Araling Panlipunan 6 Week 7

Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 96

Araling Panlipunan 6

Week 7
Programa ng
administrasyon mula
1986 hanggang sa
kasalukuyan:
Day 1
Sino ang nasa larawan?
Anu-ano ang kanyang ginawa para sa
ating bansa?
Si María Corazón Sumulong Cojuangco-
Aquino na lalong mas kilala sa palayaw na
Cory ay ang ikalabing-isang Pangulo ng
Republika ng Pilipinas at kauna-unahang
babaeng naluklok sa nasabing pwesto.
Tinagurian siyang Ina ng Demokrasya dahil
sa pagsuporta niya sa pagpapanumbalik
ng demokrasya sa Pilipinas.
Termino ng Pagkapangulo: Pebrero 1986-
Hunyo 1992.
 
Natatanging Programang Pangkaunlaran
⚫ Paglikha ng PCGG (Presidential
Commission on Good Governance) na
naglalayong ibalik sa pamahalaan ang
pinaniniwalaang ninakaw na pera mula sa
kaban ng bayan ng Pamilyang Marcos.
Sa kasalukuyan, ginagamit ni Pangulong
Duterte ang ahensya upang imbestigahan
ang maaring korapsyon sa pamahalaan.

⚫ Pagpapatupad ng Trade Liberalization na


nagpapataw ng malaking buwis sa mga
kalakal na ipinapasok sa bansa ngunit
pagbibigay ng mas maluwang na paraan ng
pagnenegosyo.
⚫ Pagkakaroon ng malayang pagtatag
ng mga negosyo na tinawag na Free
Enterprise System.
⚫ Pagbebenta ng mga korporasyong
pag-aari ng pamahalaan sa mga
pribadong negosyante (Asset
Privatization Trust) upang maibangon
muli ang ekonomiya.
⚫ Pagpapatibay ng Batas Republika Blg.
6655 o Free Public Secondary Education
Act of 1986.

⚫ Pagpapatibay ng Generics Act of 1988


o kilala rin na Batas Republika Blg. 6675
na nagbigay ng mas murang gamot sa
mga Pilipino.
⚫ Pagbabahagi ng mga pribado at
pampublikong lupa sa mga maliliit na
magsasaka (CARP o Comprehensive
Agrarian Reform Program) alinsunod sa
Batas Republika Blg. 6657.
Naririnig mo minsan na sinasabi ng iyong
ama na ang ibang pulitiko raw ay
tumatakbo lamang upang yumaman.
Nababahala ka kung sakaling ito ay
totoo.Ano ang gagawin mo?
Anu-ano ang mga nagawa
ng ating mga pangulo?
Panuto: Piliin ang programang nagawa ng
bawat administrasyon. Isulat ang titik ng
tamang sagot sa sagutang papel.
1. Rodrigo R. Duterte :
________________________
A. Libreng Edukason
B. Pagpapatuloy sa 4P’s C. Pagbaba sa
presyo ng bilihin
D. Paglutas sa suliranin sa Pangkalusugan
2. Fidel V. Ramos :
____________________
A. Pagbawi sa nakaw na yaman ng
Marcos
B. National Anti-Poverty Commission
C. Pagbabalik Demokrasya
D. Pagpapaunlad ng Bansa
3. Joseph Estrada:
___________________
A. Repormang Agraryo B. Pagbabalik
Demokrasya
C. Paglutas sa Kagutuman
D. Pagpapababa ng mga presyo ng
bilihin
4. Gloria Arroyo :
__________________________
A. PAOCTF
B. Walang “Wang-Wang” C.
Pagpapaunlad sa Bansa
D. Pagpapababa ng presyo ng bilihin5
5. Benigno Aquino III :
__________________
A. Paglutas sa suliraning Kagutuman
B. Pagpapaunlad ng Bansa
C. Pagbabalik Demokrasya
D. Reporma sa Agraryo
Day 2
Kilala nyo ba ang nasa larawan?
Ano ang pangalan niya?
Si Fidel Valdez Ramos ay ang ikalabing-
dalawang Pangulo ng Republika ng
Pilipinas. Sa ilalim ni Ferdinand Marcos,
siya ay inatasan na maging pinuno ng
Philippine Constabulary noong 1972,
hepe ng Integral National Police noong
1975, at pangalawang pinuno ng
Sandatahang Lakas noong 1981.
Termino ng Pagkapangulo: Hunyo 1992
hanggang Hunyo 1998.
 
Natatanging Programang Pangkaunlaran
⚫ Itinaguyod ang proyektong Pilipinas
2000 na naglalayong gawing Newly
Industrialized Country ang Pilipinas.
⚫ Pagpapatupad ng Social Reform Agenda
(SRA) na naglalayong maitaas ang antas ng
pamumuhay ng mga Pilipino

⚫ Paglunsad ng Moral Recovery Program


(MRP) na nagnanais maibalik ang moral at
etikal na na pundasyon ng mga Pilipino na
magiging daan sa pag-unlad.
⚫ Malayang pagpapasok ng mga produkto at
serbisyo mula sa ibang bansa.
(liberalisasyon)

⚫ Pagtatatag ng Special Zone for Peace and


Development in Southern Philippines at
Southern Philippines Council for Peace and
Development upang isulong ang usaping
pangkapayapaan sa Mindanao.
⚫ Lumikha ng Special Economic Zone
(SEZ) sa Mariveles, Bataan; Mactan,
Cebu; Baguio, Subic at Clark.

⚫ Pagsali sa General Agreement on


Tariffs and Trade (GATT) na nag-aalis ng
kota, taripa o buwis sa mga inaangkat at
iniluluwas na produkto sa ibang bansa.
⚫ Paglunsad ng Clean and Green
Program

⚫ Pagtuturo sa mga mamamayan sa


maayos at wastong pagtapon at paglikom
ng basura(recycle) at paggawa ng
compost pit sa pamamagitan ng
Ecological Waste Management Program.
Panuto: Basahin at unawain ang bawat
pangungusap. Isulat ang T kapag TAMA
at M naman kung MALI. Isulat ang sagot
sa sagutang papel.

________1. Si Joseph Estrada ang


unang Pangulo na nagbawi ng yaman ng
bansa na ninakaw ng Pamilyang
________2. Ang Karapatang Pagboto ay
muling ibinalik sa Panahon ni Corazon C.
Aquino.

________3. Si Fidel V. Ramos ang


kauna-unahang Pangulong nagtatag ng
Presidential Anti- Organized Crime Task
Force.
________4. Benigno Aquino III ang
nagpapatupad ng panukalang Walang
“Wang-Wang”.

________5. Si Rodrigo R. Duterte ang


naglutas ng suliranin sa Pangkalusugan.
Isang guro ang iyong nanay, sinasabi
niya parati na kulang ang pondo ng
paaralan para pambili sana ng mga
kagamitan sa pagtuturo tulad ng
microscope at iba pa.Anong programa
ito?
Anu-ano ang mga
nagawa ng ating mga
pangulo?
Panuto: Ilagay mo sa timeline ang sakop
ng panunungkulan nina:
Day 3
Jose Marcelo
Ejercito, na mas
kilala bilang Joseph
Ejercito Estrada, o
Erap ang ika13
Pangulo ng Pilipinas
mula 1998 hanggang
2001.
Siya ay nahalal na Mayor o Alkalde ng
Maynila noong 13 Mayo 2013. Termino ng
Pagkapangulo: Hunyo 30,1998 hanggang
Enero 20, 2001.
 
Natatanging Programang Pangkaunlaran
⚫ Inalis niya ang Countryside Development
Fund o Poark Barrel na ibinibigay ng
pamahalaan sa mga kawani ng gobyerno
na gagamitin sana para sa mamamayang
Pilipino ngunit napag-alaman niyang
hindi ginagamit ng wasto.

⚫ Ipinagpatuloy niya ang mga


programang nasimulan ng mga naunang
pangulo tulad ng Asset Privatization Trust
at Trade Liberalization.
⚫ Pagkakaroon ng rolling store na
nagtitinda ng murang bigas at iba pang
pangunahing pangangailangan ng mga
Pilipino na tinawag niyang Enhanced
Retail Access for the Poor (ERAP).

⚫ Itinaas niya ang pondo para sa


edukasyon ng 20% at isinagawa ang
Adopt-aSchool Program
⚫ Isinaayos niya ang buhay ng mga
mahihirap na Pilipino sa kanyang Poverty
Eradication Program sa pamagitan ng
murang pabahay, pagtaas ng pondo para
sa kalusugan at pagpapagawa ng mga
daan sa baryo upang mapadali ang
pagluwas ng mga ani.
Panuto: Itapat ang
Hanay A sa Hanay B
ang tamang termino
ng bawat pangulo.
Isulat ang titik ng
tamang sagot sa
patlang.
Ang iyong nakatatandang kapatid ay
tumigil sa kanyang pag-aaral dahil sa
kakulangan ng perang pantustos dito.
Nais niyang maghanap ng trabaho upang
makatulong sa inyong mga
magulang.Anong programa ang sinunod
nila?
Napanatili ba ng ating mga
Pangulo ang kanilang mga
naging programa?Paano?
Panuto: Ipares ang pangalan ng
pangulo sa hanay A sa kanilang
ginawang programa sa hanay B
na tinutukoy. Isulat ang letra sa
patlang.
Day 4
Si Maria Gloria Macapagal-
Arroyo ay ang ika14 na
Pangulo ng Republika ng
Pilipinas. Siya ang
ikalawang babaeng
pangulo ng bansa, at anak
ng dating pangulong si
Diosdado Macapagal.
Termino ng Pagkapangulo: Enero 20, 2001 –
Hunyo 30, 2010.

Natatanging Programang Pangkaunlaran


⚫ Inatasan niya ang Presidential Anti-Graft
Commission upang gumawa ng lifestyle
check sa mga opisyal ng pamahalaan upang
maiwasan ang korapsyon.
⚫ Upang tulungang mapataas ang
kakayahan ng Local Government Units,
ipinatupad niya ang programang KALAHI
o Kapit Bisig Laban sa Kahirapan.
⚫ Ginawa niyang mas modernisado ang
pagkuha ng mga serbisyo sa
pamahalaan sa pamamagitan ng
Electronic Procurement System (EPS).
⚫ Binigyan niya ng kompyuter ang mga
paaralang pambayan.

⚫ Pinaunlad niya ang teknolohiya sa


larangan ng impormasyon at
transportasyon.
⚫ Ipinatupad niya ang Republic Act 8435
na mas kilala sa Agricultural and
Fisheries Modenization Act (AFMA).

⚫ Bumuo ng mga livelihood programs sa


mga walang trabaho at out of school
youth.
Si Benigno Simeon
Cojuangco Aquino, III higit
na kilalá sa paláyaw na
Noynoy Aquino o sa tawag
na P-Noy ay ang ika-15
Pangulo ng Republika ng
Pilipinas. (Wikipedia)
Termino ng Pagkapangulo:
Hunyo 30, 2010 – Hunyo 30,
2016.
Natatanging Programang Pangkaunlaran
Matuwid na Daan - ang kolektibong termino
o pangalan ng mga nagawa ni President
Aquino sa loob ng kanyang termino.
⚫ 4P’s - Pantawid Pamilyang Pilipino
Program, ito ay ang pagbibigay ng cash
grant sa mga batang nasa edad 0-14 taong
gulang upang igugol sa kanilang
pangangailangang nutrisyon, kalusugan, at
edukasyon.
⚫ K to 12 Program - ang pagbabago sa
sistema ng edukasyon kung saan
dinagdagan ng 2 taon ang Basic
Education upang makatugon sa
pangangailangan ng lipunan.
⚫ Botika ng Barangay (BnB)- na
nagtitinda ng mga murang gamot na
aprubado ng Bureau of Food and Drugs
⚫ Expanded Program on Immunization
(EPI)- ito ay nakaangkla sa Republic Act
No. 10152 o Mandatory Infants and
Children Health Immunization Act of 2011
kung saan ang mga bagong silang na
sanggol ay dapat bakunahan ng libre sa
anim na pangunahing vaccine preventable
diseases tulad ng tuberkulosis, polio,
diphteria, tetanus, pertussis at tigdas.
⚫ Abot-Alam Program- layunin nitong
turuan at gawing produktibo ang nasa 15-
30 taong gulang na hindi na nag-aaral sa
tulong ng Alternative Learning
System(ALS).
⚫ Republic Act No. 6713- Code of
Conduct and Ethical Standards for Public
Officials and Employees, ang batas na ito
ay nagtitiyak na ang mga pulitikong
iniluklok sa posisyon ay maglilingkod ng
tapat na naayon sa kanilang sinumpaang
tungkulin at trabaho.
⚫ Run After Tax Evaders(RATE)- tinitiyak
nito na ang bawat Pilipino ay
nagbabayad ng wastong buwis at ang
hindi pagbabayad nito ay itinuturing na
krimen na tinatawag na Tax Evasion.
⚫ Kariton, Klasrum, Klinik, Kantin o K4 -
pinagkakalooban ang mga batang
mahihirap ng pangangailangang
pangkalusugan, pagkain at tirahan sa
pamamagitan ng Modified Conditional
Cash Transfer(MCCT).
⚫ Republic Act No. 10648 o Iskolar ng
Bayan Act of 2014- nagtatadhana na ang
sampung mangungunang mag-aaral na
magtatapos sa bawat pampublikong
paaralan sa bansa ay makapag-aaral ng
libre sa kolehiyo.
⚫ Comprehensive Agreement on the
Bangsamoro - isinagawa ito upang
matigil ang rebelyon ng ating mga
kapatid na Muslim, nagkaroon ng
negosasyon sa pagitan ng ating
pamahalaan at ang Moro Islamic
Liberation Front (MILF)
Panuto: Suriin ang mga sumusunod na
sitwasyon. Pumili ng mga programang
inilunsad ng mga pangulo na iyong
napag-aralan na sa tingin mo ang
magiging solusyon/kasagutan nito.
Ipaliwanag ang iyong sagot at isulat ito
sa iyong sagutang papel.(2 puntos bawat
bilang)
1. Bagong panganak si Aling Rosa, gusto
na niyang lumabas sa ospital ngunit wala
silang pambayad dito dahil nawalan ng
trabaho ang kanyang asawa na isang
construction worker. _
2. Ang pamilya ni Mang Ben ay
napabilang sa kinilalang “poorest of the
poor”. Mayroon siyang mga anak na nasa
edad lima, walo at labindalawa. Ang mga
ito ay nag-aaral sa pampublikong
paaralan.
3. Isang magsasaka si Mang Raul,
lubhang napinsala ang kanyang pananim
dahil sa nagdaang bagyo. Wala na
siyang pantustos upang makapagtanim
muli. _
4. Nagtapos bilang class valedictorian si
Jomar sa hayskul, gustung-gusto niyang
makapag-aral sa kolehiyo subalit mahirap
lamang sila at walang pantustos ang
kanyang mga magulang. _
5. Ang iyong pamilya ay nakatira sa isang
liblib na lugar. Narinig mo minsan na may
mga taong de-armas na pumupunta sa
mga bahay upang manghingi ng pagkain.
Ang bahay ninyo ay malayo sa
pamilihang-bayan, hindi kayo nakabibili
ng murang pangunahing
pangangailangan.Anong programa ito?
Napanatili ba ng ating mga
Pangulo ang kanilang mga
naging programa?Paano?
Panuto: Suriin ang bawat pahayag. Isulat
sa patlang ang Tama kung ito ay isang
programa ng presidente at Mali kung ito
ay hindi nagawa.

____1. Si Pangulong Duterte ang


nagtatag ng build,build,build na programa
para sa bansa.
_____2. Si Pangulong Gloria Arroyo ang
nag bigay tulong o 4ps cash aids para sa
mga mahihirap.

_____3. Pagbalik ng kaayusan ng bansa


ay ginawa ni Pangulong Benigno Aquino
sa ilalim ng kanyang programa.
_____4. Si Pangulong Cory Aquino ang
kaunahang babaeng president ang
nagbalik ng demokrasya ng ating bansa.

_____5. Kay Pangulong Estrada ang


Programang Agrikultural Pangmasa na
ibinahagi sa mga kapatid nating
magsasaka.
Manood o makinig ng balita, sumulat ng
dalawang bagong programang inilunsad
ng ating kasalukuyang administrasyon na
makatutulong upang maibangon muli ang
pamumuhay ng mga Pilipino sa gitna ng
pandemyang COVID-19. Isulat ito sa
iyong kwaderno sa Araling Panlipunan.
Day 5
Panuto: Ayusin ang mga jumbled na
mga letra sa mga sumusunod na
kahon upang mabuo ang pangalan
ng Pangulong tinutukoy ng bawat
programa.
Si Rodrigo "Rody" Roa
Duterte, kilalá rin sa
kanyang bansag na
Digong, ay isang
Pilipinong abogado at
politiko na kasalakuyang
naninilbihan bílang ika-
16 na Pangulo ng
Pilipinas.
Siya ang unang naging pangulo na
mula sa Mindanao. (Wikipedia)
Termino ng Pagkapangulo: Hunyo 30,
2016 – Kasalukuyan.
 
Natatanging Programang Pangkaunlaran

Dutertenomics • ang pangkalahatang termino na


tumutukoy sa mga programa ni Pangulong
Duterte na naglalayon sa panlipunan at pang-
ekonomiyang kaunlaran na binubuo ng kanyang
10-point agenda na maisasakatuparan sa tulong
ng iba’t ibang ahensya ng gobyerno.
⚫ Build, Build, Build Program (BBB)-”Golden
Age of Infrastructure” inilunsad ang
programang ito na naglalayong hindi lamang
mapaunlad ang mga imprastraktura sa
Pilipinas tulad ng mga daanan ng tren,tulay ,
mga kalsada at iba pa kundi pati rin ang
hangad na mabigyan ng hanapbuhay ang
mga Pilipino sa larangan ng konstruksyon.
(cpbrd.congress.gov.ph)
⚫ Magna Carta of the Poor - ito ay may
tatlong priority programs na kinabibilangan
ng; PCUP(Presidential Commission for the
Urban Poor) Caravan, Adopt-a-Community, at
Urban Poor Privilege Card na magpapaibayo
sa pagbibigay ng direktang serbisyo sa mga
maralitang taga-lungsod. (source: pcup.
gov.ph)
⚫ Republic Act No. 11223 o Universal
Health Care Law- na direktang ginawang
miyembro ng National Health Insurance
Program (NHIP) ang lahat ng Pilipino na
naging daan upang mabigyan ng
serbisyong pangkalusugan (
https://www.doh.gov.ph.)
⚫ Pagtaas ng Sweldo ng Pulis at Sundalo
kung saan dinoble ito kompara sa
nakaraan nilang sahod.
⚫ Republic Act No. 11479 o Anti-Terrorism
Act - ang batas na nagbabawal,nagpipigil
at nagpaparusa sa anumang gawaing may
kinalaman sa karahasan o nakakapagdulot
nang kasamaan sa nakararami. (
www.officialgazette.gov.ph)
⚫ Republic Act No. 10931 o Universal Access
to Quality Tertiary Education Act- na
nagbibigay ng libreng tertiary education
(matrikula at iba pang school fees) sa mga
estudyante na nasa pampublikong paaralan,
local universities at colleges, state-run
technical-vocational institutions sa buong
Pilipinas. (www. Lawphil.net)
⚫ Republic Act No. 11321 o Sagip Saka
Act- na nagpapalawak sa mga
interbensyong maaaring ibigay ng
gobyerno sa larangan ng agrikultura mula
produksyon ng mga produkto hanggang
sa pagpoproseso at pagbibinta nito.
(da.gov.ph)
⚫ Philippine Drug War- tumutukoy sa
mga pulisiyang inilahad ni Pangulong
Duterte na may kinalaman sa pagsugpo
ng paggamit sa ipinagbabawal na gamot.
⚫ Oplan Tokhang - upang suportahan
ang giyera laban sa droga, inilunsad ang
gawaing ito kung saan personal na
binibisita ng mga pulis ang mga bahay ng
mga taong pinaghihinalaan na may
kinalaman sa bawal na
gamot.(https://en.m.wikipedia.org)
Subukan mong punan ang mga patlang sa
ibaba. Isulat ang sagot sa sagutang papel.
 
Ang PCGG ay nangangahulugang­­________ .
Ang Batas _________ang nagbigay ng
libreng edukasyon sa sekundarya.
Upang turuan ang mga Pilipino sa wastong
pagtapon ng basura inilunsad ni Ramos ang
Programang_______________ .
Ang ______________ang tawag sa
Programa ni Ramos na naglalayong
gawing industrialized country ang
Pilipinas.
Sa panahon ni Aquino, nagkaroon ng
malayang pagtatag ng negosyo na
tinawag na___________ .
Si ______________ang
ikalabindalawang pangulo sa Republika
ng Pilipinas.
Si ____________ang kauna-unahang
babaeng pangulo ng Pilipinas.
Nagkaroon din ng Moral Recovery
Program sa panahon ni
Pangulong_______
Upang gawing abot-kaya ang mga gamot
sa Pilipinas inilunsad ni Pangulong Cory
ang ____________. Programa ni Ramos
na naglalayong pangalagaan ang
kagubatan________
Ang iyong ama ay isang mangingisda,
ngunit kulang na kulang ang kanyang
nakukuhang isda dahil sa kakulangan ng
kagamitang pangingisda. Programang
Pangkaunlaran:
Paliwanag/Pagsasalarawan kung Paano
ito Makatutulong:
Napanatili ba ng ating mga
Pangulo ang kanilang mga
naging programa?Paano?
Panuto: Balikan ang mga programang
nailunsad nina Pangulong Aquino at
Pangulong Duterte. Tukuyin ang mga
naging tugon nila sa mga
hamon/suliranin ng Pilipinas sa panahon
ng kanilang administrasyon.
Salamat!

You might also like