Download as PPTX, PDF, TXT or read online from Scribd
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 17
Layunin
Nagagamit nang wasto sa
pangungusap ang matatalinghagang pahayag – F9WG-IIIa-53. BHUTAN BHUTANESE RED RICE EMA DATSHI JASHA MARU Panuto: Basahin at unawain mo ang mga linya ng tula at alamin kung ano ang kahulugan nito batay sa larawan o mga pahayag. 1. Sa edad na dalawampu’t isa, isinugo ang buhay.
MAAGANG NAMATAY/NAMATAY
2. Sa gitna ng nagaganap na usok sa umaga
MADALING ARAW 3. Walang katapusang pagdarasal. MATAIMTIM NA NAGDADASAL/PA G-AALAY NG DASAL SOBRANG PAG- 4. Mga mata’y nawalan ng luha. IYAK
5. Malungkot na lumisan ang araw. PAGLIPAS NG ARAW
Elehiya Ito ay tulang liriko na naglalarawan ng pagbubulay- bulay o guni-guni na nagpapakita ng masidhing damdamin patungkol sa alaala ng isang mahal sa buhay.
Ang elehiya ay may katangiang pagnanangis, pag-alaala
at pagpaparangal sa mahal sa buhay na ang himig ay matimpi at mapagmuni-muni at di-masintahin. Elehiya sa Kamatayan ni Kuya Bhutan Isinalin sa Filipino ni Pat V. Villafuerte Hindi napapanahon! Sa edad na dalawampu’t isa, isinugo ang buhay Ang kaniyang malungkot na paglalakbay na hindi na matanaw Una sa dami ng aking kilala taglay ang di-mabigkas na pangarap Di maipakitang pagmamahal At kahit pagkaraan ng maraming pagsubok Sa gitna ng nagaganap na usok sa umaga Maniwala’t dili panghihina at pagbagsak! Ano ang naiwan! Mga naikuwadrong larawang guhit, poster, at larawan, Aklat, talaarawan, at iba pa. Wala nang dapat ipagbunyi Ang masaklap na pangyayari, nagwakas na Sa pamamagitan ng luha naglandas ang hangganan, gaya ng paggunita Ang maamong mukha, ang matamis na tinig, ang halakhak At ang ligayang di-malilimutan. Walang katapusang pagdarasal Kasama ng lungkot, luha, at pighati Bilang paggalang sa kaniyang kinahinatnan Mula sa maraming taon ng paghihirap Sa pag-aaral at paghahanap ng magpapaaral Mga mata’y nawalan ng luha, ang lakas ay nawala O’ ano ang naganap, Ang buhay ay saglit na nawala Pema, ang immortal na pangalan Mula sa nilisang tahanan Walang imahe, walang anino, at walang katawan Ang lahat ay nagluksa, ang burol ay bumaba, ang bukid ay nadaanan ng unos Malungkot na lumisan ang tag-araw Kasama ang pagmamahal na inialay Ang isang anak ng aking ina ay hindi na makikita Ang masayang panahon ng pangarap. Panuto: Sagutan ang sumusunod na tanong batay sa binasang akda. 1. Tungkol kanino ang binasang tula? 2. Ano ang mensahe ng tula sa mga mambabasa? 3. Ano ang iyong mararamdaman kung sakaling mawalan ka ng mahal sa buhay? 4. Paano ipinadama ng sumulat ng tula ang labis niyang pagdadalamhati sa tula? Panuto: Pangkatin ang klase sa apat na pangkat. Ang bawat pangkat ay mayroong gawain. Bubuo ang bawat pangkat ng isang tulang elehiya na may isang (1) saknong na may apat (4) na taludtod sa partikular na sitwasyon. Sitwasyon: Pagpalagay mo na ikaw ay isang malapit na kaibigan ng isang sundalong nasawi sa digmaan sa Mindanao. Nais mong bigyan ng parangal ang kanyang mga kabutihang nagawa sa kaniyang pamilya, kaibigan, kapwa-tao at sa bayan sa pamamagitan ng paggawa ng tulang elehiya. Makikitaan ang ginawang elehiya ng mga matatalinghagang pahayag. Bigkasin ito sa harap ng klase. PAMANTAYAN SA PAGPUPUNTOS PUNTOS Mabisa at angkop ang mga salitang gamit 20%
Malikhain at masining ang pagbigkas ng 20%
isinulat May angkop na lakas at himig ang tinig 10%
Nakikitaan ng matatalinghagang pahayag 30%
KABUUANG PUNTOS 100%
Matatalinghagang Pahayag 1. Ang batang babae ng aming kapitbahay ay balat sibuyas. 2. Maraming mamamayan ngayon ang nagbibilang ng poste. 3. Napaka tulog mantika ni Jay, hindi niya alintana ang init ng panahon.