Download as DOCX, PDF, TXT or read online from Scribd
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3
Ryan Carl C.
Alcantara OBTEC 1-3
REGISTER NG WIKA
Ito ay isang baryasyon sa wika na may kaugnayan sa taong nagsasalit o
gumagamit ng wika. Ito ay mas madalas nakikita/nagagamit sa isang particular na disiplina. Nangangahulugan din ito ng pagkakaroon ng pagbabago ng wika sa taong nagsasalit o gumagamit ng wika ayon sa:
a. Tono ng kausap o tagapakinig (tenor of discourse) -- naaayon ang wika sa
sino ang nag-uusap. (para kanino) b. Paksa ng pinag-uusapan (field of discourse) -- batay sa larangan na tinatalakay at ss panahon. (layunin) c. Paraan o paano nag-uusap (mode of discourse) -- pasalita o pasulat pagtalima sa mga panunturan dapat sundin batay sa uri ng piniling paraan ng pag-uusap.(papaano)
Dinamiko ang wika kaya't nagkakaroon ito ng iba-ibang rehistro batay sa
konteksto ng paggamit nito at kung sino ang gumagamit nito.
Mapapansin na ang ilang terminong pang-washing machine at pang-
cellphone ay ginagamit din sa ibang larangan. Mapapansin din kapag ginamit sa ibang larangan ang mga terminong ito, naiiba na ang taglay na kahulugan ng mga ito. Halimbawa: Ang Spin sa Washing Machine ay nangangahulugan ng mabilis na pag-ikot ng makina upang mapiga o matanggal ang tubig sa mga damit. Samantala sa paggawa ng sinulid, nangangahulugan ang spin ng paghahabi ng hibla o fiber upang maging sinulid. Ang text sa Cellphone ay tumutukoy sa ipinapadalang mensahe. Samantala, sa literatura ang text ay tumutukoy sa ano mang nakasulat na akda gaya ng tula, alamat atbp. Ang isang salita ay maaaring magkaroon ng iba't-ibang kahulugan ayon sa larangan o termino ay maaaring magkaroon ng iba't-ibang kahulugan ayon sa larangan o disiplinang pinaggamitan nito. Register ang tawag sa ganitong uri ng mga termino.
Bawat propesyon ay may register o mga espesyalisadong salitang
ginagamit. Iba ang register ng wika ng guro sa abogado. Iba rin ang inhinyero, computer programmer at iba pa. Hindi lamang ginagamit ang register sa isang partikular o tiyak na larangan kundi sa iba't-ibang larangan o disiplina. Espesyal na katangian ng mga register ang pagbabago ng kahulugang taglay kapag ginamit sa iba't-ibang larangan o disiplina. Ang register ay itinuturing na isang varayti ng wika. Ryan Carl C. Alcantara OBTEC 1-3
Marapat na alam natin ang register ng wika ng sa gayo'y makatulong
ito sa ating pangaraw-araw na pamumuhay at maging suhay ito upang mas lalong maging mabisa ang ating pagsasalita at sa paggamit nito sa iba't-ibang larangan o disiplina. Kalakip natin ito sa paggamit sa bawat salitang ating binabanggit, at pakikisalamuha sa ibang tao. Mangyaring ito ay mapagyaman at mapalawak dahil sa mga termino ating ginagamit dito natin malalaman ang kaimportansyahan nito.
BARAYTI NG WIKA
Ang wika ay bahagi ng kultura at kasaysayan ng bawat lugar. Ito rin ay
isang simbolismo tungo sa pagkakakilanlan ng bawat indibidwal. Sa pamamagitan ng wika, ay nailalabas o napapahayag natin ang ating mga emosyon at saloobin, masaya man o malungkot. Ginagawa natin ito sa pamamaraan ng pagsusulat, pakikipagtalastasan at iba pa. Ang ating wika ay may iba’t-ibang barayti. Ito ay sanhi ng pagkakaiba ng uri ng lipunan na ating ginagalawan, heograpiya, antas ng edukasyon, okupasyon, edad at kasarian at uri ng pangkat etniko na ating kinabibilangan. Dahil sa pagkakaroon ng heterogenous na wika tayo ay nagkaroon ng iba’t- ibang baryasyon nito, at dito nag-ugat ang mga variety ng wika, ayon sa pagkakaiba ng mga indibidwal.
Kahulugan at mga Halimbawa
1.) Idyolek – bawat indibidwal ay may sariling istilo ng pamamahayag at pananalita na naiiba sa bawat isa. Gaya ng pagkakaroon ng personal na paggamit ng wika na nagsisilbing simbolismo o tatak ng kanilang pagkatao. Ito ay mga salitang namumukod tangi at yunik. Mga halimbawa ng Idyolek:
“Magandang Gabi Bayan” ni Noli de Castro
“Hindi ka namin tatantanan” ni Mike Enriquez “Ito ang iyong Igan” ni Arnold Clavio “Hoy Gising!” ni Ted Failon “Ang buhay ay weather weather lang” ni Kim Atienza “I shall return” ni Douglas MacArthur “P%@#!” ni Rodrigo Duterte
2.) Dayalek – Ito ay varayti ng wika na nalililkha ng dimensiyong heograpiko.
Ito ang salitang gamit ng mga tao ayon sa partikular na rehiyon o lalawigan na kanilang kinabibilangan. Tayo ay may iba’t-ibang uri ng wikang panrehiyon na kung tawagin ay wikain. Meron tatlong uri ng Dayalek: Dayalek na heograpiko (batay sa espasyo) Dayalek na Tempora (batay sa panahon) Ryan Carl C. Alcantara OBTEC 1-3
3.) Sosyolek – na minsan ay tinatawag na “Sosyalek” Ito ay pansamantalang
barayti lamang. Ito ay uri ng wika na ginagamit ng isang partikular na grupo. Ang mga salitang ito ay may kinalaman sa katayuang sosyo ekonomiko at kasarian ng indibidwal na gumagamit ng mga naturang salita. Mga halimbawa ng Sosyolek: Repapips, ala na ako datung eh (Pare, wala na akong pera) Oh my God! It’s so mainit naman dito. (Naku, ang init naman dito!) Wa facelak girlash mo (walang mukha o itsura ang gelpren mo o kaya ay pangit ng gelpren mo) Sige ka, jujumbagin kita! (sige ka, bubugbugin kita!) May amats na ako ‘tol (may tama na ako kaibigan/kapatid o kaya ay lasing na ako kaibigan/kapatid)
4.) Etnolek – Isang uri ng barayti ng wika na nadebelop mula sa salita ng
mga etnolonggwistang grupo. Dahil sa pagkakaroon ng maraming pangkat etniko sumibol ang ibat ibang uri ng Etnolek. Taglay nito ang mga wikang naging bahagi nang pagkakakilanlan ng bawat pangkat etniko. Mga Halimbawa ng Etnolek: Vakuul – tumutukoy sa mga gamit ng mga ivatan na pantakip sa kanilang ulo tuwing panahon ng tag-init at tag-ulan Bulanim – salitang naglalarawan sa pagkahugis buo ng buwan Laylaydek Sika – Salitang “iniirog kita” ng mga grupo ng Kankanaey ng Mountain Province Palangga – iniirog, sinisinta, minamahal Kalipay – tuwa, ligaya, saya