Tekstong Deskriptibo

Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 24

TEKSTONG

DESKRIPTIBO
ALAM MO
BA ?
Magmuni-muni, saglit na magbalik-tanaw sa iyong nakaraan. Lingunin
ang bawat yugto ng iyong buhay mula pagkabata hanggang sa ikaw ay
makatuntong ng hayskul. Gamit ang mga hugis sa ibaba, sumulat ng
maikling tekstong naglalarawan sa mga pangyayaring hindi mo
makakalimutan at pagkatapos nito ay sagutin ang mga katanungan sa
susunod na pahina. Isulat mo ang iyong sagot sa sagutang papel
Tekstong Deskriptibo
ay may layuning maglarawan ng isang bagay, tao, lugar, karanasan,
sitwasyon, at iba pa.
Ang uri ng tekstong ito sa kakayahan ng mag-aaral na bumuo at
maglarawan ng isang partikular na karanasan at masining na
pagpapahayag.
Ito ay may layuning magpinta ng matingkad at detalyadong imahen na
makapupukaw sa isip at damdamin ng mga mambabasa
Mga Uri ng Tekstong Deskriptibo
1. Karaniwan- ito ay nagbibigay ng impormasyon ayon sa
pangkalahatang pagtingin o pangmalas.

2. Masining- ito ay nagpapahayag ng isang buhay na larawan batay sa


damdamin at pangmalas ng may-akda.
Katangian ng Tekstong Deskriptibo
1. Ito ay may isang malinaw at pangunahing impresyon na nililikha sa
mga mambabasa.
2. Ito ay magbibigay ng pagkakataon sa manunulat na gumamit ng
iba’t ibang tono at paraan sa paglalarawan.
*Obhetibo- may direktang pagpapakita ng katangiang makatotohanan
at hindi mapasusubalian
*Subhetibo- maaaring kapalooban ng matatalinghagang paglalarawan
at naglalaman ng personal na persepsiyon o kung ano ang
nararamdaman ng manunulat sa inilalarawan.
GAWAIN
2:
Karagdagang kahulugan sa Tekstong
Deskriptibo
Ang isang teksto ay tinatawag na deskriptibo kung ito ay nagpapahayag
ng mga impresyon o kakintalang likha ng pandama.

Layunin ng isang may akda sa pagsusulat ng tekstong ito ang


paglalarawan ng mga detalyeng kanyang naranasan.

Ito ay nagbibigay ng buong konseptong larawan na mabibiswal ng mga


bagay-bagay, pook, tao o pangyayari.
Ito ay may apat na mahahalagang kasangkapang
ginagamit sa malinaw na paglalarawan
1. Wika. Ito ay ginagamit upang makabuo ng isang malinaw at
mabisang paglalarawan ng karaniwang ginagamitan ng pang-uri at
pang-abay.
2. Detalye. Ito ay ginagamit upang maging malinaw ang paglalarawan
sa mga suportang detalye na magpapatibay ng pagpapahayag.
3. Pananaw. Magkakaiba-iba ang paglalarawan subalit kailangang pinakaangkop
sa lahat ng paglalarawan ang gamitin para ibahagi ang malawak na pananaw ng
manunulat na nasasaklaw at nailalagay ang sarili sa lugar ng mambabasa.

4. Impresyon. Layunin ng paglalarawan ang makabuo ng malinaw na larawan sa


imahinasyon ng mambabasa, kaya mahalaga na ang manunulat ay makabubuo
ng imahen sa imahinasyon ng mambababsa mula sa paraang paglalarawan.

Dito na nagsama-sama ang bisa ng wika, maayos na paglalahad ng detalye at


pananaw ng naglalarawan upang maging epektibo ang naisulat ng manunulat sa
inilalarawan sa isipan ng mambabasa
TEKSTONG ARGUMENTATIBO
ARGUkrostik
Panuto: Gamit ang akrostik, bigyang-kahulugan mo ang ARGUMENTO mula sa iyong sariling opinyon o
kaalaman. Gayahin ang pormat sa sagutang papel.
KAHULUGAN
Tekstong Argumentatibo - ay ang paraan ng paggigiit ng katotohanan at
paghihikayat na mapaniwala ang iyong tagapakinig o mambabasa na
kumilos batay sa inyong panig.

isang uri ng teksto na ang pangunahing layunin ay makapaglahad ng


katuwiran.
ang manunulat o taga salita ay kailangang maipagtanggol ang kaniyang
posisyon sa paksa o isyung pinag-uusapan.

Kinakailangang may matibay na ebidensya ang manunulat o


tagapagsalita upang mapatunayan ang katotohanan ng kaniyang
ipinaglalaban. Ang ilan sa mga ebidensya na pwede niyang gamitin ay
sariling karanasan, kasaysayan, kaugnay na mga literatura, at resulta
ng empirikal na pananaliksik.
Elemento ng Pangangatwiran
Proposisyon- ayon kay Melania L. Abad (2004) sa “Linangan: Wika at
Panitikan”,
- ito ay ang pahayag na inilalad upang pagtalunan o pag-usapan. Isang
bagay na pinagkakasunduan bago ilahad ang katuwiran ng dalawang
panig. Magiging mahirap ang pangangatuwiran kung hindi muna ito
itatakda sapagkat hindi magkakaisa sa mga batayan ng isyu ang
dalawang panig.
Argumento - ayon pa rin kay Melania L. Abad (2004) sa “Linangan:Wika
at Panitikan”,

- ito ay ang paglalatag ng mga dahilan at ebidensiya upang maging


makatuwiran ang isang panig. Kinakailangan ang malalim na
pananaliksik at talas ng pagsusuri sa proposisyon upang makapagbigay
ng mahusay na argumento.
Katangian at Nilalaman ng Mahusay na
Tekstong Argumentatibo
1. Mahalaga at napapanahon ang paksa
- ang pagpili ng paksa sa tekstong argumentatibo ay napakahalaga dahil
dito iikot ang buong diskusyon.

2. Maikli ngunit malaman at malinaw na pagtukoy sa tesis sa unang


talata ng teksto
- sa unang talata, dapat ipaliwanag nang mabuti ng manunulat ang
buong konteksto ng paksa sa pamamagitan ng pagtatalakay nito sa
pangkalahatan.
3. Malinaw at lohikal na transisyon sa pagitan ng mga bahagi ng teksto
- transisyon ang magpapatibay ng pundasyon ng isang teksto. Ito rin ang
nagbibigay ng koneksyon sa pagitan ng mga kaisipan sa bawat talata.

4. Maayos ang pagkakasunod-sunod ng mga talatang naglalaman ng


mga ebidensya ng argumento
- ang nilalaman ng bawat talata ay dapat umiikot sa iisang
pangkalahatang ideya lamang.

5. Matibay na ebidensya para sa argumento


- ang tekstong argumentatibo ay kinakailangang maging detalyado,
tumpak at napapanahon ang impormasyon.
DEBATE :

techNOlohiya:
Sang-ayon ka ba na ang Digital Technology ay nakakatulong upang
maging mapaganda ang buhay o hinaharap ng isang bata?

Politika:
Sino ang mas mahalaga sa politika, ang Babae o Lalake?
Pangalawang Gawaing
Panuto: Maglahad ng mga pagkakataon o sitwasyon na nangangailangan ng iyong
pangangatuwiran. Tiyaking malinaw ang proposisyon at ang iyong mga argumento. Isulat
sa inyong sagutang papel ang iyong karanasan sa bawat sitwasyon.

You might also like