LP in ESP 5

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

Department of Education

Region No. VIII


Ormoc City Division
Ormoc City District VI
VALENCIA CENTRAL SCHOOL
Valencia, Ormoc City

BANGHAY ARALIN SA ESP 5


(With integration of indigenous people (IP) culture)

I. Layunin:
Nakapagpapakita ng paggalang sa mga dayuhan sa pamamagitan ng:
a. mabuting pagtanggap/pagtrato sa mga katutubo at mga dayuhan
b. paggalang sa natatanging kaugalian/paniniwala ng mga katutubo at dayuhang kakaiba sa kinagisnan

II. “Paggalang Sa Mga Dayuhan At Katutubo”


Quarter 2, Modyul 3 Edukasyon sa Pagpapakatao 5
Sanggunian: Republic Act No. 8371
DepEd Order No. 62, s. 2011
DepEd Order No. 32, s. 2015

Pagsasanib: Indigenous Peoples Education (IPEd)

III. Pamamaraan:
a. Pagsasanay
Basahin ang mga salitang nakasulat sa plaskards.
Indigenous People dayuhan kinagisnan Pagtrato
Katutubo kaugalian paniniwala natatangi

b. Balik-Aral:
Panuto: Basahing mabuti ang mga pahayag sa ibaba. Isulat sa papel ang T kung tama ang pahayag
at M naman kung mali.
_____ 1. Ipagbigay-alam sa pulisya ang mga kaguluhan sa inyong lugar.
_____ 2. Isumbong ang kaklaseng nambu-bully sa klase.
_____ 3. Pagtawanan ang mga batang nagtatrabaho sa murang edad.
_____ 4. Bigyan ng makakain ang mga batang nasa lansangan.
_____ 5. Ipagbigay-alam sa DSWD ang kaibigang minaltrato ng mga magulang.

c. Panlinang na Gawain:
1. Pagganyak:
Tingnan ang larawan. Nakakita na ba kayo ng mga taong ganito ang anyo? (Pag-usapan ito).
2. Paglalahad:
Basahin at unawain ang tula. Sagutin ang mga tanong pagkatapos nito.

1. Tungkol saan ang tula?


2. Ano ang pangangailangan ng bawat isa?
3. Bakit iisa tayo sa kabila ng pagkakaiba ng ating katauhan?
4. Paano nagiging dakila ang Diyos batay sa akda?
5. Paano nagkakaiba ang ating katauhan?

3. Pagtatalakay:
Ang paggalang sa kapuwa tao ay natutuhan natin mula sa pagkabata. Ito ay isang hakbang
sa pagkamit ng isang mapayapang pamayanan. Kapag iginagalang ng lahat ang kaniyang
kapuwa, tiyak walang magkakagalit dahil nirerespeto ang karapatang pantao. Ang paggalang at
pakikitungo sa kapuwa na nais nating gawin sa atin ng ibang tao ay napakahalaga. Sabi nga, kung
ano ang nais mong gawin sa iyo ay siya ring gagawin mo sa iyong kapuwa tao. Ito ay hindi
lamang naipakikita sa salita kundi sa kilos at gawa. Sa mga pagkakataong tayo ay
makikisalamuha sa mga dayuhan o mga katutubo, dapat natin silang tanggapin at tratuhin nang
maayos. Ang kanilang mga kaugalian na kinagisnan ay atin din igalang sapagkat ang bawat isa sa
atin ay may sariling karapatan at doon din sila nasanay. Matuto tayong magbigay-halaga sa mga
dayuhan at mga katutubo, dahil kahit sino pa man sila, kaisa natin sila. Nararapat lamang na
tayo ay matutong gumalang sa bawat isa.

Integrasyon:
Pag-usapan ang nilalaman ng Republic Act No. 8371 or the Indigenous People’s Rights Act of
1997 at DepEd Order No. 62, s. 2011.

4. Paglalahat:
Tanungin ang mga mag-aaral kung paano dapat pahalagahan at igalang ang mga natatanging
kaugalian/paniniwala ng mga katutubo at dayuhang kakaiba sa kinagisnan?

5. Paglalapat:
Buoin ang mga pahayag nang may paggalang sa anomang ideya/opinyon. Piliin sa loob ng kahon
ang angkop na karugtong na pariralang bubuo ng pahayag. Titik lamang ang isulat sa sagutang
papel.
1. Bagaman kakaiba ang itsura ng mga katutubo _____________.
2. Ang mga pangkat etniko ay kapuwa ko Pilipino, sapagkat sila ay mga _____________.
3. Kapag may mga dayuhang pumupunta sa Pilipinas at hindi ko maintindihan ang kanilang wika,
ako ay _____________.
4. Ang mga katutubo ay may sariling pamamaraan nang pagsamba sa kanilang Diyos kung kaya
____________.
5. Ang lahat ng mga tao ay may pagkakaiba ng ____________.
6. Ang lahat ng mga tao ay nararapat makatanggap nang mabuting pagtrato dahil
____________. 7. Ang maaari kong magawa upang matulungan ang mga dayuhan ay
____________.
8. Ang natatanging kaugalian ng mga katutubo ay ang ___________.
9. Maganda ang kultura ng mga Pilipino tulad ng _____________.
10.Ang pagkakaalam ko sa kultura ng mga dayuhan, halimbawa ay ang _____________.

IV. Pagtataya:
Basahing mabuti ang mga sitwasyon. Sa iyong sagutang papel, markahan ng tsek () kung ito ay
nagpapakita ng paggalang sa mga katutubo at mga dayuhan at ekis (X) kung hindi.

_____1. May nagsasayaw na mga katutubo sa parke. Uuwi na dapat ang ate mo pero tumigil muna siya at
masayang nanood sa ginagawa ng mga katutubo.
_____2. Pinagsabihan ng nanay mo ang mga batang nanunukso sa mga batang Mangyan na nakaupo sa
parke.
_____3. May dayuhang nagtatanong ng direksyon sa mga kabataang nakatambay sa harapan ng tindahan
ni Aling Mameng. Pinagtawanan lamang nila ito at hindi sinabi ang tamang direksyon.
_____4. May mga Hapon na pumunta sa inyong paaralan upang magbigay ng tulong. Laking pasasalamat
ng inyong paaralan kaya naatasan ang inyong klase na magpakita ng sayaw at awit para sa mga
bisita.
_____5. Lagi na lang tinutukso ng mga kaklase ninyo ang hitsura ni Glenda na isang batang banyaga.

V. Takdang Aralin:
Ilahad ang iyong magiging sariling pagpapasya kung ikaw ay malalagay sa sumusunod na sitwasyon. Isulat
ito sa sagutang papel.

Nagdiriwang ng kapistahan sa inyong lugar. Napakaraming mga Mangyan ang nanlilimos upang
sila ay may makain. Hindi maganda ang kanilang pananamit at sila ay madudungis. Ipagtatabuyan mo
ba at sisigawan sila? Bakit?

Prepared by:

CECILIA R. DELA PENA


MT II

NOTED:

EDWIN S. NOVAL
ESP III

You might also like