Paghahanda NG Mga Kagamitang Panturo Report

Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 39

Hagdan ng Karanasan

(Ginagawa)
Tuwirang Karanasan

Eksperimento
Ang pag-eeksperimento sa laboratoryo ay isang halimbawa ng
tuwirang karanasan. Dito ang mga mag- aaral ay nasusubukang
tumuklas ng bagong kaalaman sa siyensiya. Sila mismo ang
gumagawa ng gawain.
Mga Laro

Likas na mahilig sa paglalaro ang mga bata.


Nagiging masaya at aktibo sila sa pamamagitan
ng paglalaro. Kung nakikita natin na nababagot
na ang mga mag-aaral, maaari natin silang
ganyakin at pasiglahin sa pamamagitan ng
paglalaro.
Ang laro ay mabisang paraan para mabigyan-buhay ang pag-aaral ng mga bata.
Gaano man kahirap ang liksyon ay magaganyak pa rin sila sapagkat ganado sila
sa paglalaro.
Bagamat maraming uri ng laro, ang bibigyan-pansin dito ay iyong mga larong maaaring gawin sa loob ng klase at
habang nagkaklase.

Ang mga larong ito ay hindi lamang nakalilinang sa pisikal kundi pati na rin sa mental, sosyal at emosyunal na aspekto
ng tao. Narito ang ilang halimbawa ng laro na maaaring gawin sa loob ng silid-aralan.
Larong Book Baseball
• Ang paglalaro ay sa pamamagitan ng tanong- sagot. Hindi bola ang
ihahagis ng pitser kundi katanungan na siya lamang sasagutin ng batter.
Kapag nasagot nang tama ang katanungan, tatakbo sa unang beys and
batter. Ang ikalawang batter ngayon ang tatanungin ng pitser.
• Kapag nasagot niya ito nang tama, tatakbo siya sa unang beys. Ang unang
batter nama’y tatakbo sa ikalawang beys. Ganito nang ganito hanggang
may maka-homerun. Kapag ang tanong ay di-nasagot, out ang di-
nakasagot. Kapag nabuo ang tatlong out, susunod na maglalaro ang
ikalawang. Pangkat. Paramihan ito ng homerun.
Hot Potato
Paraan:
• Maghahawak-kamay ang mga bata at bubuo sila ng pabilog na pormasyon.
Ang taya ay tatayo sa gitna at pipiringan ang mga mata. Kakanta ngayon ang
mga bata habang iniikutan nila ang taya. Paghinto ng kanta, hihinto rin sa pag-
ikot ang mga bata. Likot ngayon ang taya. Paghinto niya’y agad-agad niyang
ituturo ang isa sa mga batang nakapaligid sa kanya. Ang batang itinuro ay
magbibigay agad ng tanong at sasagutin naman agad ng taya. Kapag nasagot
nang wasto ang katanungan, ang nagtatanong ang magiging taya. Kapag hindi
naman nasagot nang wasto, mananatiling taya ang dating taya.
Authors Game- Laro ng mga May-akda
Kagamitan:
Mga kard na may nakasulat na pangalan ng mga may-akda
Mga binilong papel na kung saan nakasulat ang may akda
• Kahon na paglalagyan ng mga binilong papel
Paraan:
• Bubunot ang mga mag-aaral ng tig-iisang kard na may nakasulat na
pangalan ng mga may akda. Dadalhin nila ang mga ito sa kanilang upuan
at magsisilbing kar nila. Pagkatapos, bubunot ang guro ng mga may-akda
na nakasulat sa papel. Babasahin niya ito. Titingnan ngahyon ng mga bata
ang hawak nilang kard. Kapag nakasulat ang pangalan ng may akda sa
hawak-hawak nilang kard lalagyan nila ng ekis ang nasabing pangalan.
Patuloy na pagbasa ng guro n mga tanong at patuloy rin ang pagmamarka
ng mga bata sa kanilang kard. Kung may batang nakapag-ekid ng limang
tamang saot sa kanyang kard ay diretsong pahalang. Bibigyan sila ng
regalo bilang pabuya.
Pahulaan
• Ang mga manlalaro ay binubuo ng dalawang pangkat. Magbibigay ng
katanungan ang guro sa unang kasapi ng unang pangkat. Pag nasgot ng
wasto ang katanungan, biigyan ng pntos ang pangkat na kinabibilangan
niya. Susunod na tatanungin ngayon ang ikalawang manlalaro na nasa
unang pangkat pa rin. Pag nasagot ulit ng tama, isang puntos ulit ang
ibibigay sa kanila. Ngunit kung hindi tama ang kasagutan, ang ikalawang
pangkat na ang sasagot. Ganito ng ganito ang gagawin hanggang sa
umabot sa takdang oras ang itinakda. Kung alin ang mas maraming
puntos, iyon ang mananalo.
Magdala Ka
Kagamitan:
Mga bagay na nasa loob ng silid-aralan

Paraan:
Ang guro ay magsasabi ng bagay o mga bagay na dadalhin sa kanya. Kapag
nagsabi na siya ng bagay, unahan ngayon ang mga bata sa paghahanap. Ang
batang unang makakapagbigay sa guro na binanggit niya ay siyang panalo.
Bugtungan
• Ang klase ay nahahati sa dalawang pangkat. Magbibigay ang guro ng
bugtong. Sinuman sa dalawang pankat ang sasagot. Ang pangkat na
nakasagot ng wasto ay may puntos at siya ring magtatanong sa kabilang
pangkat. Kaapag nasagot ng bugtong ang nasabing pangkat ay ganoon din
ang mangyayari. Kapag hindi naman nasagot ng wasto ang puntos ay
mapupunta sa pangkat na nagtatanong at sila muli ang magtatanong. Ang
guro ang tagaiskor. Ganito ng ganito ang gagawin hanggang sa matapos
ang itinakdang oras. Ang pangkat na may pinakamaraming puntos ang
panalo.
Lunting Ilaw, Pulang Ilaw
• Ang guro ay nasa harap ng klase habang ang mag-aaral ay nakaupo sa
kani-kanilang upuan. Kapag sinabi ng gurong “lunting-ilaw”, lahat ng
mag-aaral ay tatayo at kapag sinabing “pulang-ilaw”, uupo naman sila.
Maaring salit-salit o sunod-sunod ang pagkakasabi ng “lunting-ilaw” o
“pulang-ilaw”. Ang sinumang mahuling magkamali ay pinapupunta sa
harapan. Ang mga pinapunta sa harapan ay parurusahan sa pamamagitan
ng pagtatanong tungkol sa liksilyong pinag-aralan. Sa paraang ito,
naglalaro na sila, nag-aaral pa.
Modelo

• Ang modelo ay panggagaya sa orihinal na kaanyuan at


kabuuan ng isang tunay na bagay. Maaaring ito ay
gaawa ng kahoy, plastic o bakal. Bagamat may kaliitan
ay katulad na katulad ang anyo sa ginayang tunay na
bagay.
Mock-up
• Ang mock-up ay panggagaya rin tulad ng modelo. Ang pinag-
iba lamang ng mock-up sa modelo ay isa o ilang bahagi lamang
ang gagayahin at hindi ang kabuuan.
Ispesimen

• Isang mabuting panghalili sa mga tunay na karanasan


ang ispesimen. Halimbawa. Kung hindi madadala ang
mga mag-aaral sa pook na pinagkukunan ng mineral,
maaaring magpakita na lamang sa klase ng iba’t ibang
uri ng bato bilang ispesimen.
Mga Tunay na Bagay
• Ang mga tunay na bagay ay mahalagang kagamitang tanaw-
dinig. Nahahawakan, nasusun at nagpag- aaralan ang mga ito
ng mga mag-aaral. May mga mag-aaral pang nagdadala sa silid-
aralan ng mga bagay na dala ng kanilang mga magulang o
kapatid na galling pa sa ibang bansa. Ipinapakita ang mga ito sa
mga kamag-aaral upang mapag-aralan.
Madulang Pakikilahok

• Ang mga kagamitang tanaw-dinig na maaaring gamitin


ng guro para sa madulang pakikilahok maging
mabunga at matagumpay ang kanyang pagtuturo ay ang
mga sumusunod:
Mga Dula

• 1.1 Pagtatanghal (Pageant)


Ang pagtatanghal ay isang makulay na pagkilala ng mga
mahahalagang bahagi ng kasaysayan na kung saan ang
mga tauhan ay nakasuot na angkop na damit.
1.2 Pantomina o Panggagagad
• Ang Pantomina ay pag-arte nang walang salitaan. Kilos at aarte
ang kasali ayon sa hinihingi ng kanyang papel na
ginagampanan. Ito ay payak na anyo ng dula na magagamit sa
iba’t ibang pagkakataon. Ang mga mahiyaing mag-aaral ay
nalilinang na magkaroon ng tiwala sa sarili, maging magalang
sa pagkilos sa pamamagitan ng pantomina.
1.3 Tableau

• Malaki ang pagkakatulad ng tableau sa pantomina dahil


parehong walang salitaan. Kaya lamang ang tableau ay
walang galaw samantalang ang pantomna ay may kilos
at galaw. Ito ay parang isang larawang eksenang may
mga tauhang tahimik na tahimik ngunit may sapat at
magandang kapaligiran.
1.4 Saykodrama
• Ang saykodrama ay isang kusang-loob na dula na nauukol sa
pansariling lihim o suliranin ng isang tao. Ang mismong may
suliranin ang gagawa ng iskrip at magsasadula. Karaniwang
ginagawa ito sa nga asignaturant Homeroom Guidance at
Edukasyong Pagpapahalaga. Mabisa ito sa paglutas ng
pansariling problema na kung tawagin ay “therapeutic value”.
1.5 Sosyodrama
Ang dulang ito ay walang gaanong paghahanda at pag-eensayo.
Umiinog ang paksa sa suliraning panlipunan.
• Sa pagsasadula, ipakikita ang suliraning panlipunan at pipiliting
mabigyang-kalutasan ng mga tauhan ang nasabing suliranin.
Isang mabisang pamamaraan ito sa pagtuturo ng Sibika at
Kultura at Wastong Pag-uugali.
1.6 Role-Playing
Kung sa sosyodrama ang diin ay sa suliraning panlipunan, sa
role-playing naman ay ang papel na ginampanan. Ang importante
rito ay mabigyang-buhay at halaga ang papel na ginagampanan.
• Dahil madaling ihanda ang role-playing, maraming mag-aaral
ang nagaganyak at nawiwiling sumali.
1.7 Dulang Pasalaysay o Chamber Theater
• Ang dulang pasalaysay o chamber theater ay isang paraan ng
pagpapakahulugan sa panitikang pinag- aaralan gaya ng maikling
kuwento, pabula, tulang pasalaysay at bahagi ng nobela sa pamamagitan
ng diyalogo, aksiyon at pagsasalaysay.
• Bawat isang tauhan ng kuwento ay kinakatawan ng isang aktor na
tagapagsalaysay rin at mayroon pa ring pormal o sadyang
tagapagsalaysay. Sa pagtatanghal na ito ang mga aktor ay gumagamit ng
angkop na kasuotan, may kagamitang pantanghalan (props) at mayroon
ding tanawin.
1.8 Sabayang Pagbigkas
• Isa sa mabisang paraan ng pagpapakahulugan at pagpapahalaga
sa isang tula ay sa pamamagitan ng sabayang pagbigkas. Bukod
sa nadaramang pagkalugod sa isang kathang sining ay may ilan
pang makabuluhang bunga ang sabayang pagbigkas para sa
mga mag- aaral. Nagkakaroon sila ng malinaw na pang-unawa
sa tula. Nalilinang ang kanilang wastong pagbigkas at
nabibigyang-diin ang bahaging dapat bigyan ng diin. Naiiwasan
din ang pagbigkas na paawit.
Mga Papet
• Ang papet ay isang tau-tauhang kaya nagsasalita at gumagalaw ay dahil sa
tagapagpaandar nito. Ito ay kagamitang tanaw-dinig na nagpapayaman sa
mga karanasan ng mga mag-aaral. Nagdudulot ito ng kasanayan sa
pasalitang pakikipagtalastasan dahil sa mga diyalogong sinasabi.
• Nalilinang sa mag-aaral ang tiwala sa sarili dahil sa pagharap sa madla o
kamag-aral. Nararamdaman niya ang mga usapang ipinahahayag na
parang siya ang nasa katauhan ng tauhang ginagampanan. Hindi siya
nakakaramdam ng hiya o takot dahil ang pansin ng manonood ay nasa
papet na hawak niya.
Karilyo

• Ang karilyo ay pagpapagalaw ng mga anino ng mga


pira-pirasong kartong hugis-tao o hayop sa likod ng
isang kumot na puti na naiilawan. Habang pinapagalaw
ang hugis-taong karton ay sinasabayan ng pagsasalita.
Ang hugis ng karton ay ayon sa mga tauhan ng isang
salaysay, alamat, kuwento, balita, at iba pa.
Istik Papet

• Ang istik papet ay cut-out ng anumang bagay na


idinidikit sa patpat. Mabisa itong pangganyak sa
mga bata lalo’t sinasabayan ng pagkukuwento.
Kamay na Papet o Hand Papet
• Ang kamay na papet ay anumang anyo ng tao, hayop o bagay
na iginuguhit sa supot na papel. Ang isang kamay ay ipinapasok
sa supot na papel. Kapag iginagalaw ang kamay gumagalaw din
ang papet.
Daliring Papet
• Ito ay paggamit ng mga daliri sa paggawa ng anumang hugis o
anyo na gustong gayahin.
• Bukod pa sa nabanggit, ang daliring papet ay maaaring mga
daliring ginuhitan ng anyong mukha ng tao. Pinagagalaw ang
daliri habang sinasabayan ng pagsasalita o pagkukuwento.
Maryonet o Pising Papet

• Gumuhit ng larawan ng tao o hayop o anumang bagay sa


isang malapad na karton. Gupitin ito. Paghiwa- hiwalayin
ang mga bahagi ng katawan (ulo, paa, kamay). Ikabit ang
mga bahagi sa pamamagitan ng tamtaks. Itali ang pisi sa
mga bahaging gustong pagalawin. Kung hihilahin nang
paitaas ang pisi, kikilos ang papet.

You might also like