pagtatangka at pag-uulit ng manuskrito.
Maaari ring tularan ang iba at alamin ang
kanilang pamamaraan sa pagsusulat lalo na’t
kinakailangan natin ito sa pakikipag-ugnayan
sa buong mundo.
PAGTIPON (GATHERING)

 Anumang paksang napili, kailangan pa ring


magdaan sa masusing pagsasaliksik at
pagtuklas. Kailangang makapangalap ng sapat
na materyales at ebidensyang magpapatunay.
Bukod sa ating sariling karanasan, maaari
tayong magsaliksik sa dyornal, magazine,
ensayklopedya, pahayagan, interbyu at
maging sa panonood ng sine at telebisyon.
PAGHUGIS (SHAPING)

  Habang nangangalap tayo ng mga


materyales, binibigyan na natin ng hugis ang
ating paksang susulatin. Maaari na nating
sulatin ang burador na maaari ring maging
batayan sa pangangalap ng mga kagamitan.
Kailangan Makita natin ang pokus n gating
paksa sa pamamagitan ng pagtatanong sa
PAGREBISA (REVISING)

  Ang isang sulatin ay hindi nakukuha sa isang


upuan lamang. Ang isang mabuting papel ay
nagdadaan ng ilang yugto ng pag-unlad mula sa
mga di-formal na tala tungo sa unang burador,
hanggang sa paynal na papel. Karamihan sa mga
nalathalang sulatin ay dumaan ng mga
pagbabago at muling pagsulat hanggang sa
maabot nito ang pinakawasto at tumpak na
MGA BAHAGI NG PAGSULAT

Panimula
Katawan
Konklusyon
Rekomendasyon
MGA URI NG GAWAING PAGSULAT

Dalawa ang pangkalahatang uri ng pagsusulat – ang


sulating pormal at ang sulating di-pormal. Ang sulating
pormal ay galing o bunga ng leksyon na pinag-aralan at
tinakay sa klase, forum, seminar. Maaaring magkaroon o
magsagawa ng pagsasanay sa pagbuo ng kathang
pasalita. Pagkatapos ay iwawasto upang pasulatin ang
mga mag-aaral ng isang kathang di-pormal. Ang mga
pagsasanay sa pagsulat o paglikha ng kathang di-pormal
ay siyang gagawing paghahanda at basehan para sa
pagsulat ng kathang pormal.
ARALIN 5: MAKRONG KASANAYAN SA PANONOOD

Sinasabing “ang ating mata ay bintana ng ating


kaluluwa”, mula sa nasasagap ng ating paningin,
mga nakikita, tinitignan, at
nagmamasid;sinasalamin ng ating mga mata ang
bukal nating pagkatao at kamalayan. Ito ay
kasanayang pinakamadaling gamitin sa larangan
ng komunikasyong sosyal na maaring ilapat ang
Ito ay ang proseso ng pamamasid ng manonood sa palabas,
video recording at iba pang visual media upang magkaroon
ng pag-unawa sa mensahe o ideya na nais iparating nito.
Isang kakayahang pang kominikasyon na umuunawa sa
mga nakikitang imahe sa kapaligiran ng isang tao. Ito ay
nakakatulong sap ag papaunlad ng mga kaalamansa higit na
malalim na paghihinuha sa mga nakikita at nadidinig. Ito ay
tumutulong sa mga bata na madebelop ang isang bagong
karunungan ang biswal na kaalamn na dapat nalang
paunlarin sa isang teknolohikal na mundo.
Depenisyon ni David Considene).
● (Barrientos 2016) isang kakayahang pang komunikasyon
na umuunawa sa mga makikitang imahe sa kapaligiran ng
isang tao.
● (Gorgis, 1999) ang panonood ay kakayahang unawain
ang mga imaheng biswal (visual images) at iugnay ang
mga ito sa sinasalita o binabasang teksto.
● (Valmont 2003, Heinrich, 1999) kakayahang
makapagbigay ng kahulugan sa mga nakikitang imahe sa
bidyo, programa sa telebisyon, pelikula, teatro, at iba pa.
KAHALAGAHAN NG PANONOOD
Ang patuloy na paglinang sa makrong kasanayan panonood
ay
nakapagdudulot sa isang indibidwal na:
● Mapaunlad ang kakayahang mag-interpreta at mapalawak
ang kaalamang pangkaisipan at pag unawa.
● Mapaunlad ang kakayahang mangilatis o magsuri sa
katotohanan ng isang bagay.
● Mataya ang iba’t-ibang element ng isang produksyon
● Maging mulat sa katotohanan sa buhay
● Makatulong para maging alerto sa mga nangyayari sa
paligid.
● Magising ang kamalayan ng indibidwal maaring maging
inspirasyon at maging sandigan upang gumawa ng tama.
● Ito ay paraan upang maging mabilis at maging mabisa
ang pagtuturo.
● Nagiging batayan natin sa pagkilala at pagtukoy sa ating
kapaligiran.
MARAMI PA TAYONG MAKIKITA SA PANONOOD

● Kakaibang bagay
● Pangyayari
● Isyu
● Paniniwala
● Kaganapan
● Katotohanan
● Kahalagahang moral
● Konsepto
● Kasagutan sa mga suliranin sa buhay
● Makapagbigay ng impormasyon sa ibang tao
Mga antas ng PANONOOD

● Intrapersonal-ito ay nagaganap kung ang isang tao ay nagsasanay


sa kanyang sarili para sa isang pagtatanghal.
● Interpersonal-nagaganap ito kung ang isang tao ay nanonood ng
isang pagtatanghal o pelikula kung siya mismo ay kalahok sa
ipinalalabas ng panoorin.
● Pangmasa-panonood na ang pangunahing kasangkot ay ang
pagbabalita sa pamamagitan ng midya.
● Pangkaunlaran-panonooring may kinalaman sa isyung
pangkaunlaran sa lipunan
● Pangnegosyo o komersyal-panooring may kinalaman
sa pagpapakilala ng iba’t ibang uri ng produkto o
negosyo upang tangkilikin ng mga tao.
● Pangkultural-antas ng panonood na ipinakikita ang
kakaibang kultura ng bawat lahi.
● Pangsosyal o Panlipunan-panonood na binibigyang
tuon ang relasyong sosyal o ugnayan ng bawat tao sa
lipunan.
● Pampubliko-panood na sadyang inihanda o inilalaan
PANONOOD bilang multi- dimensional

● Kognitibong proseso-sa prosesong ito nagaganap ang


pagunawa ng tao sa kaniyang pinapanood sa pamamagitan ng
kanyang pag-iisip o mental na kakayahan.
● Emosyonal at Saykolohikal na proseso-sa prosesong ito
binibigyang halaga at pagunawa ng tao ang panonood batay
sa kanyang damdamin o gawi.
● Astetikong proseso-prosesong madaling nauunawaan ng
sinuman ang kaniyang pinapanood dahil sa nagbibigay ito ng
kasiyahan sa kanya at nag-iiwan ng kakaibang imahinasyon.
PANONOOD bilang multi- dimensional

● Moral na proseso- proseso kung saan ang mga


manonood ay nagkakaroon ng kakayahang
umunawa ng kanilang pinapanood batay sa mga
pagpapahalagang moral.
Iba’t ibang uri ng panonood

● Deskriminatibo- ang paggamit ng opinion o prejudice sa


panunuri.
● Kaswal o Panlibang- impormal na pamamaraan at hindi
nagbibigay pokus sa detalye.
● Komprehensibo- nagpapahalaga lamang sa mensahe at sa
iba pang detalye.
● Kritikal- gumagamit ng pagbubuo ng hinuha mula sa mga
detalye upang makabuo ng ganap na pag- aalisa o
Iba’t ibang genre na pinapanood

Ang genre ay tumutukoy sa uri o tipo ng naratibo


na kaiba sa iba pang uri. Nagkakaiba ang mga ito
dahil sa sentral na kwento at emosyong
ipinapadama.

● Aksyon- mga pelikulang nakapokus sa mga bakbakang


pisikal, maaring hango sa tunay na buhay o pangyayari
o kaya naman kathang-isip lamang.
Iba’t ibang genre na pinapanood

● Animasyon- pelikulang gumagamit ng mga


larawan o pagguhit/drawing upang
magmukhang buhay ang mga bagay na
walang buhay
Iba’t ibang genre na pinapanood

●Bomba- mga pelikulang


nagpapalabas ng mga hubad na
katawan at gawaing sekswal.
Iba’t ibang genre na pinapanood

● Drama- mga pelikulang nakapokus


sa mga personal na suliranin o
tunggalian, nagtutulak ito sa
damdamin at ginawa upang
paiyakin ang manonood.
Iba’t ibang genre na pinapanood

● Epiko- pelikula na nagbibigay diin sa


dramang pantao sa mas malawak na
anggulo na karaniwang tumatalakay sa
mga kaganapang maalamat, mahiwaga
at makasaysayan
Iba’t ibang genre na pinapanood

●Historikal- mga pelikulang


base sa mga tunay na
kaganapan sa kasaysayan.
Iba’t ibang genre na pinapanood

● Katatakutan- pelikula na
humihikayat ng negatibong
reaksyong emosyunal mula sa mga
manonood sa pamamagitan ng pag
antig sa takot nito.
Iba’t ibang genre na pinapanood

● Komedya- pelikula kung saan ang


mga nagsisiganap ay nagsasaad ng
kasiyahan o totoong pagpapatawa sa
bawat salitang namumutawi sa
kanyang bibig.
Iba’t ibang genre na pinapanood

● Musikal- mga komedyang may


temang pangromansa. Puno ito ng
musika at kantahan
Iba’t ibang genre na pinapanood

● Pantasya- nagdadala sa manonood sa


isang mundong gawa ng
imahinasyon,tulad ng mundo ng mga
prinsepe/prinsesa, kwentong bayan o
mga istoryang hango sa mga
natutuklasan ng siyensya
Iba’t ibang genre na pinapanood

● Pag-ibig/ Romansa- umiikot ang


kwento sa pag-iibigan ng mga
tauhan sa pelikula
Iba’t ibang genre na pinapanood

●Period- pelikula kung saan


komprehensibong tumatalakay
sa tunay na buhay ng isang tao
na may diin sa
pinakamakasaysayang
kabanata ng kanilang buhay.
Iba’t ibang genre na pinapanood

● Science Fiction- pelikula na base


sa mga pangyayari na hindi
tanggap ng agham gaya ng
daigdig ng mga aliens, mga
kakaibang nagagawa ng tao at
paglipad sa ibang panahon.

You might also like