Fil10 M4 Q1 Final
Fil10 M4 Q1 Final
Fil10 M4 Q1 Final
Paunang Salita
Para sa Tagapagdaloy:
Para sa Mag-aaral:
Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin nitong
matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad din nitong
madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.
Subukin Natin
A. Panuto. Basahin ang mga sumusunod na tanong. Bilugan ang letra ng tamang sagot.
1. Ang maunawain at mapagbigay na asawa ni Matilda.
A. G. Louise B. G. Loisel C. G. Lowel D. G. Lorren
2. Ang matalik na kaibigan ni Matilde na nagpahiram ng kwintas sa kanya.
A. Forestier B. Florester C. Floraline D. Florinda
3. May iniabot na malaking sobre ang asawa ni Matilde upang hindi ito mainip. Ano ang
nilalaman ng sobre?
A. Pera B. Kuwintas C. Paanyaya D. Tula ng pag-ibig
4. Ang halaga ng kuwintas na nawala na ipinalit ni mag-asawang Matilde
A. 500 prangko B. 18,000 prangko C. 28,000 prangko D. 36,000 prangko
5. Ang Maikling Kuwento na Kuwintas na isinulat ni Guy de Maupassant ay galing sa
bansang?
A. Gresya B. Pransya C. Italya D. Syria
6. Ang kuwento ng tauhan. Sa uri nito, ang higit na binibigyang-diin ay ang kilos o galaw,
ang pagsasalita at kaisipan ng tauhan. Nagbibigay ito o naglalarawan ng iisang
kakintalan sa taong pinapaksa o inilalarawan. Nangingibabaw sa uring ito ang isang
masusing pag-aaral at paglalarawn sa tunay na pagkatao ng tahan sa katha. Anong uri
ng tauhan si Matilde?
A. Bilog B. Lapad C. Antagonista D. Protagonista
7. Ito’y isang panandang kohersyon na ang panghalip ay ginagamit sa hulihan ng
pangungusap bilang pananda sa hinalinhan.
A. Katapora B. Anapora C. Panghalip D. Pangngalan
8. Ito’ isang panandang kohersyon na ang panghalip ay ginagamit sa unahan ng
pangungusap bilang pananda sa hinalinhan
A. Katapora B. Anapora C. Panghalip D. Pangngalan
9.“O, kahabag-habag kong Mathilde! Ang ipinahiram kong kuwintas sa iyo ay imitasyon
lamang, puwit lamang ng baso. Ang pinakamataas na maihahalaga roon marahil ay
limang daang prangko.” Ano ang damdamin ni Matilde nang marinig ito mula sa kanyang
kaibigan?
A. Nagalit B. Nagsisisi C. Nanghinayang D. Naghinanakit
1
10.“Mahal, akala ko’y ikatutuwa mo ang pagkakakuha ko sa paanyaya. Nais ko lamang
na malibang ka, kailanma’y hindi ka nakapaglilibang at naisip kong ito’y isang
mabuting pagkakataon para sa iyo.” Ayon sa asawa ni Matilde
A. Naiinis B. Nagtataka C. Nagsusumamo D. Nag-aalala
B. Panuto: Isulat sa patlang kung TAMA ang pahayag at MALI kung hindi wasto ang
pahayag mula sa kasaysayan ng France.
_________11. Pagkain at alak ang sentro ng buhay sa France anumang antas ng lipunan at
maraming pakikisalamuha ang nagaganap sa gitna ng matagal ang kainan, hapunan man o
pananghalian.
_________12. English ang pangunahing wikang may 65.4 milyong residente, ngunit may
ilang pagkakaiba batay sa rehiyon. French ang opisyal na wika, ang unang wikang 88
porsiyentong populasyon at kinagisnang pangalawang wika ng mga ginagamit ng ibang
wika.
_________13. Kilala ang Paris bilang sentro ng mga tahanan ng matataas na uring modang
kasuotan. Di matutuhan ang kisig o pagka-elegante sa kasuotan ng mga taga-France.
_________14. Katolisismo ang pangunahing relihiyon ng France; mga 80 porsyento ang
itinuturing ang mga sarili bilang katoliko, bagama’t mataas ang bilang ng mga katoliko na
secular o hindi sarado katoliko, at hindi nagsisimba nang regular. Kabilang sa iba pang
pangunahing relihiyon ang Islam, kinabibilangan ng nakararaming migrante mula sa
Hilagang Afrika, Protestantismo at Judaismo.
_________15. Ipinagdiriwang ng mga taga-France ang tradisyunal na pista opisyal ng
mga Kristiyano, tulad ng Paskong Kapanganakan at Paskong Pagkabuhay ni Kristo.
Ipinagdiriwang din ang May Day o Araw ng Paggawa tuwing Mayo 1, Victory In Europe
(UE) Day tuwing Mayo 8, pag-alala sa katapusan ng Ikalawang Digmaang Pandaigdigsa
Europa.
Modyul
Maikling Kuwento mula sa France
4
A. Panitikan: Ang Kuwintas ni Guy de Maupassant
Isinalin sa Filipino ni Mariano C. Pascual
B. Gramatika at Retorika: Panghalip Bilang Panuring sa mga
Tauhan
Balikan Natin
2
B. Panuto. Panoorin ang dalawang Parabula mula Youtube. Suriin ito ayon sa element ng
parabula (Tauhan, Tagpuan, Banghay at Aral o Mensahe). Isulat sa malinis na papel.
Binigay na ito bilang takdang aralin.
Tuklasin Natin
3
Mga Relihyon sa France
Katolisismo ang pangunahing relihiyon ng France; mga 80 porsyento ang itinuturing
ang mga sarili bilang katoliko, bagama’t mataas ang bilang ng mga katoliko na secular o
hindi sarado katoliko, at hindi nagsisimba nang regular. Kabilang sa iba pang pangunahing
relihiyon ang Islam, kinabibilangan ng nakararaming migrante mula sa Hilagang Afrika,
Protestantismo at Judaismo.
Saloobing Pagpapahalaga ng mga taga-France
Labis ang pagmamalaki ng mga taga-France sa kanilang bansa at pamahalaan; at
kadalasan ay nasasaktan sa anumang negatibong puna patungkol sa kanilang bansa. Ang
mga bisita ng dayuhan, lalo na ang mga Amerikano, kadalasan ay nababastusan sa
kanilang pagtingin sa mga dayuhan. Ang salitang “chauvinism”, (o bulag na patriotism), ay
nag-ugat sa wikang French. Bagama’t ang mga babae ay lumalaki na ang bahagi ng
ginagampanan sa pamilya at negosyo, sa tingin ng marami ay nangingibabaw pa rin ang
kapangyarihan ng kalalakihan at kulturang France.
Ang France ay larawan ng pag-iibigan at kapusukan, at may bukas na saloobin sa
pakikipagtalik ng mga hindi kasal. Sinasabing, maging ang mga kilalang politico sa bansa ay
nakikipag-kalaguyon ang hayagan. Katunayan, halos kalahati ng bata ay isinilang sa mga
nagtalik nang hindi kasal.
Niyayakap ng mga Pranses ang estilo at urbanidad at ipinagmamalaki ang
katotohanang maging ang mga pampublikong lugar ay mala-panghari.
Naniniwalaang mga taga France sapagkat kapantay-pantay (“egalite”) ng tao,
bahaging pambansang motto: “Liberte, Egalite, Fraternite”). Marami ang nagsasabi na mas
pinahahalagahan nila ang pagkakapantay-pantay, kaysa kalayaan (“liberte”) at kapatiran (”
fraternite”).
Mga Lutong Pagkain sa France
Pagkain at alak ang sentro ng buhay sa France anumang antas ng lipunan at
maraming pakikisalamuha ang nagaganap sa gitna ng matagal ang kainan, hapunan man o
pananghalian.
Tinapay ang pangunahing pagkain sa anumang kainan at madalas makitang bitbit sa
tahanan ang mga “baguettes” (mahalagang tinapay). Naroroon din ang keso sa lahat ng
kainan.
Bagama’t ang istilo ng pagluluto ay nagiging mas simple, marami pa rin ang
iniuugnay ang lutong French sa malapot na mga sarsa at komplikadong preparasyon. Ang
ilan sa mga kilalang putaheng French ay ang “boeuf bourguignon; baka na pinalambot at
pinakatas sa mahinang apoy, sabay ng pulangalak, at tinimplahan n gbawang, sibuyas, at
mushroom; at “coq au vin”, putaheng manok, alak burgundy, lardon (maliliit na strip o cube
ng taba ng baboy), button mushroom, sibuyas at maaaring may bawang o wala.
Pananamit ng taga-France
Kilala ang Paris bilang sentro ng mga tahanan ng matataas na uring moda ng
kasuotan. Di matutuhan ang kisig o pagka-elegante sa kasuotan ng mga taga-France.
Maraming French ang nagsusuot ng pormal, propesyonal at pusturyosong estilong
pananamit, kahit hindi naman masyadong maselan. Ang kasuotang tipikal ay magagarang
damit, terno, mahabang coat o panlabas, bandana at “berets” (mga uring head cap).
Sining sa France
Ang sining ay nasa lahat ng lugar sa France, lalo nasa Paris at iba pang
pangunahing lungsod. Mababakas ang mga impuwensiyang Gothic, Romanesque Rococo
4
at Neoclassic sa maraming simbahan at gusaling pampubliko.
Marami sa pinakakilalang alagad ng sining sa kasaysayan, kabilang ang Espanyol na
si Pablo Picasso at isang Dutch nasi Vincent Van Gogh, ang nagpasimula ng tradisyong
Impresionismo sa Paris.
Ang Lourve Museum sa Paris ay isa sa malalaking museo sa mundo at tahanan ng
maraming kilalang obra maestro ng sining, kabilang ang Mona Lisa at Venus de Milo.
Mga Pista Opisyal at Pagdiriwang
Ipinagdiriwang ng mga taga-France ang tradisyunal na pista opisyal ng mga
Kristiyano, tulad ng Paskong Kapanganakan at Paskong Pagkabuhay ni Kristo.
Ipinagdiriwang din ang May Day o Araw ng Paggawa tuwing Mayo 1, Victory in Europe (UE)
Daytuwing Mayo 8, pag-alala sa katapusan ng Ikalawang Digmaang Pandaigdigsa Europa.
Ang Bastille Day ay ipinagdiriwang tuwing Hulyo 14, araw kung kalian ang muog ng Bastille
ay sinalakay ng mga rebolusyunaryong French, hudyat ng simulang Rebolusyong French.
1. Ayon sa kasaysayan, ang kulturang Pranses ay na impluwensyahan ng kulturang:
A. Celtic at Gallo - Romano C. Celtic at Gallo -Griyego
B. Celtic at Gallo - Englateria D. Celtic at Gallo - Italya
2. Ang isa sa malalaking museo sa mundo at tahanan ng maraming kilalang obra
maestro ng sining, kabilang ang Mona Lisa at Venus de Milo.
A. Louve Museum C.Lourve Museum
B. Louie Museum D. France Museum
3. Ipinagdiriwang tuwing Hulyo 14 ng mga Taga-France ito, araw kung kalian
sinalakay ng mga rebolusyunaryong French, hudyat ng alaala ng simulang
Rebolusyong French.
A. Pasko ng Pagkabuhay C. France Rebolusyon
B. Bastille Day D. Victory Europe Day
4. Ang pangunahing relihiyon ng France; halos mga 80 porsyento bagama’t mataas
ang bilang sa relihiyong ito, hindi sila nagsisimba nang regular.
A. Protestantismo C. Judaismo
B. Islamic D. Katolisismo
5.Ang sentro ng buhay ng mga taga-France anumang antas ng lipunan at maraming
pakikisalamuha ang nagaganap sa gitna ng matagal ang kainan, hapunan man o
pananghalian.
A. Pagkain at Alak C. Damit at Alahas
C. Pakain at Damit D. Bahay at Pagkain
Gawain 3: Ilarawan Natin.
Panuto. Batay sa binasang teksto suriin ang ang kultura ng France batay sa kaugalian at
tradisyon nila.
5
Talakayin Natin
Ang Kuwintas
ni Guy de Maupassant
Siya’y isa sa magaganda’t mapanghalinang babae na sa pagkakamali ng tadhana ay
isinilang sa angkan ng mga tagasulat. Pumayag siyang pakasal sa isang abang tagasulat sa
Kagawaran ng Instruksyon Publiko sapagkat walang paraan upang siya’y makilala,
panuyuan, bigyan ng dote, at pakasalan ng isang mayaman at tanyag na lalaki.
Pangkaraniwan lamang ang mga isinusuot niyang damit dahil sa hindi niya kayang magsuot
ng magagara. Hindi siya maligaya. Sa pakiwari niya’y alangan sa kaniya ang lalaking
nakaisang-dibdib sapagkat sa mga babae ay walang pagkakaiba-iba ng katayuan sa buhay.
Ang ganda’t alindog ay sapat na upang maging kapantay ng sinumang hamak na babae ang
isang babaing nagmula sa pinakadakilang angkan.
Ang isang babaing nagbuhat sa karaniwang angkan ay magiging kasinghalaga ng
mga maharlika sa pamamagitan ng pinong asal at pag-uugali, pagkakaroon ng pang-unawa
sa tunay na kahulugan ng magara at makisig at kakaibang kislap ng diwa.
Labis ang kaniyang pagdurusa at paghihinagpis dahil may paniniwala siyang
isinilang siya sa daigdig upang magtamasa ng lubos na kaligayahan sa buhay na maidudulot
ng salapi. May taglay siyang alindog na hindi nababagay sa kasalukuyan niyang kalagayan.
Ipinaghihinagpis niya ang karukhaan ng kaniyang lumang tahanan, ang nakaaawang anyo
ng mga dingding, ang mga kurtinang sa paningin niya ay napakapangit. Malimit na sa
pagmamasid niya sa babaing Briton na siyang gumaganap ng ilang abang pangangailangan
niya sa buhay ay nakadarama siya ng panghihinayang at napuputos ng lumbay ang
kaniyang puso kapag naiisip ang mga pangarap niya sa buhay na hindi yata magkakaroon
ng katuparan. Naglalaro sa kaniyang balintataw ang anyo ng tahimik na tanggapang
nasasabitan ng mamahaling kurtina, pinaliliwanag ng matatangkad na kandilerong bronse at
may nagtatanod na dalawang naglalakihang bantay na dahil sa init ng pugon ay nakatulog
na sa dalawang malaking silyon. Naiisip iya ang mahahabang bulwagang nagagayakan ng
mga sedang tela ng unang panahon na nagsisilbing palamuti, mga mamahaling
kasangkapan na ang mga hiwaga at kababalaghan ay walang kapantay na halaga, mga
silid-bihisang marangya at humahalimuyak sa bango, mga taong tanyag na pinagmimithing
makilala ng balana at makikisig na ginoong pinananabikang karinggan ng papuri at
pinaglulunggatian ng kababaihan.
Sa hapunan, sa tuwing uupo siya kaharap ang asawa sa harap ng mesang
nalalatagan ng isang kayong pansapin na tatlong araw nang ginagamit ay iba ang laman ng
kaniyang kaisipan. Kahit na naririnig niya ang malugod na pagsasabi ng asawa pagkabukas
ng supera ng “A, ang masarap na potau-feu! Aywan nga ba kung may masarap pa riyan!”
Ang nasa isip niya sa mga gayong sandali ay ang nakakainggit na masarap na hapunan,
ang mga nagkikinangang kubyertos at ang marangyang kapaligiran. Kaagad na naiisip din
niya ang mga malinamnam na pagkaing nakalagay sa magagandang pinggan. Naiisip din
6
niya ang mga papuring ibinubulong sa kaniya na kunwari’y hindi niya napapansin ngunit sa
katotohanan ay nakakikiliti sa kaniyang damdamin samantalang nilalasap niya ang
malinamnam na mamula-mulang laman ng isda o kaya’y pakpak ng pugo.
7
ay sinabi niya sa asawa, “Ayos na, ibibigay ko sa iyo ang apat na raang prangko. Bumili ka
ng isang bestidong maganda.”
Malapit na ang araw ng sayawan ngunit waring malungkot si Mathilde, hindi siya
mapalagay at tila may suliraning gumugulo sa isipan. Nakahanda na ang bestidong
kaniyang gagamitin. Napansin ito ng lalaki at isang gabi’y inusisa ang asawa. “Magtapat ka
sa akin, anong nangyayari sa iyo? Tatlong araw nang kakaiba ang kilos mo.” Payamot na
sumagot ang babae, “Mabuti pa kaya’y huwag na akong dumalo sa sayawan. Wala man
lamang akong maisusuot kahit isang hiyas. Magmumukha akong kaawa-awa.” “Usong-uso
ang mga sariwang bulaklak sa ganitong panahon. Maaaring iyon ang isuot mo. Sapat na
ang sampung prangko upang makabili ka ng dalawa o tatlong alehandriya.” Waring hindi
sang-ayon ang babae at ang sabi, “Hindi! Wala nang kahabag-habag na kalagayan kung
hindi magmukhang maralita sa gitna ng mga babaing maykaya sa buhay.”
8
lahat sa kaniya na napakatamis at walang katumbas sa puso ng isang babaing katulad niya.
Mag-iikaapat na ng madaling araw nang silang mag-asawa ay umuwi. Hatinggabi pa
lamang, ang asawa niya kasama ng tatlong lalaking ang mga asawa’y nagpapakalunod din
sa kaligayahan, ay nakatulog na sa isang maliit na tanggapan. Ibinalabal ng asawa sa
balikat ni Mathilde ang isang abang pangginaw na ginagamit ng mga karaniwang tao, isang
pangginaw na nakapupusyaw sa karangyaan ng pananamit ni Mathilde. Dinamdam niya ang
pagkakaroon ng abang pangginaw at ninais niyang makatalilis agad upang hindi siya
maging kapansin-pansin sa ibang babaing dumalo na nagsisipagsuot ng mamahalin nilang
balabal. Pinigil siya ng lalaki, “Hintayin mo ako rito sandali, sisipunin ka sa labas. Tatawag
ako ng sasakyan.” Ngunit hindi niya pinansin ang asawa at nagdudumali siyang nanaog sa
hagdanan. Hindi sila nakakita ng sasakyan sa lansangan at sila’y nagsimulang maghanap.
Tinahak nila ang daang patungo sa pampang ng ilog Seine.
Kapwa sila kumikinig sa ginaw at pinanawan na ng pag-asang makakita pa ng
kanilang masasakyan. Sa wakas ay nakatagpo sila sa daungan ng isa sa matatandang
dokar na dahil sa ikinahihiya ang karalitaan sa liwanag ng araw ay sa pagkagat ng dilim
lamang nakikita sa mga lansangan ng Paris.Pagkahatid sa kanila ng matandang dokar sa
kanilang tinitirhan ay malungkot silang umakyat sa hagdanan. Tapos na ang maliligayang
sandali kay Mathilde. Sa lalaki naman ay wala siyang iniisip kundi kailangan niyang
makasapit sa Kagawaran sa ganap na ika-10:00 ng umaga. Hinubad ng babae sa harap ng
salamin ang kaniyang balabal upang minsan pang malasin ang kaniyang kagandahan.
Napasigaw siya nang malakas. Wala sa kaniyang leeg ang kuwintas! Nag-usisa ang
asawang noon ay nangangalahati na sa pagbibihis. “Anong nangyari sa iyo? Bakit?” Parang
baliw niyang binalingan ang asawa. “Wala ang kuwintas ni Madame Forestier.” Ang
nabiglang lalaki’y napalundag halos sa pagtayo. “Ano! Paanong nangyari? Imposible!”
Hinanap ng mag-asawa ang kuwintas sa kung saan-saan, sa mga lupi ng damit ni
Mathilde, sa mga lupi ng kaniyang pangginaw, sa mga bulsa at sa iba pang lugar. Hindi nila
natagpuan ang kuwintas. “Natitiyak mo bang nakasuot sa iyo nang umalis tayo sa
sayawan?” ang tanong ng lalaki. “Oo, natitiyak ko, nahipo ko pa nang nasa pasilyo ako ng
palasyo,” ang tugon ni Mathilde. “Kung iyon naman ay sa daan nawala ay di narinig sana
natin ang lagapak. May palagay akong nawala sa dokar.” “Marahil nga. Kinuha mo ba ang
numero ng dokar?” Hindi! At ikaw, napansin mo ba?” “Hindi rin.” Balisang nagkatinginan ang
mag-asawa. Muling nagbihis si M. Loisel.
“Pagbabalikan kong lahat ng pinagdaanan natin. Baka sakaling makita ko.”
Nanaog na ang lalaki. Ang babae ay naghintay sa isang silya, hindi na niya inalis ang
damit na ginamit sa sayawan. Tila nawalan siya ng lakas, kahit magtungo sa kama upang
matulog. Labis ang kaniyang panlulumo, nawalan siya ng sigla at nawalan ng kakayahang
mag-isip ng anoman. Mag-iika-7:00 na ng umaga nang bumalik ang lalaki. Nanlulupaypay
siya at ibinalita sa asawa na hindi niya nakita ang kuwintas. Sa harap
nggayong nakagigimbal na pangyayari, si Mathilde ay maghapong naghihintay na sapupo
ng di-matingkalang pangamba. Bumalik kinagabihan ang lalaki, pagod na pagod, namumutla
at nanlalalim ang mga mata; hindi niya natagpuan ang kuwintas. Pinayuhan ng lalaki ang
asawa na sumulat sa kaibigan nito at sabihing nabali ang sarahan ng kuwintas at
kasalukuyan pang ipinapagawa upang magkapanahon silang makapag-isip-isip. Ginawa
naman ng babae ang payo ng asawa.
Pagkalipas ng isang linggo ay lubusan na silang pinanawan ng pag-asa. Sa maikling
panahong iyon tumanda si M. Loisel nang limang taon. Nagpahayag ang lalaki sa asawa na
kailangang isipin nila kung paano mapapalitan ang nawalang kuwintas. Kinabukasan, ang
9
mag-asawa’y nagtungo sa tanggapan ng alaherong nakasulat ang pangalan at direksyon sa
loob ng kahon ng kuwintas. Hinanap ng alahero sa kaniyang talaan ang sinasabing
kuwintas.
“Hindi ako ang nagbili ng kuwintas na ipinagtatanong ninyo, wala pong nanggaling sa
akin kundi ang sisidlan lamang,” ang wika ng alahero kay Madame Loisel. Pinuntahan ng
mag-asawa ang lahat ng mga maghihiyas upang makakita ng katulad ng nawala na ang
anyo ay buong pagsisikap na inalala samantalang kapwa sila nanlulupaypay sa pagkabigo
at paghihirap ng kalooban. Nakatagpo sila sa isang tindahan sa Palais Royal ng isang tuhog
ng diyamanteng sa palagay nila ay katulad ng kanilang pinaghahanap na kuwintas.
Nagkakahalaga ito ng apatnapung libong prangko, ngunit ibibigay na sa kanila sa halagang
tatlumpu’t anim na libo. Pinakiusapan ng mag-asawa ang may-ari ng tindahan na huwag
munang ipagbili ang kuwintas sa loob ng tatlong araw. Pinakiusapan din nila ang may-ari
ngtindahan na kung sakaling bago magtapos ng buwan ng Pebrero ay makita nila ang
nawawalang kuwintas, matapos nilang bayaran ang bagong kuwintas ay bibilhin itong muli
ng may-ari ng tindahan sa halagang tatlumpu’t apat na libong prangko.
May namanang labingwalong libong prangko si M. Loisel sa namatay na ama.
Hiniram niya ang kapupunan nito. Gayon din ang ginawa ng lalaki. Kung kani-kanino siya
nanghiram, lumagda sa mga kasulatan, pinasok kahit na ang mga gipit na kasunduan,
kumuha ng mga patubuan at pumatol sa lahat ng uri ng manghuhuthot.Inilagay niya ang
buong buhay niya sa alanganing katayuan, nakipagsapalaran sa paglagda sa gayong hindi
niya natitiyak kung matutupad o hindi ang nilagdaan at ngayo’y nanggigipuspos siya dahil sa
mga hirap na maaari pa niyang sapitin, ng nakaambang pagdurusa ng pangitain ng bukas
na puspos ng pagsasalat at paghihirap ng kalooban. Nang matipon nang lahat ang halagang
kinakailangan ay tinungo ni M. Loisel ang tindahan ng kuwintas at ibinagsak sa mesang
bilangan ng may-ari ng tindahan ng mga hiyas ang tatlumpu’t anim na libong prangko.
Malamig ang pagtanggap ni Madame Forestier kay Mathilde nang isauli niya ang
kuwintas. Nagsalita ito sa tuyot na tinig ng “Isinauli mo sana agad ang kuwintas, baka
sakaling kinailangan ko ito.” Hindi na binuksan ng kaibigan ang kahon ng kuwintas. Naisip ni
Matilde na kung sakaling nahalata ng kaibigan ang pagkakapalit ng kuwintas, ano kaya ang
aakalain at sasabihin nito sa kaniya? Hindi kaya iisiping siya’y magnanakaw?
Ngayo’y lubos na naunawaan ni Mathilde ang mamuhay sa gitna ng tunay na
karalitaan. Nabigla man siya sa bagong papel na kailangan niyang gampanan ay tinanggap
niya iyon at buong tatag na ginampanan. Dapat mabayaran ang napakalaki nilang
pagkakautang. Pinaalis nila ang kanilang utusan, lumipat ng ibang tirahan, nagtiis sila sa
pangungupahan sa isang maliit na silid sa kaituktukan ng isang bahay-paupahan.
Naranasan ni Mathilde ang mabibigat na gawain; ang nakayayamot na pangangasiwa sa
kusina, paghuhugas ng mga pingggan, paglilinis ng mga kaldero at kawaling mamantika,
paglalaba ng mga damit, mantel, serbilyeta at pamunas.
Ipinapanaog niya sa lansangan ang kanilang kakaning baboy sa tuwing umaga at
nagpapanhik siya ng tubig na gamit nila sa itaas. Suot niya ang pananamit ng
pangkaraniwang babae, siya’y nagtutungo sa tindahan ng prutas, de lata, at sa magkakarne.
Nakasabit sa isang braso ang pangnan, nakikipagtawaran siya, nilalait at ipinakikipaglaban
ang kakarampot niyang pamalengke. May pagkakautang silang binabayaran nang buwanan,
may pinagkakautangan silang pinakikiusapan, humihingi ng kaunti pang panahon sa
pagbabayad. Pagsapit ng gabi, habang maaga pa’y inaayos na ni M. Loisel ang talaang
tuusan ng sinumang mangangalakal na nangangailangan ng gayong paglilingkod at sa
kalaliman ng gabi sa halagang limang sentimos isang pahina na ginagawa naman niya ang
10
mga salin ng mga katha.
Ano ang dumating na suliranin sa mag-asawa? Tama ba ang ginawa nilang paraan?
___________________________________________________________________
Tumagal ng sampung taon ang ganito nilang pamumuhay na mag-asawa. Sa wakas
ay nabayaran din nila ang buong pagkakautang, kasama na ang mga tubo at nagkapatong-
patong na tubo ng mga tubo. Mukhang matanda na ngayon si Madame Loisel. Isa na siyang
tunay na babae ng mga maralitang tahanan – matipuno ang katawan, matigas ang mga
laman at magaspang ang mga kamay na namumula. Nakasabog ang kaniyang buhok at
patabingi ang kaniyang saya. Matinis ang kaniyang tinig.
Nanlalamira ang sahig kung siya’y mag-isis. Paminsan-minsan, kung nakaalis na ang
asawa patungong opisina, si Madame Loisel ay nauupo sa tabi ng bintana. Pinagbabalikan
niya sa gunita ang napakasayang gabing iyon na malaon nang nakalipas. Ang kaniyang
kagandahang naging tampok sa sayawan at naging dahilan upang siya’y maging tampulan
ng paghanga. Ano ang maaaring nangyari kung hindi nawala ang kuwintas? Sino ang
nakaaalam? Tunay na ang buhay ay kakatwa at mahiwaga! Sukat ang isang maliit na bagay
upang tayo’y mapahamak at mapabuti!
Ano ang natutuhan ni Matide sa kanyang buhay? Sa palagay ninyo may pagsisisi ba
siya sa kanyang sarili? Ipaliwanag
___________________________________________________________________
Isang araw ng Linggo, samantalang si Mathilde ay naglalakad sa Champs Elysees,
nagliliwaliw naman siya pagkatapos ng isang linggong singkad ng mga gawain sa bahay ay
namataan niya ang isang babaing may akay-akay na bata. Ang babae’y si Madame
Forestier, bata pa rin ang anyo, maganda pa ring katulad ng dati at taglay pa rin ang
panghalina.
Nakangiti niyang sinalubong ang kaibigan at binati. “Magandang araw sa iyo,
Jeanne.” Labis na nagtaka si Madame Forestier. Hindi siya nakilala nito at pinagtakhan ang
palagay sa loob na pagbati sa kaniya ng isang maralitang babae. Pauntol-untol na wika nito,
“Ngunit ginang, hindi ko kayo nakikilala. Marahil ay nagkakamali kayo.” “Hindi! Ako’y si
Mathilde Loisel.”
Napabulalas ang kaibigan. “O, kaawa-awa kong Matilde! Kay laki ng ipinagbago mo!”
“Oo nga, mahabang panahon ang ipinagtiis ko ng hirap mula nang huli nating
pagkikita, at labis na kalungkutan ang dinanas ko… at ikaw ang dahilan ng lahat.
Napamulagat si Madame Forestier, “Dahil sa akin! Paano nangyari iyon?”
“Naaalaala mo pa ba ang hiniram kong kuwintas na diyamanteng isinuot ko sa
sayawan sa kagawaran?”
“Oo, ay ano?”
“Ano pa, naiwala ko ang kuwintas na iyon.”
“Anong ibig mong sabihin? Isinauli mo sa akin ang kuwintas?”
“Isinauli ko sa iyo ang isang kuwintas na katulad na katulad ng hiniram ko sa iyo.
Sampung taon kaming nagbayad ng mga utang. Alam mo namang hindi madali sa katulad
naming mahirap ang gayong bagay. Ngunit nakalipas na ang lahat ng iyon at ngayon ay
galak na galak na ako.”
Natigilan si Madame Forestier.
“Sabi mo’y bumili ka ng kuwintas na diyamante na ipinalit mo sa hiniram mo sa akin
na naiwala mo?”
“Oo, samakatuwid ay hindi mo pala napansin. Talagang kamukhang-kamukha iyon
ng hiniram ko sa iyo.”
11
Ngumiti si Matilde nang may pagmamalaki, isang ngiting puspos ng kawalang-malay
katulad ng ngiti ng isang paslit. Nabagbag nang gayon na lamang ang kalooban ng kaibigan.
“O, kahabag-habag kong Mathilde! Ang ipinahiram kong kuwintas sa iyo ay imitasyon
lamang, puwit lamang ng baso. Ang pinakamataas na maihahalaga roon marahil ay limang
daang prangko.”
Ano ang naramdaman ni Matilde ng marinig mismo kay Madam Forestier ang totoo?
Bakit hindi siya kumibo bagkus umalis na lang siya. Ipaliwanag.
https://www.youtube.com/watch?v=iIZnWyu_8MI
Gawain 5. Talasan ang Isipan.
A. Panuto. Hanapin sa loob ng kahon ang kasingkahulugan ng salitang maysalungguhit.
Isulat sa patlang ang taang sagot at gamitin ito sa wastong at maayos na pangungusap.
Babae -
Matilde
Asawa -
2. Ano-ano ang nais mangyari ni Matilde sa kanyang buhay? Natupad ba ang mga ito?
Bakit? _____________________________________________________
3. Kung ikaw ang pangunahing tauhan, ano ang iyong gagawin upang matupad ang iyong
pangarap? _______________________________________________
4. Sang-ayon ba kayo sa wakas ng kuwento? Kung ikaw ang manunulat, Paano mo ito
wawakasan? Ipaliwanag. __________________________________________
12
PANITIKANG KUWENTO NG TAUHAN
Maikling Kuwento ng Tauhan
Isang uri ng maikling kuwento, ang kuwento ng tauhan. Sa uri nito, ang higit na
binibigyang-diin ay ang kilos o galaw, ang pagsasalita at kaisipan ng tauhan. Nagbibigay ito
o naglalarawan ng iisang kakintalan sa taong pinapaksa o inilalarawan. Nangingibabaw sa
uring ito ang isang masusing pag-aaral at paglalarawn sa tunay na pagkatao ng tahan sa
katha.
Iba’t ibang paraan ang ginagamit ng may akda sa paglalarawan ng buong pagkatao
ng tauhan. Ang paglalarawang ito’y nakabatay sa kanyang panloob na anyo tulad ng
kanyang isipan, mithiin, damdamin at gayon din sa kanyang panlabas na anyo tulad ng
kanyang kilos at pananalita.
Ang mga pag-uusap ng ibang tauhan sa kuwento tungkol sa isang tauhan ay
nakatutulong din upang mapalitaw ang kanyang katauhan.
Sa kabilang dako, sa pamamagitan pa rin ng tauhan, nagkakaroon ng
pinakambisang paglalarawa ang kanyang katauhan. Nagagawa niyang mailarawan ang
kanyang katauhan sa pamamagitan ng kanyang reaksyon o saloobin tungkol sa isang tiyak
na pangyayari.
Pagyamanin Natin
Saranggola
ni Efren R. Abueg
Rading, Paquito, Nelson… pakinggan ninyo ang kwentong ito. May isang lalaki,
walong taong gulang. Humiling siya sa kanyang ama ng isang guryon.
“Anak, ibibili kita ng kawayan at papel. Gumawa ka na lamang ng saranggola,” wika
ng ama.
“Hindi ako marunong, Tatay,” anang batang lalaki.
“Madali ‘yan. Tuturuan kita,” sabi ng ama at tinapik sa balikat ang anak.
Bumili nga ito ng papel at kawayan at tinuruang gumawa ng saranggola ang anak.
“Tatay… ibili mo ako ng guryon,” sabi uli ng bata sa ama.
“Anak, pag-aralan mo na lamang mapalipad ang saranggola nang mataas.
Madadaig mo ang taas at tagal ng lipad ng guryon!”
Nainis ang bata sa kanyang ama. “Kinakantyawan ako sa bukid, Tatay,” anang bata.
“Anak daw ako ng may-ari ng kaisa-isang istasyon ng gasolina sa bayan… bakit daw kay liit
ng saranggola ko!”
Nagtawa ang ama at tinapik na naman sa balikat ang anak.
Tinuruan nga ng ama ang bata ng higit na mataas na pagpapalipad ng saranggola, pati na
ang pagpapatagal niyon sa kalawakan. Nalagpasan nga ng saranggola niya ang ilang
guryon. Ang iba namang guryon na lumipad nang pagkataas-taas ay nalagutan ng tali at
nagsibagsak, bali-bali ang mga tadyang, wasak-wasak.
Minsan sa pagpapataas ng lipad ng kanyang saranggola, napatid ang tali niyon.
Umalagwa ang saranggola. Hinabol nilang mag-ama iyon at nakita nilang nakasampid sa
isang balag.
“Tingnan mo…hindi nasira,” nagmamalaking wika ng ama. “Kung guryon ‘yan,
nawasak na dahil sa laki. Kaya tandaan mo, ang taas at tagal ng pagpapalipad ng
saranggola ay nasa husay, ingat at tiyaga. Ang malaki ay madali ngang tumaas, pero kapag
13
nasa itaas na, mahirap patagalin doon at kung bumagsak, laging nawawasak.” Nakalimutan
na ng batang iyon ang tungkol sa saranggola nang maging katorse anyos siya. May iba na
siyang hilig; damit, sapatos, malaking baon sa eskwela, pagsama-sama sa mga kaibigan.
“Anak… dalawang sapatos lamang ang gagamitin mo sa pasukang ito. Kung masira,
saka na papalitan. Magtitipid ka rin sa damit at huwag kang gasta nang gasta. Hindi
madaling kitain ang salapi,” pagunita ng kanyang ama.
“Kawawa nga ako, Tatay,” katwiran ng bata. “Anak ako ng tanging may-ari ng
istasyon ng gasoline at machine shop sa bayan natin, pero ang itsura ko… parang anak ng
pobre.”
“Disente ka naman at. Malinis ang damit mo, husto ka sa mga gamit sa eskwela at
husto ka rin sa pagkain. Hindi dapat sobra sa mga pangangailangan ang isang kabataang
tulad mo. Hindi natututuhan ang pagtitipid.”
Hindi naunawaan ng bata ang paliwanag ng ama at nagkaroon siya ng hinanakit
dito. Tinipid siya sa lahat ng bagay, hinigpitan sa pagsama-sama sa mga kabarkada at
madalas, pinatatao sa istasyon ng gasolina at pinatutulong sa machine shop kung araw na
walang klase.
“Pinahihirapan talaga ako ng Tatay,” puno ng hinanakit ang tinig na pagsusumbong
ng bata sa ina. “Kaisa-isa pa naman akong anak, ang turing niya sa akin… parang ampon!”
“Hindi totoo ang sinabi mo, anak,” malumanay na sansala ng kanyang ina sa
paghihinanakit niya sa ama. Alam mo mataas ang pangarap niya para sa iyo.”
“Bakit? Ano ang gusto niya para sa akin?”
“Ibig niyang maging mahusay kang inhinyero.”
Hindi na kumibo ang bata at hindi rin napawi ang hinanakit niya sa ama. Gayunman,
hindi siya makapaghimagsik dito. Iginagalang niya ito at pati ang kanyang ina. Nang
labingwalo na siya napagkaisahan ng kanyang mga barkada na kumuha sila ng commerce.
“Mabuti ‘yon. Magsama-sama tayo sa isang unibersidad,” mungkahi ng isa sa limang
magkakaibigan. Pumayag siya. Ngunit nang kausapin niya ang ama, tumutol ito.
“Inoobserbahan kita, anak. Hindi mo hilig ang commerce. Palagay ko mechanical
engineering ang bagay sa iyo. Tanungin mo ang iyong ina.” Masama man ang loob,
sumangguni pa rin siya sa ina.
“Hindi sa kinakampihan ko ang iyong ama, anak. Pero sa tingin ko…engineering nga
ang bagay sa iyo. May machine shop tayo…sino ba ang magmamana niyon kundi ikaw?”
Nasunod ang kanyang ama at napilitan siyang tumiwalag sa kanyang barkada. Napag-isa
siya sa pag-aaral sa lunsod at ngayong binata na siya, hindi na hinanakit kundi
paghihimagsik sa ama ang kanyang nadarama.
“Ayoko nang mag-aral, Inay,” sabi niya sa kanyang ina nang dalawin siya nito sa
dormitoryo. “Tipid, pagtitiis, kahihiyan lamang ang dinaranas ko rito. Bakit ako ginaganoon
ni Itay? Gusto ba niya akong pahirapan?”
Pinayapa ng kanyang ina ang kanyang kalooban.
“Magtiwala ka sa amin, anak. Wala kaming gagawin ng iyong ama kundi makabubuti
sa iyong hinaharap.”
“Makabubuti ba sa akin ang magmukhang basahan at magdildil ng asin?”
“Makabubuting matuto kang magtiis. Pagkatapos mo naman ng pag-aaral at
magtagumpay ka sa hanapbuhay, magiging magaan sa iyo ang lahat.”
“Bakit kailangan ko pang magtagumpay? Hindi ba’t ipamamana ninyo sa akin ni Itay
ang ating kabuhayan?”
“Totoo iyan, anak…pero paano mo mapauunlad ang ating kabuhayan kung hindi mo
14
alam ang mga hirap sa pagtatayo niyan?”
Hindi maintindihan ng binata ang sinabi ng kanyang ina, subalit naisip niyang
makapagtitiis pa siya. Isinubsob na lamang niya ang ulo sa pag-aaral. Nakatapos naman
ng inhinyerya ang binata. Hindi siya pangunahin sa klase, ngunit sa pagsusulit sa
gobyerno, nakabilang siya sa nangungunang unang dalawampu.
“Ngayon anak…bibigyan kita ng limampung libong piso. Gamitin mo sa
paghahanapbuhay,” sabi ng kanyang ama nang makuha na niya ang lisensiya bilang
mechanical engineer. Namangha siya.
“Akala ko…ako na ang hahawak ng ating machine shop pagkatapos ko ng pag-
aaral,” nawika niya sa ama.
“Bata pa ako, anak. Kaya ko pang mag-asikaso ng hanapbuhay na iyan. Saka ibig
ko, magpundar ka ng sariling negosyo.”
“Bakit pa, Itay? Mayroon na tayong negosyo.”
“Mabuti na ‘yong makatindig ka sa sarili mong mga paa.”
Tinanggap niya ang halagang ipinagkaloob ng ama. Humiwalay na rin siya ng tirahan
sa mga magulang.
“Alam kong malaki ang hinanakit mo sa iyong ama. Gayunman, ibig kong isaisip
mong, ang kinabukasan mo ang lagi niyang inaalala.” Ngunit may lason na sa kanyang isip.
Hindi na siya nanininwala sa sinabi ng kanyang ina. Naging lubos ang paghihimagsik niya
sa kanyang ama. Nagtayo siya ng isang machine shop sa dulo ng kanilang bayan. Agad-
agad siyang pinagsadya ng kanyang ama.
“Bakit hindi pa sa ikatlong bayan ka nagtayo ng machine shop? Magkukumpetensiya
pa tayo rito.”
“Akala ko ba’y bahala na ako sa buhay ko, Itay?”
Natigilan ang kanyang ama. Saka napapailing, nag-iwan pa ito ng salita bago lumisan.
“Kung sa bagay…mabuting magturo ang karanasan!”
May isang taon ding nagtiyaga ang binata sa pamamahala ng kanyang maliit na
machine shop sa dulong bayan. Kakaunti ang kanyang parokyano dahil higit na malaki ang
machine shop ng kanyang ama at mahusay ang mga tauhan nito. Nagkautang tuloy siya ng
labindalawang libo sa mga kinukunan niya ng materyales. Nang hindi siya makabayad, inilit
ang mga makinang kanyang ginagamit.
“Nabigyan na kita ng pang-umpisang puhunan. Hindi ka sumunod sa mungkahi ko na
umiwas sa kumpetisyon. Subukin mo namang maghanap ng puhunan sa sarili mong
pagsisikap.”
Noon nagsiklab ang binata. Nakalimutan niya ang paggalang sa mga magulang.
Dumabog siya sa harap ng ama.
“Ano kayong klaseng ama? Bakit ninyo natitiis ang inyong anak? Kasiyahan ba
ninyong makitang nahihirapan ako?”
“Ibig kong matutuhan mo ang lahat ng nangyayari sa buhay na ito. Hindi madali ang
mabuhay sa mundo, anak.”
“Hindi ba kaya may mga magulang ay para gumaan ang buhay ng mga anak?”
“Ang ikagagaan ng buhay ng mga anak ay wala sa mga magulang kundi nasa
mga itinuturo nila sa mga ito.”
Nagkahiwalay ng landas ang mag-ama. Naglayas ang binata nang hindi man lamang
nagpaalam kahit sa ina. Nagpalipat-lipat sa kung saan-saang trabaho hanggang pagkaraan
ng limang taon, nakaipon siya ng sampung libong piso at nakabili ng maliit na machine
shop. Kumuntrata siya ng paggawa ng tambutso sa isang auto assembler at kumita siya
15
nang malaki. Sa loob ng tatlong taon, gumawa na rin ang machine shop niya ng mga partes
ng kotse.
Ang dugo ay dugo, anang kasabihan, kaya dinadalaw ang lalaki ng kanyang may
edad nang ina. Isang araw, dumating ito sa kanilang bahay, gaya ng dati may pasalubong
sa tatlong apong lalaki.
“Ibig ng Itay mong makita ang kanyang mga apo, pero hindi siya makadalaw dahil sa
hinanakit mo,” sabi ng kanyang ina.
“Kinalimutan ko na, Inay, na nagakaroon ako ng ama!”
Umiyak ang kanyang ina.
“Kung gayon… baka hindi na kayo magkita, anak!” nawika nito bago umalis.
Sa tindi ng hinanakit, hindi pa rin niya binigyang-halaga ang bulalas na iyon ng
kanyang ina. Nagpakagumon siya sa trabaho, naghanap pa ng mga bagong kontrata
hanggang sa loob pa ng dalawang taon, kilala na ang kanyang machine shop sa Pasay.
Isang araw, hindi niya dinatnan ang kanyang asawa at tatlong anak sa bahay.
“Nasaan sila?” usig niya sa katulong.
“Umuwi ho uli sa probinsya. Patawirin daw ho ang inyong ama!”
“Umuwi uli? Bakit, lagi ba sila roon?”
Tumango ang tinanong na katulong.
“May dalawang ulit na hong regular silang nagpupunta roon. Dinadalaw ang inyong
matanda.” May poot na sumiklab sa kanyang dibdib. Nanlambot siya sa galit. Ngunit sa
pagkaunawang patawirin ang kanyang ama, nagbalik sa kanyang isip ang masasayang
sandali sa piling nito. Nagunita niya ang pagpapalipad nila ng saranggola.
“Wala sa laki ng saranggola ang pagpapalipad at pagpapatagal niyon sa itaas, nasa
husay, tiyaga at ingat iyan!”
Magdamag siyang hindi mapalagay. Lagi niyang naiisip ang sinabing iyon ng
kanyang ama. Kinabukasan, sakay ng kanyang kotse, nagbalik siya sa bayang sinilangan.
“Patay na siya!” bulalas ng kanyang asawang umiyak sa kanyang dibdib.
May nabugnos na moog sa kanyang puso. Nahalinhan ng pagsisisi ang hinanakit.
Nilapitan niya ang ina at sa pagkakayakap dito, umiyak siya nang marahan, kasamang
nagdadalamhati ang lahat ng himaymay ng kanyang laman.
“Huwag kang umiyak… namatay siyang walang hinanakit sa iyo.” Anas ng kanyang
ina.
“Wa-walang hinanakit?”
“Oo, anak… dahil natupad na ang pangarap niya. Nasa itaas ka na. At sabi niya sa
akin, pati sa asawa mo… nakatitiyak siya na makapananatili ka roon.”
Nang lapitan niya ang kabaong ng ama at tunghayan ang mga labi nito, parang
lumundag ang kanyang puso at humalik sa pisngi ng yumao. Kasunod niyon, nagunita na
naman niya ang pagpapalipad nila ng saranggola.
“Wala sa laki ng saranggola ang pagpapalipad at pagpapatagal niyon sa itaas.
Hayaan mo… tuturuan kita!” paliwanag na ama.
Rading, Paquito, Nelson…tandaan ninyo ang kwentong iyan. Kwento ‘yan namin ng
inyong namatay na lolo. Kwento naming dalawa.
Gawain 6: Palawakin ang Kaalaman!
Panuto. Sagutan ayon sa hiihingi ng pahayag nito.
1. Ano ang katangian ng batang lalaki? Ilarawan ayon sa positibo at negatibong
katangian nito.
2. Paano pinakita ng ama ang pagmamahal sa kanyang anak? Ilahad ito.
3. Bakit ganoon na lamang ang hinagpis ng bata sa kanyang Ama? Ilahad ito.
4. Makatwiran ba ang ginawang pagpapalaki ng magulang sa kanyang anak?
Ipaliwanag.
5. Sa wakas ng kuwento, ano sa palagy mo ang natutuhan niya sa buhay na nais
16
Iparating ng kanyang ama sa kanya? Ipaliwanag ________________________
6. Sa tulong ng Fishbone ilahad ang sanhi at bunga mula sa binasang teksto.
sanhi
Kuwintas
bunga
sanhi
Saranggola
bunga
7. Iguhit ang simbolong makikita sa dalawang kuwento at ipaliwanag ang mga ito.
Ang Kuwintas Ang Saranggola
8. Dahil ito ay kuwentong tauhan. Ano ang kaugalian ipinakita ng dalawang pangunahing
tauhan na si Matilde at batang lalaki ang masasabi mong tatak ng kulturang Pilipino?
Matilde Batang
Lalaki
WIKA AT GRAMATIKA
Panghalip bilang Panuring sa mga Tauhan
Ang mga panghalip ay mga salitang ginamit bilang panuring sa mga tauhan sa maikling
kuwentong “Ang Kuwintas”, na nakatulong upang maging malinaw ang paglalahad ng mga
pangyayari sa kuwento at ganap na mailalarawan nito ang kalakasan at kahinaan ng
pangunahing tauhan at iba pang mahalagang tauhan ng nabanggit na kuwento.
17
paggamit ng mga pangngalan sa pangungusap o teksto.
May dalawang uri ng pagpapatungkol, ang anapora at katapora.
Anapora ang panghalip na ginagamit sa hulihan ng pangungusap bilang pananda sa
hinalihan o pinalitan ng pangngalan sa unahan ng pangungusap.
Halimbawa:
1.Kung naghangad man si Matilda na makapagsuot ng mamahaling damit at hiyas upang
magmukhang mayaman, hindi ito nakapagtataka sapagkat siya ay taga- France.
Tandaan Natin
18
Isabuhay Natin
Gawain 9: Blogger
Panuto. Dahil sa pananakop ng kanluraning bansa tulad ng France malaki ang
naiambag nito sa pagbabago ng kultura ng mga Pilipino, lalo na sa mga
kababaihang Pilipino tulad ng pagkahilig sa iba’t ibang uri ng pagkain, pananamit at
alahas, pagdalo ng mga okasyon at iba pa. Kaya gumawa ng isang blog na may
kaugnayan sa paksa tinalakay na nagpabago sa kulturang Pilipino mula sa
kanlurining bansa.
Pamantayan sa Paggawa/Pagsulat ng Komposiyon
Tayahin Natin
1. ______ ni Jen na huwag nang maulit ang pagkalason ng pagtagas ng mga langis sa
malalking bapor.
2. Kami ay ________na masikhay na ipatutupad ang mga probisyon sa Clean Air Act.
3. _________ maging seryoso tayo sa pamamahala sa basura.
4. _________ niya, mula pa noon tumutulong na siya sa pagpaparami ng mga hayop na
nanganagnib ng tuluyang maglaho sa mundo.
5. _________ iwasan natin ang paggamit ng mga bagay na nakapipinsala sa mundo.
6. Mas maraming oras ang inilaan ni Roselle sa panonood ng TV, ___________ hindi niya
malaman kung paano niya maipasa ang mahabang pagsusulit ngayong lingo.
7. Hindi naman kaitiman ang kulay ng maraming Pilipino. Malayung-malayo rin sa puti ng
mga karaniwang Amerikano o Europeo. Ang kulay nila _________ kayumanggi,
kayumangging kaligatan.
8. _________ patuloy na sisirain at dudungisan ang mundo, darating ng napakahirap nang
ibalik ito sa dating kaanyuan.
9. Naghanda ba kayo sa pagsusulit natin? Kailangan nating galingan dahil ito na ang huling
markahan. ________, mag-iisang lingo nang liban si Ronnie ah. Ano na kaya ang
nangyari sa kanya.
10.Nag-iisa akong tagapagmana, kaya’t sa isip ko, kayang kaya kong magliwaliw at
19
maglibang. Kahit araw-araw. Bilhin ang anumang magustuhan. ________ dumating ang
puntong natauhan ako, ano ba talaga ang puntong natauhan ako, ano ba talaga ang
saysay ng buhay ko?
Kaya Alalaong baga’y Kung Maiba ako
Pero Noon pa man Nais Umaasam
Sana Hangad niya Hanggat maaari Sa pangkalahatan
Gawin Natin
20
Pamantayan
1.Maayos at malinaw ang graphing frame 40
2. Wasto ang budget na nakalaan 30
3. May panghalip na panuring na ginamit 30
Kabuuan 100
Repleksyon ng Natutuhan
Panuto: Sumulat ng sariling maikling kuwento hinggil sa repleksyon mo sa mga
pangunahing tauhan na maaari mong iugnay sa iyong sariling karanasan na kung saan
nangingibabaw ang kuwento ng tauhan.
Maari mong gawin ang repleksyon ng iyong kuwento gamit ang youtube o kaya
naman ay isulat sahiwalay na pael. Maging malikhain sa paggawa.
21
Sanggunian
KAYUMANGGI - Batay sa Kurikulum na K-12
Kayumanggi 10 ni Ms. Gloria Alday, Angela Ong, Magdela O. Jocson at
Dr. Ana Maria Cabuhat
Leo-Ross Publication. No.1 Broine St, Block 39, Lot 33Phase III,
Golden City, Imus Cavite
Teksto/Babasahin
http://filipino10niwarville.blogspot.com/2015/05/ang-kuwintas.html
https://www.tagalogshortstories.net/efren-abueg---saranggola.html
Video/ panoorin
https://www.youtube.com/watch?v=iIZnWyu_8MI Mula sa Hiyas ng Wika nina Dominguez et.al. 1990.
Abiva Publishin
http://www.youtube.com/watch?v=m-KJpqBio24&feature=share
http://youtu.be/frUZa3lvgQY
https://www.youtube.com/watch?v=iIZnWyu_8MI
22
Development Team of the Module
Writer: RAQUEL L. SALCEDO
Editors:
Content Evaluator:
JHON LESTER P. SANDIGAN
MARIBEL B. SINGSON
Language Evaluator:
VIRGINIA V. BAYANI
JOSEPHINE M. PAGALING
Reviewer: DR. JENNIFER G. RAMA
Schools Division of Taguig City and Pateros Upper Bicutan Taguig City
Telefax: 8384251
23