Download as PPTX, PDF, TXT or read online from Scribd
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 49
Komunikasyon at
Pananaliksik sa Wika at Kulturang Filipino REGISTER AT BARAYTI NG WIKA Sariling Pagpapakahulugan
Panuto : Gamit ang concept map . Magbigay ng anim na paliwanag o
paglalarawan sa sitwasyon ng pelikula ngayon sa lipunang Pilipino.Isulat ito sa isang buong papel. Ang Kalagayan ng Wika Sa panahon natin ngyon, alam naman siguro nating lahat na mas nangingibabaw ang mga makabagong teknolohiya na naglipana sa kahit saang bansa sa buong mundo. Kung kaya`t marami na sa ating mga kababayan ang tumatangkilik dito. Ang wikang binibigkas ng isang tao ay naglalahad ng pagkakakilanlan ng kanyang pinagmulan. Ito rin ay nagsilbing daan para magkaintindihan at magkaunawaan ang mga mamamayan sa isang bansa. Ang wika ay mahalaga at kinakailangan ng isang bansa maging ng tao sapagkat ito ang ginagamit sa pakikipagkomunikasyon, pakikipag-ugnayan at pakikipag-talastasan ng bawat mamamayan. Sa pagbabago ng henerasyon, marami na rin ang nagbago sa ating ekonomiya lalong-lalo na patungkol sa ating wika. Nagkaroon na ng mas maraming barayti ng wika at nagsisimula na ring lumikha ng mga panibagong lenggwahe katulad nalang ng mga ginagamit ng bakla o “beki” na kadalasan tinatawag na “beki language”. Marami nang nadulot na impluwensya ang mga pagbabagon ito lalong-lalo na sa mga kabataan. Nang dahil sa teknolohiya na nakapaligid sa ating kabataan ngayon, nalipat na ang kanilang atensyon sa mga bagay na dapat ay hindi mas inuuna o mahalaga. Register bilang Espesyalisadong Termino Mapapansin na ang ilang terminong pang-washing machine at pangcellphone ay ginagamit din sa ibang larangan. Mapapansin din kapag ginamit sa ibang larangan ang mga terminong ito, naiiba na ang taglay na kahulugan ng mga ito. Halimbawa : Ang Spin sa Washing Machine ay nangangahulugan ng mabilis na pag-ikot ng makina upang mapiga o matanggal ang tubig sa mga damit. Samantala sa paggawa ng sinulid, nangangahulugan ang spin ng paghahabi ng hibla o fiber upang maging sinulid. Ang text sa Cellphone ay tumutukoy sa ipinapadalang mensahe. Samantala, sa literatura ang text ay tumutukoy sa ano mang nakasulat na akda gaya ng tula, alamat atbp. Ang isang salita ay maaaring magkaroon ng iba't-ibang kahulugan ayon sa larangan o termino ay maaaring magkaroon ng iba't-ibang kahulugan ayon sa larangan o disiplinang pinaggamitan nito. Register ang tawag sa ganitong uri ng mga termino. Tinatawag na register ang mga espesyalisadong termino gaya ng mga salitang tipiko o teknikal na nagtataglay ng iba't-ibang kahulugan sa iba't-ibang larangan o disiplina. Isa pang halimbawa ng register ang salitang "kapital" na may kahulugang "puhunan" sa larangan ng pagnenegosyo at may kahulugan namang "punong lungsod"o "kabisera" sa larangan ng heograpiya. Bawat propesyon ay may register o mga espesyalisadong salitang ginagamit. Iba ang register ng wika ng guro sa abogado. Iba rin ang inhinyero, computer programmer at iba pa. Hindi lamang ginagamit ang register sa isang partikular o tiyak na larangan kundi sa iba't-ibang larangan o disiplina. Espesyal na katangian ng mga register ang pagbabago ng kahulugang taglay kapag ginamit sa iba't-ibang larangan o disiplina. Ang register ay itinuturing na isang varayti ng wika. Marapat na alam natin ang register ng wika ng sa gayo'y makatulong ito sa ating pangaraw-araw na pamumuhay at maging suhay ito upang mas lalong maging mabisa ang ating pagsasalita at sa paggamit nito sa iba't-ibang larangan o disiplina. Kalakip natin ito sa paggamit sa bawat salitang ating binabanggit, at pakikisalamuha sa ibang tao. Mangyaring ito ay mapagyaman at mapalawak dahil sa mga termino ating ginagamit dito natin malalaman ang kaimportansyahan nito. Ang Rehistro o Register ng Wika
Ginagamit ang register sa pagtukoy sa mga
varayti ng wika ayon sa gumagamit (Halliday, McIntosh at Stevents, 1994).Bawat pagsasalita o pagsulat ng isang tao ay isang pag-uugnay ng kanyang sarili sa ibang tao sa lipunan ng kanyang kinasasangkutan. Tatlong Dimensyon ng Register
1. Field – nauukol ito sa layunin at paksa ayon sa
larangang sangkot ng komunikasyon 2. Mode – tungkol ito sa paraan kung paano isinasagawa ang komunikasyon , pasalaita man o pasulat 3. Tenor – ayon sa mga relasyon ng mga kalahok. Nangangahulugang para kanino ito. Mga Register ng iba’t ibang larangan 100 % ang isang salita ay maaaring magkaroon ng iba’t ibang kahulugan batay sa iba’t ibang larangan. Register bilang barayti ng wika • Ang isang salita o termino ay maaring magkaroon ng ibat-ibang kahulugan ayon sa larangan o disiplinang pinaggamitan nito. Register ang tawag sa ganitong uri ng mga termino. Tinatawag ang mga espesyalisadong termino gaya ng mga salitang siyentipiko o teknikal na nagtataglay ng ibat ibang kahulugan sa ibat ibang larangan o disiplina. Halimbawa ng register ang salitang "kapital" na may kahulugang "puhunan" sa larangan ng pagnenegosyo at may kahulugan namang "punong lungsod" o "kabisera" sa larangan ng heograpiya.Bawat propesyon ay may register o espesyalisadong salitang ginagamit. Iba ang register ng wika ng guro sa abogado. Iba rin ang sa inhinyero, game designer at negosyante. Hindi lamang ginagamit ang register sa isang partikular o tiyak na larangan kundi sa iba't ibang larangan o disiplina rin. Espesyal na katangian ng mga register ang pagbabagong kahulugang taglay kapag ginamit na sa iba't ibang disiplina o larangan. Dahil iba iba ang register ng wika ng bawat propesyon at nababago ang kahulugang taglay na register kapag naiba ang larangang pinaggagamitan nito, itinuturing ang register bilang isang salik sa barayti ng wika. Ang pagkakaroon ng barayti ng wika ay ipinapaliwanag ng teoryang sosyolinggwistik na pinagbatayan ng ideya ng pagiging heterogeneous ng wika. Sa kasalukuyang panahon ay pinag-aaralan ang isang wika sa loob ng kapaligiran at karanasan ng mga nagsasalita nito. Ito ang nagbubunga ng sitwasyon at mga pangyayaring nagreresulta sa tinatawag na DIVERGENCE, ang dahilan kung bakit nagkakaroon ng iba’t ibang uri o barayti ng wika (Paz, el. al. 2003) Hindi maiiwasan ang pagkakaroon ng barayte ng wika dahil sa pakikipagugnayan ng tao sa kapwa mula sa ibang lugar na may naiibang kaugalian at wika.Mula sa pag- uugnayang ito ay may nalilinang na wikang may pagkakaiba sa orihinal o istnadard na pinagmulan nito. Mula pa noon hanggang sa kasalukuyan ay sinikap pag-aralan ang pagkakaroon ng iba’t ibang barayti ng wika.Mababangit ditto ang tungkol sa Tore ng Babel mula sa bibliya sa Geneses 11:1- 9 kung saan sinasabing nagging labis na mapagmataas at mapagmalaki ang mga ato at sa paghahangad ng lakasat kapangyarihan , sila ay nagkaisang magtayo ng oteng aabot hangang langit.Pinarusahan sila ng Diyos sa pamamagitan ng pagbibigay sa kanila ng iba’t ibang wika. Ang Barayti ng Wika 1. DAYALEK ▪ Ito ang barayti ng wika na ginagamit ng partikular na pangkat ng mga tao mula sa isang partikular na lugar tulad ng lalawigan, rehiyon, o bayan. Maaring gumamit ang mga tao ng isang wikang katulad ng sa iba pang lugar subalit naiiba ang punto o tono, may magkaibang katawagan para sa iisang kahulugan, iba ang gamit ng salita para sa bagay, o magkaiba ang pagbuo ng mga pangungusap na siyang nagpapaiba sa dayalek ng lugar sa iba pang lugar. Halimbawa : Tagalog – “Mahal kita” Hiligaynon – “Langga ta gd ka” Bikolano – “Namumutan ta ka” Tagalog – “Hindi ko makaintindi” Cebuano – “Dili ko kasabot” 2. IDYOLEK - Ito ang dayalek na sinasalita ng pangkat ng mga tao na mayroong pansariling paraan ng pagsasalita ang bawat isa. Napatunayan nito na hindi homogenous ang wika sapagkat may pagkakaiba ang paraan ng pagsasalita ng isang tao sa iba pang tao batay na rin sa kaniya- kanyang inbidwal na estilo o paraan ng paggamit ng wika kung saan higit siyang komportableng magpahayag. Halimbawa: “Magandang Gabi Bayan” – Noli de Castro “Hoy Gising” – Ted Failon “Hindi ka namin tatantanan” – Mike Enriquez “Di umano’y -” – Jessica Soho 3. SOSYOLEK -Ito ang barayti ng wikang nakabatay sa katayuan o antas panlipunan o dimesiyong sosyal ng mga taong gumagamit ng wika. Kapansi- pansin ang mga tao nagpapangkat- pangkat batay sa ilang katangian tulad ng kalagayang panlipunan, paniniwala, oportunidad, kasarian, edad, atbp. Magka- iba ang barayti ng nakapag- aral sa hind; ng babae o sa lalaki; ng matanda sa mga kabataan; ng may kaya sa mahirap; ang wika ng tindera sa palengke at iba pang pangkat. Halimbawa : Te meg, shat ta? (Pare, mag-inuman tayo) Oh my God! It’s so mainit naman dito. (Naku, ang init naman dito!) Wag kang snobber (Huwag kang maging suplado) Ayon kay Rubrico (2009), ang sosyolek ay isang mahusay na palatandaan ng istrapikasyon ng isang lipunan, na siyang nagsasaad sa pagkakaiba ng paggamit ng wika ng mga tao na nakapaloob dito batay sa kanyang katayuan sa lipunan at sa mga grupo na kanilang kinabibilangan. Mga Sosyolek na Wika 1. Wika ng Beki o Gay Lingo- ito ay isang halimbawa ng grupong nais mapanatili ang kanilang pagkakakilanlan kaya naman binago nila ang tunog o kahulugan ng salita. Halimbawa: churchchill- sosyal Indiana Jones- nang- indyan bigalouMalaki Givenchy- pahingi Juli Andrew- Mahuli 2. Coñoc (Coñoctic o Conyospeak )- ito isang baryant ng Taglish na may ilang salitang Ingles na inihalo sa Filipino kaya’t masasabing code switching na nagyayari. Naririnig sa mga kabataang may kaya at nakapag-aral sa eksklusibong paaralan. Halimabawa: Kaibigan 1: Let’s make kain na. Kaibigan 2:Wait lang. I’m calling Ana 3. JOLOGS 0 “JEJEMON” -ito ay nagmula saltang “jejeje” na isang paraan ng pagbaybay ng “hehehe” at ng salitang Hapon na”pokemon”. Ito ay nakabatay sa wikang Ingles at Filipino subalit isinusulat nang may pinaghaha- halong numero, simbolo, at Malaki at maliit na titik kayat mahirap o intindihin lalo na hindi pamilyar ang tinatawag na jejetyping. Halimbawa: Nandito na ako- “D2 na me’ MuZtaH - “Kamusta?” iMisqcKyuH - “I miss you” aQcKuHh iT2h - “Ako ito” 4. JARGON- ito ang mga natatanging bokabularyo ng partikular na pangkat ay may pagkilala sa kanilang trabaho o gawain. Halimbawa: Exhibit, Appeal, Compliant (Abogado) 4.ETNOLEK -Ang salitang ito ay nagmula sa etniko at dayalek na taglay nito ang mga salitang nagiging bahagi na ng kanilang pagkakakilanlan ng isang pangkat- etniko. Halimbawa: Vakkul- Pantakip sa ulo Bulanon- full moon Kalipay- tuwa o ligaya Palangga- mahal o minamahal Halimbawa: Palangga – Sinisinta, Minamahal Kalipay – saya, tuwa, kasiya Bulanim – pagkahugis ng buo ng buwan 5. REGISTER ▪ Ito ang barayti ng wika kung saan naiiangkop ng isang nagsasalita ang uri ng wikang ginamit niya sa sitwasyon at sa kausap. Nagagamit ng nagsasalita ang pormal na tono ng pananalita kung ang kausap niya ay isang taong may mataas na katungkulan o kapangyarihan, nakakatanda, o hindi niya masyadong kakilala. Pormal na wika ang ginagamit sa mga pormal na pagdiriwang o pangyayari tulad ng pagsimba o pagsamba, sa mga seminar o pagpupulong, sa mga talumpati, sa korte, sa paaralan atbp. Di- pormal na pagsalita naman ang ginagamit kapag ang kausap kaibigan, malalapit na pamilya, mga kaklase, o mga kasing edad, at matagalna kakilala. Halimbawa : Larangan – naayon ito sa larangan ng taong gumagamit nito Modo – paano isinasagawa ang uri ng komunikasyon? Tenor- ayon sa relasyon ng mga-naguusap 7. PIDGIN Wala itong pormal na estraktura at tinawag ding “lengwahe ng wala ninuman”. Ginagamit ito sa mga tao na nasa ibang lugar o bansa. Halimbawa: ▪ Ako punta banyo – Pupunta muna ako sa banyo. ▪ Hindi ikaw galing kanta – Hindi ka magaling kumanta. ▪ Sali ako laro ulan – Sasali akong maglaro sa ulan 8. CREOLE Ito ay ang pinaghalo-halong salita ng indibidwal, mula sa magkaibang lugar hanggang sa naging personal na wika. Halimbawa: ▪ Mi nombre – Ang pangalan ko ▪ Yu ting yu wan, a? – Akala mo espesyal ka o ano? ▪ I gat planti kain kain abus long bikbus – Marami akong uri ng mga hayop sa gubatan Ang wika ay nagbabago. Dinamiko ang wika. Hindi ito maaaring tumangging magbago. Ang isangwika ay maaaring nadaragdagan ng mga bagong bokabularyo. Bunga ng pagiging malikhain ng mgatao, maaaring sila ay nakalilikha ng mga bagong salita.*Ang wika ay kagila-gilalas. Bagama't ang pag- aaral ng wika ay isang agham, kayraming salita pa rinang kay hirap ipaliwanag. Ayon naman sa Komisyon ng Wikang Filipino (KWF), ang wikang Filipino ay palaging tulad ng ibang wika sa pamamagitan ng pagsalin ng mga salita galing sa mga katutubo at dayuhang salita sa iba’t- ibang sitwasyon. Ang pagbabagong nagaganap sa ay marahil dulot ng pagbabagong ito ng mga suliranin sa pagbaybay sa ortograpiya at gramatika. Sa patuloy na panghihiram ng mga salita sa ibang wika. nawawalan ng kakanyahan ang isang wika dahil sa mga katangiang hinihilaw dito na nagpapabago sa anyo at gamit ng salita.Sa kasalukuyang panahon ay pinag-aralan ang isang wika sa loob ng kapaligiran at karanasan ng mga nagsasalita nito. Alam mo ba ? Ang Balarila ng Wikang Pambansa ay isang aklat hinggil sa wastong pagsasalita at pagsusulat ng wikang Tagalog. Isinulat ito ni Lope K. Santos at inilathala ng Surian ng Wikang Pambansa noong 193. Ang Balarila ay isinulat para sa mga guro na nagtuturo ng wikang Tagalog (Aspillera 1972, p. 89). Nahahati ang mga paksa nito sa Palátitikan, Palábigkasan, Paláugnayan, at Palásurian Sagutin Natin
Panuto : Ipaliwanag ang nais ipakahulugan sa
katanungan.
Sa ano-anong pagkakataon sa buhay mo maaaring
makatulong ang mga kaalaman ukol sa mga barayti ng wika Gawin Natin
Panuto : Gumawa ng isang masining na “ spoken
poetry ” tungkol sa sitwasyon ng wika sa ating lipunan ayon sa barayti ng wika na nakasanayan nang gamitin ng karamihan.Lagyan ng sariling pamagat na naaayon sa iyong nabuo. Isaalang - alang ang pamantayan sa pagbuo nito.