Presentation1 - Fil10 Mga Pahayag Sa Pagbibigay Pananaw

Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 43

Hello!

Gempya Gendaw!
Filipino 10
Guro: Ginoong
HELSON L. BULAC
1
BALIK-ARAL

Lagumang
This is your presentation title

Pagtatasa
Unang Gawain:

Ekspresiyon Ko, title


This is your presentation

Salungguhitan Mo!
Panuto: Basahin ang
sumunod sanaysay at
salungguhitan
This is ang mga
your presentation title
salitang sa tingin mo’y
nagpapahayag ng pananaw.
Edukasyon sa Panahon ng COVID-19 Pandemic
ni Virgilio C. Rendon

“Ang pagmulat sa katalinuhan ay


pagtakas sa kamangmangan,”isang
patunay na ang edukasyon ang siyang
pundasyon para sa kalinangan ng
indibidwal.
Sa kabilang dako, maraming alinlangan ang
nais bigyan ng kasagutan kung pag-uusapan
ay ang edukasyon sa panahon ng pandemic.
Alinsunod sa mga batas na ipinatutupad ng
Pamahalaan na sinusuportahan ng Kagawaran
ng Edukasyon, dapat makiisa ang bawat
mamamayan at hindi puro reklamo ang
mamumutawi sa bibig.
Sa paniniwala ko, ang pagpapatupad ng On
Line Classes o maging paggamit ng modyul
para sa paghubog ng kaalaman ng isang
indibidwal ay hindi nangangahulugan na walang
matututunan ang mag-aaral. Pakatandaan,
pansamantala lamang ang ganitong kalagayan
kapag nahanap na ang kasagutan sa
pandemyang ito.
Sa tingin ko, ang pagkatuto ng mga
mag-aaral ay hindi lamang dapat
nakasalalay sa mga guro kundi maging
sa mga magulang sa pagbibigay
patnubay at suporta sa kanilang mga
anak.
Magaling!
Mga Pahayag sa
Pagbibigay Pananaw
Layunin:

 Nagagamit ang angkop na mga pahayag


sa pagbibigay ng sariling pananaw.
(F10WG-Ic-d-59)

11
Alam N’yo ba..
Ang mga Pahayag sa Pagbibigay ng Pananaw
ay magagamit sa mabisang pagbibigay ng kuro-kuro,
opinyon, saloobin o perspektibo sa pagsulat ng
sanaysay? Maaari itong ekspresiyong ginagamit sa
pagpapahayag ng pananaw at nagpapahiwatig ng
pagbabago o pag-iiba ng paksa at/o pananaw. Ito rin
ang tutukoy kung ang pahayag sa isang teksto ay
nagsasaad ng Opinyon o Katotohanan.

12
Alam N’yo ba..
1. Mga Ekspresiyong Nagpapahayag ng
Pananaw – Inihuhudyat ng mga
ekspresiyong ito ang iniisip, sinasaad,
sinasabi o paniniwalaan ng isang tao.

13
MGA EKSPRESIYONG
NAGPAPAHAYAG NG PANANAW

 Ayon
 Batay
 Alinsunod
 Sang-ayon sa

14
Ayon, Batay, Alinsunod, Sang-ayon sa..
- ginagamit natin ang mga ekspresiyong ito
kung mayroong matibay na batayan ng
pahayag. Samakatuwid, katotohan ang
isinasaad nito na maaaring magsaad ng idea
o pangyayaring napatunayan at tanggap ng
lahat ng tao.

15
Mga halimbawa:
a. Sang-ayon sa Memorandum Order No. 20:
Series of 2013 ng Commision On Higher
Education na pinagtitibay ang pagkawala ng
Filipino bilang isa sa mga asignatura sa ilalim
ng General Education Curriculum o GEC sa
taong 2016.

16
Mga halimbawa:
b. Batay sa Konstitusyon 1987: Artikulo XIV,
Seksyon 6, ang wikang pambansa ng
Pilipinas ay Filipino.
c. Ayon sa tauhang si Simoun sa El
Filibusterismo, “Habang may sariling wika
ang isang bayan, taglay niya ang kalayaan.”

17
Mga
halimbawa:
d. Alinsunod sa itinakda ng batas at sang-ayon
sa nararapat na maaaring ipasya ng Kongreso,
dapat magsagawa ng mga hakbangin ang
Pamahalaan upang ibunsod at puspusang
itaguyod ang paggamit ng Filipino bilang
midyum ng opisyal na komunikasyon bilang
wika ng pagtuturo sa sistemang pang-
edukasyon.”
18
Sa paniniwala, akala, pananaw,
paningin, tingin, palagay, inaakala,
iniisip ni/ng
- ginagamit ang mga ekspresiyong ito batay
sa sariling paniniwala, idea, saloobin, at
perspektibo. Samakatuwid, opinyon ang
isinasaad nito na hindi maaaring
mapatunayan.

19
halimbawa:
a. Sa paniniwala ko ang pagkakaroon ng
isang mataas at matibay na edukasyon
ay isang saligan upang mabago ang
takbo ng isang lipunan tungo sa
pagkakaroon ng isang masaganang
ekonomiya.

20
halimbawa:
b. Sa aking pananaw ang edukasyon ay
kailangan ng ating kabataan sapagkat
ito ang kanilang magiging sandata sa
buhay sa kanilang kinabukasan.

21
halimbawa:
c. Sa tingin ng maraming guro, ang pagkatuto
ng mga mag-aaral ay hindi lamang
nakasalalay sa kanila kundi maging sa mga
magulang sa pagbibigay ng patnubay at
suporta sa kanilang mga anak.

22
Alam N’yo ba..
2. Mga ekspresiyong nagpapahiwatig ng
pagbabago o pag-iiba ng paksa at/o pananaw –

Kabilang dito ang sumusunod na halimbawa.


Gayonman, mapapansing ‘di tulad ng naunang mga
halimbawa na tumitiyak kung sino ang pinagmumulan
ng pananaw. Ito naman ay nagpapahiwatig lamang ng
pangkalahatang pananaw.

23
Mga ekspresiyong nagpapahiwatig ng
pagbabago o pag-iiba ng paksa at/o pananaw

 Sa isang banda
 Sa kabilang dako
ginagamit natin mga ekspresyong ito kung
magbabago ang tema at paksa ng pinag-uusapan sa
isang pahayag.

24
halimbawa:
a. Sa isang banda, mabuti na ngang
nalalaman ng mamamayan ang mga
anomalya sa kanilang pamahalaang
lokal nang sa gayo’y masuri nila kung
sino ang karapat-dapat na ihalal para
mamuno sa kanilang lungsod.

25
halimbawa:
b. Sa kabilang dako, sa dami ng
naglalabasang isyung pampolitika hindi
tuloy malaman ng sambayanan kung
ano ang kahihinatnan ng bansa sa
kamay ng mga politikong
pinagkatiwalaang mamuno dito.

26
Mga ekspresiyong nagpapahiwatig ng
pagbabago o pag-iiba ng paksa at/o pananaw
 Samantalang
 Habang
ginagamit ang samantala sa mga kalagayang
mayroong taning o "pansamantala." Ginagamit
naman ang habang kung ang isang kalagayan ay
walang tiyak na hangganan, o "mahaba."

27
halimbawa:
a. Samantala, mamamayan mismo ang
makapagpapasya kung paano nila nais
makita ang kanilang bansa sa susunod na
mga taon. Matalinong pagpapasya ang
kailangan kung sino ang karapat-dapat
pagkatiwalaan ng kanilang boto.

28
halimbawa:
b. Maraming mga tao ang lugmok sa
kahirapan habang ang iba ay
nagpapakasasa sa kaban ng bayan.

29
paglalapat
Panuto: Isulat ang mga ekspresiyong
ginamit sa pagpapahayag ng konsepto ng
pananaw o ekspresyong nagpapahiwatig ng
pagbabago sa mga sumusunod na pahayag.

30
Panuto: Isulat ang mga ekspresiyong ginamit sa pagpapahayag ng konsepto ng
pananaw o ekspresyong nagpapahiwatig ng pagbabago.
A (1) Ang Pilipinas ay isang bansang arkipelago kaya hindi kataka-
. takang ang mga pulo sa buong bansa ay tigib ng mga
kayamanang-dagat na maipagkakaloob ng iba’t ibang uri ng
damong-dagat. (2.) Sa isang pag-aaral na isinagawa ni Dr. Gabino
C. Trono Jr., isang propesor ng Botanya sa Kolehiyo ng Sining at
Agham ng Unibersidad ng Pilipinas, ipinakita niya ang
pangangailangang linangin ang kayamanang-dagat para
makatulong sa sumusulong na ekonomiya ng Pilipinas. (3.) Ayon sa
kaniya, maraming damong-dagat na makikita sa dagat ng Pilipinas
bagaman iilan pa lamang sa mga ito ang nalilinang para magkaroon
ng kabuluhang komersiyal.

31
Gawain 1: Isulat ang mga ekspresiyong ginamit sa pagpapahayag ng konsepto ng
pananaw o ekspresyong nagpapahiwatig ng pagbabago.
B
(1.) Sa kasalukuyan, ang pangunahing suliraning kinahaharap ng
. Morocco ay ang isyung pangkalikasan. (2.) Ang polusyon sa
bansa ay isang salik na nagpapahirap dito. Ang tubig ay
kontaminado ng dumi sa alkantarilya o padaluyan. Higit pa rito,
ang pagtagas ng langis ay hindi natugunan nang maayos. (3.)
Ayon sa isang kritiko, ang isyung pangkalikasan ay hindi
binibigyan nang seryosong tuon ng pamahalaan. Sa tingin niya,
makatutulong ang pagdaragdag ng irigasyon o patubig sa
kabukiran upang maiwasan ang pagkatuyo ng mga pananim na
sanhi ng pagpigil sa pagdaloy ng kontaminadong tubig.

32
Gawain 1: Isulat ang mga ekspresiyong ginamit sa pagpapahayag ng konsepto ng
pananaw o ekspresyong nagpapahiwatig ng pagbabago.
C
(1) Ang eksportasyon ng mga kalakal ay may malaking
. naitutulong sa pagpasok ng salaping dayuhan o dolyar sa
bansa sapagkat kailangan ng isang bansa ang dolyar
upang ang napagbilhan ay ibibili naman ng kalakal na hindi
lokal na naipoprodyus. (2.) Ang pagbili ng kalakal sa isang
bansa mula sa ibang bansa gaya ng langis at mga
kaugnay na produkto ay tinatawag na pag-aangkat o
importasyon. (3.) Sa isang banda, masasabing mahalaga
ang ganitong hakbangin para sa isang maunlad na bansa.

33
pangkatang gawain

SHARE-IT MO
NAMAN!

34
pangkatang gawain
Panuto: Gamitin ang sumusunod na
salita sa paglalahad ng iyong
pananaw tungkol sa napapanahong
isyung pandaigdig na nakasulat sa
kahon.

35
pangkatang gawain

36
PAGLALAHAT

Para sa inyo, ano ang


kahalagahan ng pag-aaral
natin sa mga pahayag sa
pagbibigay ng pananaw?

37
PAGLALAHAT

Magagamit sa mabisang
pagbibigay ng kuro-kuro,
opinyon, saloobin o perspektibo
sa pagsulat ng sanaysay.

38
pagtatay
a 39
Panuto: Punan ng angkop na ekspresiyon ang bawat pahayag upang mabuo ang
konsepto ng pananaw sa bawat bilang. Piliin ang sagot sa loob ng kahon.

Ayon sa

Alinsunod sa

Sa paniniwala ko

Inaakala ng

Sa tingin ko

40
Takdang aralin
Gumupit o humanap ng larawan ng
napapanahong isyung pandaigdig at idikit
ito sa isang coupon bond. Pagkatapos,
sumulat ng maikling sanaysay kaugnay sa
larawan gamit ang mga pahayag o
ekspresiyon sa pagbibigay ng pananaw.

41
RUBRIKS
A. Akma sa temang napili……………………………. 5 puntos
B. Paraan ng paglalahad ng kaisipan……………… 5 puntos
C. Pagsunod sa balangkas ng sanaysay………….. 5 puntos
D. Mabisang paggamit ng mga eskspresiyon…….. 5 puntos
__________
2O puntos

42
SALAMAT!
43

You might also like