ESP 5 Quarter 3 Week 1

Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 19

ESP 5 – Quarter 3

Week 1
Sir Ched Caldez
Nakapagpapakita ng mga kanais-nais na kaugaliang
Pilipino
1.1. nakikisama sa kapwa Pilipino
1.2. tumutulong/lumalahok sa
bayanihan at palusong
1.3. magiliw na pagtanggap ng
mga panauhin EsP5PPP – IIIa – 23
Nakapagpapakita ng mga kanais-nais na
kaugaliang Pilipino
1.1. nakikisama sa kapwa Pilipino
1.2. tumutulong/lumalahok sa bayanihan at
palusong
1.3. magiliw na pagtanggap ng mga panauhin
Panuto: Isulat sa sagutang papel kung palagi, paminsan-
minsan, o hindi kailanman ginagawa ang mga ito.
______1. Ipinagmamalaki ang mga kaugaliang Pilipino sa
mga kaibigang taga ibang bansa o sa lahat ng mga kaibigan.
______2. Nalulungkot kapag tumutulong lang ang mga tao
sa kapitbahay kung binabayaran sila o binibigyan ng
pabuya.
______3. Nagmamano sa mga magulang at ibang
nakatatanda bilang paggalang.
Lingid sa ating kaalaman na ang mga Pilipino
ay may mga kaugalian na lubos nating
ipinagmamalaki. Isa na rito ang pakikiisa.
Paano kaya natin ipinapakita ang pakikiisa
natin sa kapwa nating tao?
Basahin ang bawat sitwasyon. Isulat kung ano ang iyong pananaw sa bawat
sitwasyon.

1. Si Mark ay nakikiisa sa proyekto ng “Tree


Planting”. Ano ang masasabi mo tungkol sa
pakikiisa ni Mark sa proyekto?
Ikaw ba ay Pilipino? Bilang isang Pilipino,
alam mo bang may mga natatanging
kaugalian ang lahi mo? Taglay mo kaya ang
mga kaugaliang ito? Ang mga Pilipino ay
may likas na natatanging mga kaugalian na
ipinagkaiba niya sa ibang mga lahi. Ilan sa
mga katangiang nagpakilala sa mga Pilipino
ay ang pagtulong sa kapwa o
Lagyan ng tsek (√) kung mabuti at ekis (x) naman kung hindi.
 
______ 1. Pagbubuklod at pagmamahalan ng miyembro ng pamilya.
______ 2. Pagdiriwang ng Pasko
______ 3. Pagdiriwang ng kapistahan
______ 4. Bayanihan o pagtulong sa kapwa
______ 5. Pagluluto ng pansit, lumpia
Bata pa lang tayo ay tinuturuan na tayo ng ating mga
magulang ng kahalagahan ng pagkakaroon ng
mabubuting kaugaliang Pilipino na nagdudulot ng
kabutihan at magandang pakikipag-ugnayan sa kapwa.
Ilan sa halimbawa ng mga kanais-nais na kaugaliang
Pilipino na naituturo sa atin ay ang mga sumusunod:
1. Ang pagbabayanihan o pagtutulungan sa oras ng pangangailangan
lalo na sa panahon ng kalamidad at sakuna. Sa mga ganitong
pagkakataon, ibinibigay natin ang kahit anong tulong na maaari nating
maipaabot sa kapwa.
 
2. Ang malugod na pagtanggap sa kapwa at sa mga panauhin kung
saan ipinapakita natin ang pagiging magiliw sa iba. Marami ang
natutuwa sa ating mga Pilipino dahil sa maganda tayong makitungo sa
mga bisita. Ipinamamalas natin sa ating mga bisita ang kaginhawahang
kaya nating ibigay habang sila ay nasa ating tahanan.
3. Ang pagiging magalang sa lahat ng pagkakataon lalo na
sa ating magulang, kamag-anak, at nakatatanda.
Ipinapakita ito sa pamamagitan ng pagmamano at
pagsasabi ng magagalang na salita tulad ng po at opo.
Kilala rin ang mga Pilipino sa pagiging malapit sa pamilya.
Panuto: Sagutin ang mga sumusunod:
1. Bakit tinuturuan tayong pumila ng maayos
sa Flag Ceremony?
2. Bakit kailangang may pagitan ng isang dipa kapag
tayo’y pinapapila?
3. Sa Flag Ceremony lang ba tayo pumipila ng
maayos?
4. Saan saan pa nyo napapansin na dapat
pumila?
5. Mahalaga ba sa buhay ng tao ang matutong pumila ng
maayos?

You might also like