Aralin 4 Tatlong Mukha NG Kasamaan PPT 9

Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 66

Grade 9

Aralin 4 :
Tatlong
Mukha Ng
Kasamaan
Panitikan mula sa Myanmar (Burma)
Paano maiwawaksi sa buhay ng
tao ang tatlong mukha ng
kasamaan — ang kasakiman,
galit, at kamangmangan — sa
batas ng sandaigdigan?
Santiago 4: 14
“Ang buhay ay parang usok lamang,
sandaling lumilitaw at agad
nawawala”
Ang akdang iyong babasahin at pag-
Alam mo ba? aaralan ngayon ay isinulat ni U Nu
(Thankin Nu).
1. Siya ang unang punong ministro ng
Myanmar (Burma) matapos nitong
matamo ang kasarinlan mula sa
bansang Britanya noong Enero 4, 1948.
2. Isinilang sa Wakema, Myaungmya
District, Myanmar, noong Mayo 25,
1907.
3. Siya ay isang anak ng politiko.

4.Nagtapos siya sa unibersidad ng


Rangoon at nagtrabaho bilang guro,
manunulat, at tagasalin ng wika.

5. Siya rin ang nanguna sa pagkakatatag


ng Red Dragon Book Club na naglathala
ng akdang mapanghimagsik laban sa
nasabing pamahalaan.
Ating basahin at pag-aralan ang sanaysay na
kaniyang isinulat upang bigyang-aral ang
mga taga-Myanmar ukol sa kalagayang
sosyal ng kanilang bansa at upang
mabigyang-aral ang mga tao tungkol sa
mukha ng kasamaan sa mundo.
1. KASAKIMAN 2. GALIT/POOT KAMANGMANGAN
ANG MGA BAGAY NA IYON AY
BATAS NG KALIKASAN , KAHIT
ANG ISANG TAO AY NANINIWALA
SA MGA ARAL NI BUDDHA,
MUSLIM, KATOLIKO, O ISANG
ATEISTA .
MAY TATLONG BAGAY
RIN SA DAIGDIG ANG
HINDI KAYANG IWASAN
NG MGA TAO.
Nag-aangkin din ang
isang nilalang ng
limang katangian mula
sa kanyang pagsilang.
Ngunit ang mga angking
katangiang ito ng tao ay hindi
panghabang panahong
mapapanaligan ng tao, sapagkat
ang mga ito ay katulad ng
panahong lumilipas.
HINDI NADADALA NG ISANG
TAO SA KANIYANG LIBINGAN
ANG KANYANG KAYAMANAN.
Sinasabi rin na ang
pagkagahaman ng isang tao
sa kayamanan ay bunga ng
sobrang kasakiman.
Sa batas na makatao ay
sinasabi na ang lahat ng
yamang materyal ay dapat
gamitin ng sinumang tao sa
kanilang pangangailangan.
Ngunit nang makilala ng tao ang
kanyang PAGKAMAKASARILI,
ginamit ang MATERYAL NA
YAMAN sa SARILING
KAPAKANAN na siyang nagdulot
sa lipunan ng maraming bagay
na:
1. Nahahati ang lipunan sa
dalawang klase ng tao:
 Mahirap
 Mayaman
1.
2. Ang mahihirap ay laging umaasa sa
mayayamang may puhunan sapagkat
kalimitan ang isang negosyanteng
nagbibitiw ng puhunan ay laging nag-iisip
kung papaano niya pakikinabangan ang
kanyang puhunan na hindi iniisip ang
kalagayan ng maliliit.
2.
3. Dahil sa pamamaraang ito ng
mayayaman, ang mahihirap ay
laging napagsasamantalahan,
samantalang sila ay nagkakamal
ng yaman.
3.
DAHIL SA
PAMAMARAANG
ITO NG
MAYAYAMAN,
NATUTUTO ANG
MGA MAHIHIRAP
NA GUMAWA NG
KASAMAAN.
4. Sa mga aral ni BUDDHA ay sinasabing may
apat na dahilan kung bakit ang isang nilalang ay
maagang namamatay. Ito ay ang:

 KARMA
 labis na pag-iisip dahil sa kahirapan,
 kakulangan sa pagkain, at
 kakulangan sa buhay na isa sa
pangunahing kailangan ng tao.
4.
Totoo ang paniniwalang ito ni
Buddha,sapagkat abala ang mayayaman
sa kanilang pagbubuhay hari, dahil sa
pagsasamantala nila sa maliliit.
Dahil sa apat na dahilan ay hindi
maiiwasan ng maliliit na magkaroon ng
karamdaman.
GANITO BA ANG BATAS NA MAKATAO,
SAMANTALANG ANG
NAGSASAMANTALA AY NAGPAPASASA
SA PAWIS NG MALILIIT, SILANG MGA
BIKTIMA AY LAGING API?
Dahil sa apat na dahilan ay
hindi maiiwasan ng maliliit na
magkaroon ng karamdaman.
5.

HINDI PAGKAMIT NG WASTONG


EDUKASYON
Ang hindi pagkamit ng
wastong kaalaman ay
siyang dahilan kung
bakit parami nang
parami ang mga uri ng
napagsasamantalahan.
6.
PAANO UUNLAD ANG
BANSA? ANONG
KAISIPANG BAGO ANG
IAAMBAG NG MGA
MANGMANG SA
KAUNLARAN?
 Ang mga sanhi at dahilan ng pagsama
ng daigdig ay nagmula nang
matuklasan ng tao kung paano nila
pagkakakitaan ng ibayong tubo ang
kanilang binitawang puhunan.
PUNONGKAHOY NA
PINAGMUMULAN NG
PANGANGAILANGAN
NG TAO
 Sang-ayon sa alamat noong unang
panahon, lahat ng pangangailangan
ng tao ay nakukuha sa naturang puno,
kaya walang suliranin ang mga
mamamayan sa pagkain, damit, at
tahanan.
Lahat ng pangangailangan ng mga tao ay
nakukuha sa naturang puno, kaya walang
suliranin ang mga mamamayan sa
pagkain, damit at tahanan. Dahil sa bagay
na iyon ay mistulang nasa paraiso ang
mga tao, sapagkat ang punong
Padaythabin ay balon ng kayamanan.
 Dahil sa bagay na iyon mistulang
nasa paraiso ang mga tao,
sapagkat ang punong
PADAYTHABIN ay balon ng
kayamanan .
 Ngunit nakilala ng mga tao
ang kasakiman. Inabuso nila
ang mahiwagang puno .
Biglang naglaho ang puno.
 Mula noon maraming tao ang
nagutom, dahil sa pagkawala ng
mahiwagang puno. Nakilala ng
mga tao ang krimen. Natuto
silang pumatay at magnakaw.
 Ngayon ay maihahambing natin
ang punong PADAYTHABIN sa
kayamanang likas sa ating
bansa, sa ating paligid, at ilalim
ng lupain.
 Kung ang bawat likas na yaman ng
ating bansa ay gagamitin sa
kapakanan ng mga nakararaming
mamamayang nangangailangan
siguro’y walang taong magugutom,
pumapatay o mababawasan ang
kasamaan ng sangkatauhan.
 Ngayon ay hindi na ganito ang larawan ng
sangkatauhan. Ang dahilan, nakilala ng mga
tao ang kasakiman.
 Ang maraming mahihirap ay nangangarap na
yumaman.
 Ang maraming mayayaman, patuloy pa ring
nangangarap na magkamal nang katakot-
takot na yaman na walang katapusan.
 Ganito ang batas ng tao sa
kanyang sarili dahil sa kasakiman
sa pagkakamal ng materyal na
bagay, kahit para silang lintang
sumisipsip ng dugo sa kanilang
pinagsasamantalahan.
 Ang mga dahilang ito marahil ang sanhi kung
bakit may mayayaman sa kasalukuyan na
hindi kayang ubusin ang naipong mga yaman
kahit sampung ulit silang mamumuhay sa
daigdig.
 Samantalang ang mga biktima ng tatlong
mukha ng kasamaan ay mistulang basahan
ang saplot sa kanilang katawan.
ISTASYON NG KARUNUNGAN

PANGKATANG GAWAIN
MARAMING
SALAMAT!

CREDITS: This presentation template was created by Slidesgo, and


includes icons by Flaticon, and infographics & images by Freepik

You might also like